CHAPTER 20
EREM BLYTHE VALDERAMA’S POV
“So are you ready to face him now?” tanong sa akin ni Dad na nakatayo sa hamba ng pintuan habang abala ako sa pag-iimpake ng mga gamit.
“Of course, Dad! It’s been five years kaya ready na ako, it’s business kaya walang problema sa akin. At isa pa, miss ko na ang Pilipinas,” nakangiti kong tugon sa kaniya.
“Hindi mo kailangang gawin ito Erem kung napipilitan ka lang,” sambit niya pang muli kaya naman itinigil ko ang ginagawa at humarap sa kaniya.
“Dad, how many times do I have to tell you na ayos lang? Isa pa, ako ang may gusto na umuwi ng Pilipinas. Ako ang may gusto na mag-take over sa business because I want you to take a rest for a while… Kung iniisip mo ay ang pagkikita naming dalawa, trust me, naka-move on na ako at hindi na ako takot sa kaniya,” seryoso kong sabi pagkatapos ay binigyan siya ng matamis na ngiti.
“You can’t blame me. Ayaw ko lang kasing masaktan ka na naman ng lalaking iyon!” may bahid ng galit sa boses niyang sabi, bagay na alam kong hindi na mawawala sa ama ko dahil hindi ko siya masisisi kung galit siya sa taong tinutukoy niya.
He’s my father at masaya akong may isang tao na akong karamay ngayon na nag aalala para sa akin.
“Bakit ka kasi nakipag-business partner sa kaniya Dad kung ayaw mo naman palang magkita kami? You already knew na kapag nasa Pilipinas na tayo, I will be the one who’ll take care of the company. Pinigilan kita tungkol sa bagay na iyon and yet tinuloy mo pa… Edi kasalanan mo Dad,” natatawa at pabiro kong saad sabay tayong muli para kuhanin ang maliit na pack bag ni Cianna.
“Alright alright, sinisisi mo na ako kaya I surrender… But I want you to know that I did that partnership with his company because I want him to know and see that you’re successful now anak. Gusto kong makita kung paano siya magsisi na sinayang ka niya,” madamdaming saad pang muli ni daddy. Hindi ko tuloy maiwasang mapaluha dahil mula pa man noong nagpakita at nagpakilala siya sa akin bilang tatay ko ay hindi siya nagkulang na bumawi sa lahat ng bagay pati na rin ang pagtulong sa akin na bumangon muli para sa sarili ko.
“Kung hindi sana kita ini,-“
“Dad, enough,” putol ko sa sasabihin na naman niya, “You’ve done a lot of things for me kaya tama na sa pagsisi sa sarili mo, okay? I’m forever grateful dahil hindi ako nabigong makilala ka. Remember Dad na wala akong kailangan patunayan sa kaniya dahil kay Cianna palang, sa aming dalawa ay talo na siya. Isa pa, I am who I am today because I chose to be like this, and it’s because of you, not because of him so stop acting like a kid and take care of Cianna. Baka paiyakin mo na naman ako!” masungit kong sabi dahil nararamdaman ko na ang pag-init ng mata ko dahil sa nagbabadyang luha.
Dad is always like this. Natatakot na masaktan akong muli kaya paulit-ulit na sinisiguro kong ayos lang ang lahat ng bagay sa akin.
My father found me at my worst state at iyon ay noong mga panahong nasa ospital ako matapos na bugbugin ni Lucas at akalaing nawala ang anak ko. Mag-isa ako noon sa kuwarto matapos kong itaboy si Lucas kasama ng mga magulang niya.
Handa na sana akong sumigaw muli noon dahil akala ko ay bumalik ulit si Lucas sa hospital room ko para paikutin ako sa mga paliwanag niyang bulok, pero kaagad rin akong natigilan ng makita ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 40’s na mabilis ko ring namukhaan.
Malabo man ang paningin ko ng mga oras na iyon pero tanda kong siya rin ang lalaking sumambot sa akin sa muntikan ko ng pagbagsak nang magkita kami sa ospital at mismomg naghatid sa akin sa bahay nang araw rin mismong binugbog ako nang husto ni Lucas.
“Ano po ang kailangan ninyo?” walang lakas kong tanong sa kaniya, pero imbes na sagutin ako ay tiningnan lang ako nang seryoso.
“I am your father and I am looking for you,” malungkot niyang saad nang hindi pinuputol ang tingin sa akin.
Dahil sa sinabi niyang iyon ay agtuloy-tuloy sa pag-agos ang luha ko. M
Marami akong gustong itanong at sabihin sa kaniya dahil bakit masyado siyang nahuli para magpakita sa akin.
Nagpaliwanag siya habang umiiyak at buong puso naman akong nakinig sa kaniya.
Hindi niya raw alam na nagkaroon sila ng anak ni Mama dahil noong huli silang nagkita ay ibang lalaki na raw ang madalas na kasama ni Mama sa bar. Nalaman na lang daw niya ang tungkol sa akin nang mahanap daw ng mga tauhan niya ang bahay namin at makausap si Mama.
Hindi kaagad siya nagpakilala sa akin nang malaman na ako ang anak niya dahil sinabi raw ni Mama na sobra ang galit ko sa kaniya, bagay na kahit kailan ay hindi ko naman naramdaman para sa ama ko.
Paulit-ulit siyang humingi ng tawad noong araw na iyon at sa halip na sumagot ako ay yumakap lang ako nang mahigpit sa kaniya habang umiiyak. At sa oras ding iyon, pakiramdam ko ay hindi na ako nag-iisa at mayroon na akong kakampi sa buhay.
“Ilayo po ninyo ako, ayaw ko na po rito,” saad ko sa gitna ng mga pag hikbi ko.
“I will, my princess. I will. Stop crying.”
Kagaya ng hiling ko sa kaniya, kinabukasan ay mabilis niyang inayos ang lahat kaya nakalabas ako ng ospital, at dahil sa sobrang lungkot at pagod, natulog lang ako at nang paggising ko ay nasa America na kami.
Sakay ng pribado niyang eroplano. Minabuti ni Dad na dalhin na lang ako sa America nang sa ganoon daw ay makalimot ako sa lahat ng nangyari, bagay na ipinagpapasalamat ko sa kaniya dahil sa wakas malayo na ako kay Lucas.
“Mommy, I’m done. Maayos na po lahat ng gamit ko,”naputol ang pag iisip ko nang masayang pumasok si Cianna habang hila-hila ang maliit niyang luggage bag.
“Grandpa help me to fix my things, Mommy,” masaya niya pang sabi muli sabay yakap sa binti ni Dad.
“Are you ready to go to the Philippines, my baby?” masayang tugon ko naman sa kaniya sabay lahad ng dalawang braso ko para yakapin siya.
“Yes Mommy! Excited din po akong sumakay ng airplane,”
“Alright! Halata nga anak. Mukhang mas marami ka pang dalang gamit kaysa sa akin,” natatawa kong sabi muli sabay pisil sa mataba niyang pisngi.
“Of course, Mommy! Dala ko po lahat ng dress ko na binili ni Grandpa. He told me po kasi na baka magkita na kami ng Daddy ko kaya dala ko lahat ng magandang damit ko,” inosenteng sambit niya habang nakayakap pa rin sa leeg ko. Dahil sa sinabi niya ay nagkatiginan kaming dalawa ni Dad na pawang nag-uusap.
“You want to meet him?” I asked her na kaagad naman niya namang tinanguan bilang sagot, “Okay, you will meet him kapag nasa pilipinas na tayo but give Mommy some time, okay? Let me talk to him first before I let him know and see you. Go to our room na, susunod ako sa iyo at maaga pa tayo bukas,” saad ko sabay halik sa ulo niya.
“Okay Mommy, goodnight po and I love you,” she said then kissed me on my cheeks.
“Goodnight Grandpa,” paalam niya rin kay Dad at ‘tsaka mabilis na umalis sa kuwarto ko.
Hindi ko tuloy maiwasang mapabuga ng malakas na hangin dahil sa sinabi ng anak, talagang gusto niya nang makilala ang ama niya at hindi ko iyon puwedeng pigilan.
“You will let my apo see him?!” may diiin sa boses na tanong ni Dad,
“Wala naman akong planong itago siya, Dad,” malungkot kong tugon.
“Tell me kapag ayaw mo nang tumuloy. Ayos lang sa akin anak. Ayaw kong masaktan ka ulit dahil sa kaniya ayaw ko ring masaktan ang apo ko.”
“I’m okay, dad. Uuwi po tayo ng Pilipinas. Hindi puwdeng umiwas lang ako lagi sa kanila. I will not let him hurt my daughter, never!” tugon ko.
“That’s my daughter!” nakangising saad naman muli ni Daddy.
“Let Farra finish that. Naghihintay na sa iyo ang apo ko, spend time with her dahil kapag nasa pilipinas na tayo, limitado ang oras mo para sa kaniya dahil sa trabaho,” sabi pang muli ni Daddy sabay gulo sa buhok ko at bilang tugon ko sa kaniya ay yumakap ako sa kaniya.
Sobrang saya ko na nakilala ko ang ama na matagal ko nang ninanais at walang mas sasaya pa lalo sa buhay ko nang sabihin niyang buhay ang anak ko. Kaibigan niya ang doctor na gumamot sa akin noon sa ospital at sinabi niyang pinalabas lang nitong patay na ang sanggol sa sinapupunan ko para tuluyan na akong bumitaw sa pagsasama namin ni Lucas.
Hindi naging madali para sa skin nang malaman kong wala na ang anak ko, pero nabuhayan akong muli nang malaman na buhay ang naging bunga ng pagmamahal ko sa lalaking kahit kailan ay hindi ako minahal.
Lucianna Adriel Valderama-Sandoval, my four year old daughter with Lucas Sandoval, bagay na sigurado akong hindi niya alam na nag-e-exist pala sa mundo, pero si Cianna, alam at kilala kung sino siya, dahil hindi ko hinayaang maging isang malaking tanong para sa kaniya kung sino ang ama niya.
Gabi na nang dumating kami sa Pilipinas kaya naman inuna namin ang magpahinga nina Daddy sa bahay na binili niya bago pa man kami umuwi rito. Halos naghihilik pa si Cianna dulot ng sobrang pagod dahil walang ibang ginawa kung hindi ang dumaldal buong biyahe.
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya naman nag-asikaso na ako para sa pagpasok sa Valderama Hoteliere kung saan ako ang bagong CEO. Tulog pa si Cianna kaya naman hinalikan ko na lang muna sa siya ulo at kaagad na bumaba sa kusina kung saan naabutan ko si Daddy na umiinom na ng kape.
“Dad, ikaw na bahala kay Cianna,” sabi ko habang nagsasalin ng malamig na tubig sa baso.
“I will my princess, are you ready?”
“Always been ready, Dad,” nakangiti at puno ng kumpiyansa kong tugon sa kaniya.
Today is the day kung saan magkikita kaming muli ni Lucas after five years, hindi bilang magkaibigan o mag-asawa kung hindi bilang mag-business partner naang.
May meeting ako with him ngayon dahil napag-alaman ko mula kay Dad na gusto ng makipag-partnership ng kompanya nina Lucas mula sa kompanya namin. I heard na it is his chance to prove to his lolo that he is deserving to be the next CEO of their company.
“He’s coming, ma’am,” dinig kong sabi ni Farra na secretary ko sa intercom, kaya naman hinanda ko ang sarili ko at ngumiti nang maayos dahil anumang oras ay magkikita na kami.
“Good morning, Mr. Sandoval,” I said and offer my hands for shake hands when I saw him enter my office.
Shock was plastered on his face, bagay na hindi nakawala sa mga mata ko, sandali ko siyang pinasadahan ng tingin at pansin kong bukod sa mas lumaki niyang katawan ay wala namang ibang nagbago sa kaniya.
“Good morning Miss Valderama or should I say Mrs. Sandoval?” tugon niya sa nakangising mukha sabay tanggap sa kamay kong nakalahad.
Halatang hindi pa rin siya nagbago, masyado pa ring bilib sa sarili niya.
Tingnan natin kung matawag niya pa akong Mrs. Sandoval kapag nalaman niya ang totoo.