CHAPTER 19

I tried to find Erem pero bigo akong malaman kung nasaan siya. Siguro ay sadyang ayaw niya na talagang magpakita pa sa akin. I can’t blame her dahil kung ako ang nasa sitwasyon niya, lalayo rin ako at sisiguruhing hindi ako mahahanap ng kahit na sino.

I became so stressed on finding where Erem is at halos gabi-gabi akong hindi makatulog, dahil pakiramdam ko ay naririnig ko ang boses ni Erem na umiiyak at nakikiusap sa akin na tigilan na ang pananakit sa kaniya.

Naging karamay ko ang alak para makalimutan ang tungkol sa kaniya at para na rin hindi ko marinig ang iyak niya na halos sumisira sa matino kong pag-iisip. Natatawa na nga lang ako sa sarili ko dahil kahit alam kong wala naman siya sa bahay naming dalawa ay nagawa kong matakot dahil sa pag-iyak niyang paulit-ulit ko na naririnig sa isip ko. Naging takas ko na lang din ang paglalasing upang matigil na ang pagsisi ko sa sarili ko tungkol sa batang nawala sa sinapupunan ni Erem.

Nakasuhan ako nang hindi ko kilalang kamag-anak ni Erem gaya ng sinabi ng doctor noon sa akin sa ospital. Ayaw nitong magpakilala at tanging “EJV” na initial lang ang binigay sa akin ng abogado.

Dahil doon, lalong naging matunog ang pangalan ko sa mga issue. Isama pa ang biglaang pag-alis ni Erem na naging dahilan para maraming haka-haka at espekulasyon ang narinig ko na kesyo iniwan ako ni Erem dahil babaero ako at isang failure sa pamilya Sandoval. Ganoon pa man, kahit alin sa mga sinabi nila ay hindi ko binigyang pansin dahil alam kong walang maniniwala sa akin.

Naging laman ako ng mga bar at halos gabi-gabi akong umiinom. Tinataboy na nga lang ako ng mga bouncer dahil kung hindi ako inaabot ng umaga sa pag-inom, madalas ay sentro ako ng kaguluhan.

No one wants to be with me at halos i-reject na ako ng lahat. Nasira ang dati’y napakaganda kong imahe sa mga tao. Dahil doon, pakiramdam ko ay napakasama kong tao dahil lahat na lang inaayawan ako.

Naging sakit ako sa ulo ni Mommy! My mom did everything what she can para lang ilaban ang patong-patong na kasong inihain laban sa akin at hindi naging madali ang lahat para sa kaniya kahit pa marami siyang koneksiyon, bagay na ipinagtataka naming lahat, dahil sino ang relative na iyon ni Erem para magawa niyang ipitin ako sa mga kasong inihain ng EJV na iyon laban sa akin.

Nagbago ang pakikitungo ni Mommy sa akin nang dahil sa sunod-sunod na problemang binigay ko sa kaniya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong pagod na pagod siyang linisin at pagtakpan lahat ng kalat at kagaguhan na ginagawa ko.

Napawi ang lahat ng pangamba ni Mommy lalo na ako nang tumawag ang abogado ko at sinabing naka-drop na ang kaso, because of that I felt so confused and so livid to know who is that EJV na kasama ni Erem sa mga panahon na ito.

Ngunit kasabay ng pagkawala ng mga kaso laban sa akin ay ang unti-unting pagkakaroon ng sakit ni Mommy. Nang dahil pa roon, nagalit at sinisi ako ni Dad dahil para sa kaniya ay kasalanan ko raw ang lahat ng kamalasang nangyayari sa amin.

Madalas na sumakit ang ulo ni Mommy at kung minsan ay nawawalan siya ng malay, kaya naman naging madalas siya sa ospital para malaman kung ano ba talaga ang sakit niya and it turned out na may brain cancer siya.

And Mom having a cancer is a big problem for me, dahil mula ng malaman iyon ni Dad, wala araw na hindi niya isinisi sa akin ang lahat pati na rin ang unti-unting paghihirap namin dahil halos pareho na silang hindi makapagtrabahong dalawa. Pinilit kong magpunta si Mommy sa ibang bansa para magpagamot pero sadyang matigas ang ulo niya, kaya para maka-iwas siya sa stress na dulot ko ay pinili kong lumayo sa kaniya para nang sa ganoon ay hindi na siya mabigyan pa ng problema.

Gabi-gabi pa rin akong nag-iinom at lasing, kaya naman kung minsan at hindi ako nakakapasok sa opisina dahilan para magalit naman sa akin si Lolo.

“What are you thinking right now, Lucas?” tanong sa akin ni Mommy isang beses nang puntahan niya ako sa condo unit ko. Bakas sa itsura niyang hindi maganda ang pakiramdam niya pero sinisikap na ipakita sa akin na okay siya.

Hindi na kasi ako madalas umuwi sa mansion namin dahil napadalas din ang pagtatalo namin ni Dad, kaya naman minabuti kong bumukod at iwanan sila.

Ilang araw na akong naguguluhan at hanggang ngayon ay napapaisip sa iba’t ibang problemang kinahaharap ko kaya halos hindi ko namalayang nagsalita pala si Mommy.

“You’re still thinking about her and that EJV?” kunot-noo niyang tanong sa akin na tanging isang seryosong tingin lang ang naging tinugon ko.

“Oh c’mon son, huwag mo nang isipin ang babaeng iyon. She’s the one who left you so stop sulking, you don’t deserve Erem!” mataray niyang sabihin sabay simsim sa wine na bagong salin niya lang. At dahil sa sinabing iyon ni Mommy, hindi ko tuloy napigilang samaan siya ng tingin.

“She’s still my wife at alam mo iyon, Mom. Marami akong pagkakamali sa kaniya kaya gusto kong malaman kung nasaan siya at kung maayos ba siya!” inis kong saad habang nakaupo sa swivel chair ko.

“I’m sure kasama na iyon ng kung sinong lalaki Lucas, and can you stop acting like you didn’t want this to happen? You want her out of you’re life so you can be with Nikki, kaya ano itong inaarte mo ngayon?!” puno ng sarkasmo at iritasyon na tugon naman niya sa akin na lalong nagpa-init ng ulo ko, pero ang isipin na nanay ko ang nasa harapan ko ay pinigil ko ang galit at inis naramdaman ko dahil sa sinabi niya.

“I’m tired Mom at isa pa busy ako, let’s talk when I got home,” tanging nasabi ko na lang sa kaniya bilang pagsuko sa usapan na alam kong gusto niya na namang buksan. Mula kasi nang umalis si Erem at makasuhan ako ay madalas kaming magtalong dalawa tungkol sa asawa ko dahil ipinipilit niyang sumama na nga ito sa ibang lalaki.

Hindi ko man lubos na kilala si Erem lalo na bilang babae pero alam ko na hindi niya ugaling sumama kung kanino lang, maaaring hinusgahan ko siya nang maraming beses at tinawag sa mga pangalan na wala namang basehan pero lahat ng iyon ay dahil lang sa galit ako sa kaniya at sa sitwasyon naming dalawa.

Tama si Mommy, matagal ko nang gusto na mawala si Erem sa buhay ko kaya dapat ngayon na wala na talaga siya ay matuwa ako, pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay tila nalulunod ako sa sobrang pagsisisi at siguro nga tama ang kasabihang nasa huli ang pagsisi dahil huli ko na nang ma-realize ko ang mga pagkakamali ko… ang mga kasalanan ko sa kaibigan ko at asawa ko.

Ginawa kong abala ang sarili ko sa trabaho para makalimutan ko si Erem at hindi naging madali sa akin na gawin iyon, dahil sa tuwing pipikit ako sa gabi para matulog ay mukha niya ang nakikita ko habang umiiyak at nakikiusap sa akin na tumigil na sa pananakit sa kaniya. Kaya gabi-gabi ay mas pinipili kong maglasing nang sa ganoon ay makatulog ako nang mahimbing.

Lumipas ang maramimg buwan na ganoon ang ginagawa ko, bagay na alam kong nakatulong dahil isang umaga ay gumising na lang ako na pakiramdam ko ay normal na lang ulit ang lahat. Iyong tipong hindi ko kailangang isipin ang ibang bagay lalo na siya dahil mas dapat kong pagtuunan ng atensyon ang sarili ko.

Lumipas ang ilang taon na wala akong naging balita sa kaniya kaya naman tuluyan ko nang tinatak sa isip ko na hindi na dapat pa siyang hanapin, isa pa me and Nikki have a good relationship.

For the past years, I became the new owner and CEO of my grandfather’s company, bagay na matagal ko nang ninanais na mapasa akin. At dahil ako na ang bagong may ari ng Sandoval Hotel ay naging matunog ang pangalan ko pero hindi na dahil sa issue kung hindi bilang isa sa mga magaling na Hoteliers sa bansa.

I just also realized na panahon na rin siguro para tumigil ako na hanapin siya at ang pagsisi sa sarili ko tungkol sa mga nangyari, hindi lang naman kasi ako ang nagkamali sa aming dalawa dahil hindi naman mangyayari ang lahat kung hindi niya ginustong makasal sa akin.

“One of my amigas told me that she saw your wife,” balita sa akin ni Mommy na basta na lang pumasok sa opisina ko at naupo sa couch. Nang dahil sa sinabi niya ay hindi ko naiwasang mag-angat ng tingin kahit pa abala ako sa ginagawang business proposal para sa isang big investor ng company.

“She’s with another man, an old man rather!” iritadong sabi ni Mommy sabay irap ng mga mata niya, “Talagang sa America pa nagkalat ng kalandian niya!”

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabing iyon ni Mommy. Nasa America pala siya sa mga taong nagdaan kaya hindi ko siya mahanap.

“Look, she really looks like a whore!” inis na saad ni mommy habang pinapakita sa akin ang isang picture na kuha sa isang restaurant kung saan masayang kumakain si Erem habang katabi ang matandang lalaki.

Nagtagis ang bagang ko dahil sa nakita kaya naman pinakatitigan kong maigi ang picture dahil pakiramdam ko ay nakita ko na ang mukha ng lalaking iyon, hanggang sa naalala kong siya iyong naghatid kay Erem bago ko siya saktan noong araw na nawala ang anak naming dalawa.

So all this years, kasama niya lang ang tarantadong iyon. Akala ko ba ay hindi niya kilala ang gagong iyon tapos malalaman ko bigla na nasa ibang bansa silang dalawa?

Sinisi ko pa ang sarili ko dahil sa nangyari, e dapat lang naman talaga iyon sa kaniya.

She cheated on me!

Iniwas ko ang tingin ko sa telepono ni Mommy at pilit pinakalma ang sarili ko dahil ayaw kong mahalata niya na apektado ako, dahil sa totoo lang ay gusto kong magwala sa mga oras na ito. Masyado kong sinisi ang sarili ko samantalang mukha naman talaga silang may relasyon ng matandang iyon.

“Excuse me, sir,” biglang saad ng secretary kong kapapasok lang.

“Your new business partner wants to set an appointment with you, sir?” seryoso niyang saad sa nagtatanong na boses.

“When and where?” maikling tugon ko.

“Tomorrow at ten o’clock in Valderama Hoteliere, sir.”

“Okay set me an appointment with him, you may go now,” seryoso kong sambit bago tuluyang ibinalik ang tingin sa ginagawa.

“New business partner, a Valderama?” kunot-noong tanong bigla ni Mommy.

“Maraming tao sa mundo kaya sigurado namang hindi si Erem iyon, isa pa mahirap lang siya sa pagkakaalala ko!” iritado kong tugon.

Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ang sinabi sa akin ni lolo na kailangan ko raw mapa-oo at mapapayag sa partnership ang Valderama na tinutukoy niya dahil isa sila sa mga pinaka-successful companies ngayon.

“It’s EJV. It’s my chance to know him and lolo wants me to have a partnership with his company. Kapag nagtagumpay ako sa gusto ni Lolo, he will set me as the new CEO of his company!” puno ng kumpiyansa kong sabi.

Kinabukasan normal na araw para sa akin pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa araw na ito, pero dahil abala ako sa mga meetings ko ay binalewala ko ang bagay na iyon.

Nine o’clock nang umalis ako sa kompanya ko para pumunta sa kompanya ng bago kong business partner na ngayon ko pa lang tuluyang makikita at makakausap nang personal. Madalas kasi ay mga secretary namin ang nag-uusap kung hindi kaming dalawa ang nag-uusap sa telepono.

“This way, Mr. Sandoval,” giya sa akin ng sa tingin ko ay secretary papasok sa isang opisina, kaya naman ngumiti ako sa kaniya bilang tugon.

Inayos ko muna ang neck tie na suot at pinagpagan ang suot na coat bago tuluyang pumasok sa opisina ar ganoon na lang ang gulat ko ng makita ang babaeng basta na lang naglaho noon ay nasa harapan ko sa mga oras na ito.

I thought EJV is a man, so what’s she’s doing in front of me right now?!

She really looks so different from before, she’s now a fine woman who’s wearing a very beautiful yet sophisticated smile.

“Good morning, Mr. Sandoval,” nakangiti niyang bati sabay lahad ng kamay sa akin.

“Good morning Miss Valderama or should I say, Mrs. Sandoval?” pabiro kong tugon sa kaniya sabay tanggap sa kamay niyang nakalahad.

Gulat man ay hindi ko pa rin pinahalata sa kaniya sa halip ay nginisian ko pa.

My wife is back after five years, Erem is back!