Chapter 15: Disgusting
"Pakawalan niyo na ako, pangako hindi ako magsasalita kung ano man ang nakita ko dito." Baka sakali niyang pakiusap sa mga ito kahit alam niya na imposible.
"Huwag kang matakot, dadalhin muna kita sa langit bago paharapin kay San Pedro!" Tumatawa na hinaplos ni Meynard ang mukha ng dalaga.
"Demonyo ka! Hindi kita patatahimikin kapag ako'y namatay! Lahat kayo pati ikaw babalikan ko!" Nagwala siya mula sa pagkatali at masamang tinitigan ang matandang doctor. Ipinangako sa sarili na papatayin niya rin ang mga ito sa panaginip tulad ng ginawa ni Irish kay Luis.
"Tonta!" Sinampal ni Meynard sa mukha ang dalaga, "tumahimik ka kung ayaw mong ikaw ang unahin naming katayin!"
Napaiyak na lamang si Yvonne habang pinapanuod ang paghahanda ng mga ito sa pagtanggal sa puso ng lalaki.
"Lalabas muna ako at baka may maghanap sa atin dahil bigla tayong nawala." Paalam ng matanda sa dawalang binata. Ayaw niyang panuurin ang gagawing panghahalay ng mga ito sa dalaga bago patayin.
"Nasaan ka? Bakit hindi ka magpakita ngayon at ako naman ang tulongan mo?" bulong ni Yvonne sa kawalan at tinatawag ang kaluluwa ni Irish.
Mula sa kawalan, umiiyak ang kaluluwa ni Irish na nakatunghay kay Yvonne. Humina na siya dahil nawala na ang itim na kapangyarihan na bumabalot sa kanyang kaluluwa. Natuto nang umibig ang dalagang kanyang pinagkukuhanan ng lakas kung kaya humina siya. Limitado na rin ang kakayahan niya na magpakita sa taong makakatulong na lutasin ang kaso at mabigyan siya ng hustisya upang tuloyang matahimik ang kanyang kaluluwa.
"Nakita mo ba si Yvonne?" hindi mapakali na tanong ni Ashton kay Amelia. Kanina pa siya kinakabahan lalo na at panay ang haplos ng malamig na hangin sa kanyang batok.
"Huling kita ko sa kanya, doc ay papunta siya sa second floor. Mukhang pupunta sa operating room."
"Pakihanap nga siya, kailangan ko rin siya para sa bagong pasyente ko." Utos niya kay Amelia.
Pagkatalikod ni Amelia ay tumayo na rin siya at titignan muna ang pasyenteng hawak. Nabalitaan niyang natapos na kagabi ang hawak na kaso ni Ruel sa Probinsya. Kung koniktado ang kaso na iyon sa hawak niya ngayon, siguradong naalarma na ang kriminal at kumikilos ngayon.
Mahigit isang oras nang hindi makita ni Ashton ang dalaga kung kaya dumoble ang kaba niyang nararamdaman ngayon.
"Nasaan si Meynard?" tanong niya kay Amelia na kapapasok lang sa opisina niya mula sa paghahanap kay Yvonne.
"Hindi ko rin siya makita, Doc! Maging ang pasyente niya na pinababantayan mo sa amin ni Yvonne ay wala na rin sa silid nito.
"Ikaw na ang bahala dito kapag hinanap ako. Kailangan kong mahanap si Yvonne dahil masama ang kutob ko." Nagmamadali niyang bilin kay Amelia habang kinukuha ang baril na nakatago sa kaniyang drawer at itinago sa loob ng suot na coat.
"Mag-ingat ka, Doc!" pati si Amelia ay nakaramdam na rin ng kaba dahil sa ikinikilos ng huli.
"Maging handa ka at manatiling magmatyag sa paligid. Kapag may napansin kang kakaiba at nakita mo siya, ipagbigay alam mo agad sa akin." Bilin niya sa dalaga bago tuloyang umalis.
Umakyat siya sa second floor kung saan huling namataan ni Amelia si Yvonne. Pumasok siya sa isang silid nang mamataan ang matandang doctor na dadaan sa kinaroonan niya.
"Cancel all my appointment, is that clear?" May himig galit na turan ng matanda sa kanyang secretary.
Iiba na sana ng direksyon si Ashton, nang mapatingin siya sa matanda na naglalakad sa kanyang unahan. May pagmamadali itong pumasok sa operating room. Ang nakaagaw pa ng kanyang pansin ay ang pagpakita ng isang imahe na bagamat malabo at mabilis na naglaho ay malinaw niyang nakita ang pagsenyas nito at nakaturo sa ginoo. Mabilis pa sa alas kuwatro na sumunod siya sa matanda na may pag-iingat.
Napakubli siya likod ng pinto nang lumingon ito sa kinaroonan niya. Ramdam niya na bumalik ito at muling isinara ang pintong umawang nang buksan niya kanina. Naghintay muna siya ng isang minuto at pinakiramdaman ang kilos sa loob. Ang tahimik kaya marahan niyang binuksan muli ang pintuan. Sinanay niya ang mata sa madilim na paligid dahil naka off ang ilaw. Sinuyod ang paligid ng naturang silid ngunit wala ni anino ng matanda. Sinilip pa niya ang ilalim ng kama na naroon ngunit walang tao. Naikuyom niya ang kamao sa isiping may secret door ang silid. Lumakas ang kutob na may kinalaman ang matanda sa biglang pagkawala ni Yvonne.
"Tumawag ka ng back-up kapag hindi ako nakalabas agad mula dito sa loob ng operating room, alam niyo na ang dapat gawin." Pagbigay niya ng transaction kay Amelia habang iginagala ang tingin sa madilim na paligid. Hindj niya maaring buksan ang ilaw at baka maalerto ang kaaway.
"Copy, Doc!" sagot ni Amelia sa binata mula sa kabilang linya.
May pagmamadali na hinanap ni Ashton ang maaring ibang daan kung saan lumusot ang matanda. Pinatili niya ang dilim sa paligid upang hindi maalarma ang taong hinahanap niya. Lahat ng dingding ay sinubukan niyang itulak ngunit walang palatandaan na mayrong ibang pinto roon.
Nanlulumo na napaupo siya sa sahig at naipikit ang mga mata. Pagmulat niya ay muntik na siyang mapahiga dahil biglang tumambad sa kanya ang nakakasilaw na liwanag mula sa isang ilaw. Sinundan niya ito ng tingin kung saan ito nanggaling, unti-unting humina ang liwanag niyon hanggang sa magpatay sindi na animo'y may naglalaro sa naturang switch ng ilaw. Marahas siyang tumayo nang tuloyang nawala ang liwanag. Mabilis na nilapitan ang pabilog na ilaw na nakadikit sa dingding at hinawakan. Marahan niyang itinulak nang maramdaman na gumalaw iyon pabukas.
"Anak ng tokwang, narito ka lang pala na pintuan ka!" minura niya sa isip lamang ang walang malay na pinto.
Dahan-dahan siyang humakbang sa baitang pababa. Hindi pa siya nakapangalahati ay naulinigan na niya ang mga boses ng mga nag-uusap. Binunot niya ang baril na nakatago sa loob ng kanyang uniporme bilang manggagamot. Halos madurog ang armas na hawak niya nang marinig ang boses ng babae na kilalang-kilala niya kahit hindi pa nakikita ang mukha.
"Pakawalan niyo ako! Mga hayop kayo!" Tigam ng luha ang mukha niya habang nagpupumilit na makawala sa pagkahawak sa kanya ni Meynard. Itinayo siya nito mula sa kinaupuan upang iharap sa pasyente at ipakita sa kanya kung paano tatanggalin ng matandang doctor ang puso nito.
Humalakhak ng malakas si Meynard nang makitang nangisay ang pasyente nang turukan ito ng malakas na dosage ng tiyuhin.
Nasuka si Yvonne sa pinaghalong emosyon. Takot, awa at galit. Wala siyang nagawa upang tulongan ang lalaki na hindi na nagising. May nakakabit dito na aparato na nakakonekta sa puso nito. Naipikit niya nang mariin ang mga mata at ayaw na niyang alamin at makita kung ano ang sunod na gagawin sa lalaki.
Panay ang hithit buga naman ni Philip sa isang tabi. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakita ng operasyon. Maging siya ay gustong masuka dahil buhay pa ang pasyente na aalisan ng puso.
Walang ibang daan o paraan na naisip si Ashton nang mga oras na iyon upang mailigtas ang pasynete kasama si Yvonne. Iisa lang ang magagawa niya at iyon ay gulatin ang mga ito at tutukan ng baril. Ngunit nagdadalawang isip rin siya na gawin iyon dahil hawak ni Meynard ang dalaga. Alam niya na baliw na ito at hindi mangiming gagamitin laban sa kanya ang huli.
"Matagal pa ba iyan?" Naiinip na tanong ni Philip sa magtiyong baliw.
"Maghintay ka! Kailangan kong mag-ingat upang hindi masayang ang puso na ito!" Galit na sagot ng matanda habang sinisimulan nitong hiwain ang dibdib ng lalaki.
Hindi na nakatiis si Ashton sa nakikita, mabilis siyang lumabas mula sa pinakublihan. "Tigil! Itaas ang mga kamay!" Pinaglipat-lipat niya ang pagtutok sa hawak na baril sa tatlong lalaki.
"Woah!" Tumatawa na ani Meynard kahit na nagulat. Napahigpit bigla ang pagkapulupot ng braso sa leeg ng dalaga dahil sa pagkagulat.
"Easy, buddy, baka pumutok iyan at maging kriminal ka pa." Bumungisngis si Meynard ng tawa na tila laruan ang tingin sa baril na hawak ni Ashton.
Ang matandang doctor ay nagulat din at agad na itinaas ang dalawang kamay. Samantalang si Philip ay naging alerto kahit na nakataas din ang mga kamay.
"Paano ka nakapasok dito na gonggong ka?" Nanlilisik ang mga mata ni Meynard, hindi alintana ang ginagawang pagwawala ni Yvonne.
"Pakawalan mo siya!" Itinutok ni Ashton dito ang baril. Marahan siyang humakbang palapit sa matandang doctor habang nanatiling nakatutok ang hawak na baril kay, Meynard.
"Kabitan mo ng life support ang pasyente!" utos niya sa matanda, nataranta naman ito na sumunod agad.
Dahan-dahang kumilos si Philip habang hindi hinihiwalay ang tingin sa taong may hawak na baril. Lol
"Diyan ka lang!" babala ni Ashton sa isa pang lalaki na nakatayo sa isang tabi. Nagtangka itong abutin ang isang patalim na gamit pang-opera.
"Huwag kayong sumunod sa gonggong na iyan!" Bulyaw ni Merynard sa dalawa habang nanlilisik ang mga mata at muling humigpit ang pagkapulupot ng braso sa leeg ng dalaga.
"Arghh!" Napaubo si Yvonne nang kapusin na siya ng hininga dahil lalong humigpit ang pagkasakal sa kanya ng lalaki.
"Pakawalan mo siya dahil kung hindi ay tutuloyan ko itong tiyuhin mo!" paninidak ni Ashton kay Meynard at naaawa sa nakikitang sitwasyon ni Yvonne.
Lalo lamang natawa si Meynard at naaaliw sa tinuran ni Ashton. "Edi patayin mo, sino ang tinatakot mo? Ako?" Nakakalokong tanong nito habang tumatawa.
"Sira ulo kang mangmang ka!" Galit na inudayan niya ng suntok sa sikmura ang matanda upang doon ilabas ang galit na para kay Meynard.
"Sige patayin mo na iyan!" Nadedemonyonh utos pa nito kay Ashton.
Natigil naman si Ashton sa ginagawa. Nagpadala siya sa galit kung kaya nalingat siya at nakakuha ng armas ang isa panlaban sa kanya. Hindi niya napansin na may baril sa jacket na nakasukbit sa isang tabi.
"Mukhang magaling na doctor ang isang ito, Pareng Nard!" Nakangisi na kumento ni Philip at itinutok ang hawak na baril sa binata. Hindi siya natatakot na nakatutok rin sa kanya ang baril nito.
"Iputok mo na, pare at nang ako na lang ang matira na magaling na doctor dito!" Tumatawa pa rin na wika ni Meynard. Bahagya nang lumuwag ang pagkasakal niya sa dalaga dahil nag-e-enjoy siya na panuurin ang dalawa.
"Ash, mag-ingat ka! Sila rin ang pumatay kay Irish!" kahit hirap huminga ay nagawa pa rin niyang bigyan babala ang binata. Natatakot siya para sa buhay ng binata. Mas gustohin pa niyang siya ang mapahamak keysa ito ang malagay sa piligro.
Gulat na napatingin si Ashton kay Yvonne at iyon ang kinuhang pagkakataon ni Philip.
'Banggghh...!"