CHAPTER SEVEN
NAPAMULAGAT si Jandie nang makapasok sa mini bar ng mansiyon. Aaron was bleeding. Nagkalat din ang mga basag na baso at bote sa sahig.
"A-Anong nangyari sa 'yo?" Nag-aalalang si Jandie.
Pinukol siya ng matalim na tingin ni Aaron. Hindi ito sumagot. Halatang ayaw nito ang presensya niya roon. She strode toward him, ignoring his reaction. Hinawakan niya ang nasugatang kamay nito, pero malakas nitong iwinaksi. "Why you're here?"
"Nag-alala ako nang marinig ko ang sigaw mo?"
"Wala kang pakialam? You'd better go back to sleep." Mahina pero mariing ani Aaron.
"Bakit ka ba nagkakaganyan?"
"Sinabi ko nang bumalik ka sa kuwarto mo!" singhal ng binata.
"No. I won't unless you'll tell me why you're doing this." Jandie insisted.
"Damn it! Sinabi ko nang wala kang pakialam. Get out!"
Halos mabingi siya sa lakas ng sigaw nito pero 'di diya nagpatinag. "And I told you I won't."
"Shit!" Mura ni Aaron sabay dampot sa isang bote ng alak at walang pakundangang ibinato sa dingding.
Hindi natinag si Jandie sa ginawa ni Aaron. "Dahil ba sa akin? D-Dahil ba sa nangyari sa..."
"Shut up! Huwag mong ipaalala sa akin ang malaking pagkakamaling nagawa ko."
Parang tulinadyakan ang puso niya sa sinabi nito.
"Pagkakamali?" Pumiyok siya. "Itinuturing mo bang isang malaking pagkakamali ang namagitan sa atin, Aaron?"
"And what you want to hear from me? Na gusto ko ang nangyari. Ganoon ba?" Nanguuyam itong ngumisi. Lalo siyang nainsulto at nasaktan.
Hindi na nakapagpigil si Jandie. "Hindi. Dahil alam kong hindi mo ginusto ang nangyari. Nadala ka lang sa init ng katawan dahil tinukso lang kita, hindi ba?" Sinikap niyang patatagin ang kaniyang boses habang binibigkas ang mga salitang 'yon. "I'm sorry. Sorry for flirting and seducing you. Hindi ka sana galit ngayon sa sarili mo, pero huwag kang mag-alala dahil hindi malalaman ninuman ang namagitan sa atin. Lalo na kay Maricar. Iyon ang ikinakatakot mo, hindi ba?"
Lalong nag-apoy sa galit ang mga mata ni Aaron, pero walang salitang lumabas sa kaniyang mga bibig.
"Kung nag-aalala ka na baka hilingin ko sa 'yo na panagutan ako, nagkakamali ka. I enjoyed the moment. It's all lust. And we better forget what happened between us." Pinilit niyang umakto ng normal. Pinilit niyang ngumiti pagkatapos bigkasin ang mga katagang iyon. Ngunit ang totoo'y nadudurog ang puso niya. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para sabihin ang mga iyon kay Aaron. Nang wala paring imik si Aaron ay pumihit na siya at tinungo ang pintuan. At nang makalabas siya sa silid at tuluyang maipinid ang pinto ay saka lang niya pinakawalan ang mga luhang pinipigil kanina. Mabilis ang mga hakbang niya na tinungo ang kaniyang silid at doon ibinuhos ang sama ng loob.
Halos tatlong linggo nang napapansin ni Seling ang pag-iiwasan nina Jandie at Aaron. Noong una, inisip niyang nagkatampuhan lang ang dalawa at inakala niyang magbabati rin agad ang mga ito. Nirespeto niya ang pananahimik ng dalawa sa pag aakalang may relasyon ang dalawa. Sino ba naman kasi ang hindi mag-iisip nun, eh, sa iisang bubong lang sila nakatira, parehong single, at walang ugnayan sa dugo pero magkasama sa iisang bubong. Masaya si Seling sa isiping iyon dahil sa wakas ay mababago na rin ang buhay ni Aaron. Alam niyang mabuting babae si Jandie at gusto niya ito para kay Aaron. Ngunit nag-umpisa na siyang magduda nang ilang araw na'y hindi pa rin nag-uusap ang dalawa. Halos hindi na mapirmi si Aaron sa mansyon. Kung uuwi man ito'y hating-gabi na at aalis din kaagad. Si Jandie nama'y halos patayin na ang sarili sa paglilinis ng mansyon. Kahit anong pigil niya rito ay sige parin sa trabaho. Nangayayat na rin ito sa
pagpapalipas ng gutom.
Hindi ba nakatiis pa si Seling nang umagang iyon. Napansin niyang hindi pa kinakain si Jandie ang pagkaing inihain niya sa mesa. Hindi rin niya ito nakitang nagtimpla ng kape na dati nitong ginagawa pagkagising sa umaga.
"Jandie, hindi ka pa ba kakain? Alas diyes na, hija. Malamig na ang almusal na inihanda ko para sa 'yo." Tanong ni Seling nang malapitan si Jandie na kasalukuyang nagdadamo sa hardin.
"Hindi pa po ako gutom, Nay." Anito at ngumiti kay Seling pero hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata.
"Naku, tanghali na'y hindi ka pa gutom. Baka mapa'no ka na n'yan, hija." Nag-aalalang si Seling.
"Tatapusin ko lang po itong pagdadamo, Nay." Tugon ni Jandie habang walang tigil sa ginagawa.
"Jandie, hindi sa nakikialam ako pero, hija, nagkagalit ba kayo ni Aaron? Aba'y pareho na kayong hindi makausap nang maayos. Hindi siya mapirmi dito sa bahay at ikaw nama'y halos magpakamatay na sa katratrabaho." Usisa ni Seling.
"Hindi po kami nagkagalit, nay. Baka busy lang si Aaron. At hindi rin po maganda ang pakiramdam ko nitong mga nagdaang araw kaya po wala akong ganang kumain at matamlay." Paliwanag ni Jandie.
"Sigurado ka, hija? Sigurado kang ayos lang kayo ni Aaron?" Duda siyang tinitigan ng matanda.
Tumango si Jandie. Alanganing ngumiti si Seling.
"Matanda na ako, Jandie. Alam ko at ramdam ko kung ano ang namamagitan sa inyo ni Aaron. Pero igagalang ko ang pananahimik n'yo pareho. Kung kailangan mo ng mahihingahan ng problema, huwag kang mahihiyang lumapit at magsabi sa akin, hija."
Nahihiyang ngumiti si Jandie. "Salamat po, nay. Huwag po kayong mag-alala, ayos lang po kami ni Aaron."
"Oh, hala sige na, hija. Itigil mo na iyang ginagawa mo at magtungo ka na sa kusina para kumain. Maghugas ka na ng mga jamay at iinitin ko ang mga pagkain sa lamesa." Aya ni Seling kay Jandie.
Napilitang sumunod si Jandie dahil nahihiya na siya sa matandang babae. Nakakahalata na pala ito sa tensyong namamagitan sa kanila ni Aaron. Ngunit hanggat maari ay ayaw niyang malaman ng matanda ang pinag-awayan nila ni Aaron.
Bigla siyang nagutom nang makita sa lamesa ang sinangag na kanin, pritong isda, tapa, nilagang itlog, at nilagang tslbos ng kamote na may kamatis, sibuyas at bagoong. Mga simpleng pagkaing pang-almusal na nagustuhan niya simula ng tumira siya sa poder ni Aaron. Sabi ni Nanay Seling, iyon ang mga paboritong almusal ni Aaron. Mabilis siyang nagtungo sa lababo at naghugas ng mga kamay. Matapos ay tinuyo niya ang kaniyang mga kamay gamit ang maliit na telang nakasabit sa hawakan ng fridge. Agad niyang binuksan ang isang kitchen cabinet at kinuha mula roon ang toyo. Naglagay siya sa pkatito at kumuha ng isang piraso ng kalamansi mula sa vegetable tray at hiniwa iyon bago piniga sa platitong may toyo.
"Akala ko ba'y ayaw mo ng toyo, Jandie." Nagtatakang si Seling nang makita ang ginagawa ng dalaga.
"Parang gusto ko na po ngayon, nay. Masarap sawsawan ng pritong isda at tapa." Si Jandie na mabilis na umupo sa lamesa at baglagay ng pagkain sa plato.
Gustong matawa ni Seling kay Jandie dahil natuto na itong kumain ng pagkaing probinsya. Napailing siya nang makita nitong ganadong-ganado si Jandie na kumain ng almusal at sarap na sarap sa toyong may kalamansi na dati ay ayaw nito.
TANGHALI na nang makatanggap ng mensahe si Jandie mula kay Karen. Dumating daw si Jerick at hinahanap siya sa kaibigan. Nataranta si Jandie at saglit siyang nag-isip kung ano ang dapat niyang gawin. Sa huli ay nagdesisyon siyang harapin na ang binata para sabihin dito ang totoo na wala siyang nararamdaman dito't nang sa gano'n ay tantanan na rin siya nito.
"Bakit kailangang pagtaguan mo ako, Jandie? Bakit hindi mo man lang sinagot ang mga tawag ko't mga text sa 'yo?" Malumanay pero bakas ang pagtatampo sa boses ni Jerick.
Nasa veranda sila ng bahay ni Karen at kasalukuyang nag-uusap.
"Jerick, I'm sorry. Sa tingin ko tama lang na hindi ko sinagot ang mga tawag at mga mensahe mo. Alam mo kung ano tayo, Jerick." Si Jandie.
"Oo, magkaibigan tayo. Kaibigan lang ang tingin mo sa akin but our family did the arrangemet for us. At ayaw kong masaktan sila kapag hindi natuloy ang..."
"Walang engagement at walang kasalang mangyayari, Jerick. Yes. They are the ones who arranged the marriage but I was clearly opposed to it. Kung ayaw mo silang masaktan, huwag nating gawin ang gusto nila dahil in the end, it will never work out for us. So this is the best thing we can do," mariing at determinadong ani Jandie.
"But why? Bakit hindi natin dapat gawin ang kasunduan, Jandie?" Bakas ang hinanakit sa
tinig ng binata. "Dahil ba sa kaniya?" mahina pero bakas ang galit na dugtong nito na ang tinutukoy ay si Aaron.
Matatag na sinalubong ni Jandie ang titig ni Jerick. "Hindi. This isn’t about him. This is about what I want to do with my own life. Hindi ako puwedeng magpakasal sa 'yo dahil hindi kit..."
"Don't say it." putol ni Jerick. “I don't want to hear that. Mahal mo pa rin ang lalaking 'yon, hindi ba?"
"Jerick, please, unawain mo naman ako." pakiusap niya rito. Ayaw niyang magpaliwanag pa sa binata. Ayaw niya itong masaktan pa nang lalo.
"Sagutin mo ang tanong ko, Jandie." nagtitimping si Jerick.
Bumuntong hininga si Jandie. "Oo." Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang makita na nasasaktan at nagpipigil ng mga luha ang binata. God, he's so kind to get hurt. Ayaw niya itong makitang nasasaktan dahil sa kaniya. He's like a brother to her. Kung mayroon lang sanang ibang paraan para sabihin na ayaw niyang magpakasal dito ay ginawa na niya. Pero wala. Tanging iyon ang choice niya para hindi ito aasa pa sa kaniya.
"God, Jandie. You do love him even he regarded you as a damage good. Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng tarandadong si Aaron sa 'yo?"
"Tama na, Jerick. Sana..."
"No. Hindi ako titigil, Jandie. I won't give up on you. Kung sa ibang lalaki ka mapupunta at hindi kay Aaron, tatanggapin ko ang pagkabigo but I won’t accept it otherwise." mariing anito.
"Hindi kailanman nawala ang damdamin ko para sa kaniya pero hindi ibig sabihin no'n na magiging kami ulit." Tila biglang may bumara sa kaniyang lalamunan niya nang sabihin iyon.
Totoong mahal pa niya si Aaron pero alam niyang malabo na na magka-happy ending sila. Hindi siya ang mahal ni Aaron.
"Maghihintay ako, Jandie. I will wait until you get back to your senses at magdecide kang kalimutan na siya." sinserong anito sabay gagap sa kaniyang palad. Napakabait ni Jerick. Kilala na niya ito simula pagkabata, but she can't love him as her man. Iisa lang ang lalaking minahal niya—si Aaron lamang. Hindi niya kayang ibaling ang damdaming iyon sa iba, kahit pa sa kababata niyang si Jerick. Alam niya iyon at ramdam niya sa kaibuturan ng kaniyang puso.
"Jerick..." Gusto niyang sabihin ditong tumigil na sa paghihintay sa kaniya, pero malabong gawin iyon ng binate dahil bakas sa mga mata nito ang determinasyon. He is determined to wait and fight to win her heart.
"I mean it, Jandie. I won't give you up. Never."
"You must give her up." Matigas na boses ni Aaron ang gumulantang sa kanila sa veranda. Biglang nanlamig si Jandie nang makita nito ang madilim at pormal na anyo ni Aaron.
Sumunod na bumungad si Karen sa pintuan na bakas ang takot at pag-aalala sa mukha.
"Jandie, ayaw paawat eh."
Nakaiintinding tumango na lamang si Jandie kay Karen.
Tila nagrambulan ang mga daga niya sa dibdib nang humakbang si Aaron palapit sa kanila ni Jerick. Matigas ding hinarap din ito ng huli. Nagsukatan ang mga ito ng tingin. Kinabahan si Jandie sa hitsura ng dalawa dahil bakas ang galit sa mukha ni Jerick at si Aaron ay madilim ang anyo na animo ay handang pumatay sa mga sandaling 'yon.
"Jerick, we can talk some other time." Pag-iiwas ni Jandie, sabay hila sa isang kamay ng binata.
"No more other time, Jandie." mariing ani Aaron na ang mga mata'y nakatuon sa kaniyang mga kamay na nakahawak sa kamay ni Jerick. Tila biglang napaso ang mga kamay niya nang makita ang nagbabantang mga mata nito. Agad niyang binitiwan ang mga kamay ng binata, ngunit nagulat siya nang kabigin siya ni Jerick sa baywang.
"You’re going to return to Manila with me, Jandie." Desperadong anang binata habang nakikipagsukatan ng titig kay Aaron.
Hindi makaimik si Jandie. Tila nalunok niya ang kaniyang dila nang mapasulyap siya sa animo nag-apoy ang mga mata ni Aaron sa galit.
"Take off your hand from my woman!"it sounded more like a threat. Lalo na’t napakatalim ng mga mata niya at kung makakapatay lang ang mga ito, kanina pa bumulagta ang kaharap na lalaki.
"Woman? Dream on, Fontierra. Don't ever address my fiance as your woman!" asik naman ni Jerick dito.
"Fiance? Aren’t you the one who’s dreaming? She is my woman. She is mine and only mine!" matigas at bahagyang tumaas ang boses nito.
Lalong lumala ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya't pumagitna na si Jandie. "Stop it! Huwag kayong manggulo rito sa bahay ng kaibigan ko." natatarantang si Jandie. Kung maari ay ayaw niyang magkasakitan pa ang dalawa.
"Then we should settle this outside."Tumalikod si Aaron at nagpatiunang lumabas ng bahay.
Sumunod naman si Jerick dito, gano'n din sina Karen at Jandie.
"I'm warning you, Fontierra. Don't step between the line. Pabayaan mo na kami ni Jandie." banta ni Jerick.
Nang-uuyam na tingin ang ipinukol dito ni Aaron. "Huwag mo akong bantaan, Vidad. Ang akin ay akin lamang. How do you want to settle this matter?"
"Whatever. Hindi kita uurungan. I'll play your game." Nakipagsukatan ito ng titig kay Aaron.
"Good. I like your style. Then let's settle this with a game."
"No!"sabat ni Jandie. "Stop this nonsense, you two."
"Step aside, sweetheart. I'm doing this for your sake." seryosong ani Aaron nang balingan nito si Jandie.
Kung wala sana sila sa gano'ng sitwasyon ay malamang na kikiligin siya dahil sa endearment nito. Pero mas nangingibabaw sa kaniya ang takot na baka magkasakitan ang dalawang lalaki.
"What’s your favorite game?" si Aaron. Nasa labas na sila ng bahay ni Karen. Ngumisi naman si Jerick.
"The sport I'm popular with. Parang hindi mo pa ako kilala, Fontierra," sarkastikong sagot nito.
"I do know. You are the gay champion of horse racing in the country?" banat pa ni Aaron.
"Damn you, Fontierra! Don't dare to fight me in horse racing. You'll just regret it."
"I dare you, Vidad. Tatapusin natin ang usapang ito sa pamamagitan ng karera." hamon ni Aaron.
"Fine. If I win, I'll take Jandie with me. Eat my dust." Ani Jerick na tiwalang-tiwala na siya ang magwawagi.
"Fine. Let's race then." Di naman natinag si Aaron na nagpakawala pa ng mapang-asar na ngisi. "I'll claim my prize after the game." He said as he took a glimpse on Jandie's pale face.
Kumabog lalo ang dibdib ni Jandie dahil sa sinabi ni Aaron. Ano ang prize na gusto nito kung sakaling siya ang manalo sa laban? At nasisiraan na ba ito ng ulo? Parang hindi nito kilala kung sino ang hinamon niya sa horse-racing. Magaling si Jerick sa larong iyon. Isa siya sa pinakamagaling na manlalaro sa bansa sa larangan ng horse-racing. Damn, Aaron. Siguro gusto nga nitong mawala na siya sa paningin nito kaya gusto na siyang ipamigay kay Jerick. Hindi na dapat itong naghamon ng karera dahil alam naman nitong dehado siya sa laban.
"Follow me." May awtoridad na ani Aaron bago sumakay sa kaniyang jaguar.
Sumunod din si Jerick at ang tatlong bodyguards nito sakay ng van. Nagmadali ring sumunod sina Jandie at Karen gamit ang kotse ng kaibigan. Alam na ni Jandie na sa rancho ang destinasyon ng dalawa.
Aaron has Tor, his black stallion. Jerick has chosen the best breed of stallion in terms of race. Naisip niyang hindi nga talaga basta-bastang tao si Aaron. May kaya rin ito sa buhay katulad niya, pero ang kaibahan nito sa kaniya ay wala ito sa bloodline ng mga pulitiko.
Mabilis na bumaba si Jandie at umibis sa kotse at hinarap si Aaron. "Are you out of your mind? Hindi ko alam na kaya mong gawin ang bagay na ito. Balak mo yatang sirain ang kasunduan natin. Bakit naghamon ka pa? Bakit hindi mo na lang ako ipasama sa..."
"Natatakot ka ba na baka matalo ako at mawawala na ako sa buhay mo?" sansala ni Aaron.
"Stop this. Sasama na ako sa kaniya ngayon din."
Napatiimbagang si Aaron sa kaniyang sinabi at nagbabanta ang mga mata nito.
"Iyon ang gusto niya kapag nanalo siya sa karera laban sa 'yo, kaya mas..."
"Kaya nga ako lalaban, hindi ba? Just watch, Jandie. Trust me." kalmadong ani Aaron na titig na titig sa kaniyang mga mata, pagkuwa'y tumalikod na ito at inihanda si Tor.
"Aaron."Hindi niya na masabing muli ang pagtutol.
He is determined to race with Jerick. Lumingon ito sa kaniya at kumindat pa bago sumampa sa likod ni Tor.
Tila nagsirko naman ang puso niya habang kinikilig na siniko siya ni Karen.
"Ayeee..! Ang sweet. What a man!" Tila nangingisay na si Karen sa sobrang kilig kay Aaron. Sa kabila ng pamumula ng mukha niya sa ginawa ni Aaron ay pinandilatan niya si Karen.
"Alam mo ikaw, mabuti wala dito ang asawa mo—kundi baka isa siya sa makikipagkarera sa kabayo dahil sa 'yo."
Natawa naman si Karen. "Ito naman killjoy. Hindi ka ba kinikilig sa asta ni Aaron?
Kahit batikang manlalaro sa horse-racing kakalabanin niya para lang sa iyo."
"Natatakot ako, Karen. Paano kung matalo siya?" kinakabahan si Jandie.
"Magtiwala ka sa kaniya, Jandie. Gagawin niya lahat para sa iyo." Si Karen na hindi mapukaw ang mga ngiti sa mga labi.
Kumunot ang noo ni Jandie. "Paano mo naman nalaman, aber?"
"Hindi ko pansin, Jandie. Obvious lang." pang-aasar ni Karen. "Hindi ka nga manhid, eh." dugtong pa nito at saka nito ibinalik ang atensyon sa dalawang lalaking nakahanda na sa karera.
"Ikutin natin ang farmhouse na iyon pabalik dito." Sabay turo ni Aaron sa natatanaw na farmhouse ng rancho.
Ngumisi si Jerick bago nagsalita, "Are you ready?"
"To feed you with my dust? Of course, I am." pang- aasar ni Aaron.
"You can't beat me in this game, Fontierra." sarkastikong baling ni Jerick. "I was born to be a champion and wala sa vocabulary ko ang salitang ‘talo’." pagyayabang pa nito.
Kahit kailan talaga ay mayabang si Jerick. Lalo na kapag nakikita niya ito sa TV at nababasa niya sa pahayagan ang laman ng mga interview nito. Tsk! Masyado itong tiwala sa sarili.
"Don’t worry, Vidad. Because I will write that word on your vocabulary. All in capital letters. At siguradong hinding-hindi mo makakalimutan.” sagot naman ni Aaron.
Napapikit si Jandie nang pumutok na ang baril bilang hudyat ng pag-uumpisa ng karera. Maraming mga nakiusyoso, hindi lang mga tauhan sa rancho kundi ang ilang mga turista roon ay nakiusyoso na rin.
Napamulat siya nang sikuhin siya ni Karen. "Hoy! Hindi mo man lang ba iche-cheer si Aaron. Kita mo, oh, dikit ang laban. He can do it!"
Napangiwi siya sa sinabi ni Karen. Tila tinakasan siya ng dugo dahil sa pamumutla. He can do it? Ah, maybe. Sana lang. Nauuna si Jerick ng ilang metro mula kay Aaron. Pinagkiskis niya ang kaniyang mga palad dahil sa panlalamig niya. Ilang iglap pa ay nawala na sa kanilang paningin ang dalawa. Tahimik ang buong paligid. Walang gustong umimik sa mga manonood lalo na si Jandie na lihim na umaasa na manalo si Aaron, dahil ayaw niyang sumama kay Jerick. Natatakot siya na pag-uwi niya ay hindi na niya muling makita pa si Aaron. Posible iyon. Dahil siguradong hindi na siya papayagan ng ama na lumabas ng bahay na walang bodyguards. Isa pa, hindi pa tapos ang tatlong buwang pananatili niya sa poder ni Aaron.
Ilang saglit din ang lumipas bago lumitaw sina Jerick at Aaron mula sa kabilang bahagi ng farmhouse. Pigil hininga si Jandie habang nakatutok ang kaniyang mga mata sa dalawang magigiting na kabalyero na ngayon ay sabay na sa karera.
Nagbubunyi nang lihim ang puso niya dahil sa husay ni Aaron sa horse racing. Kanina'y ilang dipa ang layo ni Jerick ditto pero ngayo'y pinatunayan niyang kaya nitong pantayan si Jerick. Lihim niya ring usal na sana ungusan ni Aaron ang kalaban. Palapit na sila nang palapit sa finish line, parehong nakapokus ang atensiyon sa karera at kaniya-kaniyang mga kabayo. Then finally, they reached the finish line.
Napabuga siya ng hangin at napahawak sa dibdib. Hiyawan ang mga manonood kasama si Karen na may pinakamalakas na boses sa pagsigaw sa pangalan ni Aaron. Hindi siya makapaniwalang nagwagi si Aaron sa karera laban kay Jerick. Nauna ito ng apat na talampakan. He did it. She was so surprised and amazed by his performance. Wala siyang maapuhap na salita, nag uumapaw ang saya sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan si Aaron.
Lumundag ito mula sa itim na kabayo at iginala ang mga mata sa manonood. He was looking for someone, someone whom he would claim as the prize. He made his way towards her direction.
Mas lalo siyang pinanlamigan at pinagpawisan sa noo dahil sa kaba. Kanina'y kaba dala ng karera. Ngayon ay kaba dahil pa rin sa karera— karera sa puso niya. She's racing with her own heartbeat and her breath.
Tinapik siya sa balikat ni Karen. "Andiyan na si loverboy." anito na may panunudyo.
Pinandilatan niya ang kaibigan at pilit niyang pinapakalma ang kaniyang sarili habang nakatuon ang kaniyang mga mata sa guwapong mukha ni Aaron na titig na titig din sa kaniya.
"I did my promise, didn't I?" The grin was back into his face. He's now standing gorgeously and proud infront of her.
She bit her lower lip and looked down. She swallowed her tongue. She coudn't say any word.
"Well, about the prize…"
He paused. Tiningala niya ito habang ang kaniyang mga mata'y nagtatanong.
He smiled at her very sweetly. "I shall claim my reward right now and you must give it to me, darling."
Hinaplos nito ang kaniyang mukha. Butterflies began flying restlessly in her stomach. Pakiramdam niya'y nanlambot ang mga buto niya. Hanggang sa hapitin siya sa baywang at kabigin siya ni Aaron palapit sa katawan nito'y hindi niya natagpuan ang kaniyang boses. All she did was to let him wrap his arms around her. She closed her eyes as he bended his head to kiss her, and open her mouth for his exploring, passionate kiss. Tinugon niya iyon nang walang alinlangan. Nawala ang ibang isipin at nakalimutan niya ang presensya ng mga taong nanoood sa kanila at lalo na si Jerick dahil sa assurance ng matitipunong bisig nito. It was warm and comfortable to be in his arms. Ang yakap nito'y nagpapahiwatig ng seguridad.