Chapter 6: SUNSHINE IS GONE
Paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa isip ni Norman ang pagtangging iyon ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pa niya pinag-aaksayahan ng oras na isipin ang babaeng iyon.
‘Ha! Akala mo, napakaganda! Kung makapagsalita. Tsk!’
Para siyang tangang kinakausap ang sarili. Hindi niya kayang aminin na may babaeng tumanggi sa kaniya. Dahil iyon ang unang beses! Samantalang . . . ha!
‘Hindi ba niya alam na babae ang humahabol sa akin?! Ni hindi ko na nga kinakailangang bayaran ng ganoon kalaking halaga! Sila mismo gusto akong makasama! Pero siya?! Sampung milyon! Tinanggihan niya?!’
‘Teka nga! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Hays! Grabe kang babae ka!’
Sa sobrang inis ni Norman ay naihagis niya ang unan. Simula kasi nang makausap niya kanina si Sunshine ay para na siyang siraulo. Pilit na umuukilkil sa kaniyang balintataw ang malungkot nitong mga mata. Hanggang sa makarating na nga lang siya sa suite na inookupahan niya ay ito pa rin ang laman ng isip niya.
Naupo siya buhat sa pagkakahiga sa kama at sinabunutan ang sarili pagkakita sa orasang nasa dingding. Alas-tres na ng madaling-araw at hindi pa rin siya makatulog.
Bahagya siyang napatigil at . . .
“I swear! Ikaw mismo ang lalapit at magmamakaawa sa akin!” aniya na itinaas pa ang hintuturo. Napangisi siya sa naisip. Kapagdaka’y muli siyang nahiga hanggang sa makatulog.
♥♥♥♥♥
IMPIT NA UNGOL ang pinakawalan ni Norman nang maalimpungatan kinaumagahan dahil sa naririnig niyang sunod-sunod na pagtunog ng kaniyang cellphone, ngunit tinatamad siyang sagutin iyon.
Nakadapa habang yapos ang isang unan, inis na iminulat niya ang isang mata nang hindi pa rin tumitigil sa pagtunog ang kaniyang tawagan. Sinilip ang oras, ala-una. Tiningnan niya ang bintana at kita sa bahagyang pagkakahawi ng kurtina ang tirik na araw sa labas na bahagyang nababanaag dahil sa siwang, ibig sabihin ay tanghali na, pero inaantok pa rin siya.
Kinapa niya sa side table ang telepono upang sagutin iyon.
“Hoy, ’insan! Wala ka bang balak mag-lunch? Tara na rito! Sabayan mo ako!” nakasinghal na bungad ni Lowelle.
“Mag-lunch kang mag-isa, inaantok pa ako,” patamad niyang sagot dito.
“Puyat ka?! Bakit? Siguro may dinala kang chicks d’yan, ano?!”
“Get lost, Lowelle.”
“Oh, bakit? Eh, maaga pa no’ng umalis ka sa resto kagabi, ah? Kung wala kang nabingwit na babae, bakit ka puyat?”
“G*go! Bakit? Hindi ba pwedeng hindi lang agad nakatulog kaya napuyat, ha? Ha? Ha? Ha?”
Malakas na halakhak ang isinagot sa kaniya nito na mas ikinairita niya. “Sige na, sige na, at mukhang puyat ka nga.”
Ibinato ni Norman ang telepono nang mawala na sa kabilang linya ang kaniyang pinsan, saka muling isinubsob ang mukha sa unan at bumalik sa pagtulog.
Madilim na sa labas paggising niya. Nag-inat siya ng mga braso at bumangon sa pagkakahiga. Nagtatatalon muna nang ilang beses para gisingin ang dugo at diwa bago hinagilap ang cellphone. Pagtingin niya ay may ilang messages na siyang natanggap at… 20 missed calls? May limang tawag galing sa kapatid na si Martin, at ang iba ay galing na kay Jasson, ang kanilang panganay.
Binasa muna niya ang ilang mensahe roon.
A text message from: cousin lowelle
Hoy! You already skipped your brunch! Gumising ka na and have dinner!
Received time: 6:22 pm.
A text message from: Jasson
Call me back . . .
Received time: 5:30 pm.
A text message from: Martin
Hey Norm, hindi mo sinasagot ang tawag namin ni kuya, busy ba? Tumawag ka as soon as possible. Emergency.
Received time: 5:25 pm.
Ilan lamang iyan sa mga mensahe, hindi na niya binasa ang iba pa. Sinilip niya ang oras at napagtantong alas-siyete na ng gabi. Iiling-iling na naghagilap siya ng damit sa closet at nagtungo na sa washroom. Nang matapos ay saka siya lumabas ng suite at tinungo ang restobar.
“Tsk . . . tsk . . . tsk . . . grabeng tulog, ha? Sobrang pagod? Nakailang rounds ba?” salubong ni Lowelle sa kaniya pagkapasok niya sa opisina nito. Doon na kasi siya dumeretso at nagpahatid na lamang ng dinner.
“Anong rounds ang pinagsasabi mo r’yan? Itulad mo pa ako sa ’yo,” kunot ang noong tugon ni Norman at naupo sa single sofa na malapit sa glass door ng beranda.
“Hahahaha! Hindi talaga tayo magkatulad! Masyado kang mahina sa chicks!”
“Look who’s talking,” nakataas ang isang kilay niyang sabi dito. Dinampot niya ang isang malinis na wine glass na nasa center table at sinalinan iyon ng alak na nasa bucket.
Nakita niyang binitiwan ni Lowelle ang folder na binabasa at tinanaw siya buhat sa kinauupuan nito saka inihalukipkip ang mga braso sa dibdib at isinandal ang likod sa kinauupuan.
“Seriously, bakit nga pala isang buwan kang mag-i-stay rito? May tinataguan ka ba?” seryosong tanong ng pinsan niya.
Nilagok ni Norman ang alak saka inismiran ito. “Sino naman ang tataguan ko?” he asked.
“Then, what are you doing here?”
Tinapunan niya ito nang matalim na titig. Sa klase kasi ng tanong nito ay para bang hindi ito natutuwang naroon siya sa harapan nito.
“Hey, don’t take it too seriously. Wala akong masamang ibig sabihin sa tanong ko, okay?” ani Lowelle.
“Tss . . . masama bang magliwaliw muna pagkatapos ng pagsusunog ng kilay? Nakakapagod din ang mag-aral nang mag-aral.”
“Ikaw naman kasi, kung nakapag-decide ka kaagad sa career na talagang gusto mo, eh, di sana ilang taon ka nang tapos.”
“Aeronautics naman talaga ang gusto ko. Hindi lang iyon ang kinuha ko noong una dahil—” Hindi niya natapos ang sasabihin sana dahil nakita niya buhat sa glass door ang waiter na may dala ng pagkain niya. Tumayo siya at pinagbuksan ito.
Inayos ng waiter ang mga pagkain sa center table habang nakamasid lamang siya. Maghapon siyang walang kain, pero para bang hindi siya natatakam sa masasarap na pagkaing nakahain sa harapan niya. Nakakasawa! Iyon ang pakiramdam niya sa hindi niya malamang dahilan.
Nagbuntonghininga muna siya bago umupo upang umpisahang tikman ang mga pagkain. Halos tinikman lang niya ang bawat putahe at ipinaligpit na iyon. All of a sudden, he just lost his appetite.
“Pumasok ba siya?” wala sa loob na naitanong niya.
“Sino?”
“T-that girl!”
“Si Sunshine?”
“Who else?” iritable niyang sagot.
“Ha! Are you expecting her after I fired him?”
“Hindi na talaga siya pumasok, huh.”
“Ikaw lang, ewan ko ba sa ’yo at iyon ang nakursunadahan mo. Umamin ka nga! May gusto ka sa kaniya, ano?” nanunukso ang mga tingin na tanong ng pinsan niya.
Pigil ang sariling napakamot siya sa kaniyang noo at pailalim na tiningnan ang pinsan.
“You know my type . . .” nakangiwi niyang tugon dito. Alam naman kasi ng pinsan niyang hindi siya attracted sa mga morena.
“Yeah, but she’s pretty and damn sexy! Kaya nga siya ang paborito ng mga parokyano rito. Kung iba nga lang ang ugali n’on, I mean kung mabilis lang masilaw sa pera ’yon, sa dami ng nag-aalok sa kaniya, mayaman na dapat ’yon.”
“Iyong totoo, ikaw yata ang may kursunada sa empleyado mo?” Iniwas niya ang tingin dito bago pa nito mapansin ang kunot niyang noo.
“Hindi ko itatanggi sa ’yo, noong una kong makita si Sunshine, talagang natipuhan ko siya. Pero dahil nga sa ugali niya, mas nanaig ang respeto ko sa kaniya. Bukod doon, mabait at magaling siyang makisama.”
Tss . . . napapalatak na lang siya sa mga naririnig niya sa kaniyang pinsan. Dumaan pa ang ilang oras nang hindi nila namamalayan dahil sa kuwentuhan ng kung ano-ano.
“Tara! Labas tayo, gusto kong magpahangin. I felt exhausted here,” biglang aya sa kaniya ni Lowelle. Nakita pa niyang niluluwagan nito ang kurbata nang lingunin niya.
Sumunod siya rito nang lumabas ito. Nagtungo sila sa stage kung saan ginaganap ang entertainment. Katatapos lang kumanta ng singer nang pumuwesto sila sa harapan. Ina-announce na ng emcee ang susunod na magaganap at iyon ang fire dancing.
Natigilan siya nang tawagin na ng host ang grupo. Hindi niya maintindihan, pero umaasa siyang makikita niya sa mga ito ang babaeng iyon. Pero nadismaya lang siya dahil hindi na nila kasama ang babaeng gusto niyang makita.
Mag-isa lang ang dalagang nagpe-perform na kasama ng dalawang binata.
Maganda rin naman ito, magaling din . . .
Pero hindi niya maintindihan ang sarili. Wala siyang ganang manood hindi tulad noong mga naunang araw na kasama pa ng mga ito ang Sunshine na iyon. Bumuga siya nang marahas na hininga. “Sa hotel na ako,” paalam niya at tinalikuran na ang pinsan at ang entablado. Sunshine is gone, kaya wala nang reason to stay there.
“Hey, ‘Man! Tingnan mo ‘to!”