NMKIMB 18
LINZIE'S POV:
"Thank you for coming, Ma'am and Sir. Please comeback if you have free time." Nakangiti kong pagpapaalam sa mag-syota na ngiti na lang din ang tugon.
Hinawakan pa ng lalaki ang balikat ng babae para makalabas sila nang sabay sa pintuan. Napahalumbaba na lang ako habang pinagmamasdan ang pagiging malambing ng lalaki sa gf niya.
Mahal na mahal talaga ng lalaki ang babae, akalain mo na binili talaga ang pinakamahal na libro sa bookstore na ito. 'Yun nga lang hindi ko maalala kung ano ba ang binili nito, sa pagkakaalam ko ay rare book na lang 'yun at international pa.
At saka mahaba, medyo mahirap akong makaalala patungkol dito.
Pero napalayo ang aking mukha sa pinto. Nakaalis na rin ang mag-syota kaso ang pumasok naman ang may-ari na naka-formal suit.
Businessman na businessman talaga ang dating. At ang kaniyang paglalakad ay parang nag-mo-model lang.
Hindi ko man makita nang maayos, napapansin naman ito ng peripheral vision ko. Nakita ko pa ang pagtingin niya sa gawi ko at pagdahan-dahang paglalakad sa aking direksyon.
Papalapit na sana siya ng may nauna na sa kaniya. Parang kilala ko 'to 'a.
'Yung tindig. Paano siya pumurma at wait... tiningnan ko naman ang mukha niya at doon ko nakumpirma na tama nga.
"Naks! Yaman na yaman ang dating! Kailan ka pa rito at bakit hindi kita napansin?" Nagtataka kong tanong sa lalaking nakasuot ng pantalon na pula habang ang pang-itaas niya ay jacket na may dalawang bulsa sa harapan na kulay itim at pinartneran ng puting t-shirt.
"Anong mayaman ang dating? Baka ito." Tinuro niya pa ang boss ko na walang ekspresyon ang mukha sa aming dalawa.
Tinitigan nila kaming dalawa ni Mike bago dumiretso sa kaniyang paglalakad. Binanggaan niya pa ang dating kaibigan ko na si Mike sa may balikat at naglakad paitaas ng hagdanan.
Nakita ko pa kung paano yumukom ang kamao ni Mike at susugurin na sana si Sir Jack nang mabilis kong kinuha ang kaliwang braso niya. 'Yun lang naman ang malapit at magagawa kong kunin.
"Huwag. Huwag mo siyang susugurin." Pagpapatahan ko sa maaaring gustong gawin nitong si Mike kay Sir Jack.
Wala rin siyang alam tungkol sa Underworld kaya hindi siya nag-iisip nang maayos.
Kung ipagpapatuloy niya ito, iba ang matutuluyan niya. Kabaong na agad.
"Kakaasar ang customer na 'yon ah! Akala mo kung sino siyang hari ng daan. Hindi ba p'wedeng mag-excuse. Akala mo naman siya ang may-ari nitong bookstore na ito. Haist! Kakabanas! Bakit mo ba ako pinigilan?" Sabay baling sa akin ng tingin matapos niyang magsalita nang mahaba. Matalim pa rin ang tingin niya kay Sir na malayo na sa aming direksyon.
"Hindi kasi siya customer."
"Eh ano? Boyfriend mo? Aba ayoko sa tulad niya. Hindi siya bagay sa 'yo." Tinaasan pa ako nito ng kilay.
Bakla ba itong lalaking ito?
Saka anong pinagsasabi niyang boyfriend? Wala nga sa akin nararamdaman si Sir Jack 'e.
Parang wala lang sa kaniya ang nakita niya at nagdiretso lang sa second floor na parang walang nakita.
"Ano ka ba?! Hindi ko siya boyfriend, boss ko siya!" Hinampas ko pa ang kaniyang dibdib na ikinaatras niya habang nakanganga sa aking direksyon.
"A-as in? S-siya? Siya si Jack Krean Miller?" Paninigurado niya pa habang namumutla. Nauutal din ang kaniyang tono na para bang may ginawa siyang hindi maganda.
"Oo bakit may problema ba?" Pailing-iling naman siya sa tanong ko.
"Hindi ka ba natatakot sa maaari niyang gawin? Dito mo talaga naisipan na mag-apply. Kakaiba ka talaga." Naiiling na lang siya sa bawat lumalabas na kataga mula sa kaniyang bibig.
"Wala naman siyang ginagawa. Saka alam kong hindi niya ako sasaktan." Ngumiti pa ako para masigurado niya na hindi ako nagsasabi ng mali patungkol sa lalaking 'yon.
Napabuntong-hininga na lang siya at may inabot sa akin na libro. Bibilhin niya siguro.
Kaya hinanap ko sa list ko ang libro para malaman kung magkano.
Title ay 548 Heartbeats by peachxvision. Hindi ko aakalain na mayroon din pa lang libro nito rito. Maganda ang story na ito, sa ebook ko pa lang siya nababasa at sa keypad pa kaya ilang araw akong nagbasa para matapos lang ang storya.
"Mahilig ka pala sa romance? Astig ng mga pinagbago mo 'a."
Habang sinasabi ko 'yun ay ginagawa ko naman ang trabaho ko. Nilagay ko na sa maliit na plastic na may logo ng bookstore ang libro na binili niya.
"Magkano?"
"100 lang ang nakalagay rito. Bakit dadagdagan mo?" Ngumiwi naman siya sa sinambit ko at saka naglabas ng pera.
Saktong 100 ang inilapag niya sa lamesa at kinuha na ang plastic na kinalalagyan nito.
Napalingon pa siya sa buong paligid. Marami pang mga customer ang nasa iba't ibang counter. Hinahanap ang kanilang libro na matitipuhan.
"Hindi naman ako nagbabago. Depende sa libro at pagkakasulat ako nag-fo-focus. Ikaw ba? More on fantasy and action ka pa rin ba?" Muli niya akong binalingan ng tingin kaya napatango na lang ako.
Bata pa lang ako nang makilala ko si Mike. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Pero ayaw niyang tatawagin ko siyang kuya. Kapag sinabihan ko siya ng ganon, magagalit siya at ako naman ay susuyo.
Kaso nagkalayo kami ng limang taon. Umalis siya ng bansa, ako naman ay pumunta ng siyudad. At hindi ko inaasahan na pagtatagpuin na naman kami ng tadhana sa mismong lugar na gustong-gusto naming mapuntaan noong mga bata pa kami.
Grabe naman 'yan.
"Maiinggit lang ako sa mga love story ng bida. Mas mabuti na ang fantasy at action, less romance. Pero depende pa rin sa mga mapipili mo na libro, 'yung iba mas nakatuon ang romance kaysa ro'n. K—"
" Are you working or chitchatting with a guy?" Napatayo agad ako nang ayos magmula ng marinig ko ang boses ng aking boss.
Marahan pa akong napalingon kay Sir Jack na wala pa ring mababakasan ng kahit ano mang emosyon sa kaniyang mukha.
Nakatingin lang siya sa aming dalawa ni Mike at muling naglakad na parang wala siyang nakita.
Nang makarating siya sa aking kinaroroonan. Lumingon siya sa akin at binigyan ako nang mapanuring tingin.
"I'll catch you up exactly 6 PM in your address. Kung wala ka, wala ka na ring trabaho pang makikita. I'm warning you."
Pinasadahan pa niya ng tingin si Mike mula paa hanggang ulo. Nang makita na niya ang kaniyang hinahanap o may malaman na siya mula rito ay naglakad na siya palabas na parang walang nangyari.
Napalingon pa kami sa isa't isa ni Mike sa naging asal nito. At muling gumawi ang mata namin sa labas.
Ganon na lang ang pagtaas ng aking kilay sa nakita. May tumigil na kotse na itim sa mismong direksyon ni Sir Jack.
May lumabas na isang babae na naka-fitted dress, pero hindi ko makita ang mukha dahil may sumbrero siya na mahaba para matakpan ang kaniyang pagmumukha.
Niyakap ng babae si Sir Jack pero nanatili lang na nakatayo at parang kahoy na hindi natitibag kahit sino ang lalaking ito.
"He's really weird... and dangerous too. Pero matinik sa babae, sino kaya 'yan?" Nagtatakang tanong ni Mike pero hindi ko na siya inintindi pa.
Kailangan ko ng tapusin ang ginagawa ko para makauwi ako nang maaga.
Alas diyes pa naman. Marami pa lang oras. Pero marami pa talaga akong trabaho. Dito na lang ako magtutuon ng aking sarili.