Chapter 1: The Z Company

Hawak ko ang isang mug ng mainit na kape habang bored akong nakatingin sa labas ng coffee shop ng makatanggap ako ng isang tawag mula sa hindi kilalang numero, "Hello? Who is this?"

"This is Zack Fuentes, the owner of Z Fashion Company. Are you Samantha Vicquerra?" Napa-upo ako ng maayos ng marinig ko ang pangalan ng tumawag sa'kin.

Totoo ba ito? Si Zack Fuentes ng Z Fashion Company ang kausap ko ngayon? Ang sikat na si Zack Fuentes na may-ari ng sikat na kompanya na dinudumog ng mga gustong sumikat na modelo? Omygosh!

"Yes, Sir. I'm Samantha Vicquerra. Bakit po?" Tanong ko at pinilit na hindi ipahalata ang labis na pagkatuwa ko sa pagtawag niya.

"Mr. Mendez recommend you to me na pumalit sa isa sa mga modelo ko dahil nagkasakit ito. Pwede ka ba mamaya?" Tanong niyang muli.

"Yes, Sir. Saan po ba at anong oras?" Mabilis na sagot ko dito at hindi mapigilang ngumiti ng malawak.

"Here in Z Tower at 5 pm."

"Okay po. Makakarating po ako sa oras." Excited na sambit ko at tumango-tango pa.

"Kami na rin ang bahala sa make-up at mga damit mo kaya don't worry. We will wait for you later. I need to hang up now. Bye." Sambit nito at pinatay na ang tawag.

Wala sa sariling napahiyaw ako ng malakas dahil sa labis na tuwa at agad na napatakip ng bibig dahil napatingin sa'kin ang lahat ng tao. Ito na ata ang chance ko upang makilala bilang isang modelo dahil sa pagkuha sa'kin ng Z Fashion Company. This is my biggest dream ang maging parte ng Z Fashion.

"Kahit kailan ang ingay mo talaga." Nilingon ko naman kung sino ang nagsalita at nakita ko ang pinsan kong si Glyren.

"Himala! Nandito ka?" Hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya dahil sa pagkakaalam ko ay may OJT siya ngayong araw.

"Wala kaming pasok, eh." Sambit niya at sumimsim sa kapeng hawak niya.

"Pupunta pala ako mamaya sa Z fashion Company. Kinuha nila ako bilang model," masayang sambit ko sa kanya habang nag-iiscroll sa cellphone ko.

"Wow! Good for you basta huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Okay?" Sambit niya at tumingin sa'kin ng nakangiti.

"Siyempre naman. Ako pa ba, ate?"

Simula ng mamatay ang mga magulang ko ay sa kanila na ako nakatira. Tinuring nila ako na parang tunay na anak at si Glyren ay tinuring akong parang totoong kapatid. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil hindi ako masyadong nakaramdam ng pangungulila sa aking mga magulang.

"May date kayo?" Tanong ko sa kanya ng makita ko si Jayvee na naglalakad papasok sa loob ng coffee shop. Nakahood ito habang naka-sunglasses at kumaway ng bahagya ng makita akong nakatingin sa kanya.

"Huh? Anong pinagsasabi mo?" Tanong niya ng kunot-noo at bumalatay ang pagtataka sa mukha ng pinsan ko.

"Si Jayvee kasi andyan." Sambit ko at ngumuso sa likuran niya. Agad naman siyang lumingon sa likuran niya.

"Hi, Girls," sambit ni Jayvee pagkalapit kay Glyren at hinalikan siya sa kanyang pisnge.

"Edi kayo na magjowa," Sambit ko ng napapa-irap at nagpalumbaba.

"Maghanap ka na kasi..." Natatawang sambit ni Glyren at sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Alam mo namang bawal pa sabi ni Tito," sambit ko at nginusuan siya saka bumulong ng mahina, "tsaka hindi pa nga ako napapalapit sa lalaking gusto ko."

"By the way, kamusta naman ang honeymoon ni Kieseyah at Yuri sa Japan?" Tanong ko upang maiba naman ang usapan.

"I don't know. Hindi naman tumatawag si Yuri sa'min at mas lalong hindi namin siya tinatawagan dahil ayaw naming maka-istorbo sa kanila." Sagot ni Jayvee sa'kin.

Kung hindi lang siguro ito boyfriend ng pinsan ko ay kanina ko pa ito niyakap. Gosh! Ang gwapo kaya niya. Sobra talaga akong nagulat nang malaman kong boyfriend ni Ren si Jayvee. Biruin mo ang swerte niya. Isang sikat na photographer si Jayvee at kilala ito sa buong bansa kung kaya ay maraming kumukuha dito para maging photographer nila. Higit sa lahat puro babae ang halos nanliligaw sa kanya. He's one of the most influential photographer here in the Philippines tapos na inlove sa pinsan ko?

Ano kayang gayuma ang ginamit nito kay Jayvee? Waah! Tapos si Kieseyah naman ay kinasal kay Yuri last week. Ang asawa lang naman ni Kie ay isa sa mga sikat na singer dito sa Pilipinas. Mapapa-sana all ka nalang talaga. Siguro no'ng magpaulan ng ka-swertehan ay nakipagsiksikan ang dalawang ito bitbit ang malaking drum. Ang swerte ko na rin pala dahil sa pagiging modelo ko ay nakakasama ko ang ibang artista.

"Are you okay?" Tanong ni Jayvee sa'kin na ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil ayos lang naman ako.

"Kanina ka pa kasi tulala d'yan at puno na ng asukal iyang kape mo. Ano lutang lang?" Natatawang sambit ni Ren at napatingin naman ako sa kape ko na naging arnibal na sa dami ng asukal.

"Hehehe... Kinakabahan kasi ako para mamaya, eh. Biruin mo si Zack Fuentes ang tumawag sa'kin. Ang owner ng Z Fashion Company ang mismong nakausap ko." Hindi makapaniwalang sambit ko sa kanila.

"Really? Bakit ka niya tinawagan?" Curious na tanong ni Jayvee sa'kin at inakbayan niya si Ren.

"Kinukuha siyang model kapalit no'ng nagkasakit, Wangja." Nakangiting sambit ni Ren sa kanya.

"Yup, kinukuha niya akong model. Owemji kahit na hindi pangmatagalan iyon ay ayos lang basta maging parte ako ng Z Fashion." Masayang sambit ko at sinenyasan ang waiter para umorder ng panibagong kape.

"Oh, nice! Model ka pala? Baka sa susunod ay ako na ang maging photographer mo niyan?" Sambit ni Jayvee kung kaya ay napalingon ako sa kanya.

"Talaga? Ayaw mo no’n may dyosang maliligaw sa camera mo," biro ko sa kanya na ikinatawa naming dalawa.

"Nandoon din pala ako mamaya. May photoshoot kasi sila Jiro, Baymin at Yuri ngayong araw doon." Sambit niya at hinalo ang kapeng hawak niya. Lihim naman akong napangiti sa sinabi niya.

"Glyren, una na ako sa inyo. Uuwi na muna ako ng makapag-ayos na. Magdate nalang muna kayo ni Jayvee dyan, Bye!" Sambit ko sa kanila saka nagmamadaling umalis.

"Ingat ka." Narinig ko pang sinabi ni Glyren bago ako tuluyang makalayo sa kanila.

-

Nasa harap na ako ngayon ng Z Tower na pagmamay-ari ni Mr. Fuentes. Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na tinawagan ako ng isang kilalang tao. Kadalasan naman kasi kapag nagmomodel ako ay sa maliit na company lang at hindi gaanong kilala but now. Grabe! Pakiramdam ko sa susunod sa runway na ako kukunin. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. This is it. This is the time to shine. Naglalakad na ako ng mahagip ng mata ko si Yuri. Napahinto ako at nakita kong kausap niya si Baymin habang ito ay inaayusan.

"Excuse me. Sino po sila?" Napatingin ako sa nagtanong at nakita ang isang babae na sa palagay ko ay isang empleyado rito.

"Ummm... I'm Samantha Vicquerra. Pinapunta po ako ni Mr. Fuentes dito." Tumango naman siya pagkasabi ko no'n.

"This way, Maam." Sambit niya sa'kin at tinuro ang daan. Ngumiti naman ako sa kanya at nauna na siyang maglakad. Lumingon ako kung nasaan sila Baymin kanina kaso wala na sila roon kaya tumigin ako sa paligid.

"Ms. Vicquerra?" Tawag nito muli sa'kin.

"Ah.. Ayan na po," sambit ko at sumunod agad sa kanya. Istorbo naman ito, psh!

---

Marami kaming dinaanan na pinto at halos lahat ay may mga ginagawa at busy sa kanya-kanyang photoshoot. Huminto kami sa tapat ng isang silid na nakauwang ang pinto at nakita namin sa loob ang isang ministudio pati na rin si Mr. Fuentes na nakikipag-usap sa isang photographer.

"Ms. Vicquerra, pasok na po kayo sa loob." Tumango naman ako sa kanya at binuksan ko ng tuluyan ang pinto. Nakikipag-usap si Mr. Fuentes sa isang photographer at sa gilid naman niya ay may babaeng sa palagay ko ay kasing edad ko lang. Agad namang sumenyas si Mr. Fuentes na lumapit ako ng makita niya ko.

"Ms. Vicquerra, finally you're here." Sambit niya sa'kin ng nakangiti. Nang makalapit ako kay Mr. Fuentes ay hindi maalis ang tingin ko sa kanya dahil ang bata pa ng itsura nito at talagang napaka-gwapo.

"Let's start," sambit niya sabay palakpak at sinenyasan ang kanyang mga staff, "Mrs. Chi pakiayusan si Ms. Vicquerra ng makapagsimula na tayo. Wendy, ikaw muna ang mauna para hindi sayang ang oras." Sambit muli ni Mr. Fuentes.

Tinawag ako ni Mrs. Chi at pinaupo sa upuang nasa harapan niya saka niya ako sinimulang ayusan, "Hmm... Flawless at maganda ka naman kaya iha-highlight nalang natin ang beauty mo," Nakangiting sambit niya habang nagse-shade ng make-up sa aking mukha.

Matapos niya akong lagyan ng make-up ay kinulot niya ang dulo ng aking buhok. Napangiti ako ng makita ko ang itsura ko sa salamin dahil tulad ng sabi niya ay mas nangibabaw ang natural kong ganda. Inabot sa'kin ng isang staff ang susuotin kong damit, isa itong off-shoulder dress na above the knee ang haba at kulay peach na tinernuhan ng white sandals na one inch ang taas.

"Wow! You're so beautiful!" Sambit sa'kin no'ng stylist pagkalabas ko at pumalakpak pa. Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"You're right, Mrs. Chi. My camera really loves her." Sambit ng photographer at pinakita ang litrato ko mula sa kanyang DSLR.

"Halika na, pose in front of my camera, Iha." Sambit muli ng photographer at nauna ng maglakad sa'kin. Sumunod naman ako sa kanya at tinuro niya na pumunta ako kung nasaan ang green screen.

"Kailangan maging cute at sweet ka sa mga picture mo," sambit ng photographer at tumango naman ako bilang sagot.

"Ready... Set... Go..." Ang unang post ko ay nakaupo ako sa bench at naka-cross legs. Sunod naman ay parang may hinihintay akong dumating habang nakapalumbaba ako.

"Good. It looks very natural. Continue," Nakangiting sambit niya sa'kin. Ang sumunod naman ay nakatayo ako habang nakapamewang. Matapos iyon ay nagkaroon kami ng ten minutes break kaya nag-restroom muna ako. Pabalik na ako ng makasalubong ko si Baymin sa hallway.

"Hey, you’re Glyren's cousin, right?" Tanong ni Baymin sa'kin at napatango nalang ako bilang sagot sa kanya.

"Woah! You look gorgeous on that dress," Sambit niya at kumindat pa.

Hold on heart! Si Baymin lang iyan ng duong "YoBay" bitbit ang nakakalusaw niyang ngiti.

"T-Thanks. I'm Samantha. By the way, una na ako sa'yo hinahanap na kasi nila ako doon." Nauutal kong sambit kay Baymin.

"Sige. Nice to see you." Sambit niya at kumaway bago umalis. Nang makapasok ako muli sa studio ay nakatingin silang lahat sa'kn.

"Woah! Even Baymin Aisler notice you," hindi makapaniwalang sambit ng photographer sa'kin.

"Can I use that umbrella to be my props po?" Tanong ko at tinuro ang payong na nasa gilid niya. Tumango naman siya at kinuha ito saka binigay sa'kin. Ang unang pose na ginawa ko ay hawak ko ang payong at saka ngumiti. Next, naman ay nakabukas na ang payong na para bang umuulan.

"Okay. Last one, Iha. You're really good," sambit ng photographer kaya ang sumunod kong pose ay umupo ako habang ang payong ay nasa gilid ko at nagpalumbaba.

"Mr. Fuentes, ang ganda niyang model. My camera really loves her." Nakangiting sambit nito kay Mr. Fuentes na kadarating lang.

"That's good to hear," sambit ni Mr. Fuentes atsaka ako binalingan ng tingin.

"Hindi ako nagkamaling kunin ka," Sambit niya at nginitian ako.

"Thank you for this opportunity, Sir." Masaya kong sambit sa kanya at tumango naman siya sa akin.

"Sige po. Magpapalit na po ako para mabalik ko na ang damit na ito." Napatingin naman ako kay Mr. Fuentes ng pigilan niya ako sa paglalakad, "Bakit po?"

"That dress is yours now and you're very pretty wearing that." Nakangiting sambit niya habang nakatingin sa'kin. Quotang-quota na ko ngayong araw kakasabi nila na maganda ako, ah.

"But—"

"Atsaka pasasalamat ko iyan ngayong araw. You really deserve that dress." Sambit niya sa'kin kaya nagpasalamat nalang ako sa kanya. Ang ganda kaya ng dress na ito at mukhang mamahalin pa. Huwag tangihan ang libre.

"Looking forward to work with you again in the future, Ms. Vicquerra. Thank you din sa pagpunta dito." Sambit ni Mr. Fuentes bago umalis.

"Okay, pack up na. Salamat sa inyong lahat." Sambit niya sa mga staff at tinulungan sila sa pagliligpit.

Matapos ko magpaalam sa lahat ay lumabas na ako sa studio. Naglalakad na ako sa hallway ng mapadaan ako muli sa lugar kung saan ko nakita sila Baymin kanina. Wala na sila doon at nakalock na ang pinto. Papalabas na ako ng makita ko ang pamilyar na likod ng isang lalaki kaya dali-dali akong lumabas.

"Jiro?" Bulong ko sa sarili at napangiti. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag at kinunan siya ng litrato kahit nakatalikod siya sa'kin.

"Hmmm... Kung hindi ako tutulungan ng tadhanang mapalapit sa'yo. Pwes, ako ang tutulong kay tadhana para ilapit ka niya sa'kin." Kinikilig na bulong ko sa sarili habang walang tigil sa pagkuha ng litrato niya habang nakatalikod. Naglakad ako papalapit kay Jiro habang kunwari ay may kung anong kinakalikot sa cellphone ko hanggang sa mabangga ko siya.

"Ow! Sorry. I didn't mean to—Jiro?" Kunwaring gulat kong sambit sa kanya ng makita siya.

"It's okay. Wait you look familiar. Do I know you?" Tanong niya ng nakakunot ang noo sa'kin. Pinigilan ko naman ang mapangiti dahil mukhang makatotohanan ang acting ko.

"Ahh... Maybe nakita mo ako no'ng kasal ni Kie?" Patanong kong sagot sa kanya.

"Ahh, right doon nga," nakangiti niyang sambit sa'kin at saka nagpamulsa, "It's nice to see you again, Miss." Pagpapatuloy niya pa.

Shemay! Anong klaseng mukha iyan ang gwapo!