CHAPTER 15
CIA'S POV
Nakatunganga lang ako dito sa kwarto habang iniisip yung nangyari kaninang tanghali.
Hinalikan niya ako...
Hinalikan niya ako malapit sa labi!!!!!!
"AAAAAAAHHHHHH! BWISIT KA ENLIL!" Inis sa sigaw ko at nagpagulong gulong sa kama
Eto na ba yung part na mafafall yung cold na ML sa FL? Eto na ba yung part na may nararamdaman na yung ML sa FL pero ayaw aminin ni ML dahil mapride siya?
Napatampal nalang ako sa noo, ano ba pinag-iisip ko?
"I'm abstinent Cia, some girls try hard because they want to prove me, a girl like them can take my abstinence away"
Ibig sabihin ba niya may mga babaeng na ano na siya? Yung ano, yung ginagawa ng mag-asawa?
"How come your pout looks more seductive than girls stripping in front of me?"
Bakit parang mas concern pa ako sa mga babaeng naghuhubad sa harap niya? Disappointed ba ako dahil may ibang babae na siyang-
Pero impossible, he's abstinent hindi siya makakaramdam ng ganon kahit anong gawin ng babae, pero kung abstinent siya... bakit naakit siya sa-
Tama na nga Cia!
Nasa ganong posisyon ako nung bumukas ang pinto, sana pala naglock ako ng pinto.
Pumasok si shin hawak hawak ang White board niya na may nakasulat na
"Can I sleep here tonight?"
"Ayan lang pala, halika tabi tayo" ngumiti siya at tumakbo palapit sakin
Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako
DEAN'S POV
"Where the hell is Enlil?"
"Calm down Qin, he'll be in reach. Let's give him a little more time"
Sinubukan ko ulit na tawagan si Enlil pero out of reach parin.
Asan kaba Enlil?
"What the fuck is happening?" galit na tanong ni Jorah pagkapasok dito sa headquarters
"Why are you meddling?" -Qin
"Why not?! They fucking blew up one of my beach house"
Beach house...
On point when I received a call from Enlil
"Fuck Enlil, where are you?!"
"Enlil! What the fuck is happening?!" Jorah shouted
"Shut up Jorah" -Qin
[Get the fucking group Dean, they're here] he said and ended the call
"What did he say?" -Qin
"Jorah you said, they bombed your beach house?"
"Yes! Fucking hell Dean, luckily no one got hurt" -Jorah
"They're in danger"
"Who?" -Qin/Jorah
"Cia, Enlil, Shin and Lou. They are all in the beach house, Enlil called to get the group"
"How are you sure they're there?" Jorah ask with so much concern
Is he concerned that Enlil is in danger or someone else?
"Because we know, now call your group and let's head there"
CIA'S POV
Dahan dahan akong bumangon para hindi magising si Shin, tulog na kasi.
Isasara ko sana yung ilaw kaso biglang pabalibag na bumukas yung pinto.
Napatalon ako sa gulat, putangina yung puso ko nahulog na ata sa pwetan ko.
"Stay here, whatever happens" napatingin ako kay Enlil
"Lou?" takang tanong ko nung makitang hila hila siya ni Enlil
"Anong nangyayari?" tanong ko habang nakatingin sa kamay ni Enlil na nakahawak sa pulsuhan ni Lou
"Never leave this room, you got me?" sabi pa ni Enlil pero nakatitig lang ako sa kamay nila
"Cia!"
"Ah, huh?" bwisit ano ba nangyayari sakin?
"You got me?!" sobrang seryosong singhal niya sakin
"Ah- oo, oo naiintindihan ko" sabi ko nalang kahit hindi ko alam kung ano yung sinabi niya
"OK" sabi lang niya at nagmadaling lumabas, ni lock pa niya ang pinto
Napatingin ako kay shin, buti nalang hindi siya nagising.
"May problema kaya?" biglang tanong ni Lou
"Bakit? Ano nangyari?"
"Hindi ko alam, bigla nalang siyang pumasok sa kwarto ko, hinila ako papunta dito at umalis"
Eh?
May nangyayari kaya?
"May kinalaman kaya 'yon sa narinig ko kanina sa labas?"
"Ano narinig mo?"
"Kaluslos, parang may mga tao sa labas"
"Gaga, baka ligaw na hayop lang mga 'yon"
Nagkibit balikat lang siya at naupo sa sofa.
"Magpapanic na ba tayo?" bored na tanong niya habang nakatitig kay Shin
"Siraulo kaba? Bakit naman tayo magpapanic?"
"Kasi diba sa mga fiction kapag ganitong scene na nagmamadali yung lalaking pagsamahin yung mga nasa bahay, it means may mangyayaring masama at gusto niya iligtas sila without them knowing na may nangyayaring masama?"
"Nasobrahan ka lang sa pagbabasa Lou, halikana dito tabi na tayong tatlo, malaki naman tung kama"
Kasabay ng pagtayo ni Lou ay ang pagputok ng baril, sabay kaming napaupo sa sahig ni Lou.
"Sabi na sayo may nangyayaring masama eh" panic na sabi ni Lou at gumapang palapit sakin
A-anong nangyayari?
Kabadong kabado kami ni Lou habang parehas na nakaupo sa tabi ng kama, sinilip ko si shin na mahimbing padin ang tulog.
Naupo ulit ako at tumingin kay Lou "Kunin natin si Shin"
"Sige sige"
Dahan dahan kaming tumayo at dahan dahan ding lumakad palapit kay Shin
"Dali bitbitin mo na, titignan ko kung may umaakyat sa bintana"
Maingat kong kinarga si Shin para hindi magising, pagkakarga kay Shin ay kinalabit ko agad si Lou.
"Sa may walk-in-closet tayo dali" mahinang sabi niya
"Bakit?"
"Sa mga ganitong sitwasyon alam na nila na sa CR tayo nagtatago"
"Paano mo nalaman?"
"Nabasa ko!" mahinang singhal niya
"In real life mas chinicheck nila ang closet bago ang CR"
"Hindi, in real life CR ang unang ichecheck nila, minsan hindi nga nila papansinin ang closet"
"Kasi hindi naman walk-in-closet mga 'yon, basta may pinto papasukin nila' yon"
"Edi saan tayo magtatago?"
"Hindi ko alam, hindi ko naman kabisado tung Beach house na 'to"
"Sa silok-"
"Maysadong common yang silok ng kama Lou, maghanap nalang tayo ng mas safe na tataguan, yung kakasya tayong tatlo"
"Sige"
Habang naghahanap kami ni Lou ng ligtas na tataguan, mas lalong dumarami ang naririnig naming putok ng baril.
Hindi ko alam ang nangyayari pero sa putok palang ng baril sobra sobrang kaba ko na. May kasama pa kaming bata ni Lou kaya hindi ako pwedeng maging tanga tanga dito.
"Cia..." tawag sakin ni Lou, pag tingin ko sa kanya ay sinenyasan niya akong pumunta doon kaya agad akong nagpunta
"Bakit?"
Nginuso niya sakin ang medyo malawak na compartment "Si shin, itago natin si Shin dito"
"Gago ka ba? Hindi siya makakahinga"
"Malawak ang space, ipagilid natin si shin at wag nating isara, ibukas natin ng konti para makapasok ang hangin"
Nagdadalawang isip man ay ipinahiga ko si Shin sa pinakadulo para kahit nakabukas ng konti ay hindi siya kita
"Paano pag pumasok sila dito? Hindi ba masyadong halata na bukas ito ng konti?"
Kinuha niya yung ironing clothes at nilagay sa tapat nito
"Ayan hindi na halata, tara maghanap tayo ng pagtataguan natin"
Mabigat at malalim ang paghinga ko, habang naririnig ko ang putok ng mga baril ay hindi ko alam kung paano kumalma.
Nakita kong may space sa midi bookshelf na may cabinet kung saan nakapatong yung flat screen TV. Kakasya naman kami ni Lou dito, isisiksik lang namin sarili namin. Ang mahalaga makahinga kami
Tinawag ko si Lou at itinuro yung space na nakita ko
"Ayos na yan, maging ligtas lang" sabi niya at nauna ng isiniksik ang sarili
Hindi masyado halata dahil sa mga halaman at librong nakapatong sa shelf. Nilagyan ko muna ng harang sa tabi ni Lou para hindi makita yung likod niya, pati rin sa may side ko. Sumunod akong sumiksik sa tabi niya
Hindi komportable dahil masikip, kailangan ding magkaharap kami kasi hindi na Kakasya ang paa namin. Sakto lang para saming dalawa ni Lou yung space.
Sa ganitong sitwasyon ba naman aarte ka pa?
Ilang minuto kaming nakatago ni Lou sa space na 'yon nang biglang tumalsik yung pinto, literal na tumalsik yung pinto!
Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Lou, sinilip ko yung space kung asan si shin, sana hindi nila makita si Shin.
Pumasok ang limang matatangkad na lalaki, may apat na malalaki ang katawan at ang isa ay parang boss.
May piercing sa tenga at gilid ng labi, may tattoong dalawang kamay, yung isang kamay ay nakahawak sa espadang nakatusok sa isang kamay. May nakasulat din pero hindi ko mabasa
"Search for the girl" Sabi nito at tumingin tingin sa paligid
Girl? Sinong girl? Ako ba o si Lou? Napatingin ako kay Lou na tinuturo ako.
Ako?! Bakit ako?! Wala naman akong maalalang nakaaway o ano, na lalaking may tattoo sa kamay.
Naglakad lakad siya habang yung ibang lalaki ay pinasok lahat ng pwede nilang pasukin. Tumapat yung lalaki sa may walk in closet
"I know you're here somewhere little girl" sabi niya at biglang humarap paharap kung saan kami nagtatago ngayon ni Lou
Sa maikling oras parang hindi tumibok yung puso ko, mabuti nalang hindi niya kami nakita.
Kinalabit ako ni Lou kaya napatingin ako sa kanya. Nilabas niya ang cellphone niya at may tinype, pagkatapos ay pinakita niya sakin
"Kamukha niya si Enlil, I mean magkahawig sila" napatingin ako sa kanya, tumango tango siya na para bang siguradong sigurado siya sa nakita niya.
Hindi ko masyado nakita yung mukha, dahil sa sobrang panic ko na out of focus yung mata ko, naging blur yung paningin ko
"Sir, wala"
"Are you sure?"
"Yes sir, tinignan na namin lahat ng pwede niyang pagtaguan, pero wala"
"Goddammit!" Inis na singhal niya at sinipa yung sofa
"Search this whole fucking house" sabi pa niya at sinipa ulit yung sofa
Lalakad na sana yung mga tauhan niya pero may biglang pumasok
"Do you have any warrant for searching and invading our property?"
Boses ni Enlil, napatingin kaming dalawa ni Lou sa may pinto, nakita naming nakatayo si Enlil, kasama niya sila Dean, Qin at... ano na nga pangalan niya? Jordan?
"I went here for a surprise, I wanted to surprise ya'll" sagot naman nung may tattoo
"By bombing Jorah Lim's Beach house and invading our beach house?" -Dean
Ahh Oo! Jorah pala.
"You son of a bitch!" -Jorah
"Easy, that's my surprise so be grateful" -Yung lalaking may tattoo
"For what zellal?" -Enlil
"For bombing my property?" -Jorah
"For invading our property?" -Dean
"Or for causing a gun fight just so you can fed up your satisfaction with blood?" -Qin
Ano ba tong napasok namin ni Lou? Nagsisimula na akong matakot dito sa sitwasyon.
"Chill guys, this isn't the worst, if I can't have what I want... expect the worst to happen"
"What the hell do you want Zellal?" -Enlil
"I just want to say hi to your girl, where is she?"
"Fuck you. She's not here" -Enlil
"You're hiding her, aren't you? I'm not gonna harm her Enlil"
"Nahh, get lost" -Enlil
"I don't take commands from other"
"I'm not commanding you, I'm giving you another chance" -Enlil
"A chance?"
"Yeah, to live"
Pagkatapos sabihin ni Enlil 'yon ay nagsitutukan sila ng baril.
Totoo ata yung sinabi ni Lou kanina, impossibleng business lang ginagawa ng mga to. Siguro business din pero hindi pangkaraniwan
"Just go zellal" -Qin
"You won't find her here, she's not here" -Dean
Mukhang nagdadalawang isip pa yung zellal daw bago Inis na tumingin kay Enlil
"I'll get her next time" sabi niya at sinenyasan yung mga tauhan niyang ibaba ang baril nila.
Naglakad na siya paalis sa kwarto.
"Cia... Lou..." tawag samin ni Dean nung masiguro nilang wala na yung limang lalake
Tatayo na sana ako pero biglang tinulak ni Lou tung cabinet na pinagtataguan namin. Napatingin sila samin pero hindi ko na sila pinansin at tumakbo papunta kung saan si Shin.
Sinipa ko yung ironing board at binuksan yung compartment, nakita ko si shin na mulat na mulat ang mata.
Hindi ko alam kung takot siya, galit o malungkot. Kinuha ko siya ang niyakap
"Ayos ka lang?" tanong ko
Naramdaman ko siyang tumango kaya nakahinga ako ng maluwag
"Hayop na'to!" biglang umiiyak na sigaw ni Lou at pinagsisipa kung ano ang makita.
"Lou..." -Qin
"Huwag mokong malou-lou diyan sir Qin! Hindi mo alam kung gaano ako katakot para kila Shin at Cia habang busy kayo sa pakikipagbarilan diyan sa labas!" sigaw niya habang dinuduro duro si Qin
Lou...
Tinakpan ko ang tenga ni Shin pero tinanggal niya lang 'yon at tumakbo papuntang CR.
"Lou..." lumapit ako sa kanya at niyakap siya "Tahan na"
Maski ako ay natakot at kinabahan, gusto ko man ding magalit at mainis ngayon pero hindi ito ang tamang panahon, kailangan ako ni Lou.
"Lou we're so sorry-"
"Salamat dahil niligtas niyo kami na appreciate ko 'yon! Pero PUTANGINA, sana naman nasabihan kami na may gantong mga pangyayari! Para naman aware kami ni Cia kung ano ang dapat naming gawin! Kasi PUTANGINA ulit, ayaw pa naming mamatay!"
Niyakap ko nalang ng mahigpit si Lou.
Hindi ako iiyak...
Hindi ako iiyak...
Hindi ako iiyak...
Kailangan ako ni Lou, hindi ako iiyak...
Saaming dalawa lagi nalang akong ipinaglalaban ni Lou, kaya gusto ko sa ganitong sitwasyon kailangan kong maging matatag dahil kailangan niya ako.
"Ipapaliwanag namin ang nangyayari, pero bigyan niyo kami ng time" -Dean
"Aba dapat lang! Kasi hindi na namin alam ang gagawin namin ni Cia"
Napabuntong hininga silang tatlo habang si Enlil ay namumutla, nakatayo lang siya sa gilid at para bang nahihilo siya
Tahimik ang buong paligid nang bigla nalang natumba si Enlil
"Enlil!"