Chapter 30: KABANATA 30 (1584 words)
Tapos na ang party at nagliligpit na sila ng gamit. Siya na ang nagligpit ng iba dahil unti na lang naman itong liligpitin niya.
Masaya siya lalo na’t naging masaya si Carlo sa kaarawan nito. Hindi naman niya mapigilang ngumiti dahil nasabi na rin niya sa anak niya ang tunay na ama nito. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib niya.
At dahil doon ay palagi ng magkasama ang dalawa kanina. Hindi maiwanan at mabitawan ni Troy si Carlo kanina sa party, maging sa pakikipaglaro sa mga kaibigan ng anak niya ay nakabuntot rin ito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya ngunit masaya siya na nagkakamabutihan ang dalawa.
Habang nag-aayos si Leah sa kusina ay bumaba naman si Troy galing sa kwarto ni Carlo. Inihiga niya kasi si Carlo sa higaan nito dahil sa pagod at nakatulog na.
Hindi naman mapawi sa mga mukha ni Troy ang kasiyahan na nararamdaman niya na ngayong maaari na siyang makalapit kay Leah lalo na sa anak nila na si Carlo. Hindi inaasahan ni Troy na sasabihin ni Leah kanina ang totoo sa anak nila. Akala niya ay wala itong balak na sabihin dahil sa nangyari noon.
Kaya ngayon ay masayang-masaya siya na nagkakamabutihan sila ng anak niya. Nang makababa ay dumeretso sa kusina si Troy ng marinig ang mga kalansing ng mga baso. Doon niya nakita na naglilinis ang dalaga. Napasandal naman siya sa pader at sinusundan ng tingin ang dalaga sa bawat galaw nito.
Nakasuot pa rin ito ng putting dress at nakatali na rin ngayon ang buhok nito. Nang makita niya ito kanina ay hindi niya mapigilang isipin na nakasuot ito ng wedding dress base na rin sa disensyo ng dress na suot ng dalaga dahilan upang mapangiti siya sa isiping iyon.
“Wedding? I love that.”
Habang nagi-imagine si Troy sakto naman na lumingon na si Leah.
“Ayy anak ng tipaklong!” Gulat na saad ni Leah ng makitang nakasandal sa pader ang binata. Nagulat rin naman ang binata sa naging turan ng dalaga.
“N-Nandyan ka pala. Hindi ko alam.”
“Y-Yes. Sorry.” Saad nito at umayos ng tayo.
“Nauuhaw kaba? Gusto mo tubig? Kape?” Tanong ni Leah sa binata.
“Yes. Gusto ko ikaw…” Bulong ni Troy sa sarili bigla.
Napatigil naman si Leah sa pagkuha ng baso ng marinig iyon. “Huh?” Tingin niya dito.
“Ahh, Oo. G-Gusto ko ng tubig. Yeah, water.” Saad nito at saka umupo sa upuan.
Kinuhanan naman ni Leah ng tubig si Troy at saka iniabot sa binata. Umupo rin si Leah sa kaharap nito atsaka uminom rin ng tubig.
“Si…Carlo, kamusta?” Tanong ni Leah sa binata.
Nagulat naman ang binata sa tanong nito kapagkuwan ay ngumiti naman ito. “Ayun, bagsak sa kama si Carlo dahil sa pakikipa---”
“That’s not what I mean. H-How is being with your son?”
“Masaya. I never had this feeling before. It’s new to me, knowing that I have a son. It’s just…I’m very happy to be with him. I want to know him more.” Tugon ni Troy habang nakangiti.
Nakaramdaman naman ng kaunting sakit sa dibdib si Leah sa mga naririnig niya mula sa binata ngunit napapangiti rin siya dahil kita niya sa mukha nito na masaya itong kasama ang anak niya.
Marami pang sinabi ang binata ang nagtanong rin ito tungkol kay Carlo. Sinagot naman niya ang mga iyon.
“May karapatan naman ito siguro na malaman ang tungkol kay Carlo, di’ba?”
At dahil doon ay pakiramdam ni Leah ay nagkaroon ng kaunting closure silang dalawa ng binata.
Nagtagal rin ng ilang minuto ang pag-uusap nila hanggang sa mapatingin si Troy sa orasan na nakasabit sa loob ng kusina.
“I think, I need to go. It’s past eleven na.” Saad nito at saka tumayo.
Tumayo na rin siya at iniligpit ang mga baso. “Hatid na kita.”
“Okay.”
Hinatid naman niya ito sa labasan kung saan nakaparada ang ang sasakyan nito sa labas ng bahay nila. Papasok na sana si Troy sa sasakyan ng bumalik siya sa pwesto ni Leah.
“Uhmm…Can I come again?”
Napatigil naman si Leah sa sinabi ng binata.
“It’s okay, kung hindi ka---”
“Yes. You can come again.” Saad ni Leah.
Umaliwalas naman ang mukha ni Troy. “Oh, okay. Thank you.” Tugon nito at dahan-dahang tumalikod na ngunit humarap ulit ito sa dalaga.
“Leah…”
“Yes? May kaila---”
“Good night.” Saad ni Troy matapos halikan ang pisngi ng dalaga. Natigilan naman si Leah sa ginawang paghalik sa pisngi niya ng binata.
Sinundan naman niya ito ng tingin at nakita niyang nakapasok na ito sa loob ng sasakya nito. Nagpaalam ulit ito at saka pinaandar ang sasakyan nito paalis.
Hindi alam ni Leah kung ano ang mararamdaman niya dahil halo-halo ang emosiyon na nararamdaman niya. Ngunit may isa siyang sigurado na nararamdaman niya, ang pagbilis ng tibok ng puso niya at ang pag-init ng mukha niya.
•*•*•*•*•*
Kagaya nga ng sinabi ng binata nitong isang araw ay bumalik nga ito ulit sa bahay nila. Masayang-masaya si Carlo ng malaman niyang darating ang Papa niya kaya pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Troy sa bahay nila ay agad itong yinakap ni Carlo.
Marami namang dala si Troy na mga gamit tulad na lamang ng mga pagkain na agad pinag-bubuksan ni Carlo na hindi niya na napigilan at isang cake na iniabot sa kanya ni Troy.
Nandito siya ngayon sa kusina at nagluluto ng sinigang para sa tanghalian nila. Sila Troy at Carlo naman ay busy sa panunuod ng cartoons sa TV.
At dahil busy si Leah sa pagluluto ng tanghalian hindi niya na namalayan nakapasok na ng kusina si Troy. Napatigil naman si Troy ng makita si Leah na busy sa pagluluto. Sumandal naman siya sa pader at pinagmasdan ang dalaga.
Hindi mapigilan ni Troy ang mapangiti sa nakikita niya. Para silang isang buong pamilya. Nasa iisang bahay sila, nagluluto ng tanghalian ang dalaga habang ang anak nila ay nanunuod sa sala. Hindi alam ng binata ang magiging reaksiyon niya sa ganoong senaryo sapagkat hindi niya aakalain na mararanasan niya na maging buo ang pamilya nila.
“I wish, it’s just like this everyday.”
Napag-pasiyahan naman ni Troy na lumapit sa dalaga para tulungan ito
“May maiitulong ba ako?”
Napalingon naman sa likod si Leah ng may magsalita roon. Ibinalik naman niya ang tingin sa pinapakulaan at bumaling ulit ng tingin sa binata.
“Ahh, pakihugasan na lang ng mga gulay para mailagay na dito.” Turo ni Leah sa isang lagayan kung nasaan ang mga gulay na nakagayat na.
Agad naman itong ginawa ni Troy. Nang matapos sa paghugas ng mga gulay ay agad naman niyang inilagay ito kaldero. Maya-maya ay humarap ang dalaga kay Troy habang hinihipan nito ang sandok na may sabo.
“Ito, try mong tikman kung okay na ba sa panlasa.” Saad ni Leah at inilapit dito dahan-dahan ang sandok.
Nagulat nama si Troy ngunit agad naman niyang sinunod ang dalaga. Napaubo naman ng binata dahil sa pagkakasamid nito.
Ibinaba naman ni Leah ang sandok at hinimas ang likod ng binata. “Ayos ka lang ba? Hindi ko alam na masyado pa palang mainit iyon.”
“O-okay *cough* lang.” Tugon ng binata habang patuloy pa rin sa pagbuo. Inabutan naman ito ni Leah ng tubig na agad naman itong ininom. Nang mahimasmasan ng kaunti ang binata ay humigop ulit ng sabaw si Troy.
“Medyo kulang pa ng kaunti.” Saad ni Troy.
Agad naman kinuha ni Leah ang sandok at tinikman ang luto niya. Tama nga ang binata na kulang pa ito sa lasa kaya naman ay dinagdagan niya ito ng kaunting patis at saka hinalo ulit at hinintay kumulo.
“Try mo ulit, kung…okay na…” Bumagal naman ang pagsasalita ni Leah ng mapagtanto niyang magkalapit na ang kanilang mukha ng binata.
Lumingon naman sakanya si Troy dahilan para ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila. Hindi naman niya mapigilang mapalunok ng mapadako ang tingin niya sa labi ng binata.
Mamasa-masa pa iyon at kay pink ito. Naramdaman niyang medyo gumagalaw ang labi niya na gustong dampian ang labi ng binata. Maya-maya ay naramdaman ni Leah ang kamay ni Troy sa bewang niya dahilan para tumingin siya sa mga mata nito at nagulat rin siya na nakatingin rin pala ang mga mata nito sakanya.
At dahil doon ay unti-unting lumalapit ang mga mukha nila hanggang sa---
“Mama! I’m hungry na po! Hindi pa po ba iyan tapos?” Sigaw ni Carlo habang papasok ng kusina dahilan upang magkalayo ang dalawa.
Humarap naman si Leah sa kanyang niluluto habang si Troy naman napatingin kay Carlo na ngayon ay nakapasok na sa loob ng kusina.
May dala-dala itong laruan at medyo nakasimangot na rin ito. Napansin naman nito na may kakaiba sa kilos ni Leah at ni Troy.
“May problema po ba? Are you fighting?” Tanong ni Carlo sa kanila na ikinagulat naman nila.
“N-No baby. Tinutulungan lang ako ng Papa mo magluto.” Saad ni Leah at saka sumilil sa gilid. Tiningnan naman siya ni Troy at bumalik ang tingin nito kay Carlo.
“Tapos na ako. Tara kumain na tayo.” Dagdag ni Leah saka pinatay ang kalan at isinarado ang gasul. Humarap na siya ng tuluyan sa kanila habang nakangiti.
Bumaling naman siya ng tingin kay Troy na nakatayo sa tabi niya. “I-Ihanda niyo na yung lamesa, kakain na tayo.” Utal niyang saad sa binata at saka tumalikod na dito.
“O-Okay.” Tugon nito at lunapit kay Carlo. Nang wala na sila Troy at Carlo sa kusina ay huminga naman ng pagkalalim ang dalaga. Napapikit naman siya ng maramdam niyang naginit ang mukha niya dahil sa kamuntikang mangyari kanina.
“Jusko, Leah! Maghunos-dili ka!”