PSZM 3
AAMININ niya hindi iyon ang unang beses na nag-iwan ng bakas ang kaniyang asawa na gumagawa ito ng milagro kasama ang kung sinu-sunong babae pero hindi niya lubos maisip na pati sa Mansion nila ay nagawa nitong magdala ng babae hindi lang siya ng binaboy nito kundi pati na rin ang pamamahay ng sariling pamilya.
Kahit ano pang gawin nito, kahit ano pang iparamdam nito, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman niya para rito. Mahal na mahal niya pa rin ang kaniyang asawa.
Lumabas siya ng kaniyang silid upang gumamit ng banyo ng matanaw niya ang asawa na mahimbing na itong natutulog sa kama nito, hindi niya mapigilan anv sarili na hindi lumapit dito at pakatitigan ang gwapo nitong mukha.
Ilang minuto rin siyang nakatitig dito, hindi iyon nagagawa sa umaga kaya susulitin niya ang bawat gabing may pagkakataon siya para pagmasdan ito, hindi pa siya nakuntento kaya naupo siya sa gilid ng kama nito at malapitang pinakatitigan ito habang hinahawi niya ang buhok nito na nakakatakip sa kaniyang mukha.
“Mahal na mahal pa rin kita kahit na anong mangyari... Asawa mo pa rin ako, hindi ako bibitaw sayo kahit sobrang sakit na.” Kaagad niya namang tinuyo ang kaniyang pisngi ng maramdamang basa na naman ito ng mga luha niya. Dumukwang siya para halikan ito sa noo.
“Good night, my love.” Kahit papaano ay masaya na nagagawa niya ang bagay na ito pero hindi nito napapalitan ang sakit na nararamdaman niya.
Umalis na siya sa tabihan ng asawa ng mapagtanto niya na mahigit kalahating oras na siyang nakatitig dito, kaagad rin siyang bumalik sa kaniyang kwarto ng matapos siyang gumamit ng banyo.
Madaming katanungan ang naglalaro sa kaniyang isipan, mula sa nabanggit ng asawa na kapatid nito si Lance Javier, ngunit paano? Paano sila naging magkapatid? Isa lang iyon sa mga sariwang tanong sa kaniyang isipan pero ang isang ito ang hindi na bago na halos gabi-gabi niyang itinatanong sa sarili; ano bang kulang sa akin? Bakit hindi niya ako matangap bilang asawa?
Sa dami ng iniisip ni Amary ay unti-unti na siyang hinihila ng antok hangang sa makatulog na siya.
Matatapos ang gabi at sisikat muli ang araw na wala pa ring bago mahal na mahal niya pa rin ang kaniyang asawa.
NABOBORED na nakaupo si Zarchx sa kaniyang swivel chair ng kaniyang opisina dahil wala na siyang ginagawa, tapos na ang kaniyang mga meeting at nagawa niya na ring pirmahan ang ilang papeles, masyado pang maaga para mag bar at mas lalong maaga pa para umuwi sa Mansion kung pagmumukha lang ng asawa niya ang bubungad sa kaniya.
Inikot niya ang kaniyang swivel chair upang mapaharap siya kaniyang glass wall kung saan tanaw na tanaw niya ang iba’t ibang building, coffee shop at maging ang kalsada mula kaniyang kinaruruunan.
Sa kaniyang pagmumuni-muni biglang tumunog ang kaniyang cellphone at nakitang tumatawag si Klint Axis, isa sa matalik niyang kaibigan.
[“What's up Bud?”] Bungad nito sa kaniya na ikinasama niya ng tingin sa kalawakan.
[“You called me for?”] Walang buhay na tanong niya rito, hindi naman ito tatawag sa kaniya kung walang kailangan.
[“One of your cousin are broken hearted.”] Napabuga na lang siya ng hangin ng marinig niya ang sinabi ng kaibigan. Ang totoo niya hindi niya lang basta kaibigan si Klint, isa rin ito sa kaniyang pinsan. Alam niya na kung sino ang tinutukoy nito walang iba kundi si LV.
[“Putangina ang sarap nilang pag-untugin ni Kit! Pagkisabi nga sa ulol mong mga pinsan na wala tayong lahing aso para maghabol sila ng maghabol!”] Pagalit niyang sambit dito.
[“Tol, dahan-dahan ka sa pananalita mo baka hindi ka lang maghabol may kasama pang tahol.”] Tumawa sa kabilang linya ang pinsan.
[“Iyan ang hinding-hindi mangyayari –”]
[“Wag kang magsalita ng tapos. Hotties bar, 8 pm. Sabayan nating magpakalasing ang mga lalaking sawi sa pag-ibig. Malay mo ikaw ng susunod na sasamahan kung magkalunod sa alak.”] Putol nito sa kaniya kaya.
[“Hindi ako katulad nila na nababaliw sa iisang babae, ang dami-daming babae sa mundo bakit kailangan nilang magpatali sa isa?”] Iyon ang hindi niya maintindihan sa mga ito, gustong-gusto nitong makasama ang babaeng iniiwan na nga sila, pinagtatabuyan na lahat-lahat na minamahal pa rin. Hindi ginagamit ang mga utak, tao nga naman bobo na nga naging tanga pa sa pag-ibig.
[“Psh, sounds bitter. Dude. Why don't you just accept that you're already married? Accept the fact that Amary is now a part of your life. Patuloy mo pa ring sinasaktan ang asawa mo Bud. She doesn't deserve it, you know what? Na kay Amary na lahat ng katanggian ng babae na hanap ng isang lalaki, kung ayaw mo sa kaniya ide ibalato mo na lang sa akin, I like your wife anyway.”] Walang alinlangang pagtatapat sa kaniya ng kaniyang pinsan na ikinahigpit ng kapit niya sa cellphone.
“Ang sarap niyang mag timpla ng kape. I love her coffee,” Dagdag pa nito na mas lalong ikinaasar niya dahil naalala ang nagawa sa dalaga na pagbuga ng kape sa mukha nito. Naibuga niya iyon hindi dahil sa hindi masarap kundi sa gulat niya ng sobrang init nito na halos maluto ang kaniyang dila. Balak niya sanang kainin ang sopas pero nawalan na siya ng gana dahil sa pisteng kape na pumaso sa dila niya.
[“You’re talking nonsense, Evil.”] Nang gigigil na aniya dito.
[“No, dude. I'm serious. I like your wife, kung hindi mo siya kayang pasayahin, ingatan at alagaan, akong gagawa pa –”]
[“Wag mong subukan Akas! Baka makalimutan ko na iisang dugo ang nanalaytay sa katawan nating dalawa.”] Galit ang lumukob sa buong pagkatao niya ng marinig ang sinabing iyon ng pinsan. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili sa tuwing may lalaking nagsasalita ng ganu'ng bagay sa kaniyang asawa. She hate her but he hate the most the people who admire to his wife.
[“I still love the way you call me Evil, Animal!” Sumipol pa ito bago pinutol ang tawag.
Amary is exclusively for him! She mine! Mine alone!
Abala sa pagluluto si Amary ng hapunan, ganado talaga siyang magluto at mas lalong pa sarapin ito ng malamang kinain lahat ni Zarchx ang niluto niyang hapunan kagabi, nagalit niya man ito kagabi at least nabusog niya naman ito ng hapunan iyon nga lang ay hindi alam ng binata na siya ang naghanda ng mga iyon, ang buong akala nito ay ang mayordoma ang naghain ng hapunan.
Ayos lang sa kaniya na ang mayordoma ang mapagkamalang nagluto nito ang mahalaga ay kinain nito ang pinaghirapan niya, hindi na sayang ang oras na ginugol niya sa pagluto at ang effort na pasarapin ito.
Nakangiting inaamoy niya ang aroma ng menudong niluluto niya, nagsandok siya ng sabaw para tikman ito ng may bigla na lang yumapos sa bewang niya dahilan para mapaigtad siya sa gulat.
Kaagad namang napalingon si Amary sa kaniyang likuran kung saan nagmumula ang brasong yumapos sa kaniya, napalunok siya ng mapagtantong ang asawa iyon. “L-leon,” Nauutal niyang sambit sa pangalan nito. Kakaibang kiliti ang dulot ng kamay nito sa kaniya, para bang mag kuryenteng dumaloy sa katawan niya. Hindi siya makahingga ng maayos dahil naiilang siya sa kamay nito, kinikilig siya sa asal nito. Ito ang unang beses na hinawakan siya ng asawa sa hindi marahas na pamamaraan.
“Señior-Dad is here,” Bulong nito sa kaniya at Kinagat ang punong tenga niya dahilan para napakagat-labi siya sa kakaibang sensasyon na hatid nito. Hindi pa nga siya nakakabawi sa sinabi nito ng marinig niya ang yabag ng paa na paniguradong papunta sa kinaruruunan nilang mag-asawa.
“Subukan mo lang na ipahiya ako, makakatikim ka sa akin Amary.” Mahina ngunit bakas sa boses nito ang pananakot. Parang bula na nawala ang kilig sa kaniyang katawan dahil sa sinabi nito, kaya pala ganito ito umakto dahil para na naman silang Bida sa isang teleserye sa TV dahil sa galing nitong umarte.
“Babe, masusunog na ‘yang niluluto mo. Masyado ka namang kasing napapatulala sa gwapong mukha ng asawa mo, oh... Akin na nga ako na ang maghahain,” Halos mapamura si Amary sa kayabangan nito ngunit hindi niya nagawang barahin ito ng napansin niyang may tao sa pintuan na nakamasid sa kanila.
Kinukuha ng asawa ang sandok sa kaniyang kamay ngunit hindi niya ito binitawan. “A-ako na, akin na. Mabilis na lang ito, ihahain ko na para makakain ka na,” Nakangiting tugon niya sa asawa at pinandilatan niya ito dahilan para mapatingin sa may pintuan.
“Señior-Dad. Sinabi ko namang sa labas mo na lang kami hintayin, anong ginagawa mo dito?” Mukhang hindi mapanatag ang loob ng asawa na nandidito ang kaniyang Lolo. May katandaan na ito pero malakas pa rin, halata na kabado si Zarchx sa presensiya nito.
“Bawal ko na bang libutin ngayon ang Mansion ko?” Napalunok si Amary ng marinig ang nakakakilabot na boses nito. “Of course, you can, Dad.” Kaagad na bawi ng kaniyang asawa.
Humarap siya rito ng matapos niyang maisalin sa isang bowl ang niluto niyang menudo. “Good evening po,” Bati niya dito ng nakangiti, hindi niya alam kung presentable ang kaniyang itsura na haharap dito pero nakakasigurado siya na pakikitunguhan niya ito ng maayos. Mukha pa namang dominante ang matanda at halata ang pagiging strikto nito.
“So, Dad. She's Amary, my wife. Babe, Señior-Dad, his my grandfather.” Pagpapakilala ng asawa at hinawakan nito ang kaniyang kamay, nakaramdam naman siya ng tuwa sa pinapakitang ka sweetan nito, halos mapalundag na siya sa kilig na nararamdaman.
“Bakit ikaw ang gumagawa diyan? –Nag-asawa ka ba Leon para gawing katulong?” Baling nito sa kaniya at kaagad namang nalipat ang tingin kay Zarchx.
Nagkatinginan silang mag-asawa. “E-eh hindi po, gustong-gusto ko po na pinagluluto ang asawa ko, dinamihan ko po kasi nalaman kong darating kayo, kaya gusto ko pong ipagluto kayo ng masarap na pagkain, para sa hapunan sana ay magustuhan niyo po.” Sagot ni Amary kahit na ang totoo ay hindi niya alam na darating ito ngayon ang alam niya lang ay uuwi ito.
“Lita, ayusin ang mesa at gusto kong matikman ang niluto ng asawa ng apo ko para sa akin.” Sambit nit na kaagad namang umalma ang mayordoma at ilang katulong na inayos ang mesa at inihanda ang mga nilutong pagkain ni Amary, nakatayo lang silang mag-asawa habang ang Lolo naman nito ay naka-upo na sa harap ng hapag.
“Have a sit, babe.” Ipinaghugot siya ng upuan ni Zarchx na ikinatingin niya dito. Masaya siya sa ginagawa ng asawa kahit papaano ay naramdaman niyang may tinatago rin pa lang ka-sweet-an sa katawan ang asawa kahit na ang katutuhanan ay pagpapanggap lang ang ginagawa nito. Sana palagi na lang siya nitong pinapakilig ng ganito.
Nakikita niya rin sa Lolo nito na mabait ito lalo na pagdating sa kaniya na para ang taas ng tingin nito sa kaniya, inerespeto at ginagalang bagay na hindi niya naramdaman sa asawa.
Pagkatapos nilang kumain ay umakyat muna siya sa itaas para magpalit, buti na lang at nagkaroon siya ng dahilan para maka-alis sa harapan ng Lolo ni Zarchx, hindi niya kasi malaman kung sa hawak ni Zarchx siya naiilang o sa mga itinatanong ng Lolo nito sa kaniya. Isa pa gusto niyang ilabas ang kilig na nararamdaman.
Kabadong-kabado talaga siya ng magsimula itong kumain na baka hindi nito magustuhan ang luto niya, kinakabahan rin siya sa presensiya nito na para bang ito ang pinuno ng mga Leon. Sobrang nakakatakot ang kaniyang mukha pero ramdam niya ang kabaitan nito.
Ito ang unang beses niyang makita ang Lolo ni Zarchx, hindi niya nga rin malaman kung paano nalaman ng asawa na darating ito, laking pasalamat niya na lang na umuwi ng maaga si Zarchx dahil hindi niya alam kung paano ito pakikitungohan.
Humingga siya ng malalim bago binuksan ang pinto ng kwarto at bumungad sa kaniya ang walang emotion na mukha ni Zarchx.
“Bakit ang tagal mo? Hinihintay ka ni Señior-Dad sa ibaba, gusto ka niyang maka-usap. Dalian mo!” Malamig na utos nito sa kaniya, medyo natagalan kasi siya sa banyo dahil naligo pa siya.
Hindi niya maiwasang kabahan dahil hindi niya alam kung anong pag-uusapan nila. Hindi niya rin alam kung paano ito kakausapin. Sinabayan niya ang asawa sa paglalakad sa mahabang hagdan.
“Tungkol saan ang pag-uusapan?” Kinakabahang tanong niya dito. Hindi siya umaasa na kakausapin siya nito pero gusto niyang ilabas ang kaba na kaniyang nararamdaman.
Nalukot naman ang mukha ni Amary ng mauna itong maglakad at hindi pinansin ang kaniyang tanong pero sumikdo ang puso ng huminto nag asawa sa pinakadulo ng hagdanan na para bang hinihintay siya nito.
Iniabot nito ang kamay sa kaniya, pakiramdam niya tuloy para siyang isang princessa na hinihintay ng kaniyang prinsipe. Hindi niya maiwasang mapatitig sa kamay nito na tila hinihintay na tanggapin niya ito, tiningnan niya ang mukha ng asawa bago tuluyang tinanggap ang kamay nito. Namumutla na ang kaniyang pisngi, sana araw-araw ay nandidito ang Lolo nito.
Lihim siyang napangiti sa ginawa nito at bahagyang napayuko para itago ang namumulang pisngi. “I don't have idea,” Bulong nito at sabay silang naglakad papalapit sa Lolo nito na nakaupo sa sofa habang nakamasid sa kanilang dalawa.
Ilang minuto na silang nakaupo sa harapan nito pero namumutawi ang katahimikan sa kanila na siyang ikinailang ni Amary, humihop ng tsaa. “So, Amary.” Napalunok si Amary ng marinig nito ang pagtawag sa pangalan niya ng mailagay muli sa center table ang tsaa.
“Kamusta naman si Leon bilang asawa?” Sa tanong ng matanda si Zarchx naman ang napalunok, hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng kaniyang asawa pero isa lang ang alam niya hindi niya ito tinatrato ng mabuti.
Pilit na ngumiti si Amary bago ito sumagot. “A-ayos po kami ni Leon, inaalagaan niya po ako ng mabuti.” Napatingin si Zarchx sa kaniyang asawa dahil hindi niya inakala na ito ang sasabihin nito sa kabila ng ginagawa niya dito hindi pa rin magawang magsumbong.
“Sinasaktan ka ba ng lalaking ‘to? May mga bagay na ginagawa na hindi na dapat?” Sunod na tanong nito na mas lalong ikinakaba ni Zarchx, sa tanong nito ay wala na siyang kawala dahil sapol na sapol na siya sa tanong nito pero nakita niyang umiiling ang asawa.
Humigop muli ng tsaa ang Lolo nito. “Mabuti naman kung ganu'n. Sabihin mo lang sa akin kung may hindi magandang ginagawa sayo dahil hindi ko iyan papalampasin, ako mismo ang kakastigo para matuto.” Zarchx lick his lips before he clear his throat.
Masyadong mainit para sa kaniya ang atmosphere, gusto niyang maka-alis sa harapan nito pero ayaw niya namang iwan ang asawa baka may iba pa itong sabihin na ikakasira ng relasyon nilang mag-lolo.
Kilala niya ang kaniyang Lolo, alam niyang mahal siya nito pero kung malaman nito ang kaniyang mga ginagawa kay Amary, paniguradong hindi talaga siya nito papalampasin. Mabait ito pero iba ito kung magalit, malayong-malayo ito sa kung anong nakikita ng mga mata.
Kahit alam niya na kung anong mangyayari sa kaniya sa pinagagawa niya kay Amary buo pa rin ang desiyon niya na gawing miserable ang buhay nito. Kahit gaano pa ka kinakatakutan ang kaniyang Lolo, hindi pa rin siya natatakot dito.
Wala siyang kinakatakutan maging ang kamatayan.
Bandang alas-nuwebe na ng gabi ng mapag-desisyonan na nitong magpahinga. Pumasok na rin sa kwarto si Amary siya naman ay nagpa-iwan muna sa Sala at pumunta sa garden ng Mansion.
Dinukot niya sa bulsa ng jacket niya ang isang kaha ng isang mamahaling sigarilyo, kumuha siya ng isang stick at sinindihan ito. Ito lang ang tanging paraan niya para ilabas ang kabang naramdaman kanina.
Dahil sa biglaang pag-uwi nito hindi na siya na kasama sa lakad nilang magpipinsan. Balak pa naman sana niyang pag-untugin si Kit at LV sa pagiging tanga nito sa pag-ibig. Isang malakas na batok rin para kay Akas dahil sa pag-amin nito na may gusto ito sa kaniyang asawa.
Nakatayo lang si Zarchx malawak na harden habang nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituwin, patuloy siya sa paghithit ng sigarilyo habang nakamasid dito.
Hindi siya mabuting asawa kay Amary pero ayaw niyang may ibang lalaki sa buhay nito, hinding-hindi niya hahayaan na makapasok sa buhay nito ang kaniyang pinsang si Akas. Hindi rin siya papayag na si Amary ang maging dahilan ng pagkasira ng magandang samahan nila ng kaniyang Lolo. Bale-balita na madami na ang lalaking dumaan dito at hindi niya iyon gusto! Kaya hindi mawawala sa kaniya ang pagkulo ng dugo sa dalaga.
Pumasok sa isipan niya ang lahat ng sinabi sa kaniya ni Manang Lita. Naiintindihan niya ang pinupunto nito pero hindi maalis sa kaniya ang galit na nararamdaman sa asawa, hindi niya kasi inakala na ito ang tatapos sa pagiging buhay binata niya.
Hindi! Hindi siya ang sisira sa buhay ko dahil ako ang sisira sa buhay niya. – Sa isip niya ng biglang maramdaman niya na may kamay na humawak sa kaniyang balikat dahan-dahan niya itong nilingon. Nang makitang ang kaniyang Lolo ay tinapos niya ang paninigarilyo.
“I thought your resting, Dad.” Hinulog niya ang upos ng sigarilyo at inapakan ito para mamatay ang sindi. Tinabihan siya nito sa pagkakatayo habang nakatanaw rin sa mga bituwin na pinagmamasdaan niya.
“Unang kita ko sa asawa mo masasabi kung tanggap ko siya sa ating pamilya.” Panimula ng kaniyang Lolo.
Ngayon na pag-isip niya kung bakit biglaan ito sa pag-iwi, iyon ay para suriin ang kaniyang asawa dahil may mataas na mapantayan ang kaniyang Lolo na magsasabi kung tanggap o kailangan pang patunayan ang sarili para maging karapat-dapat sa kanilang pamilya. His family is a very dominant persons. Masarap pakinggan sa tenga ang sinabi ng kaniyang Lolo.
“Nakikita kong mabuti siyang tao at magiging mabuti siyang asawa sayo ngunit hindi ko nakikita sa kaniyang mga mata ang saya ng isang babaeng may asawa.” Naglakad papunta sa harapan niya ang kaniyang Lolo dahilan para mapatingin siya sa mukha nito.
His grandfather is a great observer. Marahil ay nararamdaman nito ang kakaiba nilang kilos at nakikita nito ang pagkailang ng asawa sa kaniya.
“Your not getting any younger, Aleonixous! Grow up! I'm warning you... If you continue what you've started, your making a fight with me. You know me. I hate seeing women being abuse. Girl doesn't deserve to be hurt, they deserve to be loved and treat like a precious diamond.” Makahulogang sabi nito na ikinababa niya ng tingin.
Naglalaro ang kaniyang dila sa loob ng bibig niya dahil wala siyang maisasagot sa sinabi nito. Kinuha ulit siya ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito, inalok niya pa ang kaniyang Lolo pero tumangi ito.
Nasa dugo niya ang pagiging matapang at palaban dahil apo siya ng isang kinakatakutang Pendilton na nakilala siya bilang Zarchx Montenegro. Bagay na walang ibang nakakaalam kundi ang kaniyang pamilya. Hindi rin ito alam ng kaniyang asawa at wala siyang balak na ipaalam ang tungkol sa kaniyang buong pagkatao.
“Dad, I don't get your point. One thing I can't do, having a fight with you. I respect you that much,” Pinagpatuloy niya ang paghithit ng sigarilyo at hindi makatingin ng deritso sa kaniyang Lolo dahil sa pakiramdam niya ay nasa hot seat pa rin siya na akala niya kanina ay tapos na ang usapin tungkol sa asawa.
“Don’t fool around with me, kid! Papunta ka pa lang, pabalik na ako...” Tinap nito ang kaniyang balikat. “I want you to work for it, make your wife happy. Give everything she deserves.” Dagdag pa nito bago siya tuluyang iniwan nito ng nakatulala sa kawalan.
Give everything she deserves.
Paulit-ulit na pumapasok sa kaniyang isipan ang huling sinambit ng kaniyang Lolo. Magkaiba sila nito ng pagpapakahulugan sa sinabi nito. Ang gusto ng kaniyang Lolo ay ibigay niya ang lahat dito upang mapasaya ito, dahil ito ang dapat mayroon ang isang babaeng may asawa pero para sa kaniya miserable ng buhay ang nararapat dito dahil pinili nitong pakasalan siya.
‘Aleonixous Kent Zarchx Montenegro Pendilton’ is my name. A Mafia Boss.