Chapter 2: Moving on..
''Oh anong iniiyak iyak mo diyan? Hiniwalayan mo tapos iiyak ka din pala hay naku..''
Natatawang sabi ng kanyang best friend na bading nang makita siya sa ganung kalagayan.
''Siyempre, limang taon din yun eh since high school naging kami na tapos dito lang pala mauuwi ang lahat.'' Pasinghot singhot pa ang dalaga na halos di na maidilat ang mga mata sa sobrang maga. ''Naman eh. Mahal mo pala eh bakit hiniwalayan mo pa? Uso naman kasi ang second chance eh noh!'' Pagbibiro nito na balak lang talaga aliwin ang kaibigan na alam niyang labis na nasaktan dahil sa nangyari.
''Yun na nga eh. Dahil sa kakabigay ko sa kanya ng chance eh parang lumaki na ulo at paulit ulit na lang niya ginagawa. Ilang second chance pa ba ang kailangan kong ibigay sa kanya para bigyan niya naman ako ng importansiya.'' Tumutulo na naman ang luha ng dalaga habang sinasabi ito.
''Yun lang. Sabagay, may hangganan naman talaga ang lahat. At napupuno na din tayo minsan. Bakit naman kasi adik na adik yang boylet mo na yan sa ml na yan.''
''Tumahimik ka! Akala mo naman di ko alam na kaya lagi kang puyat kakalaro mo din naman. Parehas lang kayo eh. Pag uuntugin ko pa ulo nito eh.'' Paingos na sabi ng dalaga.
''Aray ko naman! Ok lang naman mapuyat sa online gaming noh kaysa mapuyat kakahintay sa reply ng jowa mong busy sa ml.'' Pang aasar pa nito na agad din napatakip ang kamay sa bibig nang marealize ang sinabi nito.
''Sorry beshy..'' Tarantang panghihingi nito ng paumanhin. Paanu ba naman imbes na palubagin ang loob ng dalaga eh mukhang binudburan pa niya ng asin ang sugat na natamo ng broken hearted na dalaga.
''It's okay beshy totoo naman. At ngayon ko lang din narealize na matagal na pala akong nagtitiis sa ganung sitwasyon. I think, panahon na para mag move on na di na siya kasama.'' Saad ng dalaga.
Nakakaunawang tiningnan ng kaibigan ang dalaga para aninagin sa mukha nito kung seryoso ba ito sa sinasabi. Hindi nga nagbibiro ang dalaga sa sinasabi nito. Mababanaag mo sa mukha nito ang kaseryosohan.
"hmp, sige na nga. Tama na yang drama. Laro na lang tayo brawl para malibang ka kahit paanu." Birong sabi ng kaibigan.
''Anong brawl ba?" Takang tanong ng dalaga na pinilit maging maayos ang sarili.
"Ay oo nga pala. Di mo pa nga pala nasubukan. Ganito gawin mo install mo tong apps nato at maghahanap tayo ng bagong boylet sa ml." Malanding sabi ng kaibigan.
Natatawa namang nagpaunlak ang dalaga. Sa isip niya ay wala naman masama kung subukan niya. Baka nga naman mabilis siya makamove on kung susubukan niya. Curious din kasi siya kung bakit madami ang naloloko sa larong yun.
1 week later..
"Wow, puwede ko na pala iopen Ang rank mode. Dami palang features nito. Masubukan nga lahat." Excited na sabi ng dalaga nang sa wakas ay nakaka access na siya sa rank mode ng larong ml.
Naalala niya bigla yung sabi ng kaibigan niyang bakla na masaya nga daw laruin ang brawl mode at di na niya kailangang mamili ng hero na gagamitin at yung system na mismo ang magbibigay ng hero na puwede niya gamitin.
"Mukhang masaya nga to ah." Natutuwang sabi niya. Medyo kabisado pa naman niya ang hero na binigay sa kanya ng system.
"Triple kill!!!" Napapahiyaw na sabi ng dalaga. Sa tulong ng tank ay nagawa niyang patayin ang tatlong kalaban na nakapalibot sa kanya.
"Nice one baby!"
Nagulat siya sa chat na nabasa mula sa kanyang kasama sa team. Medyo napatulala naman ang dalaga dahil naaalala na naman niya ang kanyang ex na baby din ang tawag sa kanya.
"Hayst bakit ba lagi ko pa din siya naiisip tagal tagal na noon eh." Naiinis na sabi niya.
Mabilis siyang nagreply sa chat para sa kanyang kateam.
"Thanks to you. Ganda ng set! Good job."Puri din niya dito.
"Ano, rank tayo later?" Reply naman nito.
Napangiti ang dalaga sa sinabi nito. Mabilis siya nagtype ng reply.
"Game. Follow moko follow back kita maya." Napapangiting sinend ng dalaga ang mga katagang yun. Sa isip ay ..
"why not di ba? May kasama na ako sa pagmomove on." Kinikilig na saad niya.