PSZM 4
NAIINIS na pabalik-balik sa paglalakad si Amary sa loob ng kwarto ni Zarchx. Mula kasi ng gabing nagkasagutan silang dalawa ng lumabas siya ng hindi nagpapa-alam dito ay kumuha ito ng mga tao na magbabantay sa kaniya na wag lalabas ng bahay hangat hindi nito sinasabi.
Nagalit niya na naman kasi ito ng umalis ulit siya ng hindi nagpapaalam para bumili ng grocery dahil busy lahat ng katulong sa paglilinis ng buong Mansion, kaya sa pangalawang beses sinabi nito na hindi siya pwedeng lumabas ng hindi nagpapaalam. Kumuha ito ng magbabantay sa kaniya na hindi siya makakatakas dito. Anim na lalaki ang kinuha nito at hindi niya ito nakikitang isang simpleng lalaki lang dahil sa mga ayos nito na hindi naman mukhang bodyguard dahil mas mukha pa itong goons.
Masaya na sana siya nitong nakaraan ng tatlong araw na namalagi sa Mansion ang Lolo ni Zarchx dahil ramdam niya ang pag-aalaga nito sa kaniya at nakikita niyang sweet ito sa kaniya kahit na palagi siyang sinasampal ng katutuhanan kapag silang dalawa na lang ang magkasama na lahat ng iyon ay puro pagpapanggap lang.
Gustong-gusto niya ng makalabas dahil ilang linggo na siyang nakaburo sa loob ng bahay, maging ang pagtungtong niya sa garden ay hindi siya pinayagan ng mga tauhan ni Zarchx dahil iyon ang utos ng asawa.
May usapan sila ng kaibigang si Amber na magkikita ngayon dahil kaarawan nito, hindi na nga siya na ngako dito na makakadalo siya pero sinusubukan niyang makapunta dahil mahalaga ang araw na ito para sa kaniyang kaibigan.
“Bakit ganiyan ang ayos mo?” Napatigil siya sa paglalakad ng marinig niya ang baritonong boses ng kaniyang asawa ng pumasok ito sa kwarto. Talagang hinihintay niya ito para magpaalam na dadalo siya sa kaarawan ng kaniyang kaibigan. Hindi siya sigurado kung papayagan siya nito pero wala namang masama kung susubukan niya.
Nakayukong nilapitan niya ito, hindi siya nito tinapunan ng tingin kahit na ramdam nito na nasa tabihan na siya. “L-leon, gusto kung lumabas...” Napalunok siya. “Kahit ngayon lang Leon, pagbigyan mo na ako. Birthday ni Amber ngayon gusto ko sana siyang batiin ng –”
“No.” Madiin nitong ani. “Just call her and greet her over the phone.” Dagdag pa nito. Hinubad nito ang suot na relos at bracelet bago hinubad ang suot na coat.
Bakas sa mukha ni Amary ang pagkadismaya sa narinig nito sa asawa, tanda na ayaw siya nitong palabasin ngunit gustong-gusto niyang batiin ng personal ang kaibigan at dahil gustong-gusto niya na ring makapamasyal kahit saglit dahil kaunting-kaunti na lang ay baka masiraan na siya ng ulo na palagi lang siyang nasa silid.
“G-gusto ko sana siyang batiin ng personal, please... Kahit ngayon lang, ilang linggo na akong nandidito lang sa bahay gusto k-kong –”
“Makikipag kita na naman sa lalaki mo?! Putangina! Gustong-gusto mong makalabas para batiin ito ng personal o gustong-gusto mong makita ang lalaki mo para kamutin iyang kakatihan mo?! Hindi ka talaga makatiis nu?! Putangina! Umalis ka sa harapan ko bago pa mandilim ang paningin ko sayo, tamaan ka pa sa akin.” Her tears drop.
Isinasampal na naman sa kaniya ng asawa ang bagay na hindi niya naman ginagawa. Palagi na lang siya nitong pinaghihinalaan na may lalaki siya, kahit na tumingin sa lalaki ay hindi niya magawa ang bintang pa kaya nito?
“Walang lalabas at walang aalis.” Dugtong pa nito.
Ilang minuto na ang lumipas ng hindi pa rin siya umaalis sa harapan nito, pursigido talaga siyang makapunta sa party ng kaibigan kahit ngayon man ay malibang niya ang kaniyang sarili.
“Leon... Parang awa mo na, ngayon lang please... Pagbigyan mo na ako, lahat gagawin ko palabasin mo lang ako sa araw na ito –” Tumayo ang asawa sa pagkaka-upo nito sa sofa dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. “Alin ba sa walang aalis at walang lalabas ang hindi mo maintindihan, babae?!” Sigaw nito sa kaniya.
“Leon, bakit mo ba ako kinukulong? Karapatan ko namang makalabas dahil hindi ako bilango! Sa ayaw at sa gusto mo lalabas ako...” Palaban niyang sambit dito at dinampot ang sling bag na inilagay niya sa kama ng asawa at nagmamadali siyang naglakad papunta sa pintuan ngunit bago pa man siya makalabas ng magsalitang muli si Zarchx.
“Subukan mo ng makita mo ang hinahanap mo.” Pagbabanta nito.
Halos manigas siya sa kinatatayuan ng marinig ang sinabi ng asawa lalo pa’t kakaiba ang tunog ng pananalita nito. Ngunit hindi pa rin iyon hadlang para mabawasan ang pagnanais na makalabas ng Mansion at makadalo sa party ng kaibigan. Hindi siya nangako dito ngunit alam niyang umaasa ito na darating siya.
Mabilis na naglakad si Amary palabas ng Mansion ng haranggin siya ng isang lalaki. “Sorry Ma'am pero mahigpit na pinag-uutos ni Boss na wag kayong papalabasin.” Pinagwalang bahala niya ang sinasabi nito at patuloy lang si Amary sa pagtahak papunta sa malaking gate. Habang dalawang lalaki na ang pumipigil sa kaniya na makalabas siya at ingat na ingat ito na hindi magkakadikit ang kanilang mga balat.
Sa kabilang banda naman ay nakatayo si Zarchx sa veranda ng kaniyang silid habang pinagmamasdaan ang ginagawang pagpupumilit ng kaniyang asawa sa kaniyang sniper telescope. Pinagmamasdaan niyang mabuti ang bawat galaw ng asawa maging ang mga tauhan niya.
Matigas si Amary at pursigido ito na makalabas ng bahay gusto niyang ipakita rito kung anong kaya niyang gawin sa taong sumusuway sa kaniya.
Sandaling natigilan si Amary dahil nahihilo siya sa pagsunod ng mga ito, nagmamadali siya para hindi siya mahabol ni Zarchx. “Please, just now? Palabasin niyo ako,” Paki-usap niya dito at tiningnan niya ang dalawang lalaki na humaharang sa kaniya nakayuko lang ito sa harapan niya na tila hinaharanggan nito ang gate.
“Pasensiya na po Ma'am.” Sabay na sagot nito sa kaniya, kaya wala siyang magawa kundi ang magpumilit na lumabas. Pinagpatuloy niya ang paglalakad papunta sa gate ng ilang hakbang na lang ang layo niya sa gate ng maramdaman niyang may kamay na pumigil sa kaniyang braso at laking gulat na lang ni Amary ng marinig niya ang isang malakas na putok dahilan para mapaluhod ito sa harapan niya habang malakas ang sigaw dahil sa sakit.
Nabaril sa paa ang tauhan ni Zarchx na ikina-alarma ng lahat dahilan rin para manigas si Amary sa kaniyang kinatatayuan, ilang saglit siyang nakatingin sa sugat ng lalaki na madami ng dugo ang lumalabas sa sugat nito. Kaagad naman itong dinaluhan ng dalawang lalaki para ipasok sa loob habang Siya naman ay ikinu-cover ng iba pa na makasigurong ligtas siya.
“Tumawag kayo ng ambulance!” Sigaw niya.
Inilibot niya ang paningin sa buong paligid para alamin kung saan nanggagaling ang bala ng magawi ang mata niya sa veranda ng kwarto ni Zarchx, nahagip ng paningin niya na nandodoon ang asawa at ng mapansin siyang nakatingin dito ay kaagad naman itong naglakad papasok sa loob.
Nilukob ng sobrang takot si Amary ng maisip na Aag asawa ang may gawa no'n dahil may isang bagay itong hawak-hawak na hindi niya lang makita ng malinaw dahil malayo ito. Hindi niya maiwasang nakaramdam ng pagsisi dahil alam niyang ang balang iyon ay para sa kaniya dahil sa katigasan ng kaniyang ulo may taong mapapahamak.
Ito ba ang gusto niyang makita kung paano magalit ang kaniyang asawa at kung ano ang kaya nitong gawin?
Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng Sala ay nakita niyang pababa si Zarchx, nanginginig ang kamay niyang hindi makatingin dito. Hindi niya pa rin makalimutan ang na silayan, hindi niya lubos maisip na kaya itong gawin ng asawa.
“Susuway ka rin ba sa utos ko Amary?” Sunod-sunod siyang napa-iling. Hindi niya na ito susuwayin dahil ayaw niyang may mapahamak pa ng dahil sa kaniya, nawala ang lahat ng lakas ng loob niya dahil sa ginawa nito. Malinaw kay Amary na ang asawa ang may gawa no'n pero ang hindi niya maintindihan ay kung anong utos ng asawa ang sinuway ng lalaki?
“I-I’m sorry...” Hinggi niya ng tawad sa asawa.
Naging stressful ang buong araw na iyon para kay Amary, hindi siya nakadalo sa kaarawan ng kaibigan kaya mas minabuti niya na lang na sa cellphone ito batiin alam ng kaibigan ang kalagayan niya, naiintindihan siya nito sa hindi niya pagdalo pero ang hindi raw nito maintindihan kung bakit nanatili pa rin siya sa kaniyang asawa. Isa lang ang sagot niya.
Mahal na mahal niya si Zarchx.
Iniisip niya na kasalanan niya ang nangyari sa lalaki dahil ito ang nabaril ni Zarchx. Inaalala niya rin kasi ito dahil ng mabaril ito ng asawa ay natagalan rin ang pagdating ng ambulance, madami ng dugo ang nawala dito kahit na sa paa lang ang tama nito, pinagdarasal niya na sana maging maayos ang operation nito.
Ilang araw na rin simula ng pangyayari. Pinagbakasyon ni Zarchx ang mga katulong maging ang mga magbabantay sa kaniya kaya dalawang araw na, na silang mag-asawa lang ang nasa bahay dahil pumayag siya sa kondisyon ng kaniyang asawa na kung magagawa niya ng maayos ang obligasyon at responsibilidad niya bilang asawa ay palabasin na siya nito kahit anong oras niya mang gustuhin.
Gumising siya ng maaga para gumawa ng almusal para sa asawa, mula kasi ng bumisita ang Lolo nito sa Mansion ay palaging sa bahay na kumakain si Zarchx at ang mas nakakatuwa dahil nagustuhan naman ang mga niluluto niya dito kahit na iniisip ng asawa na ang mayordoma ang gumawa ng pagkain para dito.
Inahanda niya ang mesa ng makarinig siya ng kaluskos, ng tumingin siya sa may pintuan ay Nakita niyang nakatayo doon ang asawa. “Good morning! Kumain ka na, Leon. Naghanda ako ng almusal para sa iyo.” Wala siyang narinig na sagot mula dito pero naglakad ito patungo sa mesa at naghugot ng upuan.
Habang kumakain ay nakatitig lang siya sa asawa na para bang sarap na sarap ito sa kinakain nito, hindi niya maiwasang napangiti sa tuwa na nararamdaman dahil pinapansin na nito ang mga niluluto niya para dito.
“Why are you keep looking at me, woman? Why don't you just take a sit and eat?!” Galit nitong turan na ikinaalis ng tingin niya dito. “W-wala, okay lang tapos na ako.” Nauutal na sagot niya.
Sa kalagitnaan ng pagkain ng asawa ng maisipan niyang magtanong dito, hindi niya nga alam kung dapat niya ba itong itanong dito. Ilang araw niya ng ginagawa ang gawaing bahay at ang pagiging isang mabuting asawa dito. “Leon pwede bang magtanong?” Saglit itong napatigil sa pagkain.
“You are asking already. What it is?” Malamig na turan nito at sumimsim ng kape. Pinagmamasdaan niyang mabuti ang kaniyang asawa, pinag-aaralan niya ang expression ng mukha nito ngunit wala siyang nakita, blanko.
Humingga siya ng malalim. “Eh, kasi... Ginagawa mo naman ng maayos ang kondisyon mo, kailan ba ako pwedeng lumabas?” Nakayukong tanong niya sa asawa.
Narinig niya ang ingay ng upuan dahilan para mag-angat siya ng tingin dito, nakita niyang nakatitig ito sa kaniya. “Today.” Tipid na turan nito na ikinalaki ng mata niya. “Talaga? Seryoso ka Leon?” Excited na tanong niya dito dahilan para mapatingin ito sa kaniya ng walang emotion.
“You can go out today, in one condition...” Kumunot ang noo ni Amary sa narinig sa asawa pumayag ito na lumabas siya ngayon pero bakit kailangang may kondisyon pa? Wala naman siyang ibang pupuntahan kundi ang kaibigan. Buo na ang loob niya ilang buwan na siyang paikot-ikot sa buong Mansion, ito na ang pagkakataon niya na makalabas at makita ang kaibigan.
“A-anong kondisyon?” Handa siyang gawin kahit ano pa man ito basta makalabas siya sa araw na ito.
“Let's have a date later.”
Napakurap-kurap si Amary na para bang nabinggi siya sa narinig mula sa asawa, mapatitig siya sa mukha nito para tingnan kung totoo ba ang sinabi nito o nanaginip lang siya ng gising.
“D-date?" Nauutal na tanong niya dito.
“Yup. Dinner date with me,” Sumikdo ang puso niya ng muli itong marinig, sa unang pagkakataon ay niyaya rin siya ng asawa na kumain sa labas pero hindi niya alam kung bakit bigla na lang nagyaya.
Nitong nakaraan ay magagalit sa kaniya si Zarchx pero hindi na siya nito binibigyan ng pasa pero patuloy pa rin ang pananakit nito sa kaniyang damdamin. Madalas na rin nitong kainin ang niluluto nito para sa asawa kaya kahit papaano ay nakaramdam siya ng tuwa.
Ngayon naman ay niyaya siya nitong kumain sa labas. Napaisip tuloy siya kung unti-unti ng dinidinig ng diyos ang kaniyang panalangin. Kahit kailan kasi ay hindi siya nawalan ng pag-asa na magbabago ang kaniyang asawa, dahil naniniwala siya na hangat sisikat ang araw may bagong pag-asang nag-aantay.
Ito na iyon Amary – Bulong ng kaniyang isipan na ikinangiti niya.
“Hey, I said are you agree or not?” Napukaw ang natutulog niyang diwa ng marinig ang asawa. “O-okay sa akin,” Nahihiya niyang sagot dito.
“Hindi ka ba papasok sa opisina?” Dagdag niya pa dito.
“I will, I have a lot of paper need to sign and meetings.” Tumayo na ito sa kina-uupuan. “I’ll pick you up later, six PM sharp.” Dagdag pa nito at hindi na hinintay pa ang kaniyang sagot.
Nakangiting niligpit niya ang pinagkainan ng asawa at pagkatapos ay umakyat siya sa kwarto para tawagan ang kaibigang si Amber para mamasyal ngunit hindi ito pwede ngayon. Mabuti na lang at tumawag ang kaibigan niyang si Klint na matalik na kaibigan ng asawa. Tinanong siya nito kung pwede silang magkita dahil may surprise ito sa kaniya.
Kaagad namang makarating si Amary sa Mall kung saan sila magkikita ng kaibigan, kaagad niya namang nakita ang binata sa loob ng isang restaurant dahil sa kaunti pa lang ang tao. Napansin ni Amary na panay ang sulyap ng mga kababaihang nasa loob ng restaurant sa kaibigan, hindi nga maikakaila na ubod ito ng gwapo. Minabuti niyang mamasyal ng maaga para makauwi siya ng maaga para makapaghanda para sa date nila mamaya ni Zarchx.
Kaagad naman siyang lumapit sa kaibigan at nagbeso sila, sabay silang um-order ng pagkain, habang naghihintay sa kanilang order ay panay ang kwentuhan nila. Na miss niya ang binata dahil sa matagal na panahon silang hindi nagkita nito at walang paramdam sa isa’t-isa.
“Masaya ako para sayo, Nash. Pero nasisiguro ko sayo may lagnat lang si Zarchx kaya nag-aya ng date.”
“Akala ko ba supportive ka bakit sarcastic ka?”
Madami silang napag-usapan maging ang pag-aaya sa kaniya ni Zarchx ng date. Alam kasi ng binata kung anong buhay ang mayroon sila ni Zarchx, alam nito ang lahat hindi dahil sa naikwento niya ngunit dahil sa magkaibigan rin ang dalawa.
“Hindi naman, kahit ako hindi makapaniwala sa balita mo parang hindi ko naman kilala ang asawa mo pero kung ganu'n nga ang mangyayari, ide mabuti. Kung saan ka masaya ay nakaaupporta lang ako at masaya ako para sa inyo, sana tuloy-tuloy na maging maayos ang relasyon niyo.” Nakangiting sagot nito sa kaniya.
“Sana nga Klint, dahil hindi talaga ako nawawalan ng pag-asa na magbabago siya. Alam kung darating ang panahong iyon, siguro papalapit na ng papalapit ang panahon na pinaka-hihintay ko.” Nakangiting sagot niya dito dahil hindi niya maitago ang saya at excitement na nararamdaman niya para mamaya.
“Ayan ka naman, ang taas na naman ng expectation mo tapos biglang babagsak.” Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. “Ano pala iyong surprise mo?” Nakataas ang kilay na tanong niya dito.
“Oo nga pala, aalis ako ng bansa kaya naisip ko na mas maagang ibigay ko ang regalo bago ko pa makalimutan.” Kumunot naman ang noo niya, dalawang buwan pa bago ang kaarawan niya.
“Hindi ka naman masyadong advance niyan? Two months pa kaya iyon.” Tinanggap niya ang paperbag na ibinigay nito sa kaniya. “But, thank you so much Klint.” Dagdag niya pa.
“You’re welcome.” Kinindatan siya nito na ikinangiwi niya, alam niyang gwapo ang kaibigan pero kahit minsan ay hindi siya nakaramdam ng kakaibang pagmamahal dito maliban sa itinuturing niya na itong kapatid. Napalingon naman si Amary sa paligid ng marinig ang ilang tilian, nakita rin kasi ng mga ito ng ginawang pagkindat sa kaniya ni Klint.
“Papansin ka talaga kahit kailan,” Inirapan niya ito.
“Oo na, basta kapag may kailangan ka wag kang magdadalawang isip na tawagan ako, nandidito lang ako para sayo Nath. Mag-iingat ka palagi...” Alam niyang nag-aalala ito para sa kaniya dahil sa hindi maayos ang relasyon nila ni Zarchx.
“Salamat, ikaw din. Mag-iingat ka – I mean ingat sila sayo.”
“Advance happy birthday,”
Bandang alas tres na ng hapon naka-uwi si Amary, dahil sa napahaba ang usapan nila ni Klint at sinamahan na rin siya nito sa beauty parlor para fresh daw siya mamaya sa date nila ni Zarchx, namasyal, nanuod ng sine at pagkatapos ipinamili siya nito ng damit na isusuot niya mamaya sa date nila ni Zarchx. Nahihiya na nga siya dito dahil lahat na lang ay libre nito maging ang lunch nila pati pa naman sa isusuot niya para mamaya, sinabi nito sa kaniya na ito ang kasama sa advance gift nito sa kaniya.
Halos ilang oras ang ginugol ni Amary sa pag-aayos ng kaniyang sarili dahil gusto niyang maging presentable siya na haharap kay Zarchx mamaya. Sobrang saya at excited siya sa magiging date nila ni Zarchx. Mas masaya pa ito sa iisiping nakapamasyal siya maghapon sa Mall. Nag mensahe na sa kaniya ang asawa na on the way na ito.
Pinagmamasdaan niya ang kaniyang kabuuhan sa salamin ng matapos na siya. Nakasuot siya ng isang sexy black backless dress, mayroon itong slit sa kanang bahagi at expose ang kaniyang legs. Pinarisan niya ito ng isang five inches silver stiletto. Naglagay rin siya ng kaunting blush on at lipstick. Inilugay niya lang ang may kahabaan na tuwid na tuwid na buhok na tumatakip sa kaniyang likuran. Nag-suot rin siya ng isang jewelry set na bigay pa sa kaniya ng kaniyang Ama, simple pero elegante.
Nang marinig niya ang busena mula sa ibaba ay kaagad niyang dinampot sa desser ang kaniyang white sling bag kung saan ang kaniyang cellphone, wallet at iba pa. Habang pababa siya ng hagdan ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba hangang sa makalabas siya ng kabahayan.
Bumungad sa kaniya ang asawa sa tabi ng sasakyan nito, nakatalikod ito sa kaniya. May kausap ito sa cellphone. Malaya siyang pinagmamasdaan ang asawa. Nakasuot ito ng isang black sweater long sleeve na napapatungan ng black leather jacket. Black jeans and white shoes. Sobrang gwapo nito sa paningin niya kahit pa nakatalikod ito sa kaniya.
Kaagad namang napatingin si Zarchx sa likuran ng maramdaman niyang may nakatitig sa kaniya. Nawala na ang kausap niya sa kabilang linya dahilan para dahan-dahan na siyang bumaling sa kaniyang likuran habang ibinababa na ang cellphone.
Napamangha si Zarchx ng makita ang maganda at sexy na babae sa kaniyang harapan. Pinasadahan niya ng tingin mula ulo hangang paa ang asawa. Napalunok siya ng maramdaman ang pagkauhaw ng makita ang asawa. Hindi niya lubos maisip na ganito kaganda ang asawa. Kung sa bagay hindi niya naman ito pinapansin at binibigyan ng attention kaya papaano niya ito makikita?
Sandali silang nagkatitigan, ngumiti si Amary sa asawa ng makita ang reaction ng asawa na kaagad rin namang nawala at pinakatitigan siya ng seryoso.
Naiinis si Zarchx na mapagtanto ang suot ng asawa, inaamin niyang nagustuhan niya ito ngunit ayaw niyang may ibang lalaki na makakita sa katawan nito.
“Let’s go,” ani ni Zarchx at binuksan ang passenger side ng sasakyan niya.