Chapter 3 Game of love

"Eyyyyyyyy" Impit na tili Ang lumabas sa bibig ng dalaga nang makita na nagfollow nga sa kanya yung kasama niya kanina sa team.

"Warrior ka pa pala? hehehe" agad naman na nagmessage ito sa kanya.

"Oo eh kakadownload ko nga lang eh ng larong to." Reply ng dalaga.

"Wait lang ha palit lang ako ng account may elite ako na Smurf account." Sabi nito sabay log out.

Ilang sandali pa nga at nakita niya na may nagfollow nga sa kanya sa elite division. Dali dali niyang inaccept ito at sure naman siya na yung lalaking yun ang nagmamay ari nito.

"Thanks, ano game na?" Chat ulit nito.

"G ako diyan." Mabilis niyang reply.

Aliw na aliw ang dalaga sa pakikipaglaro sa bagong kaduo na hindi na niya namamalayan na lumalalim na pala ang gabi. Ngayon niya narealize na nakakaadik nga pala ang larong yun.

"Sa laro ka ba naadik o sa kalaro mo?" Pilyang sabi ng isip niya.

Napapangiti naman ang dalaga sa naiisip. Mukhang ito na nga ang simula ng pagmomove on niya.

"Ano, isa pa?" Nabasa niya sa chat nito.

"Let's call it a night, lowbat na kasi ako eh. Naglalag cp ko pag nakasaksak sa charger."

Nanghihinayang na chat niya dito. Gustuhin man niya na maglaro pa pero 3% na lang talaga ang battery life niya.

"Ganun ba? Bukas online ka ba ulit? Laro ulit tayo. Saya mo kalaro. hehehe" hirit pa nito.

"Game ako." Napapangiti na nilapag ng dalaga ang cp niya sa ibabaw ng lamesa saka kinikilig na nagtalukbong ng unan sa mukha.

"Game na din akong magmahal na muli, ayieehhh!!!" Napahagikgik na sabi niya.