Chapter 2: Samantha’s Special Day

Nilibot ko ang aking paningin at napansin kong siya lang mag-isa. Tinitigan ko siya at kita sa kanyang mga mata na inaantok na siya marahil ay pagod siya dahil sa kanyang trabaho ngayong araw.

"Hindi ba kasama mo sila Baymin at Yuri kanina? Nakita ko kasi kayo noong dumating ako dito." Sambit ko at bahagya pang napakamot sa batok ko ng makita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jiro na agad ding nawala.

“Ow, nauna na silang umalis sa'kin dahil may pupuntahan pa daw sila," sambit niya habang may tinatype sa cellphone niya.

"Ikaw? Pauwi ka na din ba?" Tanong ko sa kanya kahit halata naman na pauwi na siya.

Pinahahaba ko lang talaga ang usapan namin dahil gusto ko pa siyang maka-usap pero busy siya sa pagkalikot ng cellphone niya. Hablutin ko kaya? Pero huwag na hindi naman kami ganoon ka-close para gawin ko iyon. Isa pa baka magalit siya sa'kin kapag ginawa ko iyon.

"Pauwi ka na ba?" Tanong niya saka lumingon sa'kin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya samantalang siya naman ay ngumiti sa'kin. Gosh! Dahil sa ngiting iyon ay bumilis ang tibok ng puso ko. Ang gwapo naman kasi ng taong ito.

"Sabay ka na sa'min. Gabi na rin baka wala ka ng masakyan pero kung may susundo naman sa'yo ay sasamahan ka nalang muna namin hanggang sa dumating na ang taong maghahatid sa'yo pauwi." Sambit niya at ibinalik sa bulsa ang kanyang cellphone.

"Ahm, walang susundo sa'kin. Siguro maghihintay nalang ako ng masasakyan." Nahihiya kong sagot kahit na gusto ko talagang sumabay sa kanya.

Saglit siyang nag-isip bago muling nag-salita,"Ikaw naman parang hindi ka kakilala. Pinsan ka ng girlfriend ni Jayvee, hindi ba? Mapapagalitan pa ako no'n kung hindi kita isasabay at hahayaan kitang maghintay diyan." Sambit niya sa'kin. Natatandaan niya ako?

"Okay lang talagang sumabay ako?" Tanong kong muli sa kanya.

"Oo naman kaya tara na." Sambit niya at saktong may humintong itim na kotse sa harap namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya naman sumakay na rin ako dahil iyon naman talaga ang nais ko.

Magkatabi kami sa backseat ni Jiro at sobra akong nagpapasalamat dahil medyo madilim sa loob ng kotse. Hindi niya makikita ang pamumula ng mukha ko at hindi niya din makikita na halos mapunit na ang mukha ko sa lawak ng pagkakangiti ko dahil katabi ko siya. Baka pagkamalan pa niya akong baliw at kapag nagkataong makita niya ang itsura ko ay baka sa mental niya ako idiretso kaysa sa bahay namin.

"So, you're a model?" Tanong niya sa'kin kaya napalingon ako sa kanya.

"A freelance model." Pagtatama ko sa kanya habang inaaninag ang mukha niya mula sa mumunting ilaw na nagmumula sa labas.

"Ow, bakit freelance lang? By the way, sabihin mo sa driver kung saan ka ibababa." Sambit niya at agad namang lumingon ang driver sa'min kaya sinabi ko sa kanya kung saan ako bababa mamaya.

"Amm.. Nag-aaral pa kasi ako kaya freelance lang muna ako para hindi ako mahirapan sa schedule." Sagot ko sa kanya at pinilit na pakalmahin ang sarili ko.

Pagkatapos ng pag-uusap namin na iyon ay katahimikan na. Nakakapanibago dahil nakakabingi ang katahimikan na mayroon kami ngayon. Nilingon ko siya at nakita kong tulog na siya habang may nakakabit na earphone sa kanyang magkabilang tenga. Marahil ay pagod talaga siya ngayong araw. Napalunok ako ng hindi ko maiwasang titigan siya kung hindi ko siguro napansin na lumilingon ang driver sa’min ay hinaplos ko na ang kanyang mukha. Napabuntong-hininga nalang ako at napatingin sa labas ng kotse. Napaawang ang labi ko ng maramdaman kong pumatong ang ulo ni Jiro sa balikat ko.

"J-Jiro?" Sambit ko at tinapik siya ng mahina sa balikat ngunit umayos lang siya sa pagkakasandal sa'kin.

"Sobra po sigurong napagod si Sir kaya ganyan..." Sambit ng driver at tumingin sa rear mirror.

"B-Baka nga..." Utal na sambit ko at hinawakan ang mukha niya upang ayusin siya mula sa pagkakasandal sa balikat ko. Napangiti naman ako ng maamoy ko ang strawberry flavor na shampoo niya. Tama lang talaga ang desisyon ko na sumabay sa kanya ngayon dahil kung hindi ako sumabay ay hindi ko mararanasan ito.

"S-Sorry, dapat ginising mo nalang ako." Sambit niya ng magising siya at agad umayos ng upo. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya para hindi niya makita ang paghihinayang sa mukha ko.

"A-Ayos lang naman iyon," Sambit ko sa kanya at hindi mahanap ang mga salita na nais ko pang sabihin, "Dito niyo nalang ako ibaba malapit na rin naman po ito sa bahay namin." Biglang sambit ko dahil nakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan naming dalawa.

Matapos kong magpaalam sa kanila ay agad na din naman silang umalis. Nang makalayo na sila ay dali-dali akong tumakbo papunta sa bahay at agad na pumasok sa loob saka nagsisigaw sa kilig. Si Jiro ata ang magiging dahilan ng maaga kong pagkamatay.

****

Rinig ang malakas naming tawa sa apat na sulok ng sala dito sa bahay dahil sa kinuwento ni Kieseyah tungkol sa honeymoon nila ni Yuri sa Japan.

"Huwag ka na kasi magluto baka maaga mong mapatay si Yuri. Mabyuda ka kaagad," sambit ko sa kanya na halos maiyak na sa kakatawa. Kawawang Yuri dahil masasabi kong hindi mo pa nangunguya ang pagkain na niluto ni Kie ay iluluwa mo na kaagad.

"Che! Mga walang hiya. Mamatay sana kayo kakatawa," inis na sambit ni Kie at nginusuan kami na aabot ata hanggang labas ng bahay.

"Turuan ka nalang namin magluto." Suhestiyon ni Ren ng mapakalma niya ang sarili niya mula sa pagtawa.

"Bright idea!" Tuwang-tuwa na sambit ni Kieseyah na kulang nalang ay magningning ang mga mata.

Ginayak na muna namin ang mga kakailanganin namin sa pagluluto. Ang napagdesisyunan naming lutuin ay ang spaghetti, carbonara, at fried chicken. After naming magluto ay pumunta na kami sa Sync Entertainment dahil nirequest ni Jayvee na magpadala ng pagkain kay Ren. May trabaho kasi siya ngayong araw doon at ang modelo niya ay sila Jiro at Yuri. Makikita ko na naman si Jiro ngayong araw. Anong approach naman kaya ang gagawin ko para makausap siya? Kakausapin ko ba siya at tatanungin kung anong nangyari sa kanya nitong mga nagdaang araw?

"Asawa nga po ako ni Yuri," Naputol ang pagpapantasya ko ng marinig ko ang inis na boses ni Kie.

"Hay nako! Miss marami ng nagsabi niyan na fans at halos lahat naman kayo ay sinasabi na asawa niyo si Sir Yuri," sambit ng guard sa kanya na ikinairap ni Kieseyah.

Oo nga at kasal silang dalawa ni Yuri ngunit private na kasal lang ang naganap sa kanilang dalawa. Mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang sa trabaho ang nakakaalam na kasal na silang dalawa ni Yuri.

"Sumagot na ba si Jayvee sa tawag mo?" Tanong ko kay Glyren at umiling ito. Nangangawit na ako kakabitbit ng mga dala namin.

Nakakainis! Bakit kasi ang tagal nilang sagutin?

"Hindi pa, eh. Baka nagta-trabaho pa iyun." Kagat-labing sambit ni Ren sa'kin.

"Kasi naman itong si Manong guard ayaw pang maniwala." Inis na sambit ni Kie at sumimangot.

"Wala ba kayong number ng ibang katrabaho nila d'yan? Lintek naman kasi itong si Kie walang number ng asawa niya." Inis na sambit ko dahil ang bigat-bigat na nga ng dala ko tapos ang init pa.

"Ah, oo nga pala may number ako ni Jiro," sambit ni Glyren at dali-daling tinawagan ito kaya nakahinga kami ng maluwag.

Nagkatinginan naman kaming tatlo ng magsilingunan ang mga tao sa'min ng banggitin ni Glyren ang pangalan ni Jiro. Dali-dali naming hinila si Glyren sa sulok upang magtago, sa kanila kung sakaling narinig man nila talaga ang sinabi ni Glyren na may number siya ni Jiro.

"Hello, Jiro? Hindi ko kasi matawagan si Jayvee, eh. Busy ba kayo? Ah, kaya pala. May dala kaming pagkain for lunch kaso ayaw kaming papasukin ng guard, eh. Sige, salamat. Nasa labas kami ng Sync Entertainment. Ayaw nilang maniwala na girlfriend ako ni Jayvee. Hmp!" Inis na sambit ni Glyren.

"Sos! Hahaha. Maraming salamat. Bilisan niyo na. Ang bigat ng dala namin. Pasabi kay Jayvee dalian niya. Siya ang nagpadala nito tapos ayaw niyang sagutin ang tawag ko? Grabe ha?" Kunwaring nagtatampong sambit niya. Napailing nalang ako sa pinaggagawa ng pinsan ko.

"May number ka naman pala ni Jiro. Bakit hindi mo tinawagan agad? Pft." Inis na sambit ko at sinipa ng mahina ang batong nakita ko.

"Eh, Sa nakalimutan ko. Aysus! Gusto mo lang yata hingin number ni Jiro kunwari ka pa," pangangantyaw ni Glyren sa'kin.

"Anong pinagsasabi mo? H-Hindi no." Utal kong saad na lalo niyang ikinangiti.

"Sus! Umamin ka na kasi ibibigay ko naman sa'yo. Akin na nga iyang cellphone mo," sambit niya sabay hablot ng cellphone na hawak ko.

Sinubukang kong agawin iyon sa kanya pero tinutulak niya lang ako. Napatigil ako sa pakikipag-agawan ng cellphone ko sa kanya ng marinig namin ang malakas na sigawan ng mga tao. Hinihiyaw nila ang pangalan nila Yuri at Jiro na kasalukuyang naglalakad papalapit sa'min.

"Jiro, I love you!" Hiyaw ng isang babae kay Jiro saka nagflying-kiss.

'Tss, He's mine guys! Back off!' Sambit ng mumunting tinig sa utak ko. Akin siya kahit hanggang tanaw palang ako ngayon.

Napatitig naman ako sa kanya at nakasuot siya ng isang plain t-shirt at jagger habang naka sunglasses. Kasabay niya sa paglalakad si Jayvee na ngayon ay nasa harap na ni Glyren.

"Kungju!" Tawag ni Jayvee pagkalapit kay Ren at kinuha ang mga dala nito.

Napuno naman ng hiyawan sa buong paligid at hiniling na sana sila nalang ang masuwerteng babaeng kasama nila. Tipid akong napangiti ng ma-realize ko na sana balang araw ay ako ang maging mapalad na babae sa buhay ni Jiro.

"What are you doing here?" Rinig kong sabi ni Yuri kay Kie. Mukhang mainit pa rin yata ang ulo niya dahil wala siyang matinong makain sa mga niluluto ni Kieseyah.

"Baka mag-o-audition sa Sync Entertainment na may dalang lunch box?" Parang tang*ng sagot niya sa asawa niya.

"So, iniisip mo na nakakatawa ka na nyan?" Sambit niya at naunang maglakad kay Kieseyah.

"Hindi. Iniisip ko kung magiging gano'n ka din ba ka-sweet tulad ni Jayvee," sambit ni Kieseyah kay Yuri at hinabol siya. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa dahil nakakainggit silang tignan.

"Hoy! Yuri!" Tawag ni Kie sa asawa niya at kumapit sa kanang balikat nito kaya naghiyawan sa inggit ang mga taong nasa paligid nila.

"It's a double kill. Jayvee and Yuri with their girls is too much for now." Naiiyak na sambit ng nadaanan kong babae.

This time, I feel them dahil isa din ako sa naiinggit tulad nila. Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid upang hanapin si Jiro at nagulat ako ng makitang nasa likuran ko na pala siya. Muntikan na akong matumba. Mabuti nalang ay naalalayan niya ako agad.

"Tulungan na kita diyan sa bitbit mo," sambit ni Jiro at kinuha niya ang mga dala kong paper bags. Nang magdikit ang mga kamay namin ay para bang may kuryenteng dumaloy doon kaya nilayo ko agad ang kamay ko sa kamay niya.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa'kin ng may pag-aalala.

"Ayos lang ako. Ako na ang magbibitbit niyan. Magaan lang naman," sambit ko at akmang kukunin na ang paper bag sa kanya ng ilayo niya ito.

"Ano ka ba? Ayos lang iyon. Tara na at nauuna na sila sa'tin," sambit niya at sumunod na siya kay Jayvee.

Dali-dali ko naman siyang sinundan habang tinititigan ang likuran niya. Muntik pa nga akong mauntog sa likod niya ng bigla siyang huminto mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Tinignan ko kung ano ang tinitignan niya at nakita ko si Jayvee na nakikipag-usap sa guard. Ipinakilala niya si Glyren at si Kieseyah sa guard. Napailing na lang ako ng ngisian ni Kieseyah ang guard at inasar ito na para bang batang pinagmamalaki ang kending nakuha niya.

Pagkapasok namin sa loob ng building ay hindi ko mapigilang ilibot ang paningin ko dahil maraming mga kilalang artista ang narito. Nagulat pa nga ako ng hilahin ako ni Jiro dahil muntik na pala akong mabangga sa isang poste. Nang makarating kami sa training room ay hinanda na namin ang mga pagkain sa mesa.

Mukhang magiging isang mahalagang araw ito sa’kin dahil makakasabay kong kumain si Jiro.