Kabanata 25
LIAM found his way on their room for around 11:00pm sharp pagkatapos ng usapan nila roon sa study room.
Kanya-kanyang nagsialisan naman sina Cladmus, Marcus at ang dalawang Ackerman ngunit hindi si Ludovic na hinayaan lang muna niyang magpahinga sa bagong sagap nitong recliner sa may lobby dahil ang sabi ay payapa raw ang pakiramdam nito sa tuwing umuupo roon.
“Better to looked for a cab bago ka pa man sapitin ng umaga sa daan if ever uuwi ka man.” Sabi niya sa lalaki ng hindi niya napigilan ang sarili na bumaba sa may sala at diresto na ang pagpasok niya sa may lobby na konektado sa likurang bahagi ng bahay nila.
“Bakit bumaba ka pa rito? You should be in your room and sleep. Lady Morley is waiting for you Lord Easton—”
“Drop it Ludovic.” Sinamaan niya ito ng tingin sabay baling niya sa botilya ng beer na agad ay nangangalahati na. Nang akmang aabutin iyon ng lalaki ay mabilis na nakuha iyon ni Liam at kaagad ipinwesto sa kanyang likuran.
“I won’t let you going home in a disposition like that. Go in the living room and choose one you’ve prepare to sleep.” Ngunit tumabingi lang ang ulo ni Ludovic at lasing na ngumiti.
“You’re lucky Liam. I wished I am too.” Hayun na naman. Alam ni Liam na hanggang ngayon ay sinisisi pa rin nito ang pagkamatay sa mag-ina niya.
“I allowed you to have the revenge. Pero iyong tito mo lang ang pinatikim mo sa dahas ng nagbabagang galit ng pusong mapaghiganti. You should have killed them all. You have the capability Ludovic.”
“Sana ay ganoon na lang iyon kadali ngayon. I’m afraid Steffie will know the real me, Liam. I’m afraid she will distance herself away from me if ever she will discover the whole of me. I’m no saint. Si Satanas na lang ang hinihintay ko upang bawian ako ng hininga.”
“Stupid!” Nag-angat ito ng tingin sa kanya at kapagkuwan ay muling nginitian siya.
“Your wife. She’s dangerous like you. Ramdam ko iyon sa kanya pero hindi siya aware na may taglay siya ng ganoon. Takot na harapin ang hamon kaya dinutdot ko ang kaya niyang gawin at hindi nga ako roon nagkamali. She has the capacity at natatakot lang siyang buksan ang nakatago niyang aura, but the manipulation she had na alam kong sa iyo niya namana. Damn! Like husband like wife. Ano nalang kaya ang mga anak ninyo?”
Napangiti siya. Hindi alam kung bakit nakaramdam ng excitement to see their breeding lalo pa kung lalaki nga talaga ang panganay nila.
Liam was surely be able to hold grudges of his son.
“Ngiting pinagpala. Kailan ko kaya matatamasa ang ngiti na kagaya niyan?”
“You’re drunk Ludovic. Tingnan mo nga iyang basyo ng beer at malapit mo ng maubos. Get up now. Sa bakanteng kwarto ka matutulog.”
Hinila niya si Ludovic patayo upang alalayan itong makapasok sa silid dito sa baba ng sa ganoon ay makapagpahinga na rin sila pareho subalit ng papasok na sana sila pakaliwa ay tinabing nito ang kamay niya at kapagkuwan ay humahalakhak.
“Uuwi ako. Thank you for taking care of me this much, Lord of Asia.”
“Hindi ka nga uuwi—”
“I am a Navy Seal have you forget that?”
Bumuntong-hininga na lang siya at pagkatapos ay tumango. Hindi na rin kasi niya mapigilan si Ludovic dahil maalam naman ito sa kahit anong aspeto.
Though he can’t control himself to worry, but Ludovic assured him that everything was on his control kaya ay hinayaan na lang niya.
“Ngayon pa lang ba kayo natapos? Halika na at makapagpahinga. I can see that you’re tired. Sa susunod na oras na lang iyong pangako ko na gagawin natin lahat ng posisyon na gusto mo.”
Kaagad siyang sumampa sa kama ng madatnan niya si Morley na nakasandal na ang likuran sa headrest sabay yakap niya ng naglalambing dito ng nasa tabi na siya nito.
Morley combed his hair kaya hindi napigilan ni Liam ang sarili na mapapikit.
“I’m worried of Ludovic. He has a lots on his shoulders.” Wika niya and Morley continued to comb his hair.
“You should be. I can’t control myself to feel pity on him when he told me his tragic life story. At alam mo bang naroon sa mga mata niya ang paghihiganti habang sinasabi niya sa akin iyon? Gusto ko sanang sabihin na wala sa kamay ng tao ang hustisya na ninanais niyang makamit, but upon hearing his hatred, I can say that he deserve justice. His wife and son, was terribly murdered Liam. And…you—your words was all Ludovic will follow. He adored you Liam.”
Hinigpitan niya ang pagyakap sa baywang ng asawa upang doon humugot ng lakas. Lately, he’s been feeling exhausted. Hindi niya rin alam kung paano sasabihin kay Morley ang nasagap niyang impormasyon tungkol sa taong nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang nito.
Nagsalita na kasi ang mga taong nadakip ng kanyang mga tauhan na ngayon ay nasa kustodiya niya na at binanggit nito ang pangalang Amadeo Gonzalez na siyang pinuno ng nasabing krimen.
And upon checking the man’s background’s lialibilities, napag-alaman ni Liam na ito pala sana ang dapat na ikasal kay Morley at hindi siya.
Papaanong nangyari iyon gayong sariwa pa sa isip niya ang pagdulog ng ama ni Morley upang humingi ng tulong kaakibat nito ay ang panghihiram ng dalawang milyon?
Things were all gotten worse. Hindi na rin niya alam kung saan hagilapin ang taong iyon dahil katulad niya ay hindi rin ito mapirmi sa Pilipinas dahil marami rin itong ari-arian sa America.
“Alam ko na may problema ka Liam, can you tell me kung ano iyan?”
Nasa porch silang dalawa ngayon dahil wala munang training si Morley sa kadahilanang hang-over pa rin hanggang ngayon si Ludovic at ayaw rin naman niyang istorbohin ang lalaki.
“Wala naman akong problema.” Ngumiti siya, but Morley seems like doesn’t convinced at all kaya’y hinagilap niya ang kamay ni Morley at hinagkan iyon.
“If I have a problem ay sasabihin ko naman kaagad sa iyo right? You knew me at hindi ko kayang maglihim sa iyo. How about we’ll going on a date for today since wala ka namang training ngayon. How’s that?” Inakbayan niya ang asawa na isinandal naman ang ulo sa balikat niya.
“I would love to, pero kasi masakit pa rin ‘till now ang mga buto-buto ko gawa ng ensayo na halos araw-araw.”
“Ohh! Kawawa naman ang asawa ko. How about I will give you a massage in our room and—”
“Sige na nga. Let’s go for a date.” Bigla ay naging masigla ang boses nito na halatang iniiwasan ang alok niya na masahiin ito.
Napasipol si Liam ng tuluyang tinungo ni Morley ang looban at mukhang diretso na ang tungo nito sa kanilang silid upang siguro ay magbihis na.
Sumunod na rin siya sa loob at maya-maya pa ay pareho na nilang binabaybay ang daan patungo sa kung saan dahil wala siyang maisip kasi kung saan sila pupunta.
“Where to go my gorgeous wife?”
Sandali nitong binalingan siya at tinitigan siya ng mariin. “G-gusto kong bisitahin sina mommy at daddy sa kanilang puntod. Would you allow that?
“Of course. Okay then. Sa Memorial garden tayo today.” At doon ay napagtanto rin ni Liam na hindi pa pala kilala ng mommy niya ang asawa niya kung kaya’t bigla ay nagkaroon siya ng ideya.
Nang makapasok ang sasakyan sa malayong bahagi ng mga puntod roon ay kaagad kinabig ni Liam ang manibela sabay patay niya sa makina ng kotse at bumaling sa asawa.
“We’re here. Wait for me, lalabas lang ako upang pagbuksan ka ng pinto.” Hindi ito sumagot at doon ay napansin ni Liam ang pangingilid ng mga luha nito.
“H-hey. W-what happened?” Sapilitan niyang hinarap si Morley at doon ay gustong kutusan ni Liam ang sarili ng makita ang nag-uunahan ng mga luha sa pisngi nito. “My God, please tell me kung anong problema. Please! Please!”
Hindi niya na alam ang gagawin. Liam embraced his wife at ramdam rin niya ang pagyakap nito pabalik.
“I-I m-mis—missed t-them s-so much L-Liam.”
Humikbi ito at mas lalong isiniksik ang mukha sa leeg niya. Siya naman ay kahit todo ang pagtahip ng kaba sa dibdib ay tinapik rin naman niya ang balikat ng asawa.
“I know. I know. I am here right? Nandito ako hindi kita pababayaan kahit na anong mangyari. Stop crying please. Don’t make me worried my wife. Please!”
Sumimot-simot ito. “I-I’m s—s-sorry. Hindi ko napigilan ang mag-break down. I am just missing my parents presence.”
“It’s okay. Please tell me if you feel like having an issue. Makikinig ako Morley just please huwag ka lang umiyak ng biglaan. I became worried.”
Inangat nito ang tingin sa kanya at nginitian siya. “There. Smile my wife.” Tinuyo niya ang mga luha nito and then Morley found his lips and deepen the kiss. Nang bumitiw ito sa halikan nila ay malambing naman nitong hinalikan ang pisngi niya.
“I love you Liam. Thank you for always staying beside me. Let’s go?”
Hindi siya kaagad nakakilos. Literal na natuod siya sa pwesto at hindi nakagalaw. Tanging si Morley lang ang nasa paningin niya sa mga sandaling iyon.
“J-Jesus Grace! C-can you repeat what you said?”
“Huh? Ano ba ang sinabi ko?” Patay-malisyang tanong nito ngunit naroon naman sa labi ang nakakaloko nitong ngisi.
“Hell no! Are you playing shits on me?” Bigla ay inabot nito ang magkabilang pisngi niya at pinanggigilang kinagat-kagat ang kanyang labi.
“I love you.”
“Ha?”
“I love you!”
“Ano? Hindi kita marinig Morley.”
Sinuntok nito ang dibdib niya kaya’y napa-aww na lamang siya. Umakto pa siyang sobrang sakit talaga niyon kasabay ng paghawak niya sa dibdib at sinabayan pa ng kanyang pag-ngiwi.
“Oh my God. I-I’m sorry!” Nag-iba ang reaskyon sa mga mata ni Morley kaya’y palihim siyang ngumisi lalo na ng hinalik-halikan nito ng mas malalim pa ang mga pisngi niya upang doon iparating sa kanya na nag-so-sorry ang asawa kaya doon nalang siguro bumawi. “I’m sorry okay? M-masakit pa ba? Gago ka kasi.”
“I-I’m h-hurt…aww!” Ngunit mas lalong pinailaliman nito ang halikan nila at maramdaming tinugunan niya iyon.
Matagal na minuto pa ang inilaan nilang dalawa sa sasakyan bago ni Liam napagpasyahan na lumabas na upang tunguhin ang puntod ng mga magulang ni Morley.
“I-I’m here mommy, daddy. It’s been a week at ngayon lang ako nakabisita.”
Hawak ni Morley ang kamay niya ng mahigpit habang kaharap na ngayon ang puntod ng mommy at daddy nito.
“Don’t worry about me. My husband Liam Easton Adler didn’t feel me that I’m alone. He’s my all now. Thank you for giving me to him. Dahil sa inyo ay natagpuan ko ang lalaking mahal ako ng buo.” Tiningnan siya nito ng buong pagmamahal habang nangingilid na naman ang mga luha.
Gamit ang malayang kamay ay tinuyo ni Liam muli ang mga luha nito. Maya-maya pa ay muli itong bumaling sa harapan.
“I love him now. Ngayon ko lang na-realized iyon. He gaves me the assurance of my safety. Even bringing the best of me na ngayon ay unti-unti ko ng yayakapin. I want myself to be fit on his job ng sa ganoon ay masasabi ng lahat na bagay ako sa kanya at hindi ako palamunin lang—”
“H-hey! Ano iyang pinagsasabi mo—” si Morley naman ngayon ang pumutol sa sasabihin niya.
“I love him dearly mommy, daddy.” Muling inangat ni Morley ang tingin sa kanya at nginitian siya. “I love him so much. More than to myself mommy, daddy. At ngayon ko lang sasabihin ito sa harapan niyo mismo na masaya ako sa piling ng asawa ko na sobrang pinaramdamdam sa akin ang value ko bilang tao, bilang asawa at bilang babae.” Wika nito na nakatingin sa kanya habang sinasabi iyon.
Now that his wife confessed. Walang pagsidlan ang saya ni Liam dahil sa wakas ay may katumbas na rin ang I love you niya.
Pareho silang nakangisi habang binubuko ang bawat isa na siya daw iyong malakas umutot kaya’y sinabihan rin niya ang asawa sa harap ng puntod ng mga magulang ni Morley na kahit tulo-laway ito sa kanya palagi maging sa pagtulog ay mahal na mahal pa rin niya ito, at hinding-hindi na kailanman mababawasan pa iyon.
“Are you happy now? Balak ko sanang ipakilala ka sa mommy ko pero tsaka na lang kung wala pa tayong ibang pupuntahan.”
“Bakit? Saan pa ba tayo pupunta Liam?”
“It’s a secret.”
Nakangiti silang pareho habang palapit na sa kanilang sasakyan ng biglang may huminto na tatlong naka-motorsiklo sabay bunot ng baril ang tigdadalawang angkas ng mga ito at doon ay kaagad sumigaw si Liam bago paman narinig ang pagpailanlang ng putok.
“Drop yourself down—” kaagad siyang hinila ng asawa ng itinulak niya ito upang makatago sa sasakyan kaya’y halos sumubsob na ang mukha niya sa lupa dahil sa paghablot ni Morley sa kanya.
“Who are they?”
The tone on Morley’s voice doesn’t feel fear bagkus ay ito pa ang ang nagtulak sa kanya nang magtanong ito kung may baril ba siya. Doon lang nagkaroon si Liam ng pagkakataong hagilapin ang Magpul zhukov AK stock sa shotgun seat upang makipagsagutan na rin ng bala sa mga kalalakihan na hanggang ngayon ay wala pa ring paawat sa pamamaril sa kanila.
“This is Morley Adler. The Lord of Asia’s wife. I need, we need a back-up now because men are firing us here in memorial garden as I speak. Hurry up! I don’t know how to use guns and my husband here uses only an AK stock type of gun. Hurry!!!”
Hindi alam ni Liam kung bakit na-starstruck siya dahil sa sinabi ng asawa habang tinatawagan nito ang mga tauhan niya.
He can’t help himself, but to smile dahil taglay ni Morley ang pagkamaotoridad habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Liam concluded that his wife will become the best of best leader sa mga tauhan niya kagaya noong bago pa lang siya sa posisyon bilang Lord of Asia.
Everyone knows that he imply and petrified as a billionaire and would surpass as quillionaire kung dodoblehin pa ang kanyang mga ari-arian at pagtagpi-tagpiin iyon. Hindi alam ni Liam kung bakit iyon ang tingin ng mga nakakilala sa kanya na iyon na pala ang taglay na yaman niya.
“M-Morley, you’re bleeding!” Sita niya sa asawa ng bumaling ang tingin niya sa braso nito na dumadausdos na nga ang pulang likido roon.
The gunmen immediately came out of the scene bago pa man makarating sina Cladmus at ang dalawang Ackerman na kaagad sinundan iyong namaril sa kanila.
Cladmus call an air pilot ambulance upang madala kaagad ang asawa niya sa Ospital and Ludovic was the one who manuever the helicopter.
“I-I’m fine L-Liam—”
“No! Oh please. Huwag matigas ang ulo. Dadalhin kita sa Ospital ngayon.” Karga niya ito sa bisig at ng makitang ngumiti si Morley na parang hindi nabaril ay gusto na lamang ni Liam na kutusan ito.
“Masarap ba ang mabaril ha?”
“Yeah it was good knowing that my husband here always have the aura of parting his brows while looking at me like I’m a fool. Damn! I really love my Liam Easton Adler, as being a baddass!”
Hindi alam ni Liam kung bakit mas lalong tumalbog ang dibdib niya hindi dahil sa kaba kundi ay…. nakakahiyang aminin pero posible bang kiligin ang mga lalaki? Dahil iyon ang naramdaman niya ng marinig sa asawa ang salitang iyon.
“It’s nice to see you in this situation Lady Morley, Lord Easton—”
“Drop it down Ludovic. Drive faster!”
Nakangising sumaludo sa kanya ang lalaki na kaagad namang pinalipad ang helicopter patungo sa pinakamalapit na Ospital.
“Badass!” Komento ni Morley na ngayon ay nasa kandungan pa rin niya. Ang braso nito ay tinalian niya na ng bandeha upang magtigil ang pagdugo then all of a sudden, she kissed him on the cheek.
“Will you stop that? Naiinis na ako Morley. Isipin mo muna iyang braso mo na nabaril.”
“I’m sorry. Can’t control myself to kiss you at this point. You’re really a good to looked while exchanging bullets to those gunmen earlier.”
Hayun na naman ang puso niya na mas lalong bumilis ang pagtibok.
“Huwag mong patabain masyado ang puso ko wife. I know already that I’m a geek God. Ikaw na mismo ang nagsabi niyon sa mga kaibigan mo noong nasa Hotel Fairmont Heritage Place in Ghirardelli Square tayo.”
Ngumiti lang ito at muling isinandal ang ulo sa dibdib niya.
“It’s a busy day. And my husband was always careful for me. So lucky!”
Napangiti si Liam at hindi na nakipagtunggali pa sa asawa niya na tahimik lang kahit ng inilapag niya na ito sa folding bed upang magamot na ng mga doctor pagkalapag na pagkalapag ng helicopter na sinasakyan nila.