Chapter 27

WARNING: THIS SCENE CONTAINS SOME SENSITIVE TOPICS THAT MIGHT BE TRIGGERING. NOT SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.

Just like what I expected. Mommy didn’t like my decision. She shouted angrily at me.

Nadatnan ko kasi silang tatlo na patapos nang kumain ng hapunan.

Nakipagkasiyahan pa muna kasi ako kila Kia. Sinabi ko sa kanila ang buong katotohanan. Pinasalamatan ko rin sila sa mga taong nakasama ko sila. At sa pananatili nila sa tabi ko.

Hindi naging madali para sa akin ang magpaalam. Hindi naging madali para sa akin ang naging desisyon.

Sobrang sikip sa dibdib na isiping hindi ko na sila makakasalamuha pa sa mga susunod na araw. Pero kailangan ko.

Kailangan ko nang magpaalam sa kanila dahil tapos na ang oras ko. Tapos na ang journey ko bilang isang artista.

Alam ko naman, patuloy pa rin nila akong susuportahan. Patuloy na susubaybayan pero hindi na kami magkakasama. Ibang landas na ang tatahakin ko.

Sinulit ko ang oras ko na kasama sila. Nagdesisyon din kaming magtungo sa kilalang bar sa BGC. Doon namin inubos ang oras namin. Hindi naman kami uminom masiyado. Puro sayawan nga lang ang ginawa namin.

Pagkatapos ay nagpaalamanan na kaming uuwi na.

Ngayon naman ay nasa harapan ako ni mommy. Pinasunod niya ako rito sa opisina ni daddy.

Nakatayo sa tabi ni mommy si daddy. Si Zrio naman ay nasa tabi ko. Nakahawak siya sa isang braso ko.

“Naloloko ka na ba, ha, Vria? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Nasa tuktok ka na. Hindi mo ba naisip iyon? Ipagpapalit mo ang pag-aartista sa walang kwenta mong pangarap? Para riyan sa drawing drawing na iyan? Ni hindi mo nga alam kung marunong ka sa letseng pangarap na iyan!”

“Myghad, Vria! Isa ka talagang walang kwentang anak!”

Kahit nasasaktan sa mga lumalabas sa bibig ni mommy ay hindi pa rin ako nagpatinag. Buong tapang akong nagsalita.

“Mommy, why can’t you understand me? Bakit ba palagi na lang ikaw? Bakit hindi pwedeng ako? Na ako naman ang magde-desisyon para sa sarili ko. Malaki na ako, mommy. Hayaan mo na ako sa buhay na gusto kong tahakin!”

“Hindi! Hindi pwede. Hindi kita hahayaan na gawin ang isang bagay na kinamumuhian ko! Hindi kita hahayaan na maging painter!” Nanggigigil na sigaw ni mommy.

Nangunot ang noo ko. “Bakit, mommy? Anong masama sa pagiging painter? Parehas na art ang pagiging artista at painter, mommy. Walang pinagkaiba iyon kaya hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mo akong maging painter.”

“Gusto mo bang malaman?” Nagtitigan kami ni mommy. Walang kahit isa sa amin ang nais bumitaw.

“Halika ka rito.” Marahas niyang hinila ang pulsuhan ko. Madiin ang pagkakahawak niya. Ramdam ko nga na anumang oras ay baka matanggal na ang pulsuhan ko.

“M-mommy, nasasaktan ako.”

“Wala akong pakialam. Sumama ka sa akin. Para malaman mo na rin ang buong katotohanan.”

Pagkalabas namin sa opisina ni daddy ay sa katabing kuwarto kami nagtungo.

Ang kuwartong ipinagbabawal niyang puntahan namin ni Zrio. Ang kuwartong matagal na nagbigay ng kuryosidad sa akin.

Ang kuwartong ninais kong buksan noong bata pa ako para alamin kung anong meron sa loob niyon.

May kinuha siyang susi sa bulsa ng kaniyang suot na dress. Marahas niya ring binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang iba’t-ibang portrait.

Ikinalaki ng mga mata ko ang nasisilayan ko ngayon.

Anong ibig sabihin nito?

Tumingin ako kay mommy sa nagtatanong na ekspresyon.

“I… am… a painter, Vria. Minsan na rin akong nangarap na maging sikat na magpipinta. Pero mahirap ang buhay. Ipinanganak akong mahirap. Nakutya, nasabihan ng mga salitang hindi ko naman pinangarap na marinig. At mas lalong sumakit iyon dahil mismong pamilya ko ang nagsabi ng mga salitang parang kutsilyong sumasaksak sa puso ko.”

Tuluyan siyang pumasok sa loob ng kuwarto. Pinaglandas niya ang palad sa bawat painting na naroroon.

“Then, I met your dad. Akala ko…” Tumigil si mommy sa pagsasalita. May munting luha na kumawala sa kaniyang mata.

“Ianna—” She motioned dad to stop talking.

“Akala ko, I met the man of my dreams. Okay kami. Okay na okay kami noong una. Tuwang-tuwa pa nga ako noong… noong ipinaglaban niya ako sa mga magulang niya. Pero, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Nang sabihin ko sa kaniyang gusto kong ipagpatuloy ang pangarap ko. He didn’t let me…”

“He became possessive of me. Lahat ng mga lalaking makikita niyang lumalapit sa akin, kung hindi niya sasapakin. Ipapabugbog niya sa mga tauhan niya. He became the man I’m afraid to be with. He was so obsessed. Umabot siya sa puntong hindi na niya ako pinapalabas sa mansiyon na ito. Sinasaktan niya na rin ako. Binubugbog. I wanted out, Vria. Pero hindi siya pumayag.”

Muli siyang tumigil sa pagkukwento. Pinunasan niya ang mga luhang umaagos. “Isang araw, umalis siya noon. Inang tried to help me. But before I even stepped out of this house, naroroon na siya sa pinto. Nakaabang. He was so angry. Kinaladkad niya ako papunta sa kuwarto namin. Kahit ginagamit ko na ang buong lakas ko para makalayo sa kaniya. Hindi pa rin naging sapat iyon. Nang nasa kuwarto na kami. Pinagsasampal niya ako. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na habang-buhay na kaming magsasama. Paulit-ulit niya ring ipinaalala sa akin ang mga vows na sinabi ko. Hanggang sa…”

“Mommy—” sambit ni Zrio. Pero hindi niya hinayaan na makapagsalita pa si Zrio.

“He did the most demonic and evil act. He… raped me. Y-your dad… raped me. Paulit-ulit nang paulit-ulit.”

“Kaya umabot ako sa puntong gusto ko na lang mamatay but… you came, Vria. You came into my life. You gave me light. You gave me strength. Pero, natakot ako. Natakot akong mahalin ka. Nangibabaw sa akin ang galit sa daddy mo. I wanted revenge. At alam kong ikaw ang magiging susi. Mahal na mahal ka ng daddy mo, Vria. Simula ng malaman niyang ipinagbubuntis kita. Lahat ng pwede niyang gawin, ginawa niya. Kaya ng ipinanganak kita. Nangako ako sa sarili kong papahirapan kita katulad ng ginawa ng daddy mo sa akin. Sinabi kong kokontrolin ko ang buhay mo.”

Tuluyan na ring umagos ang mga luhang pinipigilan ko. Malungkot na malungkot ako para sa sinapit ni mommy. Buong buhay ko, inisip kong hindi niya ako mahal. Buong buhay ko, inisip kong hindi sapat ang lahat ng ginagawa ko para sa kaniya.

Lumapit si mommy sa akin. Inilapat niya ang kaniyang palad sa pisngi ko. “Kamukhang-kamukha mo talaga kami ng daddy mo. Ang ganda-ganda mo talaga, anak. Anak, patawad. Hindi ko sinasadya. Hindi ko gustong saktan ka. Galit na galit lang ako. Na umabot sa puntong pati ikaw at si Zrio. Na sarili kong mga anak ay nasasaktan ko na. I am so sorry, mga anak. Patawarin niyo ang mommy.”

Ipinaloob ni mommy kaming dalawa ni Zrio sa mga bisig niya. “Mahal na mahal ko kayong dalawa. Higit pa sa kahit anumang bagay o kayamanan dito sa mundo. Patawad. Patawad. Patawad.”

“Mahal na mahal din kita, mommy.” Sambit ko.

“Ako rin, mommy. Mahal kita. Pero pwede ko bang malaman kung paano ako nabuo sa mundong ito?” Hindi ko napigilan ang mapatawa. Kaya pati rin sila ay natawa.

“I do love your dad, Zrio. Katulad ng sinabi ko, he changed when your ate came into this world. Humingi siya sa akin ng tawad. Pero galit na galit ako. Kaya kahit sinabi kong pinatawad ko na siya ay hindi pa nawala sa akin ang galit ko. Pero marupok din naman ako. Kaya sa tuwing he wanted to do it ay pinagbibigyan ko naman siya. Hanggang sa dumating ka rin sa buhay namin.”

“Hindi naging perpekto ang marriage life namin ng daddy niyo. Naging marahas at madilim. Pero hindi ko pa rin maipagkakailang mahal na mahal ko pa rin siya. Kahit nangibabaw sa akin ang galit ko. May natitira pa rin akong pagmamahal. Hindi ko maipagmamalaki ang naging takbo ng buhay mag-asawa namin at hindi ko rin iyon mairerekomenda kung sakali mang may magtatanong sa akin. Pero wala eh, mahal ko pa rin ang daddy niyo. Hindi ko pala kaya kapag nawala siya sa akin. Hindi ko pala kaya kapag may ibang tao nang magmamay-ari sa kaniya.”

“I am so sorry, hon. Alam kong hindi naging madali para sa iyo ang maghilom sa lahat ng nagawa ko. Pati na rin ang traumang ibinigay ko sa iyo. Pero nandito ka pa rin. Pinili mo pa ring manatili sa tabi. Pinili mo pa ring makasama ako.”

“Hay naku, hon. Huwag ka nang makisali sa drama namin. Tama ka na.” Natatawang saad ni mommy. Kaya pati kami ay tumawa.

We stayed there for awhile. Nakapaloob kaming dalawa ni Zrio sa yakap ng mga magulang namin.

Ito ang matagal ko nang inaasam. At nakamit ko na.

Napakatibay ni mommy. Hindi ko alam kung makakaya ko iyon kung sakali man na mangyari iyon sa akin. Sa tingin ko, si mommy lang ang makakagawa niyon.

“Anak, hinahayaan na kitang abutin ang tunay na sinisigaw ng puso mo. Alam ko namang hindi na kita mapipigilan. Kaya, buong puso kitang sinusuportahan sa desisyon mo. Go, anak, chase what makes you happy.”

Mas lalong nagalak ang puso ko dahil sa sinabi ni mommy. “Thank you, mommy. Thank you! I love you! I love you! I love you! Habang-buhay.”

Nang matapos na ang dramahan namin ay nagyaya si daddy na pumunta kami sa movie room. Doon ay itinuloy namin ang aming family bonding. The bonding I’ve been waiting and wishing for.

Another core memory to keep.