Chapter 25: face to face

Lara POV

Hindi ata pabor sa akin si Destiny dahil pinagtagpo nya kami nakakainis yung feeling na palagi na kaming mag kikita I don't like the idea. Iniisip ko pa nga lang na makikita ko sya, makakasalubong ko sya hindi na mapakali itong si heart nababaliw nanaman.

Lukaret ka rin naman kasi girl!!

Uso ang mag tanong pero hindi mo nagawang mag tanong para naman alam mo kung kanino ka mag tatrabaho.

Kakaloka ang life na ito!!!

Kanina parang hindi ko kayang magsalita. Parang gusto ko nalang ihiling sa sahig na "hey sahig!! Kainin mo na ako!! " pero sa kasamaang palad hindi naman iyon mangyayari. Dahil wala namang bibig ang floor.

Isang katok sa pintuan ang nagpabalik sa aking ulirat.

"Come in"

And there he is, ang lalaking kanina ay nasa isip ko lang ngayon nasa harapan ko na. Napaka sexy nyang tignan sa pintuan ko.

Ano naman ang pumasok sa utak ng gwapong nilalang na ito at naisip nyang bisitahin ako.

"What do you need sir? "

Pumasok sya ng tuluyan sa aking opisina. Napalunok ako ng sarili kong laway ng makita kong dahan dahan nitong isinarado ang pintuang nasa likuran nito. Mas lalo pa akong natuyuan ng lalamunan ng makita ko ang sexy nyang ngisi.

Why so sexy Zeus.

"What do i need? "

Naglakad ito palapit sa akin. Suot suot ang sexy nyang ngisi.

Bakit ba ganyan ang lalaking yan. Napaka hot. Kahit yata basahan suot nito gwapo pa din

Ng makalapit na ito sa aking mesa itinukod nito ang dalawang palad saka tinitigan ako sa aking mga mata.

"Ano nga ba ang kailangan ko Ms? "

Kung ako lang yung Lara na shushunga shunga tulad dati. Na kerie pang mag pakatanga ulit sa love baka ang isagot ko sa tanong nya ay 'Ako lang naman ang kailangan mo'

Pero dahil Hindi na ako kagaya ng dati na nauuto pa hindi ko sasabihin iyon kahit ma natutunaw na ako sa mainit nyang tingin sa akin.

"Amh... Ano nga po ba ang kailangan nyo Sir? "

Makisig naman itong tumindig sa aking harapan saka nag cross arm. Lalo tuloy na hulma sa damit nya yung braso.

"Well, nagugutom ako"

Dati bang cafeteria ang office kong ito?

"Nasa baba po ang cafeteria Sir"

Binigyan ko sya ng panandaliang ngiti. Mahal ang ngiti ko para lang makita ng tarantadong tulad nya.

"Samahan mo ako "

What??!!

* * * * *

Inilapag ng waiter ang mga pagkaing si Zeus mismo ang nag order. Oo mag kasama kami. Wala akong nagawa dahil hinila nya na ako palabas ng office, sobra sa pamumula ang muka ko dahil halos lahat ng mga empleyado ay nakatingin na sa amin.

"Wag ka mahiya, kumain ka lang "

Tahimik lang ako habang kumakain. Wala ako sa mood ko para kausapin ang lalaki nakaupo sa opposite side ko. Saka hindi ko rin alam kung Ano ba ang sasabihin ko. Alam ko na chance ko na ito para sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin, pero pakiramdam ko hindi ito ang tamang oras.

Ngayon, lang ulit kami nag kita pagkatapos ng ilan taon. Nandito parin yung sakit na wala kami sa priority nya. Noon naman kasi ang, mata nya naka tutok lang sa iisang babae. Speaking of that bitch, nasaan na nga pala ulit iyon wala na kasi akong balita sa kanya. Pero sa bagay ano ba sya para makipa balita pa ako sa life churvachenes nya.

Nawawalan, ako ng ganang kumain lalo na kung kasing hot ng greek gods ang taong nasa harapan ko. Bakit kasi ipinanganak ito na gwapo nakakainis tuloy. Nakakinis, naiinis ako kasi gwapo sya at naman yan ng mga, anak namin. Ito pa ang nakakainis, kamukang kamuka nya si Zandro ko, namana nya lahat sa ama nya.

"Kamusta ka na? Ilan taon na ba? Ang tagal na rin natin hindi nag kita e. "

Yah! Sa sobrang tagal nawala kana sa isip ko.

Hindi ako nag salita baka kasi may masabi akong hindi maganda. Pag sisihan ko pa sa huli.

"Im sorry "

Hindi ko natuloy ang pag inom ko sa aking wine. Bakit naman sya mag sosorry. Para saan naman. Muka namang nabasa nya angbnasa isip ko.

"Kung naging responsable kang ako, hindi nawawala ang anak natin. Im sorry kahit hindi mo sabihin alam ko, ako ang dahilan ng pag alis mo. "

Isang mabigat na bunting hininga ang pinakawalan ko. Ibinaba ko ang hawak na tinidor at knife. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang telang puti na nakapatong sa hita ko. Saka ko itinuon ang pansin sa kanya.

"Zeus, past is past. Nakaraan na iyon at tapos na ako sa stage ng moving on. Im moving forward Zeus, wag nalang natin pagusapan please. "

Alam ko na gusto nyang ungakatin ang nakaraan na iyon pero, ayokong pag usapan ang bangungot na iyon. Muntik ng mawala sa akin ang mga bata. Yun ang pangyayari sa buhay ko na kailan man ayaw ko ng ma alala pa. Pinapaalala lang non sa akin kung gaano ko kawalang kwentang ina. Inuna ko pa ang pakikipag away kaysa isipin ang batang nasa tyan ko.

"Ok"

Akala ko tapos na ang pag uusap na iyon pero hindi pa pala.

"Pero gusto kong makita ang mga anak ko"

What!!? May alam ba sya? Alam nya ba na buhay ang mga bata? Hindi kaya sinabi sa kanya ng magaling nyang pinsan kuno.

Lintek na iyan!!! Naisahan ako nyon huh!!