Chapter 20

Everyone is overjoyed with the news. They congratulated us and wished for our relationship’s success.

Walang sawang pasasalamat naman ang isinagot ko sa kanila.

“Sabi ko na nga ba eh. Tama ang hula ko. Someone’s going to fall in love,” natutuwang saad ni Kia. May halong mapang-asar na ngiti iyon.

Nasa Delishioso restaurant pa rin kami. Ngunit wala na kami sa labas. Pagkatapos kasi ng yakapan namin ni Xeidiovre ay pinili na naming pumasok sa loob.

Nakaupo kaming tatlo. Magkatabi kami ni Xeidiovre habang si Kia ay nasa harapan namin.

“You’re such a bully, Kia. Kaya pala lagi kong napapansin ang mga mapanuri mong titig kapag magkatabi kaming dalawa ni Diovre. I-no-obserbahan mo kami.”

“Sows. Huwag ka nga. Alam kong kinikilig ka, noh! Kitang-kita ko riyan sa nangangamatis mong mga pisngi. Yiee!” pang-aasar niya pa lalo sa akin.

Itinakip ko naman sa aking pisngi ang dalawang palad ko. “Hindi kaya. Judger ka, Kia!” Pagtanggi ko sa kaniyang sinabi.

Hindi naman niya ako tinigilan. Patuloy siya sa pang-aasar sa akin na nauwi sa tawanan naming tatlo dahil nakisali na rin si Xeidiovre.

Napuno ng tawanan at hagikgikan ang aming lamesa. Hindi naman nagtagal ay nakisali sa amin si Wella pati na rin si Mama Mina.

Pinagtulungan nila akong apat sa pang-aasar.

Ipinagtatanggol ko naman ang sarili ko at i-di-ni-deny ang kanilang mga paratang.

Nang sumapit na ang alas-nuebe ng gabi ay unti-unti nang nagpaalamanan ang bawat isa.

Nauna ang ilan sa mga staffs at crew. Pagkatapos ang ilang mga direktor na dumalo sa kasiyahan. At ilan sa mga cast.

“Congratulations sa inyong dalawa, Meiza at Dio. Pati na rin sa inyong relationship. I wish you, two all the best!” Saad ni Mr. Envido.

Taos puso akong nagpasalamat sa kaniya. Gayundin din si Xeidiovre.

Nang makaalis na si Mr. Envido ay nagpaalam na rin ako sa iba pang natitira. Gusto ko na ring magpahinga.

“Dito na lang muna kayo, Mama Mina. Magko-commute na lang ako pauwi. Kaya ko naman ang sarili ko.”

“Huh? Pero, Vria. Delikado. Gusto na rin naman naming umuwi kaya ihahatid ka na namin,” wika naman ni Kia.

“Vri, hindi ka magko-commute. Ihahatid kita sa inyo. Anong silbi na naging boyfriend mo ako kung hahayaan kitang umuwi mag-isa, ‘diba?” Pagsabad naman sa usapan ni Xeidiovre.

Boyfriend. Masarap pala sa pakiramdam na malaman na may boyfriend ka na. Lalo na at marinig mo ang salitang boyfriend na lumabas mismo sa bibig ng boyfriend mo.

Nakakakilig. Pwede na ba akong maglupasay sa sahig?

Napangiti na lamang ako. Yung mas malaki pa sa isang normal na ngiti. Iyong tipong mapupunit na ang pisngi ko.

Lumakad siya patungo sa kinatatayuan ko.

Nang magpaalam kasi si Mr. Envido ay nagpunta siya sa kabilang table para makipag-usap.

Siguro ay narinig niya ang sinabi ko o ang sinabi ni Kia kaya agad na napunta sa akin ang atensiyon niya.

“But, Diovre. Kaya ko naman. Nag-eenjoy pa kayo. Ayaw ko namang abalahin ang enjoyment na nararamdaman niyo.”

Hinawakan niya ang mga kamay ko. “No, Vri. I can drop anything just to bring you home. ‘Tsaka pinagkakatiwalaan ako ni tita. Ayaw ko namang masira ang tiwalang iyon dahil lamang sa hinayaan kitang umuwi na mag-isa.”

Mas lalo talaga akong nahuhulog sa kaniya.

Hindi na ako kumontra pa dahil alam ko namang hindi rin magpapatalo si Xeidiovre. “Fine, sige na nga. Ano pa nga bang magagawa ko? ‘Tsaka good idea na rin para masabi na rin natin kila mommy ang relationship natin.”

“Naku, Vria. Malamang sa malamang kanina pa nalaman ng mommy mo ang nangyari kanina. Kalat na kalat kaya sa lahat ng social media platforms pati na rin sa entertainment news ang inyong romantic confession. Kaya nga ngiting-ngiti si Mr. Envido.” Sabi ni Wella na abot hanggang tenga ang pagkakangiti.

“Sabagay. Sige, Mama Mina, Wella, Kia, alis na kami ni Diovre. Enjoy the remaining hours. Mwuah!” Pagsang-ayon ko sa sinabi ni Wella. At pamamaalam na rin sa kanilang tatlo.

“Ingat kayo. Diovre, ikaw na bahala kay Vria. Ingatan mo iyan dahil kung hindi, ipapakain kita sa mga buwaya na alaga ni Kia.” May pagbabantang saad ni Mama Mina.

Natawa naman kami ngunit mukhang seryoso si Mama Mina dahil hindi ito ngumiti. Kaya nag seryoso na rin si Xeidiovre. “Huwag kayong mag-alala, Mama. Makakaasa kayong ligtas na makakauwi si Vri. At hindi ko rin hahayaan na may mangyaring masama sa kaniya dahil pagnagkataon mawawalan ako agad ng girlfriend. Paano na ako?”

“Sige na. Sige na. Umalis na kayong dalawa. Tama na ang pagpapainggit sa aming mga single.”

“Correction, Mama Mina. Ikaw lang ang single. May boyfriend ako, remember. Si Vito, ang aking foreigner na jowa na nasa Italy.”

“Hoy, Kia! Para namang sinasabi mo na hindi na magkakaroon ng boyfriend si Mama Mina. Ayy, ako rin, Mama Mina. May boyfriend, nasa Macau nga lang ngayon kasi may team building daw sila roon.”

Kami naman ni Xeidiovre ay natatawa na lang dahil sa pang-aasar na ginagawa nila Wella at Kia.

“Oh, eh di kayo na. Pag ako talaga nagkaroon ng boyfriend. Magiging who kayong tatlo sa akin. Akala niyo ha.”

Lalo akong natawa. Napakapit ako sa tiyan ko dahil sumasakit na iyon. Nang matapos ang tawanan ay tuluyan na kaming umalis sa restaurant ni Xeidiovre.

Habang papalabas kami sa restaurant ay nakaalalay ang kaniyang braso sa aking bewang. He opened the door for me. Siya rin ang naglagay ng aking seatbelt.

Nakita ko sa may dashboard ang kaniyang portable music player kaya kinalikot ko iyon at pinatugtog ang musikang swak sa aking pandinig.

Medyo traffic kaya quarter to 12 na kami nakarating sa bahay. Hindi na namin naabutan na gising sila mommy kaya decide si Xeidiovre na babalik na lang bukas ng umaga.

“At ipagpapaalam din kita bukas. I check your schedule on my phone. Rest day mo bukas. At rest day ko rin. Kaya secret na lang muna. Good night, Vri. Thank you!”

Niyakap niya ako at hinalikan ang aking sentido. Sinuklian ko naman ang ginawa ng isang mahigpit na yakap.

“Ingat pauwi. Huwag masiyadong mabilis ang pagpapatakbo, okay! Ayaw ko pa mawalan ng boyfriend.”

“Yes, ma’am!” Saad niya sabay sumaludo.

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay at pumanhik sa kuwarto ko.

Kinabukasan, sumalubong sa akin ang malambing na yakap ni Zrio. Hindi ko namalayang kasunod ko na pala siya sa pagbaba sa hagdan.

“Good morning, ate. Congratulations! I am so happy for you. Pero, gusto kong huwag mong ibigay ang lahat ng iyo, ate. Magtira ka pa rin ng pagmamahal para sa sarili mo, okay? Mahal na mahal kita, ate. At ayokong masaktan ka at maging dehado sa huli.”

“Uhh, ang sweet sweet mo talaga, Zrio. Mahal na mahal din kita. Pangako, po-protektahan ko rin ang sarili ko. Hindi ko hahayaan na masasaktan ako at maging dehado sa huli. Itaga mo iyan sa bato.”

Ginulo ko ang buhok niya. Hindi naman nagreklamo ang kapatid ko. Maya-maya pa ay nagpasya na kaming tuluyan nang bumaba.

“Good morning, mommy, daddy.” Sabay naming pagbati ni Zrio. Humalik kami sa mga pisngi nila bago maupo sa mga upuan namin.

“Nakita namin sa balita kahapon ang nangyari, Vria. Congrats but still focus on your career. Malaki ka na kaya alam kong alam mo na ang tama at mali.” Seryosong saad ni mommy. Nasa mga pagkain siya naka focus kaya hindi ko nakita ang reaksiyon niya.

Pero base sa pananalita niya, inisip ko na lang na hindi naman siya against sa relasyon ko with Xeidiovre.

“Yes, mommy. Makakaasa ka po.”

“Good.”

“Vria, may bisita ka.” Biglang sabad ni ate Bia nang pumasok siya sa dining.

“Sino, ate?”

“Boyfriend mo. Sobrang gwapo. Makalaglag panty.” Kinikilig na saad habang akala mo ay tila isa itong kiti-kiti sa sobrang likot ng kaniyang pagkilos.

Pagkasabi niyon ni ate Bia ay siyang pagpasok naman ni Xeidiovre sa dining.

The man who caught my heart. Standing tall and looking handsome on his casual clothes. Nakatali ang kaniyang buhok.

Is he really my boyfriend? Masiyado siyang perpekto para sa isang ordinaryong tao na katulad ko.