Kabanata 10

“SENT ME a text message if something happened.”

Hindi pa man nakababa sa sasakyan ay iyon na kaagad ang narinig ni Morley mula kay Liam. Napahinto pa siya sa pagbukas sana sa pintuan upang balingan ito.

“B-Bakit? Hindi sa bawat oras ay hawak ko ang cellphone lalo na kung si Miss Fauriou—”

“If I sent you a text message, dapat wala pang isang segundo ay nakapagreply ka na dahil hindi ako mag-aatubili na puntahan ka rito upang alamin kung ano ang nangyari sa iyo.”

Mula sa patagilid na upo ay umayos si Morley upang diretsong matingnan ang lalaki na ngayon ay hawak pa rin ang manibela.

“Why are you became like this?” Sinabayan pa niya iyon ng pagtaas ng kilay subalit isang madilim na reaksyon lamang ang itinugon ni Liam sa kanya.

“Bakit nga ba hindi? I am your husband now Morley. At dapat lang siguro na bakuran kita simula ngayon dahil akin ka na.”

Oh God! Bakit bigla-bigla naman yata ang pagiging possessive ng asawa niya. Okay lang na higpitan siya nito pero ang sabihing kapag magpadala ng mensahe ay required bang magreply kaagad siya ng wala pang isang segundo? Diyos ko naman!

“Susunduin kita sa uwian. Don’t starve yourself if you feel like eating. Konektado sa akin ang mga nakatuka sa cafeteria kaya you’re free to ask anything mapatubig man o pagkain—”

“Liam! You even holds your connection dahil lang sa mga bagay na ito?”

“You are not just a ‘thing’ to me. You are far enough than that. You’re a gold that everybody should treasure. Hawak ko sila sa leeg, so if someone will put pressure on you, just call me and I will do the rest.”

“L-Liam…”

“Sige na! Pasok na.” Handa na siyang buksan ang pintuan ng biglang hinila siya ng binata at kaagad nitong nahagilap ang mga labi niya. Morley was rooted in place the moment Liam was kissing her on the lips. That was a smack but has an affects towards her.

Kaya nang hanggang sa klase ay iyon pa rin ang nasa utak niya. Ang halik na siyang tanging bumabagabag lamang sa isip niya. Though they had shared a kiss on their wedding day ngunit fake lamang iyon dahil sinabihan niya si Liam na takpan ang kanyang bibig kapag i-a-announced na ng pari na maaari ng halikan ng groom and bride.

Hindi nga rin niya alam kung bakit panay ang sunod ni Liam sa kanyang mga kagustuhan noon subalit ngayong kasado na ay ngayon rin lang umaandar ang totoong ugali ni Liam sa tuwing kasama siya.

He is somewhat bossy, but was sweet na hindi niya talaga inaasahan sa lalaki dahil bukod sa wala itong alam na emosyon ay madalang rin lang ito kung ngumiti at nahahanay pa sa tuwing may selebrasyon.

“M. A!” Kagat ni Morley ang labi habang nakatanaw sa bintana at parang baliw na binibilang ang bawat patak ng ulan. Nasa isang libo na yata siya at nagtuloy-tuloy pa siya sa pagbilang.

“Hoy, M. A. tinatawag ka ni Miss Fauriou kanina pa!”

Bigla ay napalingon siya. Nakakunot pa ang noo na tiningnan si Rayah na ngayon ay kagat ang labi na nakatingin sa kanya. Her reaction gaves her a sudden turned of her heads in front at ngayon ay kitang-kita na ni Morley ang mala-tigre na mga mata ni Miss Fauriou.

Mahabaging langit! Bakit ngayon pa siya lutang kung kailan ay may schedule siya sa Calculus ni Miss Fauriou?

“What is the square root of 3, 645 raise to the power of 2?”

Ha?

Literal na napamaang na lamang siya. She haven’t had an idea dahil si Liam naman kasi ang sumasagot sa assessment niya.

Kapagkuwan ay napakunot noo si Miss Fauriou.

“Why you can’t answer, Ms. Lopez? You even got the perfect score when I checked your test papers last day. Why the hell you can’t answer today?”

Patay! Mabubuko na yata siya na walang laman talaga ang utak niya.

“I.. uhmm! Actually—I.” Shit!

Nakatingin na sa kanya lahat ng mga kaklase niya at hinintay ang maisasagot niya. The moment she looked at Rayah and Carleen to ask for help ay ngumiwi lamang ang mga ito dahil alam niyang wala rin naman itong maisagot.

“What is the answer Ms. Lopez—” naipikit ng dalaga ang mga mata ng biglang tumunog ang cellphone niya dahilan na mukhang kakagatin na talaga siya ni Miss Fauriou dahil sa sobrang iritasyon.

Sa kamalas-malasang pangyayari ng buhay niya ay nakalimutan pa talaga niyang i-off ang cellphone.

“I don’t know as to why someone of the biggest investor of the University was so fond of you. Lumabas ka at sagutin iyang cellphone mo kung sino iyang tumawag!”

Madilim pa sa kulay ng mukha ni Miss Fauriou ang reaksyon ng dalaga ng masagot niya na ang tawag ni Liam. Umahon na rin ang iritasyon niya sa dibdib ngunit nang marinig ang rason mula sa binata ay kulang na lang na ikalampag niya ang ulo sa pader dahil nakalabas na siya.

“Didn’t I told you? If you haven’t replied to my message that means something happened. Ngayon ay nasa bench ako ng University—”

“A-ano? L-Liam are you kidding me?” Natampal niya ang noo at hindi mawari na nagpalakad-lakad mula kanan at balik ulit sa kaliwa.

Liam’s actions later today made her thinks like something was gone crazy. Liam Easton Adler wasn’t like this when she first met him. The fudge! May klase pa siya sa P. E 4 niya after Miss Fauriou.

“C-can you please go back to the company? May klase pa ako kay Miss Fauriou and—”

“Napagalitan ka na naman?” Nakagat ni Morley ang labi at bahagyang tumango kahit na hindi naman kaharap ang binata.

“Morley. I’m talking to you as your husband. Pinagalitan ka na naman ba niyang si Miss Fauriou?”

“H-hindi.”

“I can tell that you are lying. Wait for me there. Nasa labas ka ba ng silid mo? Papunta na ako—” shit!

“L-Liam. Ako nalang ang pupunta riyan sa iyo. N-nasa bench ka right?”

Unfortunately, dapat sigurong maging thankful siya ngayon dahil napili ni Liam na puntahan ang bahaging walang makakapansin sa binata kahit na sino. Benches along the University is somewhat far from every blocks and department kaya ay safe siya upang pakiharapan ang lalaki.

Mabilis na tinungo ni Morley ang labasan. Gamit ang hagdan ay kamuntikan pang nasamid ang paa niya dahilan ng kanyang pagkaka-out of balance ngunit kaagad rin naman niyang naagapan.

Halfway run na ang ginawa niya upang marating si Liam na hindi lalagpas sa trenta minutos upang matapos ang klase ni Miss Fauriou.

Nang sa wakas ay narating niya na rin ang ground floor beside the benches ay laking gulat ng dalaga ng may bigla na lamang humila sa kanya sa isang patagong pader at handa na sana siyang sumigaw ng makita niya kung sino iyon. It was Liam. With his dashing business suit at swabe pa ang pagkagat sa labi nito.

“H-hey! I thought nasa bench ka. Bakit ka nandito?”

Ngunit hindi ito sumagot. Sa halip ay kinabig lang siya ni Liam at namalayan na lamang niya ang sariling nakasandal na sa dingding habang hinahalikan na ng binata ng may kaakibat na pag-iingat kasabay ng paglalakbay ng mga kamay nito sa kanyang katawan.

Morley doesn’t know as to why she let Liam continued to travel his hands on her body while sucking inside her mouth while finding something he can’t even discover.

“L-Liam—wait!”

“Hmm?” Tumigil na rin ito sa wakas ngunit nanatiling malapit ang kanilang katawan. Morley bit her lip at ngayon pa siya nakaramdam ng hiya na kung kailan ay tapos na ang halikan nila.

“You haven’t replied so I rushed all the way here bago ako tumawag upang ipaalam sa iyo na nandoon na ako sa may bench.”

“I—I don’t know that you sent me a message. Nagle-lecture si Miss Fauriou and—”

“She scolded you without a reason?”

“Hmm! She scolded me because I can’t even answered her question regarding Calculus.” Tumango siya and then Liam cupped her face and found his eyes directed to hers.

“Are you free for today? Let’s go somewhere else. I can ditch my work in the company just to give you further discussion regarding Mathematics. Ano ba kasi iyong tanong ni Miss Fauriou na iyon?”

Kapagkuwan ay napabuntong hininga siya. “I’m sorry. I have Physical Education classes following by Miss Fauriou’s lecture. Pwede bang sa bahay na lang. Hindi na kita tutulugan promise iyan.”

Napakibit-balikat ang binata. “Well, if my wife say so, then your wish is my command. Sa bahay tayo kung ganoon.”

“Okay. So akyat na ako roon. Kailangan ko pa kasing takbuhin ang—” she can’t finished her words because Liam caught her lips once more. Hindi pa nakuntento ay bumaba pa ang halik nito sa leeg niya at kinagat pa ang kanang bahagi niyon.

Oh God! Temptation.

Kagat ang labi ay bahagya niyang naitulak si Liam ng wala pa itong balak na bitiwan siya. “H-hey, I’m not yet done—”

“B-bumalik ka na roon. See you!”

Mabilis niya nang tinalikuran ang binata at hindi na nilingon ang pinanggalingan nito sapagkat inabala na ni Morley ang sarili upang palisin ang pamumula ng kanyang magkabilang pisngi.

SECONDS after his arrival from Morley’s University ay naninibago si Liam sa sarili kung bakit maya’t-maya ay gusto niyang masilayan ang mukha ng asawa niya.

Nagkita na sila kanina at nahalikan pa iyong huli subalit parang gusto niya na namang bumalik sa pinanggalingan upang siilin ulit ng halik ang dalaga na ngayon ay ka-text niya na.

This is his very first time lurking himself on the phone dahil ewan ba niya, lahat ng pagbabago sa buhay niya ay kasama pala nito ang pagbabago ng mga bagay na noon ay hindi niya naman nakasanayan.

Katulad ngayon. Dapat ay minamaniobra ni Liam ang market sales at investments ng kompanya pero dahil kausap niya si Morley sa cellphone ay lagpas isang oras na ang inilaan niya kakatipa ng mensahe sa halip na atupagin ang trabaho na nakatambak sa lamesa niya.

“Sir Liam. May I have your attention for the second time?”

He can’t even talk nor pay attention to his secretary, Eric Guadalupe because he was focusing on Morley’s text saying that she was now doing the tennis with professional players dahil ang sabi, dapat malagpasan ang time limit niyong kalaban bago maunahan sa pagkilos ng maliit na kamay na orasan.

Nakangiting isinandal ni Liam ang likuran sa recliner at hindi sinadyang umangat ang tingin ng binata kay Eric na ngayon ay nakataas ang kilay at waring kanina pa nagmamasid sa bawat reaksyon na namutawi sa bibig niya.

“Yes, Eric? May dokumento ba akong dapat pirmahan?” Sita niya rito, but Eric tilted his head for a response. Halatang hindi ginanahan sa naging tugon niya patunay na niyon ang pagngiwi nito.

No one in the company knew that he was married, only those people along with the three-part branches of his company knew that he was. But one of his employee was none.

“Sir, as you can see. Kanina pa po ako rito sa harapan ninyo nakatayo ngunit busy kayo kakatingin sa cellphone in which naninibago lang ‘ho ako kasi kayo na po mismo ang nagsabi na bawal ang kahit na alinmang klase ng gadgets ang maaaring gamitin when it times for works, but I gues—”

“I’m texting the sole owner of Valdez’s Enterprises. Do you happened to know Andresa Valdez? She’s the one I’m texting.”

Umihip lamang ito ng marahas na hangin. “I barely know her for a year sir since she once became a particular customer in the Adler’s group of companies, pero di’ba kinansela niyo na lahat ng may kinalaman sa babaeng iyon noong araw na sinabi niya sa harapan ng mga investors na siya ang babaeng nakatakdang ikasal sa inyo?”

That question made Liam not to answer because Eric Guadalupe caught him. Naituko niya na lamang ang siko at panaka-nakang napatikhim.

“Then I guess nagkamali lang siguro ako nang kausap sa cellphone kaya—” tumikhim ulit si Liam at iminuwestra ang kanang kamay, “—Give me the documents now, Eric.”

“P-po? Wala po akong dokumento na maibibigay since nasa sa iyo na po lahat ng iyon noong isang araw pa.”

Another slapped coming from his secretary later today. Napahilamos na lamang siya sa mukha dahil supalpal na talaga siya sa sekretarya niya.

Kapagkuwan ay ipinagsalikop niya ang mga kamay, umayos ng upo kasabay ng pag-angat niya nang tingin sa sekretarya.

“Ano nga pala ang ginagawa mo rito kung ganoon?”

Umawang ang labi ni Eric na tila ba ay isang napakalaking imposible para rito na magtanong siya ng ganoon. “Permission to speak again sir pero di’ba, kagaya ng nakasanayan ay gusto ho ninyo na bago kayo mananghalian ay ihinabilin ninyo sa akin na manatili sa office room niyo dahil baka may importante kayong aasikasuhin?”

And now he was doomed. Kanina pa siya nagtitimpi sa lalaki ngunit hindi naman rin niya masisisi ito because Eric was serving his company for a decade now at siguro, siya ang wala sa katinuan ngayon dahilan kung bakit pakiwari niya’y kahit narito siya sa opisina ay absent minded si Liam sa araw na ito.

“Prepare for my dismissal. Maaga akong uuwi ngayon. Kayo na muna ang mag-take ng overtime hanggang 8.”

“Yes sir. Well anyway, na-chek niyo na po ba kay Miss Asuncion na may kinakailangan kayong pirmahan na kontrata mula kay Engineer Salvaterra tungkol sa lote na gusto ninyong magtayo ng building?”

Past 4 na nang hapon at siguro, dismissal na rin ni Morley this time.

“Hindi ko pa kasi nakita ang architecture design niyong bahay maging ang floor plan mapa-top view man o close-up kaya hindi pa ako pumirma sa kontrata. I had signed the commission on audit as well as the building permit last time, Eric. Thank you for reminding me.” Ngumiti ito.

“Anytime sir.”

Tumayo na siya at nagpaalam na.

Mabilis rin ang naging byahe niya patungo sa University ng asawa at ngayon ay matiyagang naghihintay sa labasan habang namimilantik ang mga kamay.

“Where are you? Nasa labas na ako. Patiently waiting for your arrival.” Basa niya sa mensaheng ipinadala kay Morley, but 6 minutes had passed ay wala pa rin itong reply.

Naghintay pa siya nang ilang mga sandali at nang sa wakas ay pansin niya na ang presenya ng dalaga ay mistulang umangat ang sulok ng labi niya nang kaagad nitong napansin ang nakaparada niyang sasakyan sa may unahan. He didn’t used to take the parking lot dahil masyadong matao dahil ito lamang ang natatanging pabor na hindi ni Liam kayang tibagin sapagkat gusto lamang ni Morley na may pribadong buhay kasama siya.

“How was your day?”

“Fine, exciting and tiring.” Sagot nito habang binabaybay na nila ang daan pauwi sa kabahayan. Pansin nga ni Liam na halatang pagod ang dalaga.

“Diretso sa itaas and make sure that you won’t take a shower. Magpahinga ka ng maaga or give your body some rest dahil alam ko na masyado kang nabinat sa P. E today.”

Kakapasok palang nila sa kabahayan at iyon kaagad ang unang bungad niya sa dalaga habang narito na sila sa may porch.

“Malagkit ang katawan ko Liam so, I need a shower—”

“No. Mabango ka pa rin naman in case iyan ang pinoproblema mo, Morley. Just go upstairs, ilapag mo nalang ang mga Assessment regarding sa Calculus sa may lamesa dahil tuturuan kita mamaya kung paano ang formulas at shortcut methods ng mga iyon.”

Morley didn’t argue at walang likod-lingon na umakyat na nga sa kanilang kwarto. Liam made a halfway sabay bunot ng cellphone upang tawagan si Engineer Salvaterra regarding sa building na gusto niyang itayo sa kakabago palang niyang nabili na lupain.

“Yes Engineer. Eric mentioned it to me today and can you please visit my company at mag-usap tayo ng personal?”

“Hmm. Yes Mr. Adler. If you want pupuntahan kaagad kita riyan sa kompanya mo bukas upang ipakita ang blueprint in case you want to add some features for the latest design and features of the building.”

“Alright. I’ll be expecting you then. Bye!”

Mabilis na ngang sinundan ng binata ang asawa na ngayon ay simpleng inaayos ang mga gamit sa closest dahilan na napangiti si Liam habang nakasandal sa hamba ng pintuan at hindi pa muna inagaw ang atensyon nito because for some reason, he is content and happy while looking at his wife managing his clothes and tried to fit in on his wards.