Chapter 2: HINDI PANSIN
“GOOD MORNING, Mr. Luther. Our chef would like to know what would you like for breakfast,” tinig mula sa kabilang linya nang abutin niya ang awditibo ng nag-iingay na telepono.
“Just tell him that I will be downstairs.” Ibinaba ni Norman ang aparato at inayos na ang sarili.
Tinungo niya ang tokador at kinuha ang puting long-sleeve fitted shirt na may bahid na asul sa balikat. Tinernuhan iyon ng itim na cargo pants at itim na sandalyas na sapin sa paa. Itinali niya ng rubber band ang buhok na hanggang batok ang haba saka inililis ang sleeve hanggang siko. Bahagya rin siyang nagwisik ng Canary perfume bago tuluyang lumabas ng suite.
Plano lamang niyang maglibot sa paligid ng resort na pag-aari ng kaniyang tiyuhin pagkatapos ng agahan. Titingnan niya muna kung ano ang pwedeng gawin sa loob ng isang buwan na maglalagi siya roon.
Pagbaba niya sa lobby ay agad siyang pinalibutan ng apat niyang bodyguard na nakapagbigay sa kaniya ng iritasiyon. Bakasyon ang sadya niya rito at hindi negosyo kaya hindi niya kailangan ang mga ito.
"Change your clothes and have fun. I don't need your service during my stay here, unless if I call you," mahina ngunit maawtoridad niyang utos sa mga ito.
“But, Sir—”
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng isa sa mga ito. Magaan ang mga hakbang na tinungo niya ang restaurant ng hotel.
“Good morning, Mr. Luther!” ang nakangiting bati ng magandang receptionist na halatang kinikilig pa pagkakita rito. Tanging tango lang ang isinagot niya sa pagpapa-cute ng babae.
Sinalubong naman siya ng isang unipormadong waiter at iginiya sa VIP table na nasa beranda. Maganda ang tanawin sa puwestong iyon sapagkat tanaw ang karagatan. Maliban pa roon ay napalilibutan iyon ng iba’t ibang uri ng mga ligaw na bulaklak at ng mabeberdeng mga halaman. Malamig sa mga mata ang nakikita niya. Malamig at sariwa din ang hangin na kaniyang nalalanghap kaya naman nakaramdam siya ng kagaanan ng loob.
Saka lamang siya naupo nang dumating ang kaniyang pagkain. Pinasadahan niya iyon ng tingin at bahagyang napasimangot. He was not into heavy breakfasts, and they served him five variants of different meals. Putsa! Mag-isa lang siya. Para namang kaya niyang ubusin ang mga iyon. What a waste of food!
Iiling-iling niyang tinikman ang bawat pagkaing nasa harapan. Inuna niya ang rice-ala-corne bago ang tocino de leche at pancit palabok. He took a bite of cookie-like rusk hard bread, called Fettee biscotti, and a spoon of fruit salad. He lifted the espresso mug and sipped it, and then he just sat there staring at the leftover food.
After a moment, he decided to take a walk near the beach. May mangilan-ngilan nang nagsisipagligo sa dagat. May mga grupo ring naglalaro ng beach volleyball.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at tinungo ang baybayin, doon sa hindi gaanong matao. He stood up and faced the ocean. Napakalinaw ng tubig at napakalinis. May mga naglalakihang bato sa paligid habang hinahampas iyon ng maliliit na alon. Sa bahaging iyon ay maihahalintulad niya ito sa islang gusto na niyang balikan ngunit hindi pa maaari. Hindi pa siya pwedeng bumalik sa Isla Lutherio hangga’t hindi nila natatagpuan ang mga nawawalang kapatid.
Sa ngayon ay nakita na nila ang pangatlo sa mga lalaki, si Martin. Nahanap ito five years ago, at sa kasalukuyan ay may alitan ito kay Jasson, ang panganay sa kanilang labindalawang magkakapatid, ngunit hindi naman nalalayo ang kanilang mga edad. Alitan ng dahil lamang sa iisang babae.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang tumunog ang kaniyang cell phone. It was a call from Atty. Samson.
“Yes, Attorney?”
“Princess is nowhere to be found.”
“What? Wait, I thought you already had information about her? You said that it was confirmed!”
“Yes, it was, kaya nga nagpapunta na ako ng mga tauhan ko, to rescue her. Pero naunahan kami ng taong may hawak sa kaniya.”
“This is all bullshit, Attorney! I told you to keep an eye on her! Bakit kayo nagpabaya?” Nanggagalaiti siya sa sobrang galit na halos maglabasan na ang mga ugat niya sa leeg.
“We’re sorry, Norman. Don’t worry, we wi—”
“I don’t need your damn sorry! Go, and find her!” Hindi na niya hinayaan pang makapagsalita ang kausap at pinatay ang tawag.
Nagtatagis ang mga bagang niya sa labis na pag-aalala. Princess is one of her siblings. Kamakailan lang nila ito natunton, at ang masama ay hindi maganda ang lagay nito. Ipinambayad utang ito ng mga kumupkop dito dahil sa laki ng pagkakautang at hindi na kayang bayaran. Nang malaman nila iyon ay agad silang nakipag-usap sa taong may hawak sa kanilang kapatid, na nagkataong kasosyo pa nila sa ilang negosyong pinatatakbo nilang apat. Malaking halaga ang inialok nila para mabawi si Princess ngunit hindi pumayag ang anak nito at itinakas ang dalaga. Kaya naman, agad silang nagbayad ng mga mahuhusay na agent upang hanapin at bawiin ito. Ngunit itong tawag ng attorney ang masamang balitang bumungad sa kaniya.
“Damn it! Stupid!” Pinagsisipa niya ang maliliit na batong nakakalat sa buhangin. Ayaw man niya ngunit hindi niya maiwasang isipin na baka may hindi na magandang nangyari sa kanilang kapatid.
Hindi man sila lumaking magkakasama ay naroon ang pananabik na makita at makilala niya ang mga ito. Kahit na magkakapatid lamang sila sa ama ay hindi iyon hadlang upang makaramdam siya ng kakaibang saya sa isiping napakarami nila. Oo, hindi sila magkakapatid sa ina, iba-iba ang kanilang mga nanay, ngunit hindi masasabing mga anak sila sa labas. Kaya hindi niya maiwasang hindi matakot sa kapag naiisip na nasa hindi magandang kalayagan isa man sa mga ito.
Napapabuntong-hininga siya habang nakapikit at nakatingala sa bughaw na langit. Ang mga kamay ay nakasuksok sa kaniyang bulsa. Ilang sandali lang ay muli niyang hinugot ang tawagan at nag-dial.
“Kuya.”
“Nasaan ka, Norman?”
“Nagkausap na kayo ni Attorney?”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng nasa kabilang linya bago ito sumagot. “Oo, nagpadagdag na ako ng mga taong maghahanap kay Princess.”
“Good. Kumusta kayo ni Martin?”
“Nandito ako sa Isla Lutherio.”
“Tsk! Bakit ikaw pwede?” palatak niya rito.
“Lintek! Tigilan mo nga ako, Norman. Sige na, istorbo.”
Iiling-iling na muling ibinulsa niya ang tawagan nang babaan na siya ng kapatid. Hindi pa tumatagal ay muli iyong tumunog. Kunot ang noong sinagot iyon nang hindi tinitingnan ang nakarehistrong pangalan.
“Hey, Insan!”
“Lowelle?” aniya nang makilala ang boses nito. Si Lowelle ay pinsan niya sa ina. Ito rin ang may-ari ng resto bar na nasa resort na iyon.
“It’s nice to hear that you still recognize my voice! So, it’s true that you are in my resort, ha?”
“Your resort? Your father owned this, not you, idiot!” natatawang singhal niya rito.
“Whatever! It’ll be mine soon. Anyway, see you later. Maraming chikababe at night.”
“Asshole!”
“F*ck you! Bye!”
Narinig pa niya ang malakas nitong pagtawa bago siya binabaan.
Muling bumalik sa pagiging seryoso ang kaniyang mukha at tinahak na ang pabalik sa hotel nang maramdaman niya ang init na pumapaso sa kaniyang balat. Tanghali na pala, hindi man lang niya namalayan.
Pumanhik na siya sa suite na kaniyang tinutuluyan. Magpapahatid na lamang siya roon ng pagkain para sa tanghalian niya.
Alas-siyete ng gabi nang maisipan na niyang muling lumabas ng kuwarto na kaniyang inookupahan. Tinungo niya ang resto bar na nasa gawing likuran at kanugnog ng restaurant na kaniyang pinuntahan kaninang umaga.
Aside sa restaurant na mayroon sa loob ng hotel, malapit naman sa dagat ang restobar na pinatatakbo ng pinsan niya. At mukhang mas matao iyon kaysa sa restaurant na nasa loob. Marami-rami na ring tao ang kaniyang nadatnan, at pawang mga abala na ang mga empleyado.
Iginala niya ang paningin upang maghanap ng bakanteng mesa nang may mamataan siya sa bandang sulok na may nakalagay na Reserved. Nilapitan niya iyon. Nang makaupo siya ay agad na may lumapit sa kaniyang serbidora.
“Good evening, Sir. Welcome to Hell Grill Restobar! May I take your order?” magiliw na bati ng waitress.
Matalim na tinitigan niya ang kaharap at iminuwestra ang menu na hawak. “Don’t you see? I’m reading the menu,” sarkastiko niyang sagot.
“I’m sorry, Sir. Tawagin n’yo na lang po kami kung may o-order-in na kayo.” Yumuko ang dalaga na tila napahiya sa sinabi niya bago umalis sa kaniyang harapan.
He was scanning the menu when he heard a customer on his left calling someone.
“Hey, Summer! Can you take my order, please?”
Nakita niya sa kaniyang upper vision ang pagdaan ng isang babaeng may balingkinitang katawan.
“Sure, Mr. Ed. What is your order?”
He heard the angelic voice kaya tuluyang napaangat ang kaniyang ulo upang tingnan ang nagmamay-ari ng seksing katawan at malaanghel na boses.
And from there, he saw the lady standing sideways against his table, but he could still see her charming grin on her reddish lips as she spoke to the customer.
Napasinghap siya nang mapaharap ito sa kaniya matapos na makuha ang order ng kausap. Nanatiling nakapaskil sa mga labi nito ang ngiting hindi yata nabubura. Wala sa sariling sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makarating ito sa counter.
Nang makita niyang iginagala ng dalaga ang mga mata ay mabilis niya itong kinawayan. Akma na itong lalapit sa kaniya ngunit nawala iyon sa kaniyang paningin nang isa sa mga kasamahan nito ang lumapit at naharangan nito ang babae.
Halos lamunin niya ang waitress na gustong umestima sa kaniya dala ng sobrang inis. Isinenyas niya ang kamay na umalis ito sa harapan, pero abala na sa iba ang babaeng gusto niyang magsilbi sa kaniya. Ilang beses pang kinuha ni Norman ang atensiyon ng babaeng tinawag na Summer ngunit hindi na siya nito alintana.
Sa inis, tumayo siya at nilapitan ang dalagang may bitbit na tray na puno ng pagkain. Walang isang salitang tinabig niya iyon dahilan para tumilapon ang mga laman niyon at kumalat sa sahig ng restaurant.
Nanlaki ang bilugang mga mata ng dalaga at bahagya pang nakaawang ang mga labi dahil sa pagkabigla habang nakatingin sa nagkalat na order ng customer at ang mga nabasag na lalagyan.
“Sir naman?” pigil ang pagtaas ng boses na tanong nito sa kaniya kasabay ng pag-angat ng paningin para tingnan siya.