Chapter 13
PAULIT ulit na tinanggihan ni Cali ang pag aaya ni Jacob na sabay silang kumain. Sumuko na nga ang binata sa pag mamatigas ni Cali kaya't pumasok na ulit siya sa kanyang opisina.
Pero hindi niya matiis ang dalaga at nais niya talaga itong makasabay kumain, kaya’t naisipan niyang umorder sa paborito niyang restaurant at ipadeliver nalang iyon sa opisina, pinangalan niya kay Cali ang delivery at pinasulatan niya yun ng note.
Ilang sandali rin ang hinintay ni Jacob at ng bumukas na nga ang pinto ay malawak ang kanyang ngiti ng makita si Cali na dala dala ang pagkaing pinadeliver niya. Ngunit nagulat siya ng nakakailang hakbang palang ito mula sa pinto ay bigla itong natumba at nawalan ng malay.
Tumakbo siya papalapit kay Cali, tinatapik niya ito sa pisngi ngunit wala tlaga itong malay.
Agad niyang tinawagan ang medical team ng kanilang kompanya, at ilang sandali pa lamang ay dumating na ito. Agad na sinugod si Cali sa hospital at kasama niya sa ambulansya si Jacob na noon ay mahigpit na hawak hawak ang kamay ng dalaga. Mababakas ang pag aalala sa mukha ni Jacob, sinisigawan na rin niya ang driver ng ambulansya na mas bilisan pa nito ang pagmamanaheho dahil labis ang kanyang pag aalala sa babaeng nasa kanyang harapan na noon ay nakahiga at walang malay.
Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarating na sila hospital agad ibinaba si Cali ng ambulansiya at doon may isang doktor na sumalubong sa kanila.
“Iho, anong nangyari sa kanya?” Tanong ng doktor.
“I don't know Tito, bigla nalang siyang nawalan ng malay.” Wika ni Jacob sa matandang doktor na walang iba kung hindi si Mr. Lopez.
“Don't worry iho, we will take care of her.” wika pa ni Mr. Lopez, noon din ay ipinasok na nila si Cali sa emergency room.
"We'll do some test. Calm yourself iho, your assistant will be fine" paninigurado pa ng doktor.
NASA isang ospital na pag mamay ari ni Mr. Lopez isinugod si Cali, ang matanda ay isang magaling na doktor, kaya kahit papaano ay nawala ang pangamba ni Jacob. Kalahating oras din ang nakalipas at lumabas na mula sa emergency room si Mr. Lopez at nagtungo agad ito sa direksyon ni Jacob.
“Kamusta na po si Cali, Tito? Ano pong nangyari sa kanya?” Nag aalalang tanong ng binata ng makita pa lang si Mr. Lopez na lumabas ng E. R.
“She's okay iho, her vitals are fine and the entire test is normal, except for one thing.” Wika ni Mr. Lopez.
“Ano po yon Tito? May problema po ba sa kanya?” Tanong ni Jacob at mababakas dito ang pag aalala.
“She's fine. But she's pregnant iho”
Nanlaki ang mga mata ni Jacob at hindi makapaniwala sa kanyang narinig na buntis si Cali. Akala niya ay nagkamali lamang siya nang dinig kayat muli niyang tinanong si Mr. Lopez.
“Ano po ulit yun Tito? Sigurado po ba kayo?” Wika ni Jacob.
“I guess you don’t know that she's pregnant, it is also one of the reason kung bakit siya nawalan ng malay, and overfatigue and stress, at mukhang hindi parin siya kumakain.”
Napaupo na lamang ulit si Jacob at labis ang kanyang pagkabigla sa nalaman. May kaunting kirot sa kanyang puso ng malaman na buntis ito, ngunit hindi man lamang sumagi sa kanyang isip na siya ang ama ng dinadala nito.
“I felt that you care so much for her, sana hindi yun makahadlang sa inyo ni Sandra, Sige iho, maiwan na kita, natawagan na din namin ang pamilya ni Cali at ilang sandali lamang ay baka narito na sila.” Wika ni Mr. Lopez, hinawakan pa niya ang balikat ni Jacob bago ito naglakad paalis.
Naiwan naman doon si Jacob na noon ay di parin makapaniwala sa kanyang narinig, Napagtanto din niya ang sinabi ni Mr. Lopez.
May pakialam at nag aalala talaga si Jacob kay Cali, hindi lang niya maamin sa kanyang sarili na napapamahal na siya sa dalaga. Labis siyang nasaktan ng malaman na buntis ito.
Ilang sandali pa ay dumating ang isang babaeng humahangos at natataranta, hinahanap nito kung nasaan ang kanyang anak na si Cali.
Agad naman itong dinaluhan ng nurse at sinamahan sa room nito. Dinala na noon si Cali sa patients ward, hindi na pumasok si Jacob sa loob dahil nakita na niyang pumasok doon ang ina ni Cali, sinilip lang ito ng binata mula sa pinto.
Wala padin itong malay, ngunit nakahinga naman ng maluwag si Jacob ng malaman na ito ay okay na, malungkot na tinignan ni Jacob ang dalaga pagkatapos ay tuluyan na din siyang umalis, dala dala ang bigat sa kanyang dibdib ng malamang buntis si Cali.
SAMANTALA bago makarating ng hospital ang ina ni Cali ay nakatanggap siya ng tawag mula sa hospital kaya’t noon din ay dali dali siyang nagtungo sa nasabing hospital.
Pagpasok na pagpasok pa lang ni Aling Nancy sa Lobby ng Hospital ay nakita niya agad doon ang nakadisplay na isang malaking litrato ng isang matandang lalaki, na animo’y namumukhaan niya ito.
Binasa niya doon ang nakasulat na pangalan nito. Dr. Ramon S. Lopez.
Best Doctor of the Year/ Chief Executive officer.
Nanlaki ang mga mata ni Aling Nancy ng malaman kung sino ang lalaki sa litrato tila ba ay may mga ala alang bumalik sa kanyang gunita na ilan taon niya ibinaon sa limot.
Tila ba'y napaatras siya sa kanyang pagkabigla at sandaling nanlumo sa kanyang kinatatayuan, matutumba pa sana siya ngunit agad siyang naaalalayan ng isang lalaki, ito ay walang iba kundi ang lalaki sa litratong kanyang tinitignan.
“Misis, okay lang ho ba kayo?” Tanong ng doktor.
Nang lingonin ni Aling Nancy ang lalaki ay laking gulat niya nang mapagtanto na ito ay ang lalaki sa litratong kanina lamang niyang pinagmamasdan.
"Okay lang ako" Mabilis na wika ni Aling Nancy.
At dali daling umalis at nagtungo sa information upang hanapin ang kanyang anak. Hindi na siya nagpasalamat sa doktor na umaalalay sa kanya.
Ilang oras na ang nakalipas, at matiyagang nag hihintay si Aling Nancy na magising si Cali, nakatulala lang siya noon at malalim ang iniisip tungkol sa nakaraang pilit niyang tinakasan.
Maya maya pa ay narinig niya ang mga hikbi ni Cali at may tinatawag itong pangalan.
‘Daddyy, Mommy, andito ako! Asan kayoo’ Humihikbing wika ni Cali na tila ito’y binabangungot.
“Anak, gumising ka!” wika ni Aling Nancy habang ginigising ang kanyang anak, doon naman ay tuluyang nagising si Cali, at may tumulong luha sa kanyang mga mata.
Nang makita niya doon ang kanyang ina ay agad niya itong niyakap.
“Nay, nanaginip ako ng masama, may malaking sunog tapos may batang babaeng umiiyak doon. Wala siyang kasama noon. Hindi niya mahanap ang magulang niya.?” Wika ni Cali na noon ay animo’y nasasaktan sa kanyang panaginip.
Labis naman ang pagkabigla ni Aling Nancy ng marinig iyon kay Cali, doon ay lalo niyang niyakap ng mahigpit ang kanyang anak, batid niyang bumabalik na ng paunti unti ang mga ala-ala nito.
“Panaginip lang iyon anak wag mong masyadong isipin,” Wika ni Aling Nancy.
Agad namang tumawag si Aling Nancy ng nurse upang sabihin na nagising na si Cali. Agad naman silang dinaluhan ng Nurse kasama ang isang Doktor.
Naalala naman ni Cali ang nangyari sa kanya kanina sa opisina, noong nahilo siya. Bigla tuloy niyang naalala si Jacob kung nasaan kaya ito, huling naalala niya dito ay tumakbo ito papalapit sa kanya, pagkatapos noon ay wala na siyang naalala.
Pinayuhan naman si Cali ng doktor na bawal siyang ma stress at iwasan ang pag iisip ng kung ano ano, at kumain ng mga pagkaing may sapat na nutrisyon, pagkatapos noon ay niresetahan lang siya ng doktor ng vitamins na iinumin.
Sinabihan din sila na maaari na din silang umuwi kung kanilang nanaisin dahil okay naman na si Cali. Nang makaalis ang doktor at nurse ay agad na kinausap ni Aling Nancy ang kanyang anak.
“Anak, siguro umuwi na rin tayo, at sa bahay ka nalang magpahinga, dahil baka makasama pa sa baby mo ang magtagal dito alam mo naman dito sa hospital marami ang may sakit baka mahawa pa kayo.” Wika ni Aling Nancy na parang nagmamadali ng umuwi.
“Tama ho kayo jan Inay, Siguro nga ho, Pero nay alam niyo ba kung sino ang nagdala sakin dito sa hospital” tanong ni Cali.
“Wala akong ideya anak kung sino wala rin naman nabanggit sakin ang mga nurse.” Sagot ni Aling nancy.
Noon naman ay nag ayos na din ng bill si Aling Nancy at pagkatapos ay naghanda na silang umalis.
Pagdating nila sa lobby ay hindi sinasadyang makasalubong nila muli doon si Mr. Lopez at may kasama itong babae.
“Oh iha, uuwi na kayo agad?” Tanong nito kay Cali ng mapansin itong mukhang pauwi na.
Noon naman ay nagtataka si Cali na tinignan ang lalaking bumati sa kanya, at doon ay namukhaan niya ito. Napagtanto niyang ito nga pala ang tatay ni Sandra na kanina lamang ay nasa opisina ni Jacob.
Tinignan naman niya ang babae sa kalapit nito hindi naman siya nito napapansin dahil busy ito sa paghawak ng cellphone, ang babae ay walang iba kundi si Sandra.
“Ah sir kayo po pala,” wika ni Cali, hindi niya alam na ito ang unang doktor na dumalo sa kanya ng siya ay isugod sa hospital.
Wala rin siya ideya na isang doktor pala si Mr. lopez. Noon din naman ay hindi na mapakali si Aling Nancy sa tabi ni Cali at hindi makatingin ng deretso kay Mr. Lopez tila ba nagpapanggap siya na hindi ito nakikita.
“Mabuti na lamang at naisugod ka agad ni Jacob dito” wika muli ni Mr Lopez, ng marinig ni Sandra ang pangalang Jacob ay agad niya tinignan ang mga ito, at laking gulat niya ng mamukhaan si Cali, nakikilala niya ito bilang sekretarya ni Jacob kaya’t di niya na napigilang magtanong pa.
“What about Jacob dad? Anong kinalaman niya dito?” Nagtatakang tanong ni Sandra sa ama, habang saglit nitong tinignan si Cali.
Agad namang nagpaalam na si Cali kay Mr. Lopez, at nagpasalamat nalang siya dito. At tuluyan na silang naglabas ng kanyang ina.
“Mabuti pa anak ay tanungin mo nalang si Jacob” wika ni Mr lopez kay sandra hababg ito ay nakatanaw kay Cali na noon ay naglalakad na palabas ng hospital.
"I think I saw Jasmine, again" bulong ni Mr. Lopez habang nakanataw parin kay Cali na noon ay pumasok na sa loob ng taxi.
“Ano yun dad?” Wika ni Sandra ng marinig na may binulong ang kanyang ama, ngunit hindi malinaw ang kanyang narinig.
“Nothing sweetie, Let's go to my office. Tell me about your vacation!” Wika ni Mr. Lopez at tuluyan na silang sumakay sa elevator patungo sa kanyang opisina.
Kakabalik lang noon ni Sandra mula sa isang bakasyon sa Siargao, halos isang linggo din siya doon, dahil may trabaho siyang ginawa, inimbitahan kasi siyang maging host sa isang bikini contest doon.
Nang makabalik ay ang una agad niyang pinuntahan ay ang kanyang ama, tinext na rin niya si Jacob at sinabing nakabalik na siya, inaya naman niya agad ito sa isang dinner date. Pumayag naman ito dahil gusto rin daw siya nitong makausap.
Abangan...
Ano kaya ang sasabihin ni Jacob kay Sandra? Makipaghiwalay na kaya ito? Marahil ay marami ng nabubuong tanong sa inyong isipan tungkol sa pagkatao ni Cali, ngunit ano kaya ang mga ala alang bumabalik sa kanyang isipan? Ano ang pangyayaring pilit kinalimutan ni Aling Nancy? Sino din kaya ang Jasmine na tinutukoy ni Mr. Lopez?
Itutuloy...