Chapter 13: KABANATA 13 (1429 words)
“You’re here.”
Sabay naman napalingon sila Leah at Ariel sa likod kung saan nanggaling ang boses na iyon.
Nagulat naman si Leah ng makilala ang nagsalita.
“S-Sir!”
Tiningnan lang siya ni Troy pero agad naman itong ibinaling ang tingin kay Ariel.
Medyo naging hindi komportable ang pakiramdam ni Leah dahil pinag-gigitnaan siya ng dalawang binata. Tiningnan niya ang dalawa at mayroon siyang nakikitang kuryente sa pagitan ng mga mata nila.
Bago pa sa kung saan mapunta ang sitwasyon ay tumikhim naman si Leah na dahilan para ibaling ng dalawang binata ang tingin nila sa kanya.
Mukhang nakuha rin naman nila ang nangyayari kaya inilibot nila ang tingin sa paligid.
“Umagang-umaga ay nakikipag-landian na agad at sa harap pa mismo ng kompanya ko.”
“What…?”
Napa-awang naman ang bibig ni Leah sa sinabi ni Troy. Kaya naman ay hindi mapigilan ng dalaga ang inis at humarap sa boss niya.
Tumingin rin sa kanya si Troy pero agad naman ito iniiwas ang tingin.
“Pumasok kana dahil marami kapang trabaho na gagawin.” Pagkasabi ni Troy ay agad na siyang umuna papasok sa loob ng kompanya.
Hindi pa rin makapaniwala si Leah sa inasta ng boss niya. Humarap siya kay Ariel na nakatuon pa rin ang tingin sa binata na papasok sa kompanya.
“Sorry, Ariel. Mauna na’ko sa loob. Thank you ulit sa paghatid.”
“It’s okay.”
Pagkasabi nun ng binata ay agad na siyang pumasok sa loob.
Nang makapasok sa opisina si Troy ay ramdam niya pa rin ang inis.
Bago siya makapasok sa kompanya ay may nakita siyang isang pamilyar na bulto ng babae na nakatayo sa may gilid ng entrance ng kompanya.
Tinanggal niya ang suot na salamin para makilala kung sino at napag-alaman na si Leah iyon. Hindi niya na tuloy mapigilan ngumiti pero agad naman iyong nawala ng may biglang humalik sa noo ng dalaga.
“What the…”
Bigla naman siyang nakaramdam ng inis kaya naman ay napakuyom siya ng kamay. Nakita niya ang mukha ng dalaga na medyo namumula ito. Kaya naman ay lumapit siya sakanila.
“You’re here.”
Agad naman napalingon ang dalawa sa kanya. Tiningnan niya naman ang mukha ni Leah at halata dito ang gulat sa mukha niya at saka ibinaling ang tingin sa lalaking nakatayo sa likod ni Leah ng siyang humalik sa noo ng dalaga.
Tiningnan naman siya nito kaya naman ay nagpalitan sila ng tingin. Kulang na lang ay magkaroon ng kuryente sa pagitan nila.
“Who’s this bastard?”
Natigil lang ang ginagawa nila ng tumikhim si Leah kaya naman ay Lumingon sila parehas sa dalaga.
“Umagang-umaga ay nakikipag-landian na agad at sa harap pa mismo ng kompanya ko.”
Pagkasabi niya nun ay tumingin siya kay Leah.
“Pumasok kana dahil marami kapang trabaho na gagawin.” Saad niya at pumasok na sa loob.
Napasuklay na lamang siya ng buhok ng hindi mawala sa isip niya ang paghalik ng lalaki sa noo ni Leah.
“What are you doing to me, Leah.”
•*•*•*•*•*
Buong araw ay nakabusangot ang mukha ni Leah. Pagkadating niya palang agad kanina sa upuan niya ay puno ng mga dokumento ang table niya.
“What the…”
Magsasalita pa sana siya ng may biglang naglapag ng isang file sa table niya. Kaya naman ay tiningnan niya kung sino ang naglagay nun.
“Ano ibig-sabihin nito?” Tanong ni Leah sa isang babae na mukhang galing sa design department.
Tiningnan niya muna ako bago magsalita. “Sabi kasi ni Sir Troy, ikaw ang gagawa ng report kaya pinasa ko na yung file. Sige mauna na’ko.”
“W-Wait---”
Hindi na natapos ni Leah ang sasabihin ng umalis na agad ang babae.
Naiinis naman na napaupo si Leah sa upuan niya habang tinitingnan ang mga dokumento na nasa table niya.
Nagulo na lamang ni Leah ang buhok niya dahil sa inis.
“Ano bang problema nun? Hayst! Hindi ko naman ito matatapos eh!”
Napatingin naman si Leah sa gilid niya kung saan nakalagay ang mga dokumento. Pakiramdam niya ay hindi naman iyon nababawasan.
Napabuntong hininga na lamang siya at napahilot sa batok niya dahil sa pagkangalay kakayuko.
Napatingin naman siya sa orasan sa gilid ng kompyuter niya at nakitang pasado alas dose y media na pero hindi pa siya nakakaramdam ng gutom kaya naman ay pinatong niya muna ang ulo niya sa may table niya para makapag-isip.
Hindi na lang namalayan ni Leah na nakatulog na siya sa table niya.
“Bring the files of sales department with report.” Saad ni Troy sa intel at saka bumalik sa ginagawang pagbabasa at pagpirma ng mga papeles niya.
Ilang minuto siyang naghintay pero wala paring kumakatok at pumapasok sa loob ng opisina niya.
“What the hell is that woman doing.”
Ibinaba niya ang hawak niyang ballpen at pinindot ang intel nakatabi ng kompyuter niya.
“Leah! Bring the files of sales department right now!”
Nakailang tawag na siya pero walang sumasagot sa labas, dahil sa inis ay tumayo siya sa swivel chair niya at lumabas.
Nang makalabas ay pumunta agad siya sa table ng ng sekretarya niya para tingnan kung ano ang ginagawa nito.
“Leah! What the---” sisigawan niya na sana ang dalaga ng makitang natutulog ito.
“She’s sleeping.”
Tumigil siya sa harap ng table nito at pinaka-titigan ang mukha ng dalaga na mahimbing ang tulog.
Doon niya napansin na maganda ang dalaga. Mahaba ang mga pilik-mata nito, matangos ang ilong at medyo bilugan ang mukha nito. Napatingin naman siya sa naka-awang na labi nito.
Dahil sa pagtitig na ginawa niya ay hindi niya namalayan na unti-unti na niya na palang inilalapit ang mukha nito sa dalaga.
Bago pa man maglapat ang mga labi nila ay bigla na lamang napahawak si Troy sa ulo niya dahil sa biglaang pagsakit nun.
“Ahh!”
Napakasakit ng ulo niya na para bang mahahati ito sa dalawa. Ngayon niya lang naramdaman ang ganitong sakit.
“AAHH!” Palakas ng palakas ang mga daing ni Troy dahilan para magising si Leah.
Tinatawag siya ni Leah pero wala siyang naririnig hanggang sa unti-unting may lumalabas na mga imahe sa isip niya.
May sunod-sunod na imahe ng babae ang naalala ni Troy pero hindi niya ito makilala dahil sa malabo ang itsura nito kaya naman ay pinipilit niya itong maalala dahilan para mas lalong sumakit ulit ang ulo niya.
“I love you---”
Bago pa niya makilala ang babae ay mas nagulat siya ng may sinabi siya dito.
Maya-maya lang ay bumibigat na ang talukap ng mata niya.
“Troy! Troy!”
Napatingin naman si Troy sa boses na nasa gilid niya at nakita niyang si Leah iyon.
“L-Leah…”
Pagkasabi ng binata nun ay bigla na lamang siya nahimatay. Sakto naman ay may lumabas na tao sa elevator.
“Troy! Anak!”
Napatingin naman doon si Leah habang inaalalayan si Troy at nagulat siya ng makilala niya ito. Ang ina ni Troy. Bakas sa mukha nito ang gulat na makita si Troy.
“Tumawag ka ng ambulansya!” Saad ng ginang sa kasama niyang lalaki. Tumango naman ang lalaki atsaka tumawag.
Lumapit naman ang ginang sa kanila at tiningnan si Troy.
“What happened?”
“B-bigla na lang siya humawak sa ulo niya at sumigaw.”
Maya-maya lang ay dumating na ang ambulansya. Agad naman nilang sinakay si Troy at pumasok rin ang ginang sa loob para samahan si Troy.
Si Leah naman ay tinatanaw lang ang loob ng sasakyan ng ambulansya habang iniasikaso nila si Troy.
Nang makita ng dalaga ang ganoong sitwasyon ni Troy ay hindi niya mapigilang maawa dito at masaktan. Hindi niya alam na may pinag-dadaan ito.
Bago pa man maisara ang pinto ng sasakyan ng ambulansya ay tinawag siya ng ina ng ni Troy.
“Sumama ka, hija.”
Nagulat siya sa sinabi ng ginang, gusto niyang tumanggi pero pumayag na lang siya.
Tumabi naman siya sa ginang saka ibinaling ang tingin kay Troy. Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na hawakan ang kamay ni Troy.
•*•*•*•*•*
“Doc. How’s my son?”
“Well, I think ay bumabalik na ang alala ng anak niyo. Pagpa-hingain muna natin siya. Natutulog siya at maya-maya lang rin ay gigising na siya.”
“Thanks, Doc.”
Pagkalabas ng doktor na nagsuri kay Troy ay agad naman na lumapit ang ginang sa binata, hinaplos at hinalikan niya ito sa noon.
Si Leah naman ay nakatayo lamang hindi kalayuan sa kinatatayuan ng ginang. Nagulat si Leah ng marinig niya ang sitwasyon ni Troy.
Hindi niya alam kung anong ire-react niya gayong nalaman niya na may amnesia ang binata pero isa lang ang gustong niyang malaman, kung ano ang nangyari dito noon.
Nahalata naman ng ginang ang pagtataka sa mukha ni Leah.
Lumayo siya sa binata at lumapit sa dalaga sabay hinawakan ang kamay nito.
Nagulat naman si Leah sa ginawa ng ginang sakanya.
“We need to talk, hija.”