Chapter 14
NAKAUWI na si Cali sa kanilang bahay, pagdating doon ay agad niyang hinanap ang cellphone niya nais niya kasing pasalamatan si Jacob sa pagdala nito sa kanya sa hospital ngunit naalala niyang marahil ito ay naiwan sa opisina.
Nahiga si Cali sa kanyang kama, napatulala na lamang siya sa kisame, at napahawak siya sa kanya tiyan. Naisip na niya agad kung paano niya papalakihin ang anak niya ng walang kinikilalang ama.
Buo na kasi ang kanyang loob na wag na itong sabihin kay Jacob, dahil nga ikakasal na ito at ayaw din niyang makasira ng relasyon. Pero sa loob niya ay nanalangin parin ang dalaga na sana ay maalala siya ni Jacob, maalala nito ang nangyari sa kanilang dalawa.
Ngunit ang mangayari yun ay parang isang suntok sa buwan dahil napaka-imposibleng mangyari dahil wala man lang itong pagkakakilanlan sa kanya, dahil labis ang kalasingan nito noon.
Noong mga sandaling iyon ay wala siyang mapaglibangan, dahil nga wala ang kanyang cellphone, kaya’t kinuha niya muna ang isang libro sa kanyang tabi upang magbasa, ngunit pagbuklat niya doon ay nalaglag ang isang litrato, dinampot niya iyon mula sa kanyanv dibdib.
Hidi pa man niya ito nakikita ay alam na niyang iyon ang litrato nilang dalawa ni Jacob, hindi niya alam kung bakit noong tinignan niya yun ay pumatak na lamang ang kanyang mga luha habang pinagmamasdan ang magandang ngiti ni Jacob doon.
SAMANTALA...
Si Jacob ay bumalik na sa opisina, pagkagaling niya sa hospital, para bang lutang siya at wala sa kanyang sarili. Ang tanging laman lang ng kanyan isip ay walang iba kundi si Cali, iniisip niya kung kamusta na kayo ito.
Iniisip din niya kung sino ang ama ng batang dinadala ni Cali, dahil sa pagka-kaalam niya ay wala naman itong boyfriend, kaya’t paano ito mabubuntis. Naisip din niyang baka ito ay napagsamantalahan ng isang gagong lalaki, ang isipin pa lamang na baka ganun nga ang nagyari kay Cali ay parang gusto na niyang pumatay.
Gusto nyang ipahanap ang lalaking gumawa noon kay Cali, para bang mababaliw na noon si Jacob sa kakaisip, pumasok na rin sa isip niya na baka si Ace ang ama ng dinadala ni Cali dahil minsan ay nakikita niya itong magkasama pero agad din naman niyang binura yun sa kanyang isipan.
Napapabuntong hininga na lamang si Jacob sa mga walang kwentang bagay na naiisip niya. Maya maya pa ay tumunog ang kanyang cellphone, nakita niyang lumitaw sa screen ang pangalan ni Sandra. May message ito sa kanya, agad naman niyang dinampot ang kanyang celphone upang basahin ang mensahe.
“I'm back! Let's have a dinner date. Imy” iyon ang nakasaad sa binasang mensahe ni Jacob, nireplyan naman niya ito na pumapayag siya dahil nais niya rin kasi itong makausap tungkol sa kasal.
Hawak hawak padin ni Jacob ang kanyang cellphone, doon ay naisipan niyang tumawag kay Cali upang kamustahin ang kalagayan nito. Agad naman niyang dinial ang number nito.
Ngunit laking gulat niya ng pagtawag dito ay sa labas niya nakikinig ang pagring ng cellphone, kaya’t agad siyang lumabas ng opisina at tama nga ang kanyang hinala at doon nanggagaling ang tunog, dahil andun ang bag at cellphone ni Cali.
Di na siya mapakali dahil gusto niya talagang malaman ang kalagayan nito, kung nagising na ba ito at nakakain na. Mga ganung bagay ang gusto niyang malaman, kaya’t naisip niyang tawagan ang hospital kung saan naka confine si Cali.
Ilang ring lang ay may sumagot ng isang babae, agad niyang sinabi ang information ni Cali at agad niyang tinanong kung nagising na ba ito. Ngunit ang sabi ng babae sa kabilang linya ay kanina pa daw ito nakauwi.
Noon naman ay napabuntong hininga si Jacob, dahil wala ng siyang magawa upang malaman kung ano ang kalagayan ni Cali, ilang segundo muna niyang tinignan ang bag ni Cali, at doon niya naisip na ihatid nalang ito sa mismong bahay ng dalaga.
MAKAKATULOG na sana si Cali ng marinig niyang may boses ng lalaking tumatawag sa labas. Naalala niyang wala nga pala ang kanyang ina dahil namalenke ito. Paulit ulit na tumatawag ang lalaki kaya’t bumangon na siya sa kama, naisip niyang wala naman siyang inaaasahang bisita kaya’t nagtataka siya kung sino iyon.
Naglakad na siya sa papunta sa pinto bitbit ang isang gunting na kung sakaling masamang tao iyon ay may pang laban sya. Mabilis nyang binuksan ito at bumungad sa kanya ang lalaking ninanais niyang makita walang iba kundi si Jacob. Gulat siyang napatingin dito sa binata, kinusot kusot pa niya ang kanyang mata, dahil akala niya ay nanaginip lamang siya.
“Jacob?” tanong ni Cali sabay tago ng gunting sa likod.
“Uhhmm.. Cali” pigil na wika ni Jacob.
Tila ba ay nagising ang kanyang diwa ng magsalita ito.
“Anong ginagawa nyo po dito sir?”
“Hindi mo ba ako papapasukin? Tsaka bakit may gunting ka sa kamay” Wika ni Jacob.
“Ahh. Ehh.” Sabay baba ng gunting sa lamesa.
“Sige po sir pasok ka, halika ka sa loob.” Dugtong na wika ni Cali na noon ay natataranta dahil hindi siya makapaniwalng dinalaw siya ni Jacob, pinaupo niya ito sa sofa.
“Pasensya kana ha, medyo magulo ang bahay” Wika ni Cali, na noon ay labis ang pagkahiya dahil napakagulo talaga ng bahay nila.
“Pasensya ka na din at mukhang natakot pa ata kita” sagot naman ni Jacob.
“Ah hindi naman po sir, wala lang po kasi akong inaasahang bisita ngayon tsaka pauwi palang po si Nanay” sambit ni Cali at pasimpleng pinagkukukuha ang mga damit na basta nalang nakasampay sa loob.
Habang si Jacob naman ay pinagmamasdang mabuti ang kabuuhan ng bahay. Maliit lang ang bahay nila Cali, kung ikukumpara ito sa bahay ni Jacob ay kasinglaki lamang ito ng kanyang kusina.
“Hayaan mo na yan, wag mo na yang ligpitin” wika ni Jacob kay Cali na noon ay aligaga sa pagliligpit ng mga kalat. Eh makalat kasi sir nakakahiya sayo.
“I don't mind Cali, so please stop what you’re doing now. I don’t want you getting tired, I am not here just to see you cleaning all the mess in this house.” Mahabang litanya ni Jacob noon naman ay napatigil si Cali sa gulat dahil tumaas na ang boses nito.
Hindi niya alam kung matatakot ba siya o kikiligin sa sinabi ni Jacob. Tahimik na lamang siyang umupo sa tapat ni Jacob at hindi alam ang kanyang sasabihin.
“Sorry, I didn’t mean to shout at you” Mahinahong wika ni Jacob kay Cali ng ma-realize nya na napagtaasan niya pala ito ng boses.
“Okay lang sir tama ka naman, ngayon pa ako naglinis kung kelan may bisitang dumating, pero ano nga po palang gingawa niyo dito sir.” Tanong ni Cali.
“I'm here to see you!” Deretsong wika ni Jacob, noon naman ay pakiramdam ni Cali ay namula ang kanyang pisngi sa sinabi ni Jacob ngunit napawi rin ang kanyang ngiti ng may kadugsong pa pala iyon.
“I'm here to see you. To give your bag!” Dugtong pa ni Jacob.
“Salamat sir att salamat din po sa pagdala mo sakin sa hospital kanina.” Wika pa ni Cali.
“It’s okay, anyway I brought you some fruits!” Wika ni jacob at nilapag niya ang isang paperbag na punong puno ng ibat ibang prutas, hindi naman napansin ni Cali na may dala pala ito kanina.
Gulat man si Cali kung gaano kadami ang mga prutas na yon ay malugod siyang nagpasalamat kay Jacob.
"Thank you" wika ni Cali.
"You're welcome! Make sure to eat a lot of healthy foods -- for your baby!” Nanlaki ang mga mata ni Cali sa narinig na sinabi ni Jacob.
Malinaw niyang narinig ang sinabi nito ngunit di siya makapaniwala kung paano nalaman ni Jacob na nagdadalang tao siya.
“Paano mo nalaman?” Nagtatakang tanong ni Cali.
“It’s not important! Just take care of yourself. I will go now!” Tumayo na si Jacob at aalis na sana ito ngunit biglang dumating ang ina ni Cali na galing noon sa palengke.
Napansin agad ng matanda na may bisita ang kanyang anak.
“Oh anak may bisita ka pala,” Wika ni Aling Nancy na tinignan noon si Jacob.
“Ah opo Nay, boss ko po! Si sir Jacob. Siya po ang nagdala sakin sa hospital. Paalis na rin ho siya Nay!”
Nang ipakilala ito ni Cali ay laking gulat ni Aling Nancy ng malaman kung sino ang lalaki. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na ito ang ama ng pinagbubuntis ni Cali.
“Hindi” Mariing wika ni Aling Nancy.
“Dito kana magahapunan iho, magluluto ako ng adobo, ayaw ko ng tumatanggi.” Dugtong pa ni Aling Nancy.
“Nay! Mukhang nagmamadali si sir Jacob, alam mo namang marami din siyang pinagkakaabalahan.” Wika nman ni Cali.
“Okay po ma'am, dito na po ako kakain” magalang na wika ni Jacob kay aling Nancy.
Noon naman ay agad ng nagpaalam si aling Nancy sa dalawa at agad itong nagtungo sa kusina upang makapagluto na ng hapunan. Naiwan naman doon si Cali at Jacob na tahimik lang at tila ba walang kahit sinong gustong magsalita, ngunit naglakas loob na si Cali at nagsalita na ito.
“Pasensya na po sir, medyo mapilit kasi yong nanay ko, buksan ko lang yung T. V. para kahit paano ay malibang ka” Wika ni Cali at agad niyang ini-on ang T. V.
Ngunit pagbukas noon ay walang signal, at isang maingay na tunog lang ang naririnig mula sa T. V, nilipat ni Cali ang channel, ngunit nakakasampong lipat na siya ay pare-parehas lang ang lumabas.
Napatingin siya noon kay Jacob at nakatingin ito sa T. V. na parang nag hihintay na merong makita doon, ngunit kahit anong gawin ni Cali ay wala talagang maayos na channel. Noon naman ay hiyang hiya na siya sa binata.
“Ahh sir, Sorry! Wala sigurong load yung cignal namin! Teka magpapaload lang ako ha” Tatayo na sana si Cali noon at handa ng tumakbo sa tapat na tindahan ngunit pinigilan siya ni Jacob.
“No! Stay there. Okay! I'm fine. Cali,” Wika ni Jacob.
Tumayo na lamang ang binata at napagpasyahan na tumingin tingin sa mga litratong nasa paligid, halos lahat ng nakadisplay doon ay litrato ni Cali, nandoon ang picture kung saan grumaduate ng High School at College ang dalaga, ngunit isang litrato ang pumukaw sa atensyon ni Jacob!
Isang litrato ng bata, pakiramdam niya ay nakita na niya ang batang iyon noon.
“Sino to?” Tanong ni Jacob kay Cali!
“Ako po yan sir, 4 years old ako niyan” wika ni Cali, hindi naman maiwasang tignan ni Jacob ang bata sa larawan dahil parang pamilyar talaga iyon sa kanya ngunit hindi niya lang ito maalala.
Ilang sandali pa ay narinig na nila ang tawag ni Aling Nancy, na handa na ang hapunan. Kayat agad na silang nagpunta sa kusina.
“Maupo na kayo at kumain na tayo” Wika ni Aling Nancy, ngunit bago pa man sila makaupo ay biglang tumunog ang cellphone ni Jacob.
Agad naman niya iyong dinukot sa kanyang bulsa, nang makita kung sino ang tumatawag ay nagpaalam muna sa mag-ina upang saglit na sagutin iyon. Tumatawag si Sandra, nakalimutan na ni Jacob na may plano nga pala silang magkita.
Sinagot ni Jacob ang tawag at bumungad agad sa kanya ang boses ni Sandra.
“Where are you babe? Anong oras mo ba ako susunduin dito sa bahay?” Tanong ni Sandra.
“I’m sorry Sandra, But I can't go, something came up. Let's reschedule it tomorrow night.” Maririnig pa sana ni Jacob ang galit na tono ng boses ni Sandra ngunit agad na niya itong pinatayan ng tawag at noon ay bumalik na si Jacob sa kusina at sabay sabay na sila noong kumain.
SAMANTALA...
Hindi mawala sa ala ala ni Mr. Lopez ang mukha ni Cali. Naalala niya dito ang mukha ng kanyang yumaong asawa noong kabataan nito. Sa hospital lang niya natitigang mabuti ang dalaga at doon niya napagtanto na halos kahawig ito ng kanyang asawang si Jasmine.
Para bang muling bumalik sa kanya ang pag-asang makita pang muli ang kanyang nawalay na tunay nyang anak. Halos sampong taon din niyang pinahanap ang anak niya, kahit ang mga imbestigador ay sumuko na noon sa pag aakalang patay na ang anak niya.
Sumubok din syang mag hire ng mga private investigator para ipahanap sa kanyang anak. Ngunit ilang taon ang lumipas ay wala talagang balita dito. Halos lahat ng private investigator na nakuha niya sumuko na sa paghahanap at pinaubaya na lamang niya sa Diyos ang lahat.
Kung ang anak man niya ay buhay pa ay sana ay nasa mabuti itong kalagayan. Ngunit iba ngayon dahil iba ang kanyang pakiramdam kay Cali. Agad na nagpahanap si Mr. Lopez ng pinakamagaling na private investigator sa Pilipinas, upang alamin ang buong pagkatao ni Cali sa lalong madaling panahon.
SAMANTALA, hindi naman alam ni Mr. Lopez na mula sa likod ng pinto ay may tahimik na nakikinig na pala sa kanyang pakikipagusap tungkol sa paghahanap niya ng Private Investigator para alamin ang buong pagkatao ni Cali, walang iba nga iyon kundi ang anak niyang si Sandra.
Na noon ay masama ang loob sa narinig, ayaw kasi nitong mahanap ang totoong anak ni Mr. Lopez, dahil ayaw niyang magkaroon ng kakompetensiya sa pagmamahal ng Ama, buong buhay na kasi siyang nakipaglaban sa posisyon ng tunay nitong anak.
Pakiramdam niya kasi ay hindi pa siya sapat sa kanyang ama kaya hindi parin nito matanggap na patay na talaga ang tunay nitong anak at ngayon nga ay muling pinaphananp ng kanyang ama ang tunay nitong anak.
Para namang nadurog ang puso ni Sandra noon, dahil para sa kanya ay isang bangungot ang pagbabalik ng tunay na anak ni Mr. Lopez.
Abangan...
Si Sandra nga kaya ang magmistulang hadlang upang hindi malaman ni Mr. Lopez na si Cali ang nawawala niyang anak? O ito din pala ang magiging daan sa muling pagbabalik ni Cali bilang si Kristin Alison Lopez. Na nag iisang tunay na anak ni Mr. Lopez.
Itutuloy...