Chapter 1: Bad dream and inside the court

"TAKBO!" Humahalakhak na sigaw ng lalaki habang hinahabol ang dalagang nais halayin.

Tuwang-tuwa ang lalaki sa nakikitang takot sa mukha ng babaeng hinahabol. Lalo pa itong nauulol na mahawakan ang dalaga ngunit ang bilis nitong tumakbo.

"Saan ka pupunta?!"

"Ahhhhh... tulong!" Nagsisigaw ang dalaga nang biglang humarang sa daraanan ang isa pang lalaki. Pagtingin niya sa likod ay naroon ang isa pa na humahabol sa kanya kanina.

"Shhh, huwag kang maingay, maglalaro lang tayo ng bahay-bahayan." Tila baliw na wika ng lalaki na nasa kanyang harapan. Ang isa naman ay panay ang hithit buga nito sa kanyang hawak na marihuwana.

"Huwag po, parang awa niyo na!" Hilam sa luha ang mukha na pakiusap nito sa dalawang lalaki. Ngunit hindi nakinig ang mga ito at itinuloy ang masamang balak sa kaniya.

Mga bangag sa ipinagbabawal na gamot ang dalawang lalaki kung kaya walang awa na sinaktan at hinalay ang babae. Iniwan nila ito sa lugar na abandunado nang mapansin na hindi na ito humihinga.

...

"HMMMMM, hmmmm!"

Nagising si Gwen nang marinig ang ungol ng ka-room mate. Panay ang pilig ng ulo nito pakaliwa't kanan. "Yvonne, gising!" Niyugyog niya ang balikat nito nang hindi pa rin magising.

Hinahapong napabalikwas ng bangon si Yvonne nang magising mula sa isang bangungot. Malalaking butil ng pawis ang tumulo mula sa kaniyang noo pero hindi niya alintana iyon. Napaiyak siya pagkaalala sa kanyang masamang panaginip.

"Hushhhh, panaginip lang iyan!" Hinaplos ni Gwen ang likod ng kaibigan at inabutan ng malamig na tubig.

"Salamat!" Pasalamat niya dito habang pinupunasan ang luha sa kaniyang pisngil

"Ano ba ang napanaginipan mo?" tanong ni Gwen sa kaibigan nang humupa na ang damdamin nito.

"Huh, ah, wala iyon." May pag-aalinlangan niyang sagot kay Gwen.

Napailing si Gwen at bumalik na lamang sa kanyang higaan. Ayaw niyanh pilitin ito na magkwento kung ano man ang napaginipan nito. Isang taon pa lang silang magkakilala nito. Maganda si Yvonne at sexy ngunit ni hindi niya ito nakikitang nakipagkaibigan sa mga lalaki. Magkasama sila sa boarding house ng dalaga pero hindi magkasama sa trabaho. Siya ay isang waitress, ito naman ay isang nurse. Pareho silang tubong probinsya pero hindi ito nagkukwento tungkol sa buhay nito.

"Magdasal ka bago matulog upang hindi ka na muli managinip ng hindi maganda." Payo ni Gwen sa kaibigan bago bumalik sa pagtulog.

Malungkot na humiga muli si Yvonne at dilat ang mga mata na nakatingin sa kisame. Hindi na muli siya dinalaw ng antok dahil sa kakaisip sa nakaraan. Tatlong taon na rin ang nakalipas nang huli siyang nanaginip ng ganoon. At sa tuwing managinip siya ay kailangan na naman niyang kumilos.

...

HINDI mo sinabi sa akin, bro na lolo mo pala ang matandang iyan." Tumatawa na wika ni Ashton nang palabas na sila ng korte. Unang araw iyon na pagdinig sa kaso ng kaibigang si Jeydon at kahit dehado sa unang pagdinig ay hindi sila apiktado.

"Tsss, huwag mo nang ipaalala at para ka na ring si Micko." Iritableng sagot ni Jeydon sa kaibigan.

Nilampasan nila ang abuelo na matiim nakatingin sa kanya. Kahit matanda na ay nasa mukha pa rin ang pagiging aristocrat at mapagmataas na tao. Alam niya na gusto siya nitong lapitan at kausapin ngunit pinipigilan ng sarili nitong pride.

"Sa kanya ka siguro nagmana, Bro!" Tumatawang biro ni Ashton sa kaibigan, ang pagiging babaero nito ang kanyang tinutukoy.

Mabilis na inangat ni Jeydon ang kaniyang kamay at akmang babatukan si Ashton ngunit mabilis itong nakailag.

Pagkarating ng hideout nilang mga eagle, inilatag ni Cloud ang tungkol sa gagawin para bukas ukol sa kaso ni Jeydon.

"Sa tingin ko ay gagamitin din nila si Ynrahd bukas." Ang nasambit ni Ashton matapos ma discuss ni Cloud ang maging takbo ng kaso. Hindi siya abogado pero naka relate siya sa pagpapaikot na gagawin bukas ng mga kaibigan sa korte. Kung hindi matalino ang kaibigan sa umpisa pa lang ay baka madidiin ito sa kaso na hindi nagawa.

"Hindi imposible na mangyari iyan." Sang-ayon ni Micko kay Ashton.

Napailing si Ashton habang pinagmamasdan ang nasa litrato. Isa sa kakayahan nila ay malakas na pakiramdam kapag may gustong kumalaban sa kanila. Dahil diyan, nahulaan agad ni Jeydon na may binabalak na masama dito ang mag-ama. Magaling din ang kaibigan nilang si Cloud na abogado. Kahit na walang hawak na evidence ay alam niya na kaya nitong maipanalo ang kaso gamit ang kakaibang strategy nito sa paglilitis ng kaso.

Kinabukasan ay naging mainit ang palitan ng tanong sa magkabilang panig. Tama nga ang hinala ni Ashton na gagawing star witnesses ng mga ito si Ynrahd. Naawa siyang tignan ang kaibigang si Jeydon dahil nasasaktan ito sa sitwasyon.

Lalong nagkagulo sa loob ng court nang atakehin sa sakit nito si Ynrahd dahil sa takot. Nais niya sanang lapitan ang babae upang suriin ang kalagayan nito ngunit binakuran ng kalaban ang dalaga. Isa pa ay pinapakalma niya si Jeydon habang hawak ito sa batok. Hindi ito maaring lumapit sa kabilang panig dahil baka madagdagan na naman ang kaso nito. Nang humupa ang tensyon sa paligid ay itinuloy ang pagdinig sa kaso.

"Inuulit ko, sino ang nag-utos sa iyo na dukutin si Miss Ynrahd Ehd?" Puno ng tapang ang tinig na tanong ni Cloud sa kriminal.

"Si Eagle One po!" sagot ng kriminal.

"Alam mo ba na madagdagan ang maging kaso mo kapag napatunayan na nagsisinungaling ka lamang?" Naninindak na tanong muli ni Cloud.

Napatingin ang kriminal sa gawi nila Lemuel bago sumagot. "Hindi po ako nagsisinungaling. Si Eagle One ang nag-utos sa akin na sunduin si Miss Ynrahd at ihatid sa kanya."

"Huling pagkakataon mo na ito, kapag nagsabi ka ng totoo, ipababa ko ang maging sentinsya sa iyo. Pero kapag napatunayan na nagsisinungaling ka lamang, habang buhay ka makukulong!"

"Obection, your honor!" Sumingit na naman si Jacob sa paglilitis dahil kinakabahan na ang kriminal.

"Objection, rejected! Sagutin mo ang katanongan ng abogado sa iyo!" Nakakunot ang noo ng hurado na nakatingin sa kriminal. Maging siya ay naghihinala na nagsisinungaling nga ito ayon sa nakikitang takot at pag-aalinlangan sa mukha nito.

Inulit ni Cloud ang tanong sa kriminal at ang sagot nito ay pinanindigan nga na si Jeydon ang nag-utos dito.

Laglag ang mga balikta nila Lyndia at ng ama nang matapos malitis ang kriminal. Ngunit dagli lamang iyon nang humiling ang abogado ni Jeydon na ilagay sa witness stand ang ama ni Lemuel. Tumayo ang ama upang sang-ayunan ang nais ni Cloud at sumunod na rin siya na sumang-ayon. Alam niya na ang asawa ang nasa likod ng lahat nang ito upang makulong ang kanyang anak. Kung hindi man maabswelto ngayon si Jeydon, nangako ang ama niya na gagawa ito ng paraan upang mapalaya ang tunay na apo.

Naging mas mainit ang talakayan ng isinalang na si Robert at nilitis. Tumanggi ito sa mga katanungan ni Cloud kung kaya inilabas nila ang hawak na alas na siyang nagpabagsak sa mag-amang Orchua. Hindi mapagkaila na ito nga ang nasa likod ng krimin nang makita nilang lahat ang larawan nito na kausap ang kriminal. May video ring kuha, kahit hindi naririnig ang pag-uusap ng mga ito ay malinaw na inabutan ni Robert ng malaking halaga ang krimenal. Hinatulang guilty si Robert nang araw ding iyon at kinasuhan din si Lemuel sa pakipag sabwatan nito sa ama.

Lalong lumakas at nakilala ang kanilang ahensya nang mailathala sa medya ang kaso ni Jeydon at si Cloud ang abogado. Marami ang humanga lalo na sa huling araw ng hearing. Ang akala ng lahat ay mahahatulang guilty si Jeydon. Humarap na rin sa kamara si Jeydon at pinakilala ang tunay na kataohan bilang myembro ng Eagle's Wings Private Agency.

lumipas ang ilang buwan ay ang araw ng kasal naman ni Jeydon ang dinaos. Syempre siya ang best man sa kasal nito.

"Anak, hindi ikaw ang ikakasal kundi ang best friend mo." Tumatawa na sita ni Aleng Nora nang mapansin si Ashton na hindi mapakali sa harap ng salamin at panay ang suklay sa buhok nito.

"Mama naman, kailangan kong maging pogi sa harap ng mga abay sa kasal dahil baka isa sa kanila na ang maging asawa ko." Pakwela na sagot nito sa kanyang ina.

"Naku, ewan ko sa iyong bata ka, napakapihikan mo naman kung kaya wala ka pang nahanap na matinong babae." Palatak ng kanyang ina.

Ngumiti lang si Ashton sa ina habang nakatitig sa salamin. Takot siya magseryoso sa relasyon lalo na sa estado ng kaniyang trabaho ngayon.

Kasama ang ina na um-atend ng kasal nila Jeydon at Ynrahd. Napangiti siya nang makita si Mang Raul na nakaakbay na ngayon sa tunay na ina ng kaibigan. Masaya siya dahil sa wakas ay nagkaroon muli ng kulay ang buhay nito kahit na may edad na ito.

Siya ang best man sa kasal ng kaibigan at hindi niya kilala ang ka-partner. Maganda rin naman ito ngunit sobrang hinhin. Ang gusto niya sa babae ay matapang at palaban. Iyong tipong mahirapan siya hulihin ang kiliti nito bilang isang babae.

"Relax lang, bro, para ka namang pusang hindi mapatae sa ginagawa mo." Puna ni Ashton kay Jeydon nang mapansin na panay ang galaw ng paa nito habang nakapamulsa.

"Tsk, hindi ako mapakali hangga't hindi pa siya dumarating. Baka kung ano na naman ang maisip niyon na kalokohan," ani ni Jeydon, kinakabahan siya dahil nagmamaktol umano ang dalaga kagabi ayon sa ina nito. Nagtampo ito dahil gusto siyang makita kahapon ngunit bawal para sa ina nito.

"Parating na raw sila, siniguro nila Sasha na walang aberya." Tinapik ni Ashton sa balikat ang kaibigan. Masaya siya dahil sa wakas ay tumino na ito sa babae. Marami rin itong napaluhang babae lalo na nang inamin nito noon sa medya kung ano ang relasyon nito kay Ynrahd.

"Thanks, Bro," ani nito at bahagyang ngumiti kay Ashton.

"May bayad ito, bro, tumatanggap na ako ngayon ng cash." Pabiro niyang sagot sa kaibigan.

Tumawa lang si Jeydon at nabawasan ang kabang nadarama lalo na nang makita ang nobyang papasok na. Sa isang sikat na Hotel ginanap ang kanilang kasal. Mula sa paikot na hagdan ay bumaba sila na magkasabay at magkahawak kamay. Kaiba ang seremonya ng kanilang kasal dahil kinasal sila bilang muslim.

Author's Note: Basahin po ang book 1-4 upang hindi malito sa eksina at sa mga characters sa librong ito at makilala sila ng husto. Follow me to find these book, thank you!