Chapter 27
Akala ko sa panibagong umaga na sasalubungin ko ay wala nang iba pang sikreto ang nakatago. Na alam ko na ang lahat. Ngunit nagkamali ako.
Sa may garden ako pinapunta ni ate Bia dahil naroroon daw sila mommy. Doon daw napili ni mommy na mag-almusal kami ngayong umaga.
Kaya agad naman akong tumalima. Naroroon na silang tatlo. Masayang nagkukwentuhan. Ngunit ng makita ako ni mommy ay napatingin siya kay daddy.
Sabay tumango sila sa isa’t-isa. “Halika, ‘nak. Maupo ka rito sa tabi ko.” Nakangiting aya ni mommy sa akin.
Pabilog kasi ang lamesa. Sakto iyon para sa apat na tao.
“Anak, panahon na rin siguro para malaman mo ang isa pang katotohanan.”
Anong katotohanan? May isa pa?
Kinuha ni mommy ang mga kamay ko at hinawakan niya iyon. Humugot muna siya ng isang malalim na buntong-hininga. “Alam kong magagalit ka sa amin, anak. Pero handa akong tanggapin ang galit mo. Kahit tumagal pa iyon ng mahabang panahon. Basta makita lang kitang masaya ay ayos na ako.”
Tumayo si daddy sa likuran ni mommy. Hinawakan niya ang mga balikat ni mommy. Inihawak naman ni mommy ang kanang kamay niya sa kay daddy. Habang nasa akin pa rin ang isa niyang kamay.
“Vria, anak. Ang anak mong ipinagluluksa sa loob ng labing-isang taon ay hindi namatay. B-buhay siya, anak. I-ibinigay namin siya sa kaniyang ama. Si Dio.”
“Ano?” Marahas kong kinuha ang mga kamay ko at pagalit na tumayo. “Buhay ang anak ko? Paanong? Paanong napunta ang anak ko kay Diovre?”
“A-anak, si Dio. Siya… siya ang ama ng anak mo. Siya ang lalaking nakabuntis sa iyo.” Sinubukan akong lapitan ni mommy pero humakbang ako.
Parang bombang sumabog sa harapan ko ang impormasyon na nalaman ko.
That’s explain everything. Ang batang nakita kong kasama ni Diovre ay walang iba kung hindi ang anak naming si baby Meya.
Siya ang lalaking kumuha ng virginity ko. Hindi kaya, kaya rin siya dumating sa buhay ko ay dahil plinano niya ang lahat.
“You really are a monster, mommy! You took eleven years of my child’s life from me. How did you do that to your own daughter?”
“I am so sorry, anak. Sorry. I’m sorry. Patawad. H-here. Ibinigay iyan sa amin ni Diovre. Sabi niya, diyan daw sila nakatira. I’m sorry, anak. I’m sorry.”
Kinuha ko ang papel na ibinigay ni mommy. “Pati ba sila Inang ay nagsinungaling sa akin? Alam din ba nilang buhay ang anak ko? Si Leuis? Alam din ba niya?”
Umiling-iling si mommy. “Hindi, anak. Hindi alam nila Inang na ibinigay namin ang anak mo sa ama nito. Pati na rin si Leuis. Ang buong akala niya rin ay patay na ang anak mo. I’m really sorry, anak.”
“I don’t know if I will ever forgive you, mommy.” Pagkasabi ko niyon ay umalis na ako roon. Hiningi ko ang susi ng sedan kay Inang.
May pagtatakha man sa kaniyang mukha ngunit hindi siya nagtanong sa akin.
Pinaharurot ko ang sedan patungo sa condo na kinaroroonan ng anak ko. Nasa BGC ito. Nang makarating doon ay nanumbalik sa akin ang araw na tumakbo ako papalayo sa lugar na ito.
Ito rin iyong eksaktong lugar noon.
Nang makapasok ay hindi na ako nagtanong pa sa information desk. Nagdire-diretso lang ako patungo sa elevator.
May mga taong nakakilala sa akin. Ngumiti lamang ako at kumaway. Hindi na ako pumayag na magpakuha ng litrato kasama sila.
Nang makarating na ako sa floor kung saan ang unit ni Diovre ay bigla akong nanghina at naninikip ang aking dibdib.
Napahawak ako sa aking dibdib at pati na rin sa pader na malapit sa akin. Ilang minuto ng pinalipas ko bago muling naglakad at hinahanap ang unit ni Diovre.
Nang makita ko na. Pinindot ko ang doorbell. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko. Pati na rin galit.
“Sino-“ Gulat na gulat na ginang ang siyang bumungad sa akin.
Kung hindi ako nagkakamali, siya si tita Riala. Ang tita ni Diovre.
“Vria?”
Ngumiti ako. “Ako nga po. Nandiyan po ba si Diovre? Ang sabi ng mommy ay ito ang ibinigay ni Diovre sa kaniya na kinaroroonan niya.” Ipinakita ko sa kaniya ang papel na hawak ko.
Ngumiti lang siya sa akin.
“Halika, iha. Pasok ka. Natutulog pa siya. Lasing na lasing. Katunayan ay gabi-gabi siyang naglalasing. Hindi raw kasi siya makatulog hangga’t hindi siya nalalasing.”
Nahabag ako sa narinig. Ngunit wala akong sinabi.
Sumunod ako sa kaniya. Malawak ang unit. May maiksing hagdan sa pinakadulo. Sa pagpasok pa lang sa loob ay masisilayan na ang kusina.
Ang long island ang siyang pumapagitna sa kusina at hapag-kainan.
Iginiya niya ako sa couch. May tv rin doon.
“Kumain ka na ba ng almusal? Naghahanda kasi ako para sa magiging almusal namin.”
“Hindi na ho. Nagpunta ako rito para sa isang bagay. Katotohanan,” saad ko habang umiiling.
“Wowa?” isang maliit na tinig ang siyang nagsalita.
Sa pinakahuling baitang, nakatayo ang batang kumukusot ng kaniyang mga mata.
“Meirra, apo. Gising ka na pala.”
Lumuhod si tita Riala para magpantay sila ng anak ko. “Kumusta ang tulog mo, apo?”
Ipinulupot ng anak ko ang kaniyang mga braso sa leeg ng kaniyang lola. “Fine, wowa. But you know, I have a dream. Sabi sa dream ko, kasama na namin ni daddy si mommy. At sabi rin sa dream ko. Happy na si daddy kasi okay na ulit sila ni mommy.”
Dahan-dahan akong tumayo at dahan-dahan din akong nagtungo sa kinaroroonan ng aking anak. Muli na namang umaagos ang mga luha sa mga mata ko.
“B-baby M-Meya. A-anak ko.”
Hindi ko na nakayanan. Napasalampak ako sa sahig at tuluyan nang humagulgol.
“A-anak ko. B-buhay ang a-nak ko. B-buhay siya.”
May pumulupot na mga braso sa akin. Nang tignan ko ay nasilayan ko ang lumuluha kong anak.
“Mommy. Mommy, nandito ka na. Mommy, sobrang miss kita. Mahal kita, mommy.” Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa akin habang nagsusumiksik sa aking leeg.
“A-anak ko. Buhay ka. Hindi ka namatay. I’m sorry. Hindi ko alam. Hindi ko alam, anak. Akala ko… akala ko patay ka na. Akala ko… hindi ka nakasurvive. Sorry, sorry, sorry.”
“Mommy, alam ko po. Don’t cry na, mommy. Hindi na rin ako iiyak, mommy. Look mo, oh. Pinupunasan ko na ang mga tears ko. Pupunasan ko rin ang mga tears mo.”
Kahit pigilan ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang hindi lumuha. Nasa mga bisig ko na ang anak ko. Ang anak kong akala ko ay namatay. Ang anak kong muntik kong patayin. Nandito na siya. Nasa mga bisig ko na siya.
Hinalikan ko ang kaniyang noo. At niyakap siya ng mahigpit. “Mahal na mahal kita, baby Meya ko. Hindi ko na hahayaan na mawala ka pa sa buhay ko.”
Masaya kong pinaghihimay ng kaniyang kakain ang aking anak nang biglang nagpakita sa amin ang humahangos na si Diovre.
“Vria? Nandito ka!” Walang pakundangan siyang yumakap sa akin. “Hindi ako nananaginip. Hindi ako nag-iilusyon. Nandito ka nga. Sobrang miss na miss na kita. Gustong-gusto kitang lapitan. Gusto kong magmakaawa sa iyong kunin mo ulit ako. Pero ayaw ko nang makita ang sakit sa mga mata mo. Ang paghihirap. Kaya kahit hindi ko kaya, hinayaan ko munang makamtan mo ang katahimikan.”
“Dad, hindi na niyan makakahinga si mommy.” Pag-angal naman ng anak namin na sinusubukan na alisin ang mga bisig ng kaniyang ama.
Agad na kumalas sa pagkakayakap niya sa akin si Diovre. “Meirra? Alam mo na, Vria?”
Nagpapalit-palit siya ng tingin sa akin at kay baby Meya.
Tumango ako bilang tugon. Kinuha ko ang mga kamay niya. Huminga ako ng malalim bago siya tinitigan sa mga mata. “I’m sorry. Nakipaghiwalay ako sa iyo dahil akala ko ginawa mo akong kabit. Akala ko may asawa at anak ka na. Iyon pala, ang batang babaeng nakita ko sa picture na ibinigay sa akin ni Leialia ay ang batang labing-isang taon kong ipinagluksa. I’m really sorry. Dapat nakinig ako kay Mama Mina. Dapat kinonfront agad kita. Pero dahil masiyadong mataas ang pride ko at sobrang nasasaktan ako ay hindi kita kinausap. I’m really sorry, mi salvador.”
Inilagay niya ang kaniyang kaliwang palad sa pisngi ko. “Toiveeni, pagdating sa iyo. Hindi mo kailangan mag sorry sa akin dahil palagi akong rurupok. Basta ikaw.”
Dahil sa sinabi niya ay hinampas ko tuloy siya. “Heh! Kalokohan mo talaga.” Natatawang saad ko.
“Totoo naman talaga. Ayaw mo pang maniwala. Pero okay lang. I still have many years to prove it to you. Hindi ba, Meirra, ‘nak?”
At naghanap pa nga ng kakampi ang loko.
“Opo, daddy. Pero pwede po ba akong mag wish? Yung mga friends ko po kasi sa school, may mga kapatid sila. Pero ako wala. Kailan po ako magkakaroon ng kapatid?”
Gulat akong napatingin sa gawi ng anak. Bigla akong nabilaukan kahit hindi naman ako sumubo ng kahit ano na nasa plato ko.
Agad naman akong inabutan ng tubig ni Diovre. At pinalandas ang palad sa aking likod.
“Naku, anak. Huwag biglain ang mommy. Malay mo bukas, may baby na sa tiyan ni mommy. Right, toiveeni?”
“Heh! Mag-ama nga kayong dalawa.”
At tuluyan na nga akong pinagtulungan ng dalawa. Kaya napuno ng tawanan ang buong paligid. Masaya naming pinagsaluhan ang mga inihandang agahan ni tita Riala.
Paminsan-minsan ay ipinaghihimay ko si baby Meya pero masiyado ata siyang napalaking strong, independent young lady ng kaniyang ama. Kaya ang nangyari ay ang ama na lang niya ang ginawa kong baby.
Tuwang-tuwa naman ang mokong. Tapos ay magnanakaw pa ng halik sa labi ko.
Pero deep inside ay kinikilig naman ako sa ginagawa niya.
Marami man akong nailuha, hindi ko pa rin maikakailang masayang-masaya ang puso ko ngayon. Buong-buo na talaga ang pagkatao ko.
Binuo ng mga taong mahal ko. Pag-uwi ko’y hihingi ako ng tawad kay mommy.
Nawala man ang labing-isang taon ko para sa anak. May mga taon pa rin naman akong maaari kong magamit para makasama siya. Para iparamdam sa kaniya ang pagmamahal ko. Ang pagmamahal ng isang ina.