Chapter 20

Mabilis akong humakbang patungo sa kaniya. Halos patakbo na nga iyon.

Walang pakialam sa ibang taong naroroon.

“Good morning. Akala ko mamaya ka pa pupunta rito?” Masaya kong bati sabay yakap sa kaniya. Sinuklian naman niya ang yakap ko.

“Good morning, too. Ipagpapaalam din kasi sana kita, after kong makipag-usap sa parents mo.”

“Huh? May pupuntahan tayo? Saan?” May excitement na mababakas sa tono ng aking boses.

“Secret,” he said then pressed my nose.

Muli ko sanang ibubuka ang aking bibig ng makarinig ako ng ilang pagtikhim. Agad akong napabitaw sa pagkakakapit ko kay Xeidiovre. Masiyado ata akong natuwa na nakalimutan kong nasa hapag-kainan kami at nasa paligid sila mommy.

Pinagdikit ko ang mga kamay ko at tumikhim. “So, ahm, daddy, mommy, Zrio. Kilala niyo naman po si Xeidiovre, diba? Boyfriend ko na po siya ngayon,” saad ko pagkatapos ay binigyan ko sila ng isang pagkalaki-laking ngiti.

Tumayo kaagad si Zrio sa kinauupuan niya. Inilahad ang kaniyang kanang kamay. Inabot naman agad iyon ni Xeidiovre. “Kuya, alagaan mo ate ko, ha. Don’t you ever try to make her cry. Masaya ako kasi dalawa na tayong poprotekta sa kaniya. I am so happy for the both of you. Congratulations!” Pagkasabi niya nun ay yumakap siya kay Xeidiovre.

Tinapik na muna ni Zrio ang braso ni Xeidiovre bago bumitaw.

“Thanks, dude! Para sa approval mo. I am not a perfect man. I will have bad days, bad moves, and bad kinds of words that I may use to describe your sister. But, I assure you, I will do everything in my power to make her happy, to make her feel loved, and to make her feel safe in any and every way.” Tumingin siya sa akin sabay kindat.

Hindi ko naman naiwasang mapangiti at kiligin. Siguro ay namumula na ang aking mga pisngi dahil sa nararamdamang kilig.

“That’s good, Dio. You already have my approval, a long time ago. Just don’t break her heart. She has been through a lot. My daughter is like a glass to me. She is very fragile and I don’t want to see her broken into pieces.” It was Dad who spoke up.

“My husband’s right. I want to see my daughter’s happiness. But I don’t want to see her sad and lonely side.” Pag segunda naman ni mommy.

Hindi ko alam kung ano ang maaari kong maramdaman matapos marinig ang mga sinabi nila. All my life, I thought, all they think about is themselves. I thought, Zrio and I don’t belong to their created world.

Baka nga tama si Leuis noong sinabi niyang mahal kami ng mga magulang namin. Na siguro may mga pumipigil lang sa kanila.

O baka hindi lang talaga nila alam kung ano ang paraan para maging magulang sila sa amin ni Zrio.

Pero natutuhan naman iyon kapag sinubukan lang nila, hindi ba?

O… Vria, tama na muna ang pag-iisip ng mga kung anu-anong bagay. Dapat masaya ka.

Right, I should be happy. I should not think of any thoughts that do not belong at the moment.

Siguro naman, masasagot din ang mga katanungan sa isip ko sa darating na mga panahon. Sana malaman ko iyon sa lalong madaling panahon.

“Bia, bigyan mo ng plato si Dio. Para makakakain na. At mukhang may pupuntahan pa ata silang dalawa. Sige na, Dio. Maupo ka na sa tabi ni Vria. Zrio, dito ka na muna sa tabi ko kumain.”

Mabilis na lumipat si Zrio sa tabi ni mommy bitbit ang plato niya na may kaunting laman na ng pagkain. Ako naman ay naupo na ulit sa upuan ko. Gayundin si Xeidiovre na sa tabi ko umupo.

Bumalik si ate Bia na may dala nang pang sapin sa lamesa, plato, baso na nakapatong sa plato, pati na rin ang kutsara at tinidor.

“Thank you!” Sambit ni Xeidiovre.

Nginitian naman siya ni ate Bia bilang tugon. At mabilis na umalis na sa dining.

Masiyadong mahaba ang Xeidiovre. Dapat masanay na ako sa Diovre. Mas maiksi at madaling bigkasin. Yeah, tama.

Nagsimula na kaming kumain. May mga pagkakataon na nag-uusap-usap sila mommy na kasali si Diovre. May mga pagkakataon din na nababanggit ang pangalan ko. Kaya napapasali ako sa usapan.

Ngunit may mga pagkakataon na napapansin ko si mommy na nakatingin ng masinsinan kay Diovre. Para bang may iba pa siyang gustong itanong pero tila pinipigilan niya ang kaniyang sarili.

Nakikita ko rin sa kaniyang mga mata na tila may pinangungulilaan siya.

O sadyang binibigyan ko lang ibang pangangahulugan ang lahat ng bagay.

“Akyat po muna ako para makapag-ayos,” paalam ko nang makatapos na sa kinakain.

“Okay!” sambit ni mommy. Tumango naman si daddy habang si Diovre ay ngumiti.

“Ako naman po ay papasok na sa school. Baka ma late pa ako eh. Bye, mom, dad, ate, kuya. Enjoy!” Nakipag beso muna sa akin ang kapatid. Pagkatapos ay nakipag fist bump kay Diovre bago humalik sa pisngi ni mommy at yumakap kay dad.

“Ingat, Zrio! Have fun in school,” saad ko.

Sabay na kaming lumabas ng dining. Pero naghiwalay din dahil magkaiba ang pupuntahan namin.

I took a quick shower. Blinower ko ang aking buhok. Pagkatapos ay itinali iyon pa messy bun. Naglagay din ako ng kaunting make-up. Nagsuot ako ng hikaw, kwintas pati na rin ang importanteng bracelet at wristwatch ko.

Zrio and Leuis will definitely sulk if they ever know that I didn’t wear their gifts.

Speaking of Leuis, hindi ko pa siya nakakausap ulit. Tatawagan ko na lang siguro siya mamaya.

I take a mental note on my head to call Leuis later.

I am wearing a ruffled long sleeve skater dress. I partnered it with black studded strappy flat sandals.

Inayos ko na rin ang mga importanteng gamit na dapat kong dalhin sa aking shoulder bag. Pagkatapos niyon ay muli na akong bumaba.

Sa baba ay naabutan ko si Inang.

“Vria, ‘nak. Napakaganda mo talaga. Bagay na bagay sa iyo ang suot mo. Nasa labas silang tatlo. Doon na sila naghintay sa iyo.”

“Salamat, Inang.” Humalik na muna ako sa pisngi niya bago nagpaalam.

“Ingat at mag-enjoy.”

“Opo.”

Bahagyang nakabukas ang pinto. Lalakihan ko na sana ang pagkakabukas niyon ng marinig ko ang boses ni mommy.

“How was she? Lumaki ba siyang kamukha ang mommy niya? Katulad din ba siya ng mommy niya? I’m sorry, andami kong tanong, iho. Gusto ko lang talagang malaman kung ayos lang ba siya.”

“She’s doing-“

“Sinong siya ang tinutukoy mo, mommy?” Pagsabad ko sa usapan.

Curiousity is lurking in my system. I wanted to have some information.

Nakita ko ang pagkagulat nilang tatlo dahil sa biglaan kong pagpapakita. Ngunit agad din namang inayos ni mommy ang kaniyang sariling ekspresiyon.

“Ah… eh… A-ano, itinatanong ko lang kay Dio kung lumaki ka bang kamukha ko. Right, Dio?” Tumingin si mommy kay Diovre at tila ba sinisenyasan niya ito na umoo na lang sa sinasabi niya.

“Yes, Vri. Iyon ang itinatanong ni tita Ianna. I was about to answer her but you cut me off.”

Para talagang may mali. At parang may itinatago silang impormasyon na ayaw nilang malaman ko.

“Ganun ba? Well, what do you think, Diovre? Most of their ka-amigas told me that I look like my mom and dad.”

“You are, Vri. You really look a lot like your mom and dad. Very beautiful. So, let’s go?”

“Okay!”

Lumapit ako kay mommy para humalik sa kaniyang pisngi. “You are so gorgeous,” bulong niya sa aking tenga.

I was shock for a moment. Hindi ko inaasahan na sasabihin iyon ni mommy. Nang makabawi naman ay agad akong nagpasalamat.

Lumipat naman ako kay dad. Yumakap ako sa kaniya. “Habang papalaki ka. Mas lalong na-e-emphasize ang iyong kagandahan. Enjoy your date. Dio take care of her, okay?”

I will cherish this moment. Isa ito sa mga core memories ko.

“Yes po, tito Alvrio. Makakaasa po kayong makakauwi ng ligtas si Vria.” Sumaludo pa si Diovre. Ngumiti naman si daddy habang tumatango.

Kumalas na ako sa pagkakayakap kay daddy at tuluyan na kaming nagpaalam.

Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay agad akong nagtanong kay Diovre. “Saan tayo pupunta?”

He put my seatbelt on. Kaya medyo nag hang ang utak ko. “Safety check!” Hindi ko napigilan ang mapangiti. At sigurado akong nangangamatis na naman ang aking pisngi.

Inilagay na rin niya ang seatbelt niya bago pinaandar ang kaniyang sasakyan.

“Sa Tagaytay, toiveeni.”

Toy? What? Naging alien ba bigla si Diovre?

“Anong toy? Do I look like a toy to you?” Inis kong saad.

Napahagalpak ng tawa si Diovre. Sinamaan ko siya ng tingin. “Anong nakakatawa? Ha?”

Inubos na muna niya ang kaniyang tawa bago siya muling nagsalita pero may kaunting pagtawa pa rin ngunit sa huling mga salita niya ay naging seryoso na. “Vri, you are not a toy. At hindi kita kailanman ihahalintulad sa mga laruan. T-O-I-V-E-E-N-I. Toiveeni. It is a Finnish word that means “my wish.”. Although it may appear cheesy, believe it or not, I’ve wished for you to every star, night, sun, cloud, shooting star, galaxy, milky way, planet, heaven, and hell. And now, here you are. My wish has been granted.”

I was out of words. This man really knows how to make my heart beat faster than normal, and makes me feel butterflies in my stomach.

This gentle, flowery-mouthed, caring man is worthy of my affection. He is worthy of everything I can offer.