KABANATA 34 (1850 words)
Tanging tunog lang ng kutsara’t tinidor ang maririnig sa hapag kainan. Tahimik at walang nagsasalita na mas lalong nakadagdag tensiyon sa loob.
Nandito sila Leah sa bahay nila Troy kasama ang anak nilang si Carlo upang ipakilala silang dalawa ni Carlo sa mga magulang ng binata.
Kaninang pag-uwi niya kasi ng hapon matapos ang pakikipagkita niya kay Sabrina ay sumalabong agad sakanya
Ang binata pagkapasok pa lang ng pinto sa bahay niya.
“Oh. You’re here. You’re coming with me.” Saad ni Troy sabay hila kay Leah.
“H-Huh? T-Teka nga! Saan naman tayo pupunta?” Tanong ni Leah na nagtataka pa rin sa ginagawa ng binata.
“Hurry up, Papa! I’m so excited!” Sigaw naman ni Carlo at nauna ng tumakbo sa sasakyan ng binata.
Tumigil naman si Troy at tumingin kay Leah. “You heard it? Bilisan na daw natin.” Saad nito sabay buhat kay Leah na parang sako.
Napasigaw na lamang ang dalaga dahil sa hindi inaasahang gagawin ng binata sa kanya. Pinali naman niya ang likod nito ngunit hindi natinag hanggang sa makarating na sa sasakyan nito at ipinasok siya sa loob ng passenger seat.
Sisigawan niya sana ito ngunit naisarado na ng binata ang pinto.
Iniayos naman muna ni Troy ang seatbelt ni Carlo bago pumunta ng driver seat.
“Saan ba tayo pupunta huh? At nagmamadali kayo?” Tanong niya sa binata habang nagsi-seatbelt.
“We’re going to my parents house. Ipapakila ko na kayo.” Deretsong saad ni Troy na ikinagulat naman ni Leah.
“Huh? W-Wait! H-Hindi pa ako handa at tingnan mo nga ang su---” naputol naman ni Leah ang sasabihin niya ng dampian naman siya ng halik ni Troy.
“So, kailan natin sila dapat i-meet? Kapag handa kana? Hindi ba pwede na ngayon na lang para hindi na sila maka-angal.”
“H-Hindi naman sa ganun…” Napayuko naman si Leah.
Natatakot kasi siya na baka hindi siya tanggapin ng mga magulang ng binata lalo na ang anak nila Troy.
Napansin naman ni Troy ang ekspresiyon sa mukha ni Leah kaya naman ay iniangat niya ang mukha nito upang tumingin sa kanya ng dalaga.
“Don’t worry. Nandito lang ako, kami ni Carlo. Hindi ka namin iiwan. Trust me. Okay?” Pag-alo niya kay Leah na ikinatango naman ng dalaga.
“Pero paano ang suot ko? Baba muna ako pa---”
“Don’t. You’re already beautiful. Baka kapag nagpalit ka pa ay pag-piyestahan ka lang ng iba dyan.” Saad ni Troy sabay paandar ng sasakyan. Naginit naman ang mukha ni Leah sa sinabi nito sa kanya.
“But, you’re more even beautiful when you’re naked, lying on my bed, moani---” Hindi na natapos ni Troy ang sasabihin niya ng hampasin ni Leah ang braso niya.
“Tumigil kana nga! Kitang mong may bata eh.” Sambit ni Leah at saka tumingin na sa unahan.
At heto sila ngayon nasa hapag-kainan at kumakain. Hindi masyadong mapakali si Leah dahil napaka-seryoso tingnan ng mga magulang nito, lalo na ang Daddy ni Troy. Pakiramdam niya ay kakainin siya ng buhay ng Daddy niya dahil sa kakaibang aura na ibinibigay nito. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa loob kaya naman ay binasag na lamang ito ng Mommy ni Troy.
“Kamusta ka na, hija? Matagal na rin ng huli tayong nagkita.” Nakangiting tanong nito sa kanya sabay baba ng tinidor sa plato.
Napatingin naman siya dito at agad na itinigil ang pagkain. “Okay lang naman po, Ma’am.” Tugon niya dito.
“Hindi ka ba pinapahirapan ni Troy sa company? Naku, kung oo, huwag kang mahihiya magsabi sakin.”
“Mommy!”
“Hahaha. Hindi naman po. At isa pa po parte rin po ng trabaho ko ang mabibigat na gawain lalo na’t sekretarya niya ako kaya, expected na po iyon. Pero maraming salamat po.” Ngiting saad ni Leah dito.
Maya-maya ay napatingin naman sila sa Daddy ni Troy ng tumikhim ito.
“Who’s that child?” Seryosong saad nito. Sasagutin sana ito ni Leah ng hawakan ni Troy ang kamay niya ng mahigpit kaya naman ay napatingin siya doon at sa binata.
Kita sa mukha ng binata ang kaseryosohan nito kaya naman ay medyo guminhawa ng kaunti ang pakiramdam niya.
“He’s, Carlo. My son and your grandson.”
Natahimik naman saglit ang Daddy ng binata bago magsalita ulit. “How old is he?”
“Five years old.”
Tumahimik naman ulit sa hapag-kainan kaya nagkaroon ng kakaibang atmospera sa loob. Ilang saglit lang ay bumaba si Carlo sa kandungan ni Troy. Napansin naman ni Leah na may bitbit itong tissue. Sinundan naman nila ito ng tingin at laking gulat nila na tumigil ito sa gilid ng Daddy ni Troy.
“Carlo!”
“Here po oh, tissue. May dumi po kayo sa pisngi niyo, Lolo.” Natigilan naman ang lahat dahil sa hindi inaasahang tawagin ni Carlo na ‘Lolo’ ang Daddy ni Troy.
Kinuha naman ito ng Daddy ng binata. Hindi pa umaalis si Carlo dahil nakatingin ito ng deretso sa mukha ng lolo niya. Napansin naman agad iyon at nagtanong.
“Do you want to sit with me?”
“Pwede po?”
“Yes.” Saad ng lolo nito at binuhat si Carlo at ini-upo sa hita nito. Sinubuan naman ito ng Daddy ni Troy ng pagkain na gustong-gusto naman ni Carlo.
Napangiti na lamang silang lahat ng makita iyon. Akala ni Leah ay hindi nito tanggap si Carlo, ngunit nagkamali siya. Para naman siyang nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib.
Napatingin naman siya kay Troy ng maramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya, nakita niyang nakangiti ang binata sa kanya kaya naman ay ginantihan rin niya ito ng ngiti.
•*•*•*•*•
Nandito naman sa terrace ng ikalawang palapag ng bahay sila Troy at ang Daddy nito na parehas sumisimsim ng alak.
Nakatanaw sa paligid na tanging buwang at bituin ang mga ilaw kasabay pa ang medyo imiihip na hangin.
Napag-desisyunan ng Daddy ni Troy mag-usap sila pagkatapos ng dinner nila. Pumayag na rin naman si Troy dahil ito rin ang pagkakataon na mag-usap muli sila ng ama niya.
“I’m sorry, Son.” Seryosong saad ng Daddy ni Troy habang nakatingin sa baso nitong may lamang alak. Napatingin naman dito ang binata at pinakinggan ito ng mabuti.
“I know what I did before is wrong and all I can think is for our business. Gusto ko lang naman na mas mapalago ang business natin. But, I realized because of my selfishness you got into accident.”
Pinakinggan lamang ni Troy ni Ang Daddy niya na sabihin ang gusto nitong sabihin. At dahil doon ay naintindihan ng binata ang dahilan ng ama niya. Business. Gusto sana niyang magreack ngunit pinigilan niya ang sarili niya lalo na nagsisisi ito sa mga ginawa nito.
Gusto niyang magalit dito dahil may balak rin pala ang Daddy niya na saktan si Leah kapag hindi siya nagpakasal kay Sabrina noon, ngunit hindi na iyon nagawa ng ama niya dahil nung maaksidente siya.
Well, he know that her Dad is a selfish man, dahil ganito rin ang kinalakihan ng Daddy niya. Nang matapos sa pagsasalita ang Daddy niya ay ibinaba naman niya ang baso at tumingin ng deretso sa Daddy niya.
“I’m also sorry too, Dad. For everything. And I forgive you. Pero hindi kita mapapatawad na may balak ka pa lang saktan si Leah.”
“I know.”
Namayani naman ang katahimikan sa kanila hanggang sa magtanong ulit ang Daddy niya. “Do you really love her?”
“Yes, Dad. I really really love her. And I can’t live without her.” Tugon niya dito sabay ngiti.
Napangiti na rin naman ang Daddy niya. “Then, marry her. Huwag mo ng pakawalan pa.” Saad ng Daddy ni Troy at tumayo na.
Sakto naman na nagbukas ang pinto ng terrace at lumabas doon si Leah. Tumayo naman si Troy at tumingin sa dalaga.
“Oh. N-Nakaistorbo ba ako? Babal---”
“No. Stay. Pabalik na rin naman ako sa loob.” Saad nito at ngumiti ng bahagya kay Leah na ikinagulat ng dalaga. Tumango na lamang ang dalaga dito at umalis na ang Daddy ni Troy.
Sinundan naman nila ng tingin ang likod ng Daddy ni Troy hanggang sa mawala na sa paningin nila ito.
Nilapitan naman ni Troy si Leah at iginaya sa may railings ng terrace ng bahay. Hindi naman na umangal si Leah. Nakatingin na rin ito sa tanawin. Napapangiti naman ito dahil sa ganda ng tanawin na nakikita niya. Katapat kasi ng bahay ay isang maliit na ilog, at sa tubig na iyon ay may replika ng buwan at mga bituin. Kung titingnan ay nakakatakot ngunit dahil sa iilang nagkikislapang mga tutubi ay mas lalo lang nitong nagdagdag ganda.
Si Troy naman ay pinagmamasdan ang dalaga na busy sa pag-ikot ng mga paningin. Napaisip naman siya sa sinabi ng Daddy niya sa kanya kanina.
“Then, Marry her. Huwag mo ng pakakawalan pa.”
Huminga muna siya ng malalim at saka kinuha ang kamag ng dalaga dahilan para mapunta sa kanya ang atensiyon ng dalaga.
“Alam kung hindi ka prepared, pero hindi ko na makakayang mawalay ka pa sakin, kaya naman…”
Pinutol naman ni Troy ang kanyang sasabihin at kinuha ang isang maliit na box sa jacket niya at saka lumuhod sa harap ng dalaga. Natutop na lamang ni Leah ang kamay sa bibig niya ng biglang lumuhod sa harap niya ang binata.
Ang bilis ng tibok ng puso niya na. Nagsisimula na ring mangilid ang luha niya.
“Alam kung marami akong naging kasalanan lalo na’t saktan kita. Pinagsi-sisihan ko ang mga iyon. Pero ngayong nabigyan akong ng pangalawang pagkakataon para bumawi at ayusin muli ang mga pagkakamali ko, napakasaya ko.”
Hindi naman na napigilan ni Leah ang mga luha niya sa mga narinig mula sa binata. Maya-maya ay binuksan na ni Troy ang maliit na box at ipinakita doon ang singsing. It’s a simple ring with a cute little diamond at the center.
“Leah, hindi naman sa minamadali kita, pero hindi ko makakayang mawala ka pa sakin muli. I can’t live without you, Sweetie. And I love you.
So, Will you marry me?” Tanong ni Troy habang nakatingin kay Leah.
Malakas naman ang tibok ng puso ni Troy dahil sa kinakabahan siya sa magiging sagot ng dalaga.
“It’s okay, kung hindi pa ngayon. Kaya kon---”
“Yes.”
“Huh?”
“Yes. Oo. Pakakasalan kita, Troy Salvatore!” Saad ni Leah na nakangiti na.
Napatayo naman agad si Troy sa pagkakaluhod at agad na sinunggaban ng halik ang dalaga. Tinugunan naman ito ng dalaga.
“Thank you! I love you. I love you so much.” Saad ng binata na nakayakap na ngayon kay Leah. Humiwalay naman ito sa pagkakayakap at saka isinuot sa dalafa ang singsing.
Muli ay dinampian ng halik ni Troy ang mga labi ng dalaga. Naghiwalat ang mga ito at idinikit ang mga noon nila.
“I love you, Leah.”
“I love you too, Troy.”
Maya-maya ay nakarinig sila ng palakpakan kaya naghiwalay ang mga mukha nila at nakita nilang nakatayo na sa may pintuan ng terrace ang mga magulang ni Troy habang si Carlo naman ay tumatakbo palapit sa kanya.
“Mama!”
“Congratulations sa inyo, Hija.” Masayang sambit ng Mommy ni Troy at yinakap siya ng mahigpit. Ganun rin ang Daddy ni Troy.
“So kailan ang kasal?” Biglang tanong ng Mommy ni Troy.
“Hindi pa po na---”
“Tomorrow.”
“What?!” Gulat na sambit ni Leah habang nakatingin sa binata na ngayon ay nakangiti na sa kanya.
“Tomorrow, will be our wedding day.”