KABANATA 31 (1985 words)

Isang linggo ng pabalik-balik si Troy sa bahay nila Leah upang bisitahin si Carlo at tuwang-tuwa naman ang anak niya. Sa tuwing papasok ng trabaho ay agad-agad siyang sinusundo nito sa kanila at hinahatid sa eskwelahan si Carlo.

Hindi naman niya mapigilan ang binata dahil naisip niya rin na ito ang paraan ni Troy upang mabawi ang limang taong nawalay siya sa kanyang anak at naiintidihan niya iyon. Kaya naman ay hinahayaan niya na lamang ito dahil nakikita naman niya ang kasiyahan sa mukha ng anak niya.

Habang nagsusuot ng sandals si Leah ay lumapit naman sakanya ang anak niya. “Mama, saan ka po pupunta?” Tanong nito habang kumakain ng tsokolate na dala ni Troy kaninang umaga.

“May pupuntahan lang si Mama, saglit, okay? Babalik rin ako agad.” Saad niya at saka humarap ng tuluyan kay Carlo at pinunasan ang pisngi nito dahil sa nagkalat na tsokolate.

Makikipagkita siya kay Ariel sa mall dahil nag-aya itong mag-date daw sila. Tumawag ito kahapon para magpaalam. Nang marinig ni Carlo kahapon ang boses ng Daddy Ariel niya ay inagaw sa kanya ni Carlo ang selpon.

Hindi na niya na napigilan ang anak niya dahil nakipag-usap na ito agad sa kabilang linya. Hindi rin siya makatanggi dahil bawi niya daw ito sa’kin ng hindi nito pagbisita sa kanila ni Carlo. Ang huling contact nila sa isa’t-isa ay yung tumawag ang binata sa kanya na may ipapadala daw ito sa bahay nila at iyon ay regalo para kay Carlo.

Hindi na daw siya nakapunta ng kaarawan ni Carlo dahil nagkaroon ng emergency sa kompanya nila kaya kailangan siya doon at naiintidihan naman iyon ni Leah. Kaya ngayon ay pinagbigyan niya ang binata na magkita sila sa mall.

Nakasuot lang siya ng dress na may disensyong malilit na black flower, sinuotan naman niga ito ng black leather jacket at nagsuot lang ng flat sandals. Hindi siya ganoon kahilig sa mga may takong na sandals dahil madali siyang matapilok. Inilugay niya lang ang buhok niya at naglagay rin siya ng pink lipgloss at blush on.

Habang busy sa paglilinis ng pisngi si Leah kay Carlo ay sakto naman lumabas si Troy na galing sala upang silipin ang gingawa ng dalaga. Napansin nito ang paglilinis sa pisngi ng dalaga kay Carlo ngunit naka-agaw pansin agad dito ang suot na dress ni Leah.

“May pupuntahan ba siya?”

“May pupuntahan ka?” Tanong agad ni Troy at humalukipkip sabay sandal sa pader habang nakatingin ng deretso kay Leah.

Napatingin naman si Leah sa binata at at umayos na ng tayo ng matapos niya ng punasan ang pisngi ni Carlo. Tumingin muna siya kay Carlo.

“Baby, doon ka na muna sa sala. Pagbalik ko mamaya, may pasalubong ako.”

Sumunod naman si Carlo at agad tumakbo papasok sa sala nila. Tumingin ulit siya kay Troy at nagsalita.

“Ahh, makikipagkita lang kay Ariel saglit.” Saad niya at saka umiwas ng tingin sa binata.

“Na ganyan ang suot?” Bulong ni Troy.

“Huh?” Pagtatakang tanong ni Leah sa kanya.

Napansin ni Leah na masama ang timpla ng mukha ng binata kaya ibinaling niya ang tingin sa sa suot niya dahil pansin niyang kanina pa nakatingin ito sa suot niya.

“Uhmm, hindi ba bagay ang suot ko?” Tanong niya dito.

“Yeah. Hindi bagay. It suits you if your my bed and m*aning.” Bulong ulit ni Troy sa kanyang sarili na hindi naman narinig ng dalaga.

Umayos naman ng tayo si Troy at saka nakapamulsang lumapit sa dalaga.

“Nah. It’s perfect.”

Nagpangiti naman si Leah sa sinabi ni Troy dahilan para mainis naman ang binata sa reaksiyon nito.

Maya-maya ay tumunog ang selpon ni Leah. Kinuha naman ito ng dalaga na galing sa bag nitong dala.

“Mauna na’ko. Ikaw na muna ang bahal kay Carlo. Saglit lang naman ako hindi ako magtatagal.” Saad ni Leah at dali-daling lumabas na ng bahay.

Naiwan naman si Troy na nakatayo habang nakatingin sa pinto sa nilabasan ng dalaga. Napagulo na lamang ng buhok si Troy sa inis at bumalik sa sala kasama ang anak niya.

Ang akala pa naman niya ngayon ay makakasama niya ulit ang dalaga dahil sa kompanya ay hindi siya makalapit dito dahil sa busy at maraming gagawin. Ngayon na lang ulit siya nakalapit dito ngunit umalis naman ito nakipagkita kay Ariel.

Napatingin naman siya kay Carlo na busy sa panunuod ng Tom and Jerry sa TV.

“Baby, gusto mong mamasyal tayo sa labas?” Tanong ni Troy kay Carlo dahilan para mapalingon sa kanya si Carlo.

“Saan naman po tayo pupunta, Papa?”

Ngumiti na lamang si Troy dito at saka binuhat ito. “We’re going to Mama.”

•*•*•*•*•*

Nakasuot ng salamin at sumbrero sila Troy at Carlo habang nakasunod kila Leah at Ariel na busy sa pagtawa sa isa’t-isa.

Oo. Tama kayo. Sinundan ni Troy si Leah dahil hindi niya mapigilan ang kuryusidad kung bakit makikipagkita ang dalaga kay Ariel.

Wala pa namang limang minuto kaninang umalis si Leah sa bahay ngunit heto siya at nakasunod sa dalaga.

“Papa! Papa! I want this one po!” Saad ni Carlo habang nakaturo sa isang ice-cream shop.

“Oh, okay okay.” Bago umalis ay tiningnan muna ni Troy sila Ariel at Leah na pumasok sa isang kainan.

Tumalikod muna si Troy at saka bumili ng ice-cream para kay Carlo.

Habang naghihintay ay hindi ina-alis ni Troy ang mga tingin niya sa dalawa. Kitang-kita niya dito mismo sa pwesto niya ang dalawa na umo-order ng pagkain.

“Here’s your cookie’s ‘n cream ice-cream, Sir. Have a nice day!” Saad ng cashier at sabay abot ng ice-cream at sukli sa kanya.

Agad naman itong kinuha ni Carlo ang ice-cream sa kamay niya at sumubo. Binuhat naman ito ni Troy at binilinan.

“Dahan-dahan lang sa pagkain, baby. Masyadong malamig iyan.” Paalala ni Troy at pumasok sa loob kung nasaan sila Leah at Ariel.

Tumango na lamang si Carlo havang ine-enjoy ang pagkain ng ice-cream. Pagkapasok sa restaurant ay nakahanap naman sila ng upuan na hindi masyadong malayo sa dalawa.

“D*mn! Hindi ko marinig ang pinaguusapan nila.” Isip-isip ni Troy.

Gusto niya sanang lumapit sa mga ito ngunit hindi maaari dahil baka mahalata siga ng dalaga.

Naghintay lang sila Troy doon hanggang sa umabot ng isang oras ang paghihintay nila. Kumain rin sila ni Carlo doon. Kahit naman na sinusundan niya ang dalaga ay hindi naman niya pinapabayaan ang anak niya.

Ibinalik naman niya ang tingin sa dalaga at nakitang papatayo na ang mga ito. Agad naman niyang kinuha si Carlo at binuhat.

“Papa, saan na po tayo pupunta? Uuwi na po ba tayo?” Tanong ni Carlo kay Troy.

Tumingin naman siya kay Carlo at iniayos ang suot nitong salamin at sumbrero. “Hindi pa, baby eh. May pupuntahan pa tayo.” Tugon niya kay Carlo. Mabuti naman na hindi na ulit ito nagtanong pa.

Bumalik naman ang tingin ng binata kila Leah at Ariel nakita niyang papalabas na ang mga ito sa restaurant kaya agad naman silang lumabas at sinundan ang mga ito.

Sumakay naman agad sila ni Carlo sa sasakyan niya at sinundan ang mga ito. Ganoon pa rin, hindi pa rin siya nagpapahalata sa mga ito na sinusundan niya ang mga ito. Habang nakasunod ay napatingin naman siya sa salamin sa harapan at nakitang nakatulog na si Carlo. Buti na lang at nakaseatbelt ito. May unan rin ito sa leeg dahil nilagyan niya na ito kanina bago sila umalis sa mall.

Mahigit isang oras rin ang naging biyahe nila hanggang sa tumigil ang sasakyan nila Leah at Ariel sa parking lot at bumaba. Pumarada rin siya hindi kalayuan sa sasakyan ni Ariel.

Sakto naman na pagbukas niya ng pinto sa likod ay siyang paggising ni Carlo.

“Saan po tayo ngayon, Papa?” Tanong ni Carlo habang nagkukusot ng mga mata. Tinanggal naman ni Troy ang seatbelt at ang unan sa leeg saka binuhat at isinara ang pinto ng sasakyan.

“Nandito tayo sa Venice, baby.” Saad ni Troy ng makapasok sila sa entrance.

Nandito sila Venice na matatagpuan sa Taguig. Hindi niya alam kung bakit dito pumunta sila Leah at Ariel ngunit may kutob siyang hindi maganda. Nang makapasok na sila ay agad naman napamangha sa ganda si Carlo.

“Wow! Papa, ang ganda! I wish kasama natin si Mama.” Saad nito habang lumi-linga ang tingin.

Napangiti naman siya ng mapakla ng marinig niya ang sinabi ni Carlo.

“She’s here, but with the other man.” Isip niya.

Habang naglilibot ay hindi pa rin mawala sa tingin ni Troy sila Leah at Ariel. May kalayuan ang pagitan nila dahil nasa taas sila ng tulay habang ang dalawa naman ay nagiikot sa baba. Napakunot naman ng noo si Troy ng makitang sumakay ang dalawa sa bangka kaya naman ay agad silang bumaba.

“Kuya, sasakay kami ng anak ko at pakisundan rin iyong bangka na iyon.” Saad niya sa Lalaki na may hawak na sagwan.

Agad naman silang umupo nila Carlo at nagsuot ng life vest. Nang magsimula ng umandar ay tuwang-tuwa naman si Carlo. Habang si Troy naman ay patuloy pa rin sa pagmasid sa dalawa na masayang naguusap.

Nakaramdaman naman siya ng matinding selos ng makita ang masayang mukha ng dalaga.

Gusto niyang puntahan ang mga ito at palitan si Ariel sa pwesto nito para siya ang magpatawa sa dalaga kasama ang anak nila.

Napakuyom na lamang siya at huminga ng malalim at muling pinagmasdan sa malayo ang dalaga. Nang matapos ang kinse-minuto sa pagikot ng Venice gamit ang bangka ay bumaba na ang mga ito maging sila nila Carlo.

Hindi na niya namalayan na gabi na pala kaya naman ay nagsimulang magsindi ang mga ilaw sa paligid dahilan upang mapahanga ang mga tao sa paligid dahil sa ganda ng lugar lalo na sa gabi.

Binilhan niya na muna si Carlo ng makakain atsaka sinimulang hanapin sila Leah at Ariel na saglit niyang hindi nakita. Maya-maya ay nakarinig siya ng mga hiyawan at nanggaling iyon sa itaas ng tulay kaya namab ay pumunta sila Carlo doon.

Ngunit napatigil na lamang si Troy ng makita niya kung sino ang pinapalakpakan at sinisigaw ng mga tao sa paligid. Si Leah na nasa gitna ng tulay havang si Ariel naman ay nakaluhod sa harap ng dalaga.

Para namang nanlumo sa kinatatayuan si Troy ng makita ang senaryong iyon. Parang tumigil ang oras sa paligid niya at tanging nakikita niya lamang ay ang dalawa.

“He’s…proposing…” Isip-isip niya dahilan para makaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib.

Hindi rin nakatakas sa pandinig niya ang mga bulungan ng tao sa paligid.

“Ang sweet naman ng guy na iyon.”

“Swerte ni girl, gosh! Nakakakilig!”

“Yes na iyan!”

Tumingin siya sa mukha ni Leah at nakita niya dito ang pagkabigla. Ilang saglit lang ay nagsalita si Ariel.

“Leah, alam kong gulat ang nararamdaman mo ngayon, pero hindi ko na kayang mawalay ka sa’kin at maagaw pa ng iba.” Saad ni Ariel dahilan upang kiligin at humiyaw ang mga tao sa paligid.

“Sa loob ng limang taon na pagkaka-kilala natin sa isa’t-isa, unang kita ko pa lang sa iyo, nagustuhan na agad kita. Hindi ako naniniwala sa ‘love at first sight’, but I guess it’s true. Dahil natamaan na agad ako sa iyo.

Alam kong masyadong mabilis ito ngunit ayaw na kitang maangkin pa ng iba. Leah Alcaraz, will…

Will you marry me?” Tanong ni Ariel na nakatingin sa mga mata ni Leah.

Natigilan naman si Leah sa mga sinasabi sakanya ni Ariel. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya dahil halo-halong emosiyon ang nararamdaman niya sa ngayon. Hindi niya inaasahan na magpo-propose sa kanya si Ariel.

“Troy…”

Nanlaki naman ang mga mata ni Leah at biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng isipin niya ang pangalan ni Troy. Tumingin ulit siya kay Ariel na nakaluhod pa rin ngayon.

“Ariel…”

Sa kabilang banda naman ay umalis na agad si Troy buhat-buhat si Carlo. Hindi na nila kailangang magtagal doon dahil alam na niya ang magiging sagot ng dalaga.

“It’s a Yes.” Napatawa naman ng mapakla si Troy ng isipin iyon.

“Talagang wala na akong pag-asa sa’yo, Leah.”