Chapter 1 The breakup..

"Naknamputsa naman oh panalo na sana, natalo pa!"

Napahampas sa mesa sa inis si Erick pagkatapos ng game. Sa inis, muntik pa niyang matapon sa ding ding ang cp na hawak.

"Buti naman natapos na din kanina pa kita kinakausap ayaw mo akong pakinggan." Nagtatampo namang bulong Ng nagtatampong dalaga.

"Sorry baby, last victory na kasi sana yun para magmythic na ako eh."Nahimasmasan naman na pang aalo ng binata. Nakaramdam siya ng guilt dahil heto nga at magkasama sila ng nobya pero laro ang inaatupag niya. Buti na lang, napakaunderstanding ng mahal niya.

"Nakakatampo ka na ha, minsan na nga lang tayo magkasama, agaw atensyon pa yang laro mo. Parang ayaw mo ko makasama". Parang maiiyak na himutok ng dalaga. Sa loob loob niya ay totoong inis na ang kanyang nadarama noong oras na yun pero pilit niyang pinapangibabaw ang pagiging understanding na girlfriend.

"Naku naman baby, wag ka mag isip ng ganyan. Of course, mahal kita kaya gusto kitang makasama. Wag ka na magtampo ha. Bawi na lang ako sayo. Dinner tonight?" Pang aalo naman nito.

"Sabi mo yan ha mamaya niyan makalimutan mo na naman yan."Paniniguro naman ng dalaga dahil ilang beses na din siyang naindiyan nito dahil biglang nagkayayaan ang magkabarkada na magparty sa mobile legend.

"Asus, makakalimutan ko ba yan eh ako ang nagyaya." Pagbibigay nito ng assurance sa nobya.

"Sabi mo yan ha!"Nasisiyahang sabi ng dalaga sabay halik sa nobyo. "I'll go ahead na kailangan ko ng mag open ng shop at late na masyado tinanghali nako." Wika ng dalaga sabay dali daling umalis na.

7pm that night..

"Saan na kaya yung lalaking yun? Bakit kaya hanggang ngayon wala pa din?"Di na maipinta ang mukha sa inis na napapabulong na wika ng dalaga.

Usapan nila kanina sa chat 6pm magkikita sila sa paborito nilang resto para mahaba habang oras pa sila magkasama pagkatapos magdinner pero hanggang ngayon wala pa din ni anino ng binata. Kanina pa din niya ito minimessage pero di naman nag oonline. Eksaktong alas siyete noong pahangos na pumasok ang lalaki sa resto at nagmamadaling lumapit sa dalaga.

"I'm sorry baby. Ito kasing si Jake eh biglang nag invite nakalimutan ko oras." Napapakamot sa ulo na sabi nito.

Nang marinig ng dalaga ang dahilan ng pagkalate nito ay dun na naramdaman ng dalaga ang biglang pagsabog ng galit na matagal na niyang tinitimpi. Kinuha niya ang bag na nasa katabing upoan at tumayo sabay sabing..

"No worries. Hinintay lang naman kita to give this back to you." Sabay hubad sa couple necklace na niregalo nito sa kanya last anniversary nila. Eksaktong isang taon noong araw na yun dahil anniversary nila ng araw ding yun kaya ganun na lang ang tampo na naramdaman niya.

"Happy anniversary by the way and salamat na lang sa lahat." Yun lang at dali daling umalis na ang dalaga sa lugar na yun.