Chapter 14: NMKIMB 14

JACK'S POV:

Isang buwan na ang nakakalipas magmula ng imbitahan at dalhin ako ng dalawa sa sariling bar ko.

Hindi na muli silang nag-abala pa sa akin. Kinausap lang nila ako para sa misyon na gusto nilang gawin ko, kapalit ng pagtulong sa nawawalang bagay na pagmamay-ari ng pamilya ko.

Isa na rin 'yun malaking tulong sa akin. Baka sakaling mas mapabilis ang paghahanap ko sa letcheng kahon na 'yon. At malaman ko na kung ano ba ang kahalagahan no'n sa aming pamilya.

Maski ako ay na-ko-curious sa laman. Ano kayang meron?

Sa loob din ng isang buwan na 'yon nakikilala ko na nang mabuti ang empleyado ko. Magaling siya at kitang-kita ko sa mini camera kung paano niya banatan ang mga kalalakihan na nambabastos kapag naglilinis siya ng mga libro.

Ginagawa niya talaga ang lahat para sa pamilya na kailangan siya. Nasa kaniya na talaga nakaatang ang lahat. Dahil siya ang panganay na anak ng mga ito.

At ngayong araw ay inaasikaso ko naman ang ipinapahanap sa akin na mga nakatakas na bilanggo sa underworld.

Hindi naman ganon kalakas ang mga sasagupain ko, ang inaalala lang nila ay kung nasa'n ang mga ito. Hindi rin nila masabi sa kanilang magulang ang tungkol dito dahil na rin sa ayaw nilang masangkot na naman sa gulo ang magulang.

Inaalala lang talaga nila ang mga magulang nila dahil iilang taon pa lang ang pagiging payapa ng buhay nila.

Hindi naman magbabago 'yon, hanggang nasa trono ka, kailangan mong gawin ang nakaatang sa iyo. Hindi ko alam kung paano nagagawa ni X na pagsabay-sabayin ang maraming organisasyon na ito. At nalaman ko pa na pinuno pa siya sa organisasyon ng ipinagawa ng magulang niya para sa kanila.

Kaya nga't bilib na bilib ako, bilib din ako sa kambal ko. Kaso nga lang mas angat pa ang Yuazzer.

"Putakte naman 'yan! Naalibadbad na ako sa lalaking 'yon. Jack naman tulungan mo naman ako." Napalingon agad ako sa pintuan na bumukas. Nakita ko si Froyd na naiinis habang kinukuskos ang pisngi niya na panigurado na hinalikan na naman siya ni Aze.

"It's your fault too. Dapat hindi ka na lang nagpa-cute sa harapan niya, bakit ba para kang aso na kapag pinagalitan ng amo ay yuyuko nang yuyuko?" Naiiling na tanong ko sa kaniya pero napangiwi lang siya sa akin.

Mabilis siyang umupo sa nag-iisang upuan sa aking unahan.

Nasa loob ako ng main office sa bahay ko. Hindi pa ako nakakabisita sa dalawang business na ipinundar ko.

Gusto ko munang alamin ang unang target ko bago pumunta ro'n.

Kaso kailangan ko ng partner para rito. Kaya kong gawin ng mag-isa pero mas maganda na ang may back-up kapag nawawala ako sa sarili.

Kailangan nilang pabalikin ako sa sarili bago ako kainin ng demonyo sa utak ko na patuloy akong nilalamon habang buhay pa ako.

"Tsk. Bakla ba siya? Hindi naman halata. Saka for pete's sake! I'm already old. Hindi ba siya naaasiwa sa ginagawa niya?" Naiinis na naman na turan nito sabay paypay pa sa kaniyang sarili.

Napaismid na lang ako sa ikinikilos ng lalaking ito. "Ano na bang oras?"

"Pasado alas otso na rin ng gabi. Huwag mong—"

" Bakit hindi pa umuuwi itong si Link?" Takang tanong ko sa aking sarili pero narinig din ni Froyd.

"Huh? Sinong Link 'yan? Saka bakit mo ba ako pinuputulan ng—"

"Sh*t! We need to go!" Singhal ko kay Froyd saka nagmadali nang tumayo sa aking pagkakaupo.

Hinila ko pa ang kaniyang kwelyo para makalapit sa akin. At dumiretso sa labas ng pinto na bukas.

"Ah! Ano ba?! Makakalakad naman ako! Ah! A-aray! Bakit ba ganiyan ka?!" Patuloy ang pagsigaw ni Froyd habang hila-hila ko siya palayo.

Pero hindi ko 'yun pinagtuunan ng pansin. Sobrang bagal pa naman niyang maglakad. Kaya magdusa siya sa akin.

***

"F*ck! Link! Link! Link! Where are you? Goddamn it!" Patuloy ang pagtatakbo ko sa buong paligid sa first floor.

Hinahanap ang presensya ni Link o Linzie pero hindi ko siya mahanap. Nagkakarerahan na rin ang aking dibdib sa matinding kaba.

Hindi naman ako ganito, hindi ako marunong mag-alala sa ibang tao kung hindi ko naman sila kilala.

But f*ck! Why I'm being like this?

Ano bang mayroon sa babaeng ito?

"I-I'm here." Rinig kong boses mula sa itaas ng hagdanan.

Mabilis akong napalingon sa itaas. Ganon na lang ang tuwa ng aking puso na makita siyang buhay na buhay.

"Wait! Pupunta ako r'yan. Huwag kang gagalaw." Pagpapaalala ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagtataka niya pero napatango na lang din.

Mabilis ang kilos ng aking mga paa palapit sa kaniyang direksyon.

Muntikan pa akong mapatapilok dahil sa hagdan na ito kung hindi lang ako nakabalanse.

Nang makarating ako sa second floor ay doon ko nadatnan ang limang manloloob na wala ng malay.

Puno na ito ng dugo sa  mukha at may hiwa pa sa tiyan ang iba. Alam kong gawa ito ni Link. Pero nandoon pa rin ang pag-aalala ko sa kaniya.

'F*ck! What happened to me?'

"Sir wala pong nawalang libro o mahalagang bagay sa bookstore mo. Kaya 'wag na po kayong mag-alala."

Pinaningkitan ko naman ng mata ang babaeng ito. Hindi ko alam kung bakit ganon ang laki ng impact ng sinabi niya.

Akala niya ba sa mga libro ako nag-aalala? For f*cking sake I don't even know this thing too.

"Y-yeah. W-well... congrats and you did well."

Wala na akong ibang nasabi pa kundi 'yun na lang. 'Yun lang din naman ang naiisip niya kaya go with the flow na lang.

Napansin ko naman ang pagngiti niya nang peke.

Napailing na lang ako sa nakikita ko bago muling pagmasdan ang mga wala ng malay o buhay na tao.

Tama nga ang hinala ko sa babaeng ito na si Link. Hindi siya normal lang, hindi lang siya babae na nangangailangan ng pera.

Isa siyang babae na swak na swak sa hinahanap ko.

"Because of what you did to my bookstore. Be my partner. I'll give you time to think it clearly. I'll visit you tomorrow." Hinawakan ng aking kanang kamay ang kaniyang buhok at saka ito'y aking ginulo.

Muli akong naglakad paibaba.

Nakita ko sa first floor si Froyd na pairap pa sa aking lumingon.

"Are you gay? Na-fall ka na ba sa underage?" Ngumisi pa ako pero ngumiwi lang siya sa narinig niya.

"Punyeta naman 'yan! Pinipilit ko na ngang kalimutan ang isip bata na 'yon 'e! Ano bang nangyari rito? Parang binagyo?" Nagtatakang tanong niya habang pinagmamasdan ang mga libro na nahulog sa sahig dahil sa nangyaring away.

"Let's go home. Huwag ka ng umarte! Bakla ka talaga!" Muli ko sana siyang hahawakan sa kaniyang leeg nang mabilis siyang lumayo sa aking direksyon.

"Punyeta ka! Ang sakit na sa leeg! Kaya kong tumakbo mas mabilis pa sa ginagawa mo." Naiinis na aniya saka naglakad na rin para samahan ako palabas ng bookstore. "Hahayaan mo na lang 'yung babae na gawin ang lahat ng ito? Wala ka talagang puso kahit kailan!"

"Sapukin mo lang ako. Gagawin ko talaga ang sinasabi mong walang puso akong tao. Tsk." Naramdaman ko kasi ang paparating na kamay sa aking likuran.

Akala niya hindi ko napapansin ang gusto niyang gawin.

"Anong pinagsasabi mo? Nagkakamot lang naman ako ng aking ulo. Dami mong alam! Tara na nga!" Napaismid na lang ako sa mga salitang lumabas sa bibig ng lalaking ito at naisipan na nga ring umuwi na lang.

Hindi ko man nakita sa personalan ang galaw ni Link, panigurado ako na malakas 'yon at hindi ordinaryong suntok lang.

Saka hindi ko na rin kailangan pang ipaliwanag ang salitang partner. Dahil alam na ito ng karamihan.

Once I offered you being my partner, ang ibig sabihin no'n ay kung handa ka bang samahan ako sa mga lakad ko na hindi normal sa lakad na iniisip mo.

"Ano kayang magiging kasagutan sa iyo? Link?"