CHAPTER 16

"Lou bibili lang ako saglit, tawagan mo nalang ako pag meron na si doc" paalam ko kay Lou na tinanguan niya lang

Lumabas na ako at nagtungo sa pinakamalapit na bilihan, ginutom kasi ako.

Tinakbo namin si Enlil dito sa ospital, hindi man lang kasi nagsasabi na may tama pala siya ng baril. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala.

Bumili lang ako ng juice at biscuit. Palabas na ako ng convinience store ng bigla kong nakita si Morgan, pagkapasok niya at sakin agad napunta ang tingin niya.

Nagtaka pa siyang tumingin sakin bago ako lapitan

"Cia, ano ginagawa mo dito? It's almost 3 in the morning"

Napakamot ako sa ulo at tumingin tingin sa paligid, baka sakali makakuha ako ng isasagot kay Morgan.

Ano naman sasabihin ko? Na andito ako kasi nabaril si Enlil na CEO ng Chen corporate? Ano nalang iisipin niya?

"Ahhh hehe. Ano... ano kasi..." Napakamot ako sa kilay at hindi makatingin tingin sa kanya, kailangan ko umisip ng palusot "May part time kasi ako as baby sitter, nagkasakit yung alaga ko kaya andito ako para bantayan siya" palusot ko sabay ngiting galing sa kaba

"Ganon ba? Tara samahan na kita"

Nanlaki ang mata ko at pinigilan siya

"Hindi, Morgan. May bibilhin ka pa diba? Ayos lang ako"

"Oo, bibili lang sana ako ng band aid. Samahan na kita"

"Hindi na Morgan. A-ano kasi... kasama ko si Lou"

"Ahh ganon ba?" parang malungkot na sabi niya pero naka ngiti parin siya. Parang pinagsisisihan ko na agad yung desisyon ko, kung sana lang talaga na alaga kong bata ang nakaconfine hindi ko siya pipigilan, kaso isang demonyong Chen ang nakaconfine eh.

"Sige, mag ingat ka. Tawagan moko pag may kailangan ka" sabi niya at ginulo pa ang buhok ko bago ako lagpasan papasok

Napabuntong hininga nalang ako lumabas na doon.

Sa paglalakad pabalik sa ospital ay natanggap ako ng text kay Lou.

Napabuntong hininga nalang ulit ako at hindi na nagreply. Binilisan ko nalang ang paglalakad para makarating agad sa ospital.

Pagkarating ay nagderetso ako sa Doctor

"You are...?" Tanong ni doc sakin

Napangiwi ako dahil hindi ko alam ang sasabihin, alangan namang sabihin kong asawa ko si Enlil... sa papel.

"Close friend po ako ni Enlil" naningkit pa ang mata niya sakin bago tumango tango kaya nakahinga ako ng maluwag

"Kamusta po siya doc?"

"He is fine, he just lost too much blood from his gun shot. Mabuti nga at naipunta niyo siya agad dito sa hospital or else it might cause him in critical condition"

Napahinga ulit ako ng maluwag, buti naman hindi siya critical

"He will be unconscious for days or a week, he need rest in order for him to gain back his strength"

"Sige po, salamat doc"

Pagkaalis sa opisina ni doc ay nagderetso ako sa kwarto ni Enlil

Pagbukas ng pinto ay nakita kong hawak hawak ni Lan ang kamay ni Enlil

Ano ginagawa niya dito?

Masama ang tingin niya sakin, kung legal lang ang pumatay sigurado akong mauuna na akong magiging bangkay kesa kay Enlil, sa tingin palang ni Lan alam ko ng gusto na niya akong saktan.

"You, again? Ha! How shameless you are" binitawan niya ang kamay ni Enlil at tumayo paharap sakin

"Since you existed in our world, you caused nothing but pure trouble. Can you just stay the fuck away from us?!" Inis na sigaw niya sakin

Hindi ako makasalita dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung maiinis ba ako dahil nakita kong hinawakan niya ang kamay ni Enlil, kung magagalit din ba ako lagi nalang ako ang sinisisi niya.

Kung malulungkot ba dahil alam kong tama siya o kung kakabahan dahil sa hindi malamang dahilan.

"Does it feel good? Are you satisfied? Does enlil's life matter to you? Or you just want money"

"Lan... ayoko makipag away sayo"

"Oww wow!" kunyaring hindi makapaniwalang sabi niya at tinignan ako ng seryoso "How much money do you need? Just go away"

"Hindi ko kailangan ng pera-"

"Isn't that the reason why you're sticking with Enlil? Not to mention even Dean and Qin, you've been diseasing them"

"Hindi ko sila hinahawaan ng sakit Lan, wala akong sakit"

Hindi siya nagsalita kaya naglakad na ako palapit kay Enlil, pero bago pa man ako makalapit ay pinigilan ako ni Lan

"Can't you see? You've done nothing right, how can you still think that everything is going to be okay after this incident?"

"Lan may alam ka ba sa nangyari?"

"Of course. You, do you why is this happening?"

"H-hindi"

"Right, it's all because of you. You dipshit!"

A-ako?

MORGAN'S POV

"Hi, may nagngangalang Ciarra Flínch ba ang dumadalaw dito?" Tanong ko sa may information

Hindi kasi ako naniniwalang bata lang ang binabantayan ni Cia dito.

She's been gone for days, exempted din sila ni Lou for this school year. Our adviser said she's in something serious situation, pero bakit andito siya sa ospital?

Na ospital ba ang mama niya? But that's not enough reason for her and Lou to exempted.

Ever since we came back from that tour, she doesn't give a shit about what's happening around her anymore

"Mr. Lim I think we have a misunderstanding, your brother should be the one who's present" halatang dismayadong sabi ni Mr. Jason

"My brother is busy, father ordered me to come instead of him. I'm just obeying my father Mr. Jason"

"If that's the case, I might as well cancel this meeting. I'm so sorry for wasting your time Mr. Lim"

"It's okay, I don't like having this conversation, to be honest"

"HA! HA! HA! You're funny"

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. In that moment we heard a knock on the door.

"I think that's the food" Sabi ni Mr. Jason

Isa sa tauhan niya ang nagpunta para icheck ang pinto.

"I ordered food just in case this conversation might go longer than expected" paliwanag niya

"How funny, this conversation got shorter than expected. I'm going, thanks for the time"

Tumayo na ako at naglakad palabas, nasalubong ko pa yung tauhan niyang kumuha ng delivery.

Pagkalabas ay nakita ko si Cia, I'm pretty sure that's her. She's still wearing her uniform.

Out of curiosity, I followed her. So siya yung nagdeliver? I just know she has a job, I don't really know what job it is.

Napatago ako ng wala sa oras nang bigla siyang humarap patungo sa dereksyon ko kanina.

She doesn't seem to know I'm following her. But why did she...

Nagsimula siyang maglakad ng mabilis pabalik kung saan siya dumaan kanina.

TOP 3...

May connection ka ba sa top 3 cia? Nakita ng mismong mata ko, TOP 3 isn't that approachable

They doesn't talk with random people, kung hindi ka mahalaga para sa kanila, wala silang pakealam sayo.

Enlil is intimidating, from inside to outside. Naging normal na sa kanya ang pagiging nakakatakot, but that's not just it, hindi mo rin gugustuhing kalabanin ang isang Enlil Chen. Nobody ever tried to fight with him, you'll end up in a coffin, pwede ding sa ilalim ng lupa nalang.

Qin Lu and Dean Lee is also terrifying, hindi man nakakatakot ang aura nila pero trust me, they're not that good. Enlil may be brutal, but this two is more.

Ayokong may kung ano mang connection ang mabuo between sa top 3 at kay Cia, even Lou.

They're not safe. I've seen those three demons kill tons of people brutally, I just don't want cia to get involved with anything.

"Sir meron po, sa room 56 po siya pumupunta"

Tumango lang ako at nagderetso doon.

Pagkatapat sa pinto ay sumilip lang ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

It was Enlil, what happened to him? Nakita ko ding nag-uusap sila Qin at Dean, andun din si Lan nakaupo sa may sofa.

Pero walang cia...

Why would cia visit Enlil?

So that means they already have connection? No wonder Aria and Vera disappeared after that incident.

I'm always watching you cia, but in this situation I can't even see you.

CIARRA'S POV

"All you need to do is vanish. Huwag kana magpakita pa samin"

"You're not helping bitch!"

"You're just making every situation worst"

Napabuntong hininga nalang ako. Ganon na ba kalala ang nagawa ko?

Ang bigat sa pakiramdam, hindi ko alam kung ano ang dahilan. Kung dahil ba alam ko sa sarili kong dahil sakin nabaril si Enlil o dahil sa mga pinagsasabi ni Lan.

Parehas lang din naman, pero bakit kailangan maging ganito pa ang sitwasyon? Hindi ko maalalang nag-apply ako para sa isang fiction story based in real life.

Gusto ko kunin si mama at lumayo nalang sa lugar na 'to.

Nilabas ko ang cellphone ko at tatawagan ko sana si Qin pero hindi ko alam ang number niya, pati si Dean. Hindi ko pala nakuha

Ibabalik ko na sana sa bag yung cellphone ko pero nakatanggap ako ng text message.

This is Qin, where are you?>

Nabasa ko yung message niya pero parang walang pumasok sa utak ko, wala akong naintindihan. Ang iniisip ko lang ngayon, gusto ko na lumayo.

Tinawagan ko yung number, agad naman itong sumagot

[Cia where are you?]

"Pwede ko bang makita si mama?"

[What?]

"Sabi ni Enlil, nilipat daw sa bahay niyo si mama. Gusto ko siya makita"

[Cia...]

"Bakit?"

[I sent your mom overseas]

Maiiyak ba ako o maiinis?

Napangiti nalang ako at pinatay na ang tawag.

Pft. May ganito palang pakiramdam, sa sobrang hindi mo na malaman kung ano ang nararamdaman mo, gusto mo nalang tumawa ng malakas.

Yung sobrang lakas na gusto mo nalang iumpog yang ulo sa semento.

Pati ba naman si mama, si mama nalang meron ako.

Sinubukan kong tawagan si mama pero hindi siya sumasagot, unavailable din yung number niya.

Ano na gagawin ko?