Chapter 26: The guy
Lara POV
Naging maayos naman ang pag tatrabaho ko sa kumpanya ni Zeus. Maliban nalang sa halos araw araw nyang pag aanyaya sa aking mag lunch kasama sya. Napapadalas din ang pag bisita nya sa office ko gayong wala naman sya kailangan. Ewan ko ba, baka mamaya hindi na nya na aayos ang trabaho nya dahil sa pag bwibwisita nya sa akin dito.
Half day lang ako ngayon. Nangako kasi ako sa mga nata na ipapasyal ko sila. Nag tatampo na sila sa akin. Ni hindi ko nga sila makausap kagabi. Pag uwi ko ay tulog na sila. Inisip ko pa nga na baka napagod lang sila sa kakalaro mag hapon pero kinabukasan hindi nila ko kiniss o di kaya nag good morning man lang. Isang buwan pa lamang ako sa trabaho ko. Sa isang buwan na iyon kahit meroon akong day off nag tatrabaho parin ako. Nag uuwi kasi ako kung minsan ng trabaho. Lalo na kung kailangan na kaagad ipasa sa President which is yung Zeus na iyon.
Nag ligpit na ako ng mga kagamitan ko saka nag rady na ako sa pag alis. Alam naman ni Zeus na half day lang ako. Nasabi ko na iyon sa kanya lahapon ng yayain nya akong mag lunch with him.
Saktong pag bukas ko ng pintuan ay ang pagtangka sanang pag bukas ng pintuan ng isang nilalang. Wala ng iba kundi si Zeus.
"May kailangan ka? "
Naka talikod ako sa kanya sinara ko lang kasi yung pintuan ko. Maraming importanteng files sa loob kaya naman hindi pwedeng pabayaan na hindi lock ang office ko.
"Half day lang ako nasabi ko na iyon sa iyo hindi ba? "Nakatayo lang ito sa harapan ko.
"Oo naman, lunch muna tayo bago ka man lang umalis. Lunch break na din naman kasi"nakangiti nitong sabi sa akin.
Binigyan ko ito ng isang magaan na ngiti. Saka umiling.
"Hindi pwede e. Pasensya na, maybe next time. Nag mamadali ako. Bye, see you tomorrow"
Walang lingon lingon akong umalis sa harapan nya. Sayang ang oras nag mamadali ako. Malamang nag hihintay na ang mga anak ko sa akin.
Kita ko sa mga mata nya ang disapointment pero hindi ko ipag papalit ang oras ko na para sa mga anak ko para lang sa lunch na gusto nya. Sa ngayon kasi, ang kambal lang ang nasa isip ko. Masyadong magulo kapag idinag dag ko pa sa isipin ko si Zeus.
"Mommy. "
Kumapit sa akin si Zandra bitbit nito sa kanyang mga kamay ang isang set ng luto lutuan. Nasa toy store kasi kami ngayon. Naisipan kong bilhan sila ng laruan wala naman kasi silang laruan e.
"Akin na, ito lang ba? "Nakangiti kong sabi sa kanya, nginitian din ako ng anak kong babae saka umiling na ibig sabihin ay wala na.
Hindi naman ganoon kaluho ang mga anak ko. Kahit ibinibigay ni Rick ang mga gusto nila pinag sasabihan ko parin sila na hindi maganda ang pag tanggap nga sobra at pag hingi ng sobra. Malalasanayan nila iyon. Dapat makuntento lang sa kung anong meroon at kayang ibigay ng tao.
Hawak ko ang kamay ni Zandra. Hinahanap namin si Zandro. Tumakbo kasi sya banda doon sa mga board games. Pero nang makapunta naman kami don ay wala ang anak ko.
Saan naman kaya nag lulusot lusot ang bata na iyon?
"Mommy, Kuya Zandro is not here"maarteng sabi ng unica ihja ko.
Manang mana sa ama ang kaartihan. Minsan naniniwala na talaga ako na sa aming dalawa iyong si Zeus ang nasarapan nung ginagawa namin itong kambal, kamukha na nga kaugali pa.
"Im hungry na po. "Naawa naman ako sa anak ko. Kanina pa naman kasi kami nag lilibot sa toy store na ito.
Dahil lang sa walang ma pili ang anak kong maganda laruan. Na para sa kanya.
"Later honey, We need to find Kuya muna before we eat, ok? "
Tumango namanbii sa akin. Masyadong malako ang toy store para madaling mahanap ang anak ko. Saan ba naman lasi nah sususuot..
Unti unti na akong nilalamon ng kaba ng isang oras na kaming nag iikot pero hindi parin namin mahanap ang kambal ni Zandra na si Zandro.
Asaan ka na ba anak?
Napapapahid narin ako ng mata dahil sa nag babadyang luha ko. Hindi ko mapigilan, gusto kong mataranta pero kasama ko si Zandra, baka lalo konlang hindi makita ang anak ko kung mag papadala ako sa damdamin ko.
Lumabas kami ng toy store naisip ko baka lumabas ang abj ko. Nag palinga linga ako nag babakasakali na nandyan lang sya sa malapit pero wala.
"Mommy"
Napadako ang tingin ko kay Zandra. Naluluha na din ito. Nag aalala na rin sya sa kakambal nya.
"Mommy!!"
Napalingon ako sa bayang lalaki na tumatakbo papalapir sa akin. Zandro!
Agad ko itong yinakap ng makalapit na sya sa amin maging ang kakambal nya ay yinakap.
"Saan ka ba nag pupupunta anak, nag aalala ai Mommy sayo. Tignan mo pinaiyak mo ang kapatid mo. "Sabi ko dito na may himig ng kaunting galit. Nag alala kasi ako.
"Sorry Mom"halata naman sa himig nito na sincere sya.
Nginitian ko nalamang ito. Bumalik kami sa loob para mag bayad na ng laruan na pinili nila.
"Mommy ito po akin."
Inilagay ko naman sa counter ang chess board at scrable na gusto ni Zandro. After namin mamili pumasok kami sa favorite nilang si Jollibee. Nag hanap muna kami ng uupuan bago ako pumila.
Kumakain na kami ng biglang nag salita ang anak ko.
"Mommy, kanina po may nakita akong guy."seryoso ang muka nito kaya namb lakong naging kamuka nya ang ama.
"Nakatingin po kasi sya sa akin. Natakot po ako. Kaya umalis po ako. Tapos sinundan nya ako ng sinundan. "
Wala naman akong nababalitaan na sindikato na pagala gala sa mall. Ang anak ko ba ang unang mabibiktima. Mga walang hiya sila.
"I thought bad guy sya but he's not Mommy. Ang bait nya po, he help me na makabalik dito. "Nakangiti sya kaya napanatag naman ang loob ko.
Kung darating man ang araw na mawawala sa akin ang isa sa mga anak ko. Hindi ko kakayanin.