Chapter 17 Vulnerable Sionna

KIRA POV

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig na tumunog yung cellphone ko inaantok na kinuha ko ito. Text lang pala galing kay Yara

Zayara:

Kira sorry ngayon ko lang nakita ang mga miss calls mo

Nilusob kasi kami ng dark empire at maraming namatay na bampira masyadong mabilis ang mga nangyari

Nasa kritikal na condisyon pa si Sionna dahil may nainom syang lason galing sa dark empire kaya pasensya na talaga sa school mo na lang sabihin ang gusto mong sabihin baka importante yan at napadami ang tawag mo, pasensya na talaga.

Gosh mas malala pa pala ang nangyare sa kanila tapos nagalit pa ako sa kanila kagabi

Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung anong oras na. Nagmamadali akong umalis ng kama at dumiretso ng banyo.

Kahit alam kong wala akong pera papasok pa rin ako. Nakalimutan ata ni mommy na iwanan ako ng pera sana naman maayos at okay lang si Sky

Nang makatapos na ako kinain ko yung natira namin ni mommy kagabi at ininit ko na lang

Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad. Good luck na lang sakin at hindi sana ako mapapagod

"Bessy…!" Napapitlag ako ng biglang may sumigaw mula sa likuran ko

Peep* peep*

Napatabi agad ako ng bumusina yung sasakyann maya maya pa'y may tumabing itim na kotse sa akin.

"Eh... bessy bakit ka nandito at bakit naglalakad ka lang!?" Tanong ni Louise ng buksan nito ang pintuan ng kotse.

Actually parang sigaw talaga ang lakas kasi ng boses, bumaba ito ng sasakyan

"Akala ko ba nasa hospital ka?" Tanong ko

"Ano  ba yan bessy tinanong kita tapos sagot mo sa kin tanong rin ayos ah!" May bahid na inis ang pagkakasabi nito pero  kung makangiti parang nanalo sa lotto.

Anyare dito? Abnormal sya ngayon. "Bessy may bukas pa para sa ngiti wag mong sagarin ngayon baka mapunit yang bibig mo." Sabi ko ng nakasimangot

"Ano ka ba naman bessy masaya lang ako." Sabi nito na ngiting ngiti

"Hindi nga halata ehh obvious lang." Sarcastic kong sabi.

"Eh minsan na nga lang eh, hmp!"inirapan ako nito pero nakangiti pa rin.

See? Ang weird ng babaeng to

"What ever pasabay na ako huh! Ayokong makunan sa paglalakad." Sabi ko at pumasok ng kotse

"Good morning po maam Kira." Bati ni Mang Jose

"Good morning rin sa inyo Mang Jose." Magalang kong sabi

"Grabe ka talaga bessy hindi pa nga ako pumapayag pumasok kana agad ang kapal ng fez ah! Manong tara na." Utos nito sa driver

"Ano nga pala ang nangyare at tinadtad mo ako ng tawag kagabi at bakit ka nandito? Lumipat ba kayo?" Sunod sunod nitong tanong.

"Sa school na lang tayo mag usap at marami akong ike kwento sayo." Sabi ko

"GOSH babalatan ko talaga ng buhay yang kakambal mong froglet!" Gigil na sabi ni Louise.

Sinabi ko na kasi sa kanya ang lahat at mukhang mas galit pa ito kaysa sa akin.

"Pero teka lang bakit ka pa pumasok? paano na lang pag nakita ka nila dito kapag nalaman nilang tumakas ka siguradong pupuntahan ka nila sa school at dito yun!" Nag alalang sabi ni Louise at napalingon lingon

Shit! Bakit hindi ko naisip yun? "A-ano na ang gagawin ko?" Kinakabahan kong tanong.

"Eto na lang kaya, bumalik ka dun sa bahay nyu at ako na ang bahala na magpapapunta kila Sky doon." Sabi nito.

Napailing ako. "Ayoko Louise baka puntahan ako ni dad dun baka alam ni dad ang bahay na yun ni mom at pag nalaman nya na doon ako nagste-stay ay baka madamay si mommy." Kinakabahang sambit ko

"Eh ano na ang gagawin natin?" Tanong nito.

Napaisip ako kung saan ba pwede, hindi rin pwede sa bahay ni Louise kasi alam kong iisipin nila na sa bahay ako ni Louise pupunta.

"Wait! May naisip ako bessy what if sa condo ni Sky tayo pumunta siguradong di ka mapupuntahan nila doon, ayieee…” Di ko mapigilang mapangiti at agad na sumang ayon.

"Yeah bakit di ko naisip yun." Sabi ko at tumayo

Nang makarating sa building nakailang doorbell at katok na kami wala pa ring sumasagot at nagbubukas ng pinto.

"Parang walang tao." Sabi ni Louise

"Maghintay na lang tayo." Sabi nito na kanina pa pinagdutdot yung doorbell na halos sirain nya na.

"Eh baka malate ka mukhang  di pa nakakabalik si Sky dito may nangyari daw kasi sa palasyo nila sabi ni Yara sa text. Bumalik ka na lang muna sa school bessy baka kasi nandun na sila." Sabi  ko.

"Ano ka ba  absent na lang muna ako ngayon at saka di kita iiwan dito ng mag isa no!" Sabi nya at inakbayan ako

"Yays naman! love mo talaga ako no." Pang aasar ko

"Syempre naman no bessy kita eh." Nakangising sabi nito

"Yiee— ay teka nakalimutan ko may duplicate pala ako dito hehe…" Sabi ko ng maalala na binigyan pala ako ni Sky nung tumira ako rito last week.

Napasimangot naman ito at inis akong tinignan kaya nginitian ko ito at nag peace sign.

"Putagris kang babaita ka bakit ngayon mo lang sinabi?" Inis nitong tanong at hinampas pa talaga ako.

"Aray! Ano ba yan kasi naman nakalimutan ko eh sorry naman po tao lang nagkakamali rin mapatawad mo pa ba ako?" Pang aasar ko

Pinandilatan ako nito "Bilisan mo na lang" Utos nito

Dahan dahan kong binuksan yung condo ni Sky

"Woah! Linis ng condo ng kumag na bampira na yun ah!" Komento nito at umupo ng sofa.

"Hey Louise punta ka na ng school check mo lang baka andun na sila ng Sky." Sabi ko rito.

"Ay oo nga no teka baka may makakita sa akin doon at isumbong pang nagcut ako."

"Tawagan mo na lang kaya bababa muna ako may kukunin lang ako sa kotse." Sabi nito at tumayo.

"Wag kang lalabas dito huh!" Paalala nito at umalis na.

"Aaaaaaah…!" Dali dali akong lumabas ng sumigaw si Louise

"Gosh anong nangyari kay Siona!?" Gulat na sigaw ni Louise

"Louise anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Yara

Nang makalabas ako nakita ko silang lahat kompleto sila bitbit ni ace si Sionna na sobrang lanta ang katawan nagkukulay lila ang ang katawan nito at may maliliit na itim na ugat sa katawan nito kaya nakakatakot itong tignan

"O-oh my—" Napahawak ako sa bibig ko  puno talaga ng itim na  ugat ang katawan ni Sionna nakakatakot at nakakaawang tignan.

"Babe?" Napatingin ako kay Sky na lumapit sa akin at hinila ako sa loob ng kwarto nya.

"Mamaya na tayo mag usap magpahinga ka muna you look pale." Malambing na sabi nito at hinalikan ako sa noo.

"Hindi ako pagod Sky ikaw okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Nag-alalang tanong ko.

"Of course nandito pa nga ako sa harap mo eh kaya wag ka ng mag alala." Sabi nito at niyakap ako.

"Kuya andito na si doctor Kiel." Sabi ni Yara

"We will talk later I’ll just talk to doctor Kiel." Tumango lang ako