Chapter Three:That Girl
"Listen to the advice of your own Destiny! All is a given!"
―Sorin Cerin, Wisdom Collection:The Book of Wisdom
Carlos Miguel’s POV
"Hello, Rand!" Galit na sagot ko sa pinsan kong tumatawag sa cellphone ko. Nasa loob ako ng kotse ko at kasalukuyang nagdedesisyon kung babalik na lamang sa aming ancestral house o sa Paulina Mart Caloocan. Nawalan na ako ng ganang mag-ikot sa building.
Rand was asking me to look around this new branch of Paulina Mart and then he wanted me to give my opinion about it. Pero iyong TheDesire pa lamang ang napuntahan ko at dahil sa nangyari kanina ay tinamad na akong pumasyal sa iba pang bahagi ng department store.
Maganda ang puwestong iyon. Maganda rin at sexy iyong bagong coordinator ng Dress to Impress na ngayon ay TheDesire na nga ang pangalan. Hindi na ako nagtaka kung bakit agad na naging TheDesire ang pangalan ng dress section ng bagong Paulina Mart.
My cousin must really loved the former owner of the boutique. At balita ko pa TheDesire na rin ang magiging pangalan ng lahat ng dress section ng mga susunod pang Paulina Mart.
Holy crap! It looked like my oldest cousin had finally met his match. It's no wonder she was the topic of the gossip in Caloocan branch pagkaraang dumalaw ang mga ito doon. Sayang nga lang at wala ako nang dumalaw ito kasama si Kuya Edrick.
She has large dark eyes na parang alangan sa maliit at matangos na ilong ngunit bagay na bagay naman sa mukha nito. A little bit full lips that make her face captivating whenever they form into a smile. She was not very tall but she had a body worthy of a cover for FHM.
What the f...! Malakas kong ipinilig ang ulo ko nang mapagtanto ang tinutungo ng utak ko. For God's sake, why was I thinking of Desiree? She was Kuya Edrick's girl. Erase, erase, utos ko sa utak ko.
Kunsabagay hindi naman siguro masama. I was just appreciating beauty. Ganoonpaman, I shifted my thoughts to safer ground.
TheDesire itself was classy, elegant and trendy. Halatang pinag-isipang mabuti ang pagkakaayos. Hindi ko lang type 'yong mga uri ng damit na tinda. Napabuga ako ng hangin nang maaala 'yong damit na nagustuhan ng pinsan kong si Hanna. Dumilim ang mukha ko. Hindi ko mai-imagine kung ano'ng magiging itsura niya kapag sinuot ang damit na iyon.
Tinakpan ngang mabuti ang braso dahil long sleeve ngunit ibinuyangyang naman ang mga hita. Hindi ko maintindihan ang mga uri ng damit na nauuso ngayon sa mga kababaihan. Lalo na sa mga kabataan. Parang gusto nang ibalandra ang kaluluwa nila. I would never glance at my cousin if she ever wore that kind of clothing.
"Kuya Miggy." Tawag ni Rand sa'kin dahilan kung kaya nabalik sa kasalukuyan ang utak ko. Oo nga pala nasa kabilang linya ito. Kung saan-saan na napunta ang isip ko. May sinasabi pala ito. Kaya lang ay agad kumunot ang noo ko doon sa tinawag sa'kin.
"I told you to stop calling me that," asik ko rito. Lalo lang lumukot ang mukha ko nang marinig ang pagtawa nito sa kabilang linya.
"Sorry naman, insan. Nasanay lang. Ano ba kasing masama sa Miggy? Cute nga eh," anito habang tumatawa. I pursed my lips. Kung kaharap ko lang itong pinsan kong ito malamang nabatukan ko na.
"Asan ka ba kasi? Bakit maski anino mo ay hindi ko matanaw?"
"Nasa labas. Sa kotse ko," maikli kong sagot.
"Ano'ng ginagawa mo dyan? Pumasok ka rito. I asked you to look around and give your opinion about everything in my department store. "
Tingnan mo 'to. Tinawag pa akong kuya. Kung makautos naman ay wagas. "Tinatamad na'ko. Balik na 'ko ng Caloocan. Meron din naman akong department store na dapat patakbuhin at bantayan kung naaalala mo," sarcastic kong sagot.
"Come on. Ano ba'ng nangyari? Saskie said you've been to TheDesire already. Dumeretso ka na dito sa grocery. Bisitahin mo ang Meat Shop, ang Fruit and Vegetable Area, pati na iyong Toy Section. I need your brilliant ideas here, insan. At huwag kang aalis nang hindi alam ni Mama. She was expecting you at the dinner party."
Napapikit ako nang maisip si Tita Suzanne. Oo nga pala mahigpit ang pangungumbida nito sa Thanksgiving party mamya. Tiyak na magtatampo iyon kapag hindi ako nagpakita. Daig pa naman niyon 'yong teacher ko noong elementary kung mag-roll call.
"Insan, you promised..." untag pa rin ni Rand.
"Oo na, oo na!" Napapabuntunghiningang sagot ko sa pangungulit nito.
"Thanks, Kuya Mi... este, insan. I owe you one." Bago pa ako makasagot ay t-in-urn-off na nito ang cellphone. Madilim ang mukhang ibinaba ko 'yong akin sa cellphone holder ng kotse.
Alam kong hindi pagkakamali 'yong muling pagbigkas niya sa nickname ko noong bata ako. Pang-asar niya talaga iyon sa'kin lately. Alam niyang ayaw na ayaw kong tinatawag ako ng ganoon. Kahit naman noong bata ako I hated that nickname.
Kung bakit naman my mother loves to call me that. Hindi bale na nga sana kung si Mama na lang ang tumawag sa'kin ng ganoon hanggang ngayon eh. At least Mama ko siya. At alam kong lambing na lang niya ang pagtawag sa'kin ng Miggy. Kaso nakisabay naman itong mga pinsan ko. At ginawa pang pang -asar sa'kin. Mabuti pa ay hindi ko na lang sila pinagbawalang tawagin ako sa palayaw ko. Noong pinagbawalan ko kasi ay tila mga nananadya naman.
Sinulyapan ko 'yong bahagi ng damit kong nabasa kanina. Mabuti naman at tuyo na. Dumilim na ulit ang mukha ko. That girl. I knew at once she was a saleslady at the boutique. She wore the same uniform like that of Desiree's.
Well, it seems like there's really something that I need to report to Randall. After all, he was asking for my opinion. Dapat niyang malaman ang naging attitude ng isa niyang saleslady. Though of course it wasn't entirely her fault. It was my fault, too. Busy ako sa kakatingin sa paligid kaya hindi siya masyadong napansin.
By the time I noticed her she had already slammed her soft body into mine. At imbes na mag-sorry at magpasalamat sa'kin sapagkat napigil ko ito sa pagtilampon ay galit pa ito. Granted, she didn't know me pero dapat inisip niyang isa akong customer na dapat niyang istimahin nang maayos. And she even called me stupid jerk. That saleslady needs more training in customer service or mas mabuti siguro kung sesantehin na lang at humanap ng kapalit.
Walang gana akong bumaba ako ng kotse at muling pumasok sa department store. Dere-deretso ako sa grocery area. Kung bakit naman hindi ko napigilang mapalingon sa TheDesire. Nasa bungad kasi ang boutique. Awtomatikong bumagal ang paglakad ko nang matapat dito. Tila may sariling isip ang mga mata kong hinanap 'yong babaeng nakabangga ko kanina.
My eyes roamed the inside of the TheDesire. And there she was talking to one of the male customers. Then she smiled. Ewan ba at kusang huminto ang mga paa ko sa paghakbang. Her face seemed to come alive. I watched as she seemed to be explaining something to the customer who was staring at her.
Hindi naman yata interesado sa ipinapaliwanag niya kundi abala sa kakatitig sa kanya. Tss. She has a light make up and a pink lipstick. Her gray fitted skirt reaches above her knee. It shows smooth white legs. She's beautiful and with a body to die for.
I continued watching her. For some reason, I coudn't take my eyes off her. Gusto kong panoorin ang mga pagbabago ng ekpresyon sa mukha niya habang nakikipag-usap sa customer. Mayamaya ay kinuha na ng lalaki ang pantalon na napili nito at dumeretso sa cashier upang bayaran iyon. Ngayon ay maayos naman niyang ibinabalik ang mga pantalong pinagpilian sa rack.
"Insan!" Napapitlag ako sa malakas tawag na iyon ni Randall. Naroon ito sa bukana ng grocery area at kinakawayan akong lumapit. Mabilis akong naglakad palapit rito habang iniisip kung bakit ba kanina pa ako nakatayo doon. Tss. It was that girl.
***