KABANATA 35 (1690 words)
Tulad nga ng sinabi ni Troy ay kinabukasan agad ang kasal nila. Hindi pa rin makapaniwala si Leah na ikakasal na agad siya matapos mag-proposed ng binata sa kanya kagabi. Akala niya ay nagbibiro ito na bukas agad ang kasal nila ngunit nagkakamali siya, dahil naging toto ito.
Kaya heto siya ngayon naghihintay sa isang lounge room. Naka-ayos na siya na siya, ngunit may isang oras pa bago magsimula ang kasal nila Troy. It’s a simple wedding church lang ang kasala nila at mga piling tao lang rin ang mga inimbeta ng binata.
Nakasuot naman si Leah ng off-shoulder wedding dress na may pa letrang V ang design sa likod at pinalibutan naman ng mga putting perlas at mga kumikinang na glitters.
Habang nakatingin sa salamin ay hindi maiwasan ni Leah ang mamangha sa sarili. Hindi niya aakalain na napakaganda niya sa suot niyang wedding gown at hindi rin siya makapaniwala na dadating ang araw na ikakasal na siya. Akala niya noon ay hindi niya iyon mararanasan ngunit heto siya at nakasuot siya ng wedding gown sa mismong kasal niya.
Habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin ay biglang may kumatok sa labas ng silid na inuukupa niya.
“Pasok.” Saad niya at tumingin sa pinto para tingnan kung sino iyon.
Sakto naman ay bumukas ito at pumasok naman ang isang lalaki na nakasuot ng salamin, pantalon at t-shirt. Nanlaki naman ang mga mata ni Leah ng makilala iyon.
“Ariel…”
Nang makita muli ang binata ay hindi niya mapigilang umiyak. Nagulat naman si Ariel ng makitang umiiyak ang dalaga kaya naman ay agad siyang lumapit dito at inalalayan paupo.
“Kasal mo ngayon, dapat ay masaya ka hindi umiiyak.” Saad ni Ariel at lumuhod sa harapan ng dalaga upang punasan ang mga luha nito.
“Huwag ka ng umiyak. Ang ganda-ganda ng make-up mo tinatanggal lang ng luha mo.”
Hindi naman pinakinggan ni Leah ang sinasabi ng binata bagkus ay yinakap niya ito ng mahigpit. Nagulat naman si Ariel ngunit gumanti rin ito ng yakap sa dalaga.
Ramdam ni Ariel ang mahigpit na yakap ni Leah sa kanya kaya naman ay hindi niya tuloy mapigilang matawa.
“Pumunta ako para magpaalam sayo.” Saad ni Ariel na ikinatigil naman ni Leah. Bumitaw ito ng yakap sa binata at tumingin dito.
“S-Saan ka naman pupunta?”
“Babalik na ako ng America, Leah. Pinababalik na’ko ng Dad ko.” Tugon ni Ariel sa dalaga at muli itong yinakap.
“At isa pa, I want to congratulate you for your wedding.”
Nang marinig iyon ni Leah ay hindi niya mapigilang makaramdam ng sakit. “Sorry, Ariel. I’m so---”
“Shh. Don’t be, okay? Hindi mo kasalanan na minahal kita. Kaya tumigil kana sa kaka-sorry mo, Okay? Kasal mo ngayon, ano ka ba.” Saad ni Ariel sabay ngiti sa dalaga.
Medyo gumaan naman ang pakiramdam ni Leah sa narinig niya mula sa binata kaya naman ay ngumiti rin siya dito.
Tumayo na si Ariel sabay tingin sa orasan niya.
“Kailangan ko ng umalis, baka mahuli ako sa flight ko.”
“G-Ganun ba…”
“Hays. Huwag kang mag-alala, babalik pa rin naman ako dito at bibisitahin kayo.”
Tumango na lamang si Leah sa binata. Bago umalis ay hinalikan muna ni Ariel sa noo si Leah at ngumiti dito bago tuluyang pumunta ng pinto.
Bago pa makalabas si Ariel ay tumingin muli ito kay Leah. “Hindi na ba magbabago isip mo? Pwede kitang dalhin sa America.”
Napatawa naman si Leah sa sinabi ni Ariel. Mukhang balak pa ata nito na itakas siya, ngunit umiling siya dito at ngumiti ulit.
“Hindi na magbabago isip ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala ulit siya sakin. And…
Ariel, Thank you.”
Bumuntong hininga naman si Ariel at tumawa na rin. Nagpaalam muli ito sa dalaga at lumabas na. Pagkalabas niya ay saka lamang siya ng nakahinga ng maayos. Masakit dahil ang taong mahal niya ay ikakasal na sa iba, ngunit hindi na ganoon kabigat ang pakiramdam niya.
Napailing na lamang siya at umalis na sa lugar na iyon. Ngunit mapaglaro ang tadhana dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita naman sila Ariel at Troy.
Parehas silang natigilan ng makita ang isa’t-isa. Si Troy naman ay hindi mapigilan ang mapakuyom ng kamay ng makita si Ariel. Si Ariel naman ay seryosong nakatingin sa binata, inilibot naman nito ang paningin niya at napatango-tango.
At dahil doon ay hindi maiwasan ni Troy ang kabahan ngunit nagulat na lamang siya ng tumawa si Ariel at saka lumapit sa kanya sabay ayos ng suot niyang polo.
Pagkatapos nun ay umalis na si Ariel na ikinataka naman ni Troy. Tatawagin niya sana ito ng tumigil sa paglalakad si Ariel at humarap sa kanya.
“Huwag mo ng sasaktan ulit si Leah. Dahil kapag sinaktan mo ulit siya, hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sa iyo.” Seryosong saad ni Ariel kay Troy.
“Hindi na mangyayari iyon. Ikamamatay ko kapag nawala ulit siya sakin.” Tugon ni Troy.
“Nagsasabi lang.
But, Congratulations.” Saad nito sabay ngiti ng bahagya.
Nagulat naman si Troy sa sinabi nito sa dulo, ngunit hindi niya mapigilang ngumiti rin dito. “Thank you.”
Pagkatapos nun ay tumalikod na si Ariel at tuluyan ng nilisan ang lugar.
•*•*•*•*•
“Do you, Troy take Leah to be your lawfully wedded wife? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto him for as long as you both shall live?” Tanong ng Pari kay Troy.
“Yes, I do.” Saad ni Troy habang nakatingin ng deretso sa mga mata ni Leah.
“Do you, Leah take Troy to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, in sickness and in health, in good times and not so good times, for richer or poorer, keeping yourself unto him for as long as you both shall live?”
“Opo.” Ngiting saad ni Leah na nagpangiti sa binata.
Matapos ang ‘I do.’ Ay humarap naman silang dalawa sa pari havang si Carlo naman ay lumalapit na dala ang mga singsing.
Nang makalapit sa kanila si Carlo ay hindi mapigilang halikan ni Leah ang anak niya ganoon rin si Troy. Iniabot naman ni Carlo ang singsing sa katulong ng pari at inilagay sa gitna nilang dalawa ang singsing. Bumalik na rin si Carlo sa upuan nito.
“You can now place you ring to your partner.”
Tumango naman silang dalawa at kinuha ang singsing. Kinuha naman ni Troy ang kaliwang kamag ni Leah at dahan-dahang isinuot ang singsing habang nagsasalita.
“Leah, Sweetie, Mahal, Babe. Thank you for giving me a chance to love you again, to prove myself to you and to be a father to Carlo. Wala na siguro akong mahihiling dahil sa wakas nakuha na kita.”
Habang nagsasalita si Troy ay hindi na mapigilan ni Leah ang mga luhaniya na pumatak.
“Alam kong hindi madali ang mga pinagdaanan mo at patawarin ako dahil sa mga nagawa ko sa’yo. I know I’m a biggest j*rk before, pero pinagsi-sisihan ko na iyon. Hindi ko na alam gagawin ko kapag nawala ka ulit sakin. Hindi ko kakayanin. And now your with me, with the presence of god, our family, and friends. Leah, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.” Saad ni Troy at tuluyan ng isinuot ang singsing sa kamay ng dalaga. Pinunasan naman ni Troy ang mga luha ng dalaga at bumulong dito. “I love you.”
Maya-maya ay isinuot na ni Leah ng dahan-dahan ang singsing sa kamay ng binata at nagsalita.
“Hindi ko aakalain na darating ang araw na ito, at sa iyo ako ikakasal. Nung unang pagkikita natin ay na-attract na agad ako sa iyon at hindi ko maiitatanggi iyon. Dinedeny ko pa noon ngunit hanggang sa naging malapit tayo sa isa’t-isa ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na mahalin ka.” Saad niya sabay ngiti sa binata.
“Ngunit hindi ko inaasahan na sasaktan mo’ko kaya nagdesisyon akong magpaka-layo layo kasama ang anak natin, pero kahit anong layo ko sayo ay pinagkikita pa rin tayo ng tadhana hanggang sa mahulog ulit ako sayo. Marami na tayong pinagdaan na hirap at sakit ngunit heto tayo magkaharap sa presensya ng diyos at sa mga taong nagmamahal sa’tin.”
Huminga naman ng malalim si Leah bago magsalita muli.
“Thank you for loving me again, loving our son and Troy, I give you this ring as a symbol of my love with the pledge: to love you today, tomorrow, always, and forever.” Pagtatapos niya at tuluyan na ring isinuot sa binaga ang singsing sa kamay nito.
Nang matapos ang ring exchange ay pinatayo naman ng pari ang mga bisita.
“Before these witnesses, you have pledged to be joined in marriage. You have now sealed this pledge with your wedding rings. By the authority vested in me. I now pronounced you, husband and wife.
You may now kiss the bride.” Saad ng pari.
Itinaas naman ni Troy ang veil ni Leah. Nang makita na nito ng maayos ang mukha ng dalaga ay hinawakan niya agad ito sa bewang at hinalikan agad ang dalaga dahilan upang magpalak-pakan ang mga tao sa loob ng simbahan.
“Congratulations to the newlyweds, Mr. And Mrs. Salvatore.”
Humiwalay naman ang mga labi nila at nakangiting tumingin sa mga bisita na nasa loob.
“Mama! Papa!” Sigaw agad ni Carlo at tumakbo palapit sa kanila. Binuhat naman ito ni Troy. Nang makitang kumpleto sila sa gitna ay mas lalong lumakas ang palakpakan.
Tumingin naman si Troy kay Leah at ipinulupot ang kamay nito sa bewang ng asawa.
“You’re officially mine now. I love you, Leah.”
“I love you too, Troy.” Muli ay dinampian ni Troy ang labi ni Leah.
Wala na sigurong mahihiling si Leah dahil nakuha niya na ang gusto niya. Finally, she’s officially married to the man he loved, to the man that hurt her before, to the man he give a chance and to the man he loved again, again and again, and that is to the man named Troy Salvatore.
***THE END…***