Kabanata 23

SHE’S HAPPY.

Liam is the root cause. Kanina pa ito nakalangoy sa pool at binibirong sinasabuyan siya ng tubig ay ginagantihan rin ni Morley agad iyon.

“Liam tumigil ka na nga. Nakakahiya sa mga kaibigan mo oh!” Kanina pa kasi nakangiwi ang dalawang Ackerman sa kanila at panay pa ang pag-irap ng isa mga kambal.

“Don’t mind Lucifer and Tanner. They are not my friends. Remember when we went on San Fransisco?” Inilingkis nito ang bisig sa katawan niya at pinakatitigan ang kambal na ngayon ay tumayo na at hinila ang kanya-kanyang towel sa rack. “Paano nga ba akong hindi makalimot e inutusan mo lang naman kasing tusukin ng karayom ang mata niyong…wait, sino sa kanila iyong si Red?”

Tumawa si Liam. “You can identify them immediately if you tried to look at their emotions and faces. Tanner has this delightful features while Lucifer was in a deep mud of dark so yeah, si Tanner iyong nandoon sa iyo noong araw bilang bantay mo.”

But she was sure that the man who’s with her that time has no expression on the face kaya ay nagtaka siya.

“Uhh…Tanner if ever he’s on call, palagi nitong ginagaya ang reaksyon ng matandang kapatid para magmukha talaga siyang si Lucifer. He admired his brother that much kahit na minsan ay magkaiba ang prinsipyo ng bawat isa sa kanila.”

Nilingon niya sa Liam. “You said you aren’t friends with those two, pero bakit parang alam mo yata lahat ng background ng dalawang iyan?”

Nagkibit-balikat lang ito at hindi na umimik pa kaya ay hinayaan niya na lang.

“May tanong ako wife.”

“Ano iyon?” Lumusong si Liam sa tubig samantalang siya ay nakapinid na ang katawan sa gutter area while her husband was on her front.

“Your parents. Okay na ba kayo? Wala ka na bang pagtatampo sa kanila. You think they betrayed you right dahil sa arranged marriage natin—” pinutol niya ang sasabihin sana ni Liam.

“I was devastated noong una dahil of course akala ko ay kung anong klaseng tao ka, but it turns out that you’re the best of all the best. Kaya unti-unting nagbago ang pananaw ko sa iyo. As on my parents naman, ewan ko. Naroon sa akin ang kagalakan kung makakausap ko sila pero naroon pa rin kasi dito.” Itinuro niya ang puso niya. “Hindi ko pa rin matanggap kasi na ganoon. Ipinambayad-utang lang nila ako kaya’y hindi maiiwasan talaga. Sorry Liam.”

Ngumiti lang si Liam sa kanya. “You don’t have to say sorry. Bumawi ka naman roon sa sinabi mo na I’m the best of all the best.” Ngumiti na rin siya at parang may humaplos sa puso niya dahil palagi talagang inaaalala ni Liam ang kapakanan niya. Kung may problema ba siya o kung may dinaramdam pa rin siya.

The thought of her husband like that always found her that she’s worth it. Liam has the power to do that to her at ramdam talaga iyon ni Morley hanggang talampakan niya pababa sa kuko.

“Guys kain na muna. Baka mamaya ay nangingitim na ang mga balat niyo kakalangoy sa pool kanina pa.” Sigaw iyon ni Rayah na sinigundahan ni Carleen at kaagad tiningnan siya.

“May point si Rayah everyone kaya umahon na muna kayo dahil mamaya ay sa jet ski na naman tayo lulusob! Wohoooo.”

“Hep. You’re not allowed to ride on the jet ski alone, babe. Sa akin ka sasakay.” Si Cladmus iyon na kaagad hinila si Scarlet at pinatakan ng halik sa noo.

Lahat ng single na naroon maging sina Carleen at Rayah ay siyang nangunguna sa pagsigaw kesyo corny at cheesy kaya’y binalingan niya si Liam na kanina pa pala nakatitig sa kanya kaya at nagkatinginan sila.

He then leaned over at binigyan siya ng smack kiss sa labi.

“Uyy! May PDA pa sa pool. Nakakaasiwa ang view dito Carleen, umuwi na kaya tayo no?”

Nagtawanan sila kasabay niyon ay ang pagkarga ni Liam sa kanya paahon sa pool dahilan kung bakit mas lalong umingay ang buong pool area dahil sa pinangungunahan na naman syempre ng mga kaibigan niya.

Sabay-sabay silang kumain sa malaki at malapad na lamesa na sakto lang talaga sa kanilang lahat na naroon.

Sinubuan pa nga siya ni Liam kahit na may sariling plato naman siya and she discovered na sinadya iyon ng asawa upang inggitin pa lalo ang mga kaibigan niya maging sina Black, Denver, Lucifer and Tanner man na maya-maya ay napapasuka kesyo daw ang co-corny nila.

“May dalawa pa tayong married couples dito. Ano Cladmus, Declan? Ayaw niyo bang sumunod kay Liam ha?” Singhal ni Denver habang hawak naman ang paa ng lechong manok sabay tawanan na naman dahil pinaltok ni Lucifer ang ulo nito dahil nakakahiya daw.

Liam whispered to her ear at tinanong kung masaya ba siya so she kissed him on the lips as a respond kaya mas lalong nagbunyi ang pool area while Morley can’t define the happiness habang pinagmamasdan ang mga taong malapit sa kanya or kakilala pa lang na ganoon kasaya kagaya niya kaya ay solved na rin siya.

“Hey take it easy! Huwag masyadong excited. Morley!!!?”

Hindi niya na napigilan ang matawa ng sinigaw na talaga ni Liam ang pangalan niya dahil tumakbo siya palapit sa ski at kaagad nagturo ng gusto niyang masakyan. And syempre, Liam as her husband embraced her waist ng kaagad ng makalapit ito at inilayo sa lalaking guide dahil iyon ang may hawak ng ski.

“I told you not to run. Ang tigas ng ulo mo.” Giit nito sabay angat ni Liam ng tingin sa lalaki na kaagad ginawaran sila ng ngiti.

“Gusto po ni ma’am na ito ang sakyan niyo sir Liam. Aarkilahin mo ba?”

“Of course since my wife chose this one. I would love to take that.”

Binigyan muna sila ng lalaki ng tig-iisang lifejacket at ready na sila sa paglusong sa tubig dagat na naman dahil kakatapos lang nila sa pool kaya’y napagpasyahan nilang mag-ski na naman this time.

Wanting to feel the salt of the sea.

“Putragis. Sino sa ating dalawa ang magmamaneho Rayah? Marunong ka ba?”

“Hindi. Napansin mo ba akong nag-da-dive gamit ang ski or speed boat roon sa lugar natin?”

“Papaano kita mapapansin gayong kotse lang naman kasi iyang minamaneho mo!”

Natawa na naman silang naroon kasabay ng pag-alok ni Denver at Black ng rides kina Rayah at Carleen ay puno ng kantyawan ang naroon kung kaya’y kaagad ng pinamulahanan ng mukha si Rayah na kaagad rin namang umismid.

Nang lahat ay settled na. Kanya-kanyang payabangan ang mga kalalakihan kung sino ang magaling sa pagmamaneho. Her husband did the bait too at kaagad nadismaya ang mga kaibigan ng kaagad inunahan ni Liam ang mga iyon kasabay ng kanilang mga reklamo.

“Damn! Kahit saan talaga ay hindi ka magpapatalo Liam. Pwede bang kahit isang beses lang ay magpatalo ka naman?” Nakabusangot ang mukha ni Tanner na angkas ang kakambal na si Lucifer na pangiti-ngiti lang.

Cladmus and Declan just laughed.

“Well guys. I’m sorry. Kailangan kong magpakitang gilas sa asawa ko dahil baka iiwan ako nito e.” Kinurot niya nga si Liam sa tagiliran ngunit kinindatan lang siya ng hudyo.

Narito na naman sila sa isang isla kaya’y ng kaagad inihinto ni Liam ang ski ay madaliang bumaba siya.

“Hey! Careful.”

“Nag-iingat nga naman kasi talaga ako ah!” Ngunit inabot lang ni Liam ang kamay niya at sabay na nilang tinungo ang putting buhanginan at diretso ang tungo nila sa cottage kasunod lang sina Carleen at Rayah dahil nauna na sa kanila ang iilan. Denver and Black was with her friends too.

“Oh My God! Carleen. Take me a picture please. Ang ganda dito. Napaka-relaxing. Wohoooooo!” Binalingan niya si Rayah na kaagad kinuha ang cellphone sa lagayan nito sabay abot kay Carleen.

Liam did to pull her papasok sa cottage at hinayaan lamang sina Carleen at Rayah na ngayon ay kasama pa rin sina Denver at Black habang nagpi-picture taking. Doon ay malayang nakangiti ang mukha ni Scarlet at Margaux sa kanya ng sinalubong sila.

“Maiwan ko muna kayo as a girls bond. Sa boys ako didiresto. I love you wife.” Hinalikan siya ni Liam sa labi dahilan kung bakit ngumisi lang sa kanya sina Margaux at Scarlet ng tinungo na nga ni Liam sina Cladmus at Declan na ngayon ay kaagad tinungo ang ihawan.

“Ang sweet ng husband mo Morley. Liam Easton Adler is a hottie.” Hindi niya magawang ideny iyon dahil totoo naman talaga.

“I’m telling you Margaux. Kapag narinig ni Declan iyang sinabi mo. Ay naku! Magiging bayolente na naman ang asawa mong iyon.”

“Declan is understandable naman no? Atsaka kaya nga sinadya kong banggitin iyon ng wala siyang dito dahil magiging hulk talaga ang Darl ko. Well, Morley I heard ngayong taon lang kayo ikinasal ni Liam, so ano? May nabuo na ba?”

Umiling siya. “Aww! Hindi ba sharpshooter iyang asawa mo?” Si Scarlet na naman iyon.

Goodness! Napapaligiran pala siya ng mga non-filtered words ng mga kababaihan ngayon.

“H-he is really wild in bed and—”

“Oh My God. Parang si Cladmus rin HAHAHA walang pahingahan e. Magdamag pa nga!”

Doon ay nanlaki ang mga mata niya. Hindi lang pala si Liam ang ganoon kundi ay si Cladmus rin.

“And my Declan isn’t an exception. Ganoon pa rin siya, na kahit may anak na kami wala pa rin siyang kapaguran. Gusto pa ring labasan ng makailang beses pa man.”

Naitikom ni Morley ang bibig dahil sa likas na walang pakundangang salita ni Margaux at mas lalo pang naging maingay ang labasan ng cottage ng dumating na sina Carleen, Rayah, Denver at Black na kaagad namutawi ang kakaibang ngiti sa mga labi.

“Darl. Come here please!” Ngiting aso ang ibinigay ni Margaux sa kanila at kaagad nag-exit upang lapitan na roon ang asawang si Declan at nag-iwan pa ito ng kindat.

Nag-exit na rin si Scarlet upang lapitan na rin si Cladmus roon.

Lucifer and Tanner was out for swimming dahil halatang hindi pa napagod ang dalawa roon sa may pool area samantalang sina Denver at Black naman ay nagpaalam na rin upang tumulong na sa mga taong naroon sa likurang bahagi ng cottage.

Kanina pa hindi maipliwanag ni Morley ang tuwa dahil of course, her husband Liam Easton Adler was the source. Lahat ng pangako nito ay tinupad kahit noong sa San Fransisco USA pa sila.

But her happiness comes into a halt. Hindi alam ni Morley kung kanino nalaman ni Liam ang pamamaril na may kinalaman sa mga magulang niya at dahil balak sana nilang mag-stay sa Hilton Manila Hotel ng isang linggo pa, si Liam na mismo ang nagdesisyon na umuwi na sila.

Her husband even hired some men bilang sniper nila at doon pa lang ay hindi niya na alam kung bakit may pa-sniper pa…

“I know you are worried, but please keep calm Morley. Nandoon na sa scene si Marcus upang i-check kung ano ang talagang nangyari. Your parents was my second concern kaya huwag kang mag-aalala at sosolusyonan ko kaagad ito.”

Tumango siya ngunit kapansin-pansin ang panginginig niya. Hawak man ni Liam ang kamay upang pahupain ang labis na kaba, hindi iyon naging sapat kay Morley upang kumalma siya.

Ni hindi man nga lang niya nakausap ng maayos ang parents niya ng lumipad sila pa-Manila at ito na kaagad ang mabalitaan niya.

She hoped that her parents were fine. She prayed and called all the saints na sana ay walang masamang nangyari, but it turns out to be in hell. Kakalapag pa lang ng private chopper na sinasakyan nilang dalawa ay kapansin-pansin ang mga private armies ng asawa niya na nakalinya at mukhang si Liam at siya ang hinihintay.

Ngunit ang mas lalong nagpaguho sa mundo niya ay ang dalawang bangkay ng mga taong nakapaloob sa stretcher sabay yukod ng pinakapinuno ng mga Private armies sa kanya.

“I’m sorry Lady. I’m sorry our Lord. I came late and the least I could saved them burnt failed. Nasa China pa kasi ako ng matanggap ko ang tawag mo Lord Easton pero last minute of five ay iyon na ang nadatnan ko. Madame and Señor was dead, I’m sorry Lady Morley. You can punish me at all cost for my irresponsible actions.”

N-no! No!

Tinakbo niya ang dalawang katawan habang nasa gilid nito ang mga doctor na kaagad sinalubong siya ng pag-iling. Naroon na sa mga mata niya ang mga luha at lihim na lang ang pag-agos roon.

She was broken. Morley was broken twice. Her mother and father…was gone at hindi na kailanman makakausap niya.

“N-no!!!! Mommy! D-daddy!!!” Lupaypay ang balikat niya habang nakahawak sa wala ng buhay na katawan ng mga magulang niya.

She cried out all of her lungs at umaatungal ng walang pakialam dahil sa sobrang sakit niyon. Hindi man binuksan ang putting tela na nakatakip sa mga katawan nito, Morley knows the figure of her beloved parents isang tingin lang.

“M-Morley,.” Mas lalong humahagulhol si Morley ng marinig ang boses ng asawa at kaagad tinapik ang balikat niya. Humarap siya kay Liam at doon sa dibdib ng asawa ay nag-iiyak siya.

“L-Liam…B-Bakit?”

Her heart was breaking into pieces…hindi alam kung paano sasabihin ang pagkukulang niya bilang anak ng mga magulang niya.

Hindi siya hinayaan ni Liam ng mag-isa upang pakiharapan ang delubyong dumating sa buhay niya. Her husband wiped away the tears on her eyes at iginaya siya papasok sa kotse na kanina pa naghihintay sa kanila.

The dead bodies of her parents directed immediately on the Morgue. And Liam was now routing some spots and collecting evidences sa kung sino at bakit binaril patay ang walang laban na mga magulang niya sa mismong tapat ng kompanya nila.

“It was your father’s gamble in the Casino. Nagalit iyong kalaban niya sa poker ng matalo ito kaya’y kaagad pinatumba ang daddy mo at nadamay lang ang mommy mo. Their target was your father and since nasa loob din ng kotse ang mommy mo, she’s—”

“S-stop Liam.” Dahil hayun na naman ang paninikip ng dibdib niya. Narito sila ngayon sa teresa at si Liam ay kakagaling pa lang sa lakad nito upang kumalap ng ebidensya.

Hinarap niya ang asawa. Walang emosyon ngunit ang mga luha ay todo na sa pag-agos.

“Iyong o-offer mo regarding sa Physical c-combat, available pa ba?”

Bumadha ang pagkagulat sa hitsura ni Liam.

“If you are planning to seek for vangeance, I’m going to tell you this my wife. Ako na ang bahalang pataubin ang mga taong iyon na bumaril sa mga magulang mo—”

“I want to gain justice and I want to be strong. Enough to face the storm. Iyon ang sinabi mo hindi ba? Na dapat akong maghanda?”

Nilapitan siya ng asawa at kaagad niyakap siya. “I know you are in pain and anger, but don’t push yourself if you feel like someone was triggering you to join in this Physical combat—” inangat niya ang tingin kay Liam.

“But I want to. I want to know self-defense and how to destroy them one by one with your help Liam. Please accept me. Gusto kong maging malakas kagaya mo na kahit anong unos ang darating ay kawangis niyon ang mararamdaman kong sakit.”

Bumitiw si Liam sa pagyakap sa kanya at mariin na tinitigan siya. Kapagkuwan ay malalim itong bumuntong-hininga.

“Okay. A day after tomorrow. Expect someone will come here in the house to start your training.”