Chapter13: Work Again
"Salamat sa Jacket lalabhan ko nalang tapos babalik ko sa'yo." sambit ko pagkalabas ng banyo.
"Kahit huwag na sa'yo na 'yan." sambit niya at tumayo na.
Natawa nga ako dyan kanina no'ng bumibili kasi ako ng sanitary napkin ay siya ang namimili para sa'kin. Siya ata ang may menstruation dahil alam na alam niya ang dapat gamitin. Tsk! Dinaig pa ako.
"Oh! Ito ang plastic lagay mo dyan ang pinagbihisan mo." sambit niya at umalis na.
"Okay!" sambit ko at kinuha ito saka nilagay ang pinagbihisan ko.
Matapos iyon ay nilibot niya ko sa mga lugar na alam niya.
Shocks! Is this a date na ako lang ang nakakaalam? Watdapak! Kinikilig ako. Wengye! Kiss ko to in public para issue agad, eh.
---
Maggagabi na ng makauwi kami ni Jiro at naabutan namin si Jayvee na nagpapabalik-balik.
"Kasama niyo ba sila Yuri?" Tanong nito samin ng makita kami.
"Hindi..." Cool na sagot ni Jiro at nagpamulsa pa.
"Aish! Okay lang sana kung nagpaalam sila, eh." sambit ni Jayvee at sumimangot.
"Nakita ko sila kaninang umaga na umalis..." sambit ko
"Anong oras?" Tanong ni Jayvee.
"Mga 10 am? Hayaan mo na sila baka nagde-date lang..." sambit ko
"Tsk! Mga pasaway di man lang nagpaalam." sambit niya at muling kinalikot ang cellphone
"Nasaan ka? Kasama mo ba si Yuri? Bakit umalis kayo? Hinahanap namin kayo. Alam mo namang may rehearsal kayo. Just go back here in hotel." Sunod-sunod na sambit ni Jayvee sa kausap niya sa telepono saka tinapos ang tawag.
"Ansabi?" Tanong ni Mark
"Sabi ni Kie magkasama daw sila ni Yuri at on the way na sila dito." sambit ni Jayvee.
"Guys, ganto dahil pinag-alala tayo nila Yuri let's do a prank on them." Seryosong sambit ni Yohan sa kanila.
"Gusto ko ‘yan..." Masayang sambit ni Jiro.
"I'm in..." Sabay na sambit ni Mark, Baymin at Jayvee.
"Paanong prank ba?" Tanong naman ni Baymin.
Nagkumpulan naman sila at pinag-usapan ang gagawin nila kapag dumating ang dalawa.
"Samantha at Glyren, manood lang kayo. Kami na bahala sa dalawa..." sambit ni Yohan.
"Bahala kayo dyan..." sambit ni Ren at pumunta sa kwarto namin.
Ako naman ay tumango lang sa kanila at umupo sa sofa. After an hour ay narinig namin ang pagbukas ng pinto at sila naman ay agad na tumayo habang nakacross-arms with matching serious face.
Ako heto naka-upo pa rin sa sofa habang kumakain ng popcorn at pinapanood sila. Lihim akong natawa dahil para silang strict parents na naghihintay sa anak na ginabi na ng uwi.
"Saan kayo galing?" sambit ni Mark
"Sa—"
"Bakit hindi kayo nagpaalam?" sambit naman ni Yohan ng hindi pinapatapos ang sagot ni Yuri.
"Kasi—"
"Sino may sabing pwede kayong lumabas?" sambit naman ni Jiro at nagpameywang pa.
"Pasalamat kayo hindi namin kayo sinumbong kay Jackson" Nakakunot-noo na sambit ni Jayvee.
"Ang lakas niyong tumakas na dalawa pagkadating na pagkadating natin dito." sambit ni Jiro at na halos magdikit na ang kilay niya.
"Sorr—"
"Paano kapag nahuli kayo?" sambit muli ni Jayvee
"Hindi naman kami na—" si Yuri na hindi na naman natapos ang sasabihin at nagsisimulan ng pagpawisan. Haha... Ang mukha ni Yuri at Kie ay hindi na maipinta. Paiyak na ata silang dalawa.
"Hindi nahuli? Paano nga kung oo. Edi problema na naman ito." sambit naman ni Yohan at nagcross-arms uli.
"Oo, nga paano pagnahuli kayo edi lagot tayo kay Jackson tapos... Tapos... Ano nga ba iyon?" sambit ni Baymin at may kinuha na papel sa bulsa niya
Napatingin naman sa kanya sila Jayvee.
"Waah! Panira ka Baymin..." sambit ni Mark.
"Sabi ko sa'yo kabisaduhin mo ang linya mo, eh." sambit naman ni Yohan at binato ng unan si Baymin.
Hindi siya nakaiwas kaya napahiga siya sa sofa. Pinagtulungan siyang hampasin ng unan nina Yohan, Jiro, Jayvee at Mark. Samantalang ang mag-asawa naman ay nakatingin sa kanila ng nagtataka.
"Walangya ka. Maganda na sana ang eksena, eh." sambit ni Yohan.
"Ang sasabihin mo lang naman 'Paano kapag nahuli ka ni Jackson edi malalagot na naman tayo.' Iyon na lang kinalimutan mo pa..." sambit ni Jiro.
"Waah! Sorry na take two! Waah!" sambit ni Baymin at nagkakasat.
"Wala ng take two.." sambit ni Mark at dinaganan siya.
Iniwanan ko na sila sa sala at dumiretso na sa kwarto ko kumain naman na kami ni Jiro bago umuwi kaya matutulog na ako.
---
Naging busy kami sa Japan. Naghanda sila para sa concert nila at walang humpay na nagpractice. Sa araw ng fan meeting nila at concert ay naging maayos ang lahat. Buong pusong nagcheer sa kanila ang mga fans nila at nakipagkulitan.
--
Weeks pass by, at hindi ko nga napansin na nagdaan na naman ang isang buwan.
Nandito kami ngayon sa isang recording studio. May recording schedule kasi ngayon si Jiro. Pinapanood ko lang siya kaso hindi ko naman naririnig ang kinakanta niya next week pa daw ito maaring pakinggan.
Palabas na ako ng mapansing may babaeng lumilinga-linga at pilit na sinisilip ang loob ng studio.
"Yes, miss? Are you looking for someone?" Tanong ko sa kanya.
"Ahmm... Ano kasi..." sambit niya at napakamot pa sa batok niya.
Nakasunglassess siya at nakasumbrero kaya hindi ko makita ng maayos ang mukha niya.
"Si... Si Jiro ba nasa loob na?" Tanong niya
"Yes... Sino sila?" Tanong ko at sisilipin sana ang mukha niya ng bigla siyang tumalikod.
"Thanks..." sambit niya at nagmamadaling lumakad palayo.
"Weird..." Bulong ko
Napakunot ang noo ko ng marealize kong pamilyar ang mga ngiti niya. Nakikita ko kasi kanina ang lower part ng mukha niya at parang pamilyar ito sa'kin.
Do I know her?
Feeling ko talaga nakita ko na siya o nakasalubong somewhere o baka feeling ko lang iyon?
--
Matapos kong bumili ng pagkain at inumin na nirequest ni Jiro ay bumalik na ako sa studio. Sakto naman na lumabas na siya kaya binigay ko na sa kanya.
"Thanks..." sambit niya at nginitian ako.
Stay calm heart.
"No worries and your welcome. Trabaho ko 'yan, eh." sambit ko at umupo.
"Bakit wala kang binili na pagkain para sayo?" Tanong niya at binuksan ang soda na hawak niya.
"Busog pa ako." sambit ko at napatitig sa kanya ng uminom siya ng soda.
Parang nag-eendorse lang. Ang wafu pa din.
"Are you sure?"
"Yes, pakabusog ka na..." sambit ko at nagpakawala ng mahinang tawa na ikinangiti niya.
-
This past few days ay pakiramdam ko ay binugbog ako. Ikaw ba naman ang pagsabayin ang pag-aaral, pagmomodel at paggigung personal assistant kay Jiro tignan natin kung hindi ka mapagod.
But I love what I'm doing right now pero nahihirapan din ako at the same time dahil kung hindi ako nalelate sa klase ay naaabsent ako. Tsk.
Hindi ko pa nga nasasabi kay Jiro na may pasok ako baka bigla akong palitan at hindi ako makakapayag no'n.
Gabi na ako nakauwi sa bahay namin nila Ren at naabutan ko si Kie na dito daw mag-oover night ngayon.
"Mukha ka ng losyang..." sambit ni Kie sa'kin.
I just rolled my eyes on her saka tamad na tamad na umupo sa sofa namin.
"I'm tired so shut up." Bakas sa boses ko ang pagod at pinikit ang mga mata.
"Oh! Sh*t..." sambit ko at napadilat kaagad ng maalala na may assignment pa pala ako at maaga ito ipapasa kinabukasan. Then, after that, we have a freakin' quiz.
"Bakit?" sambit ni Kie.
"Oh, andyan ka na pala..." sambit ni Ren na may hawak na marshmallow.
"I need to do my school works..." sambit ko at agad kinuha ang bag ko na dinadala sa school.
It's already 9:30 pm inaantok na rin ako but still kailangan kong gawin ang mga gawain ko. Baka hindi lang ako sabunin ng prof ko dahil pakiramdam ko ay nag-iinit na rin ang ulo niya sa'kin.
But on second thought, dapat pasalamatan niya ako because of me she is now hot but ofcourse she's not hot the way I am.
"Hoy! Samantha matulog ka na nga may pasok ka pa bukas..." Napadilat ako ng marinig ang boses ni Glyren.
Nakatulog na pala ako. I looked at my cellphone's screen and got shocked when I saw that it's already 11:59.
What the heck?
Ganun ako katagal nakaidlip?
"Hindi pa nga ako tapos sa school works ko, eh." Inis kong sagot sa kanya.
"Sabi ko naman kasi sa'yo huwag ka ng magsideline bilang model at mag-quit ka na sa pagiging personal assistant mo ayan tuloy nahihirapan ka." sambit nito at pinameywangan pa ako.
Nakakainis naman!
"Ayoko nga, ate. Doon ko na nga lang nakikita si Jiro." Nakasimangot kong sambit sa kanya.
"Naku! Sinasabi ko sa'yo kapag ikaw bumagsak ako na magsasabi kay Jiro na tanggalin ka." sambit ni Glyren at umupo sa sofa habang hinihilot ang sintido niya.
No!
"Tss. Fine hindi na ako tatanggap ng offer sa pagmomodel but I will never quit as Jiro's personal assistant." Inis na sambit ko at kinuha lahat ng gamit ko.
Kaya kong i-let go ang pagmomodel but not him.
"Saan ka naman pupunta aber?" sambit ni Ren.
"Sa kwarto mag-aaral hindi ako makapag-concentrate kakabunganga mo." sambit ko at padabog na umalis.
---
Nagising ako ng maramdaman ang pangangalay sa batok ko.
"Sh*t! Nakatulog pala ako." sambit ko at umayos ng upo saka nag-unat.
Tumingin ako sa wall clock at nanlaki ang mata ng makitang 6:30 am na. My freakin' class start at 7 am. Ano bang kamalasan ito. Paksheyt! Nagmamadali akong pumunta sa banyo para maligo at sinabayan ng dasal na sana umabot ako sa klase ko. Bakit ba hindi ko narinig ang pag-alarm ng cellphone ko?
"Gosh! Malelate na ako bakit hindi mo ako ginising Ren." sambit ko kay Ren.
Nagmamadali akong ayusin ang uniporme ko at mga gamit ko ng isigaw ko iyon.
"Iyan ang sinasabi ko sayo ayaw pa kasing matulog ng maaga." Bunganga ni Ren sa'kin.
Kung tinutulungan nalang kaya niya ko imbes na nakatayo siya dyan at binubungangaan ako. Tsk!
"Whatever! Huwag mo na nga akong bungangaan late na nga ako." sambit ko at sinukbit ang bag sa balikat ko.
"Hoy! Bruha! Hindi ka pa nagsusuklay!" Sigaw ni Ren sa'kin ng akmang bubuksan ko na ang pinto.
Napatingin naman ako sa repleksyon ko sa salamin at oo nga hindi pa ako nakakapagsuklay. Mukha akong mangkukulam.
"Huwag na mamaya—" binuksan ang pinto saka nagmamadaling lumabas dito. "Aray ko!"
Napasapo ako sa noo ko ng mabangga ako. Takte kailan pa kami nagkaroon ng harang sa pinto. Tinignan ko naman kung sino ang nabangga ko at natulala na may anghel akong nakita.
P*ta! Samantha late ka na huwag ka ng lumandi.
"Takte! Bakal ba iyang dibdib mo ang, sakit ah?" May inis pero kinikilig kong sa sambit bi.
"Aba? Ikaw pa ang nasaktan ako na nga ang binangga mo." sambit naman ni Jayvee.
"Hays, ihatid mo na nga iyan, wangja. Malelate na iyan sa klase niya." sambit naman ni Ren at tignan ko siya ng masama.
"Pft! Kaya naman pala. Halika na at habang naglalakad ka ay magsuklay ka mukha kang mangkukulam." Natatawang sambit ni Jayvee at tinalikuran na ako.
"Nakakahiya. Hayst.." sambit ko at kinuha ang suklay ko sa bag.
"May pasok ka na pala?" Tanong nito sa'kin.
"Yeah, it's been a week..." sambit ko at sumakay sa passenger seat.
"Pero assistant ka pa rin ni Jiro?" May pagkamangha sa tanong niya at pinaandar ang makina ng kotse.
"Oo, gusto ko naman ang trabaho ko..." sambit ko at kinuha ang reviewer ko sa bag.
"Kaso hindi ko pa nasasabi na may pasok na ako lagi kong nakakalimutan o kaya naman ay walang pagkakataon na sabihin. Pwede ko naman siya i-text kaso mas gusto kong sa personal na sabihin." sambit ko sa kanya.
"Ahh.. Kaya pala..."
"I need to review kaya shh..." Nakita ko ang pagtango niya matapos ko iyong sabihin.
Paksheyt?! Bakit ayaw pumasok sa utak ko ang mga methods at functions na ito. Nakakainis naman!
"I think you need this..." Rinig kong sambit ni Jayvee at may kinuha sa compartment ng kotse niya.
Inabot niya sa'kin ang isang energy drink. Siguro napansin niya rin na inaatok ako.
"Thanks..." sambit ko at bumalik sa parereview.
"Function is—" naputol ang pagmememorya ko ng tumunog ang cellphone ko.
Agad ko naman itong kinuha at nakitang tumatawag ang Z fashion show.
"Yes, hello?" Sagot ko
"Goodmorning can we invite you to be our model in—"
"I'm sorry, maybe I'm rude but I can't because I have no time and I need to review. Also, I'm on my way to my school now. I'm sorry again because I can't accept your offer." sambit ko.
Panandalian naman natahimik sa kabilang linya matapos ang ilang segundo ay muli itong nagsalita.
"It's okay Ms. Vicquerra. We understand. Godbless." sambit niya at na-end ang tawag.
"Were here Samantha." sambit ni Jayvee at nakita kong nasa parking lot na kami ng University.
"Thank you. Take care." sambit ko at nagmamadaling umalis para tumakbo papasok ng university.
"Your welcome..." Rinig kong sigaw niya bago ako tuluyang makalayo.