Chapter 16 Family’s Secret
KIRA POV
Pagod na napahiga agad ako sa sofa ng makarating ako sa bahay ni mom. Hindi ko alam na may bahay pala si mom malapit sa subdivision nila Louise
"Honey come here! Kain ka muna hindi ka nakapagdinner kanina diba?" Biglang tawag ni mom na mukhang nasa kusina
Kahit pagod ay tumayo ako at pumunta ng kusina. Maliit lang naman ang bahay pero malinis at sementado ito mukhang may nag aalaga at naglilinis dito araw araw.
Pagkarating ko sa kusina nakita ko si mom na inihahanda ang mga pagkain na tinake-out namin kanina sa isang restaurant.
"Come here honey kumain ka muna makakasama sa baby mo pag nalipasan ka ng gutom." Nakangiting sabi ni mom na inaayos ang mga pagkain. Nakatitig lamang ako dito dahil ngayon ko lang itong nakitang inasikaso ang dapat na para sa akin.
"Here honey upo kana at kumain siguradong gutom ka na.”
Kating kati na ako na malaman kung bakit bigla syang nagbago, kung bakit nya ako tinulungan. May sarili ba syang plano kaya ba nya ginagawa to?
"Alam ko naguguluhan ka sa nangyayare ipapaliwanag ko mamaya sa ngayon kumain ka muna.” Tumango na lang ako dahil nagugutom na talaga ako.
Matapos kong kumain niligpit ko muna yung pinagkainan ko at hinanap ko naman si mom. Dalawa lang naman ang kwarto dito kaya inisa isa ko.
"Oh your done." Sabi nito ng buksan ko yung pintuan sa pangalawang kwarto.
Nakita kong may dali dali syang tinago na parang picture frame at isang photo album.
Napatango na lang ako sa tanong nito
"Come here honey." Utos nito at pinaupo ako sa kama at umupo ito paharap sa akin.
"Hindi na ako magtatagal honey kailangan ko ng bumalik sa bahay ng asawa mo bago pa mag umaga." Paliwanag nya
"Mom bakit moko tinulungan?" Tanong ko agad dahil sa buong buhay ko ngayon lang ako nito tinulungan.
Malungkot itong ngumiti sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
Nilibot nito ang paningin sa kabuoan ng kwarto at may tumulong luha sa mga mata nito.
“This house gave me a flashback when we’re still happy.” Napakunot noo ako sa sinabi nito.
“This is not really my house honey, your father own this.” Nanlaki ang mata ko at tatayo na sana ng pigilan ako nito.
“Kay dad to mom? Paano kung pumunta sya dito?” kinakabahan kong sabi. Umiling ito at ngumiti.
“That’s not what I mean Kira, you’re safe here so don’t worry. I know you’re wondering why am I doing this.”
“Devon will take care of you hanggang sa makapanganak ka but after that they will abandon you at iiwan ka niya sa Australia na walang wala, as your mother hindi ko kayang mangyare sayo ang bagay na yun. I know you hate dahil hinayaan kita maikasal sa boyfriend ng kambal mo but wala pa akong magagawa ng panahon na yun.”
"Bilang isang ina hindi ko kaya tanggapin ang ginagawa nila pero wala akong magawa kapag kinalaban ko si Dave ilalayo ka nya sa akin at ibebenta sa iba hindi ko kayang mangyare iyon lalo na’t ikaw na lamang ang nag iisang ala-ala nya sa akin." Napanganga ako at hindi makapagsalita na-iimagine ko pa lang ang mangyayare sa akin pag natuloy ang plano nila ay nanginig na ako sa kaba.
"Sabihin nyu na lang po na hindi nyu ko kayang mahalin—”
"Shh... Listen honey nagagawa ko lang ang mga bagay na yun noon dahil sa takot simula pa lang pinagbantaan na nya ko"
Naguguluhan na talaga ako, bakit kailangan gawin ni dad ang bagay na yun?
"H-ho?"
"Kailangan kay Kara lang ang lahat ng intensyon ko sya lang dapat mahalin ko at hindi kita papansin dahil kung hindi ko gagawin yun ilalayo ka nya sa akin."
Tumulo ang luha ko sa kirot na naramdaman ko sa sinabi ni Mom. Bakit napaka-unfair ni Dad
"Bakit po ganun si daddy mommy anak rin naman po nya ko ah." Umiiyak kong saad
Umiling si mom kaya natigilan ako at naguluhan
"He's not your father Kira."
Nanigas ako at napatulala parang isang malaking bomba ang sumabog sa utak ko at hindi na kayang magfunction dahil sa sinabi ni mommy
“W-what?”
"Kira listen up your biological father's name is Ezekiel Cleiton."
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita ulit
"Kakarating lang namin mula sa honeymoon ng totoo mong daddy ay agad syang binisita ng mga kaibigan niya, nakakahiya pa nga dahil kakatapos lang namin ni Kiel ayaw pa magpa-awat kahit na may bisita na sya sa labas. Nagkalasingan sila ng gabing iyon nagpaalam ang daddy mo na ihatid ang iba nyang kasama at naiwan lang dun si Dave yung bestfriend ng daddy mo at dun nangyare ang lahat." Isang masakit na emosyon ang bumalatay sa mukha nito.
"Akala ko tulog na sya dahil sa kalasingan pero nagulat ako ng bigla na lang ako nitong pinwersa na pumasok sa kwarto a-at dun nya ako g-ginahasa."
Parang kinukurot ang puso ko na makita ang sakit na nakikita ko sa mata ni mommy
Pinunasan nito ang walang tigil na tumutulong luha nito at ngumiti ng mapait.
Noon pa naman alam kong may gusto na sya sa akin at alam yun ni Kiel pero magbestfriend sila kaya di na ako nito kinulit pero di ko inaasahan kaya nyang gawin sa akin iyon lalo na sa matalik nyang kaibigan.
"2 weeks nung makaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko at nalaman kong buntis ako."
"Pinuntahan ako ni Dave nun at pinilit sakin na sya daw ang ama ng dinadala ko narinig kami ni Kiel na nagtatalo noon"
"At grabe na lang ang galit ni Kiel ng malaman nya ang nangyare nasira ang pagkakaibigan nila."
"At para malaman kong sino ang ama ng dinadala ko nagpa dna test kami after 5 months"
"At hindi makapaniwala ang doctor sa result na lumabas dahil first time daw syang nakaencounter na kambal pero magkaiba ang ama"
"Ang ibig pong sabihin..." Tumango tango si mommy.
"At ng araw na yung umalis si Kiel. Akala ko babalik pa sya pero hindi na iniwan na nya ako"
"Inalok ako ng kasal ni Dave at wala nakong nagawa at tanggapin iyon dahil sa hirap."
"Matapos kong makapagpanganak ipina-dna agad kayo ni dave at doon nya nalaman na si Kara lang talaga ang anak nya"
"At simula nun si Kara na lang minahal nya"
Nakatulala at umiiyak na nakatingin sa kawalan parang sasabog na yung utak ko sa nalaman ko ngayon. Ngayon alam ko na kung bakit…
"Mommy bakit po kami magkamukha ni Kara?" Tanong ko
"As a mother Kira I know there's a difference between to the two of you, yes you look alike because of me but there's a difference between to the two of you"
"Honey Im sorry pero hindi na talaga ako magtatagal kailangan ko ng bumalik sa bahay ng asawa mo bago pa magising si Dave." Napailing iling ako
"No mom please stay baka ano pang gagawin nila sayo doon" Kinakabahan kong pakiusap.
"No honey kailangan kong bumalik doon. Ako na ang bahala doon ipapalabas ko na lang na tumakas ka." Sabi nito
Papaalis na sana si mom ng hinabol ko sya at yakapin.
"Mom wag na po kayong bumalik dun." Pagmamakaawa ko
"Honey hindi pwede promise babalikan kita dito okay." Sabi nito at hinalikan ako sa noo
"Mag ingat po kayo at bumalik ka po please" pakiusap ko
"Matulog kana.” Hinalikan muna nya ako ulit sa noo bago umalis
Awa...
Yan ang nararamdaman ko para kay mommy
At galit para sa fake kong daddy at demonyo kong asawa at sa kambal ko
(A/N: I don’t know guys kung may case na bang kambal pero magkaiba ang ama but this is just a Fiction lang naman a fantasy story kaya wag nyu ng seryosohin, thank you!)