Kabanata 79
Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa
akin at sa daan.
"Bakit?" tanong niya.
"Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon.
Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko.
Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing
nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space.
Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na
mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko
nakuha ang gusto.
Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko
mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi
agad huminto ang asawa ko.
Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita.
"Asawa ko! Hintayin mo nga ako!" tawag niya nang bigla na lamang akong lumabas paghinto ng kotse.
Pero hindi ko na siya pinansin, sa nakita ko nakatuon ang atensyon ko. Halos tumakbo na nga ako.
"Asawa ko, teka nga lang! Saan ka ba pupunta?! Ano ba ang nakita mo?" sunod-sunod nitong tanong na
hindi ko magawang sagutin.
Hawak na nito ang siko ko at mas lalong bumakas ang kaba at pag-aalala sa mukha. "Dahan-dahan lang
naman, baka madapa ka!" saway niya.
Pero matamis na ngiti ang tugon ko kasabay ang paghinto sa tapat ng tindahan. Lahat ng inis ko kanina,
nawalang bigla. Napalitan ng saya, ngayong nandito na ako sa harap ng bagoong at mangga.
Nakakatakam!
Nagsalubong ang mga kilay ng asawa ko. Nakaturo sa mga bagoong at hindi kaagad nakapagsalita.
Umiling na lamang ito kalaunan. Alam niya nga na naglilihi ako.
"Akala ko naman kung sinong artista ang nakita mo. Mangga lang pala!" nasabi na lamang niya. Pinahid
nito ang pawis sa noo.
"E... kasi..." binasa ko ng laway ang labi ko at napapakagat labi pa habang nakatingin sa mga mangga at
bagoong. Tingin pa lamang ang sarap na. Nalalasahan ko na ang sarap at asim sa bibig ko.
"Asawa ko, bayaran mo!" sabi ko habang hawak na ang manggang nakalagay sa supot, nilagyan ko iyon
ng maraming bagoong. Ilang beses ko pa iyon inamoy. Ang bango! Ito ang literal na tulo laway.
Napakagat labi pa uli at napapikit ako sa sarap habang kinakain iyon.
"Uhmmm... sarap!" animo kinikiliti ako sa sarap.
Umawang na lamang ang bibig ng asawa ko, hindi yata makapaniwala sa nasaksihan. Ayoko kasi ng
bagoong dahil sa amoy nito. Pero ngayon ang sarap na, ang bango pa.
Masaya akong nagpatiuna sa sasakyan at iniwan ang asawa kong hirap sa pagbibit ng limang kilong
mangga at limang bote ng bagoong.
"Asawa ko, pwede ba lumabas ka naman muna. Ubusin mo na muna 'yang mangga mo bago tayo umalis.
Mangangamoy bagoong kasi tayo nito," sita niya.
"Tara na,"nakangiti kong tugon, imbes na sundin ang sinabi niya.
Wala na itong nagawa kung hindi ang sumunod. Umiiling pero may ngiti naman sa labi. Syempre, alam
kong happy siya. Kung makasigaw nga siya kanina nong malamang buntis ako. Wagas!
Hinaplos nito ang tiyan ko at ngumiti. Hindi talaga maipagkaila ang nararamdaman niyang saya.
Kumislap ang mga mata.
Ako din naman sobrang happy. Sisiguraduhin kong magiging mabuting mga magulang kami para sa
aming baby. Hindi man perfect, kasi wala naman talagang perfect sa mundo. Pero sisiguraduhin namin
na magiging best Mommy and Daddy kami for our baby.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatingin sa asawa ko. Ang sarap na ng kinakain kong
bagoong at mangga, mas sumarap dahil sa mukhang nakikita ko. Ang sarap din gawing ulam. Ang
guwapo.
"Asawa ko, malapit na akong matunaw!" sandali itong sumulyap sa akin at binalik agad ang tingin sa
daan.
Napabungisngis ako. "Ang guwapo mo kasi, ang sarap... sa mata!" Kasabay ng salita ko ang pagsimot ng
bagoong sa daliri ko. Lumingon ako sa backseat. Hindi pa nga ubos ang kinakain ko. Gusto ko nang
dagdagan. Ang takaw ko rin!
"Alam ko... noon ka pa naglalaway sa kaguwapohan ko!" lambing na pang-aasar nito.
"Tulo laway talaga?" tanong ko pero hindi na kumuntra pa, kahit medyo feeling siya. Kung iisipin kasi, at
sa mga tingin ko noon sa kaniya, talagang tulo laway ang dating.
Pero hindi... hindi lang naman kasi ang mga mata ko ang busog habang pinagmamasdan siya. Pati puso
ko. Napapasaya niya ang puso ko sa kabila ng bigat at sakit na nararamdaman ko. Siya nga ang dahilan
kung bakit napapangiti pa rin ako kahit sobrang sakit na ng puso ko.
Ngayon, tripleng saya pa ang pinaranas niya sa akin. Ang swerte ko, ang bait talaga ng asawa ko. Kaya
love na love ko iyan.
"Masarap ba?" tanong niya.
"Mmmm... mmmm..." tugon ko. Hindi ko na magawang magsalita dahil panay nguya na lamang ang
ginawa ko hanggang sa makarating kami sa bahay ng mga biyenan ko, na agad kaming sinalubong ng
halik at yakap.
"Hija... nakalimutan mo yatang maghugas ng kamay at mag-toothbrush," sabi ng biyenan kong babae,
inamoy pa ang daliri ko. Natawa na lamang kami ng asawa ko.
"Ma... pasensya na po, ang sarap po kasi ng bagoong! 'Tsaka ang bango," animo kinikilig ako nang
sabihin iyon.
Sabay napahinto sa paghakbang ang mga biyenan ko. Ganoon ni si Danica at Anthony. Matamis na ngiti
naman ang sumilay sa labi namin ng asawa ko.
Hindi pa man lomobo ang tiyan ko. Buong puso na itong tinanggap ng mga mahal namin sa buhay. Alam
kong magiging maswerte ang baby namin dahil maraming tao ang nagmamahal sa kaniya.
Kung noon akala ko, ako na pinaka malas na anak sa mundo dahil hindi ko naramdaman ang
pagmamahal ng isang ama. Ngayon, bawing-bawi ang lahat na iyon dahil sa mga taong nakapaligid sa
akin at sigurado akong mahal ako ng buong puso.
May Mama ako na laging nasa tabi ko, gumagabay at sumusuporta. May mga kaibigan na handang
dumamay, at syempre may mga biyenan na tanggap ako ng buong puso. Hindi lahat ng asawa
nabiyayaan ng mabait na mga biyenan.
Gaya ng biyenan ni Myrna, na lagi raw napupuna ang kilos niya. Lahat na lamang ng desisyon nilang
mag-asawa kinukontra at nakiki-alam.
"Si Lenny... hindi niya narasanan ang magkaroon ng biyenan. Ulila kasi si Renxo. Nagsusumikap lamang
siya sa buhay. Hanggang sa umasenso dahil sa sariling sikap.
Iba't-iba ang aming mga kwento. Ang pinanghuhugutan. Pero iisa lang ang gusto. Iyon ay ang magmahal
at mahalin ng tunay.
"Diego... alagaan mo ang asawa mo ha, lahat ng gusto niya ibigay mo!" Nasa hapag na kami. Masayang
kumain, kasabay ang hindi matigil na kwentuhan. Syempre, hindi nawawala ang mga paalala.
"Opo, Mom, 'wag po kayong mag-alala kahit minu-minuto akong maligo gagawin ko, basta para sa
asawa ko at ikasasaya niya gagawin ko," sagot ng asawa ko at akmang hahalikan ako. Pero agad umatras
dahil sa matalim kong tingin. Umalingawngaw ang tawanan sa buong bahay.
Pero napansin ko ang matamlay na pagtayo ni Danica. Sinundan ko siya ng tingin. Tinungo niya ang
veranda. Alam ko may gumugulo sa isip niya. Nagpaalam ako para sundan si Danica. Sigurado kasi na
kailangan niya ng karamay.
"Anong problema." Bahagya kong binangga ang braso niya. Hindi niya kasi napansin ang paglapit ko. Ang
layo ng tingin at hindi maipagkaila ang na may dinadamdam ito.
Mapaklang ngiti ang tugon niya saka nagbaba ng tingin. "Wala... gusto ko lang magpahangin," tugon
niya.
"Danica... hindi ka magaling magtago ng saloobin," simpleng sabi ko, na agad nagpatubig sa mga mata
niya. Pero agad din iyong pinahid at mapait na ngumiti. Kasunod ang sandaling paglingon sa dining.
"Congrats... magiging magulang na kayo. Buti pa kayo..." yuko-ulo nitong sabi.
Sa inaakto niya alam ko na agad ang dahilan. Gusto na niya magka-baby pero ayaw pa ni Anthony.
"Sinabi niya ba ang dahilan kung bakit ayaw niya pa na may mabuo?" walang ligoy kong tanong na
ikinagulat niya.
"Hindi nga... hindi ko rin magawang magtanong. Alam ko kasi na wala pa talaga siyang balak dahil siya
iyong ingat na ingat. Siya pa ang bumibili ng pills ko at binibilang pa."
"Alam mo Danica... dapat pinag-uusapan ang mga ganiyang bagay. Alamin mo kung bakit ayaw niya.
Baka kasi may mas malalim na dahilan. Hindi kasi maayos ang gusot kapag hindi naplansta!" mahabang
lintanya ko, na ikinatawa niya.
"Ikaw talaga, Via! Wala ka rin sa ayos. Seryosong usapan, hinaluan ng kalokohan,"
Sabay kaming napatingala sa asul na kalangitan. Ang ganda ng panahon, ang liwanag ng mga ulap. Sabay
din kaming nagbaba ng tingin at nagkatinginan. Pareho na kaming may ngiti sa labi. Ngiting hindi pilit,
ngiting hindi mapagkunwari.
"Balik na tayo sa loob," aya ni Danica. Tumango ako at sumabay na sa hakbang niya. Sumulyap ako kay
Anthony at ngumiti.
"Siya nga pala, may pangalan na ba kayo para sa apo namin," tanong ni Daddy Greg.
"Mayro'n na po... Ten!" sagot ko.
"Ten?" sabay nilang bigkas, na halos ikabingi ko. Pero inaasahan ko na talaga, na ganito ang magiging
reaksyon nila. Hindi pa kasi nila alam kung ano ang nasa likod ng number ten, na sobrang espesyal para
sa akin.
Nakangiti akong tumango at paulit-ulit. Sobrang proud ko sa naisip kong pangalan. Boy o girl, talagang
Ten ang magiging pangalan ng baby namin.
"Asawa ko, ang dami namang pwedeng gawing pangalan. Bakit Ten pa?" Bakas ang pagkadigusto sa
pangalang na pili ko.
"Hmmm... bakit Ten, kasi... I'ts our love story! Ten years na hindi nagkita at hindi ko na inakala na
magiging parte pa tayo sa buhay ng isa't-isa. Pero muling pinagtagpo ng tadhana." Matamis na ngiti ang
tugon ng asawa ko. May namumuong luha pa sa mga mata. Touch sa sinabi ko. Sempleng dahilan. Pero
malaki ang kahulugan.
Kinulong ko ang pisngi ng asawa ko. Napaka-emosyonal din, e! Parang sumasabay sa paglilihi ko. "Mahal
kita... sana maraming ten years pa ang dumating sa ating buhay." Halik sa labi ang tugon niya na agad
kong ikinaduwal!" Natampal ko tuloy ang noo niya.
"Pwede naman kasing lambing lang... wala munang halik!" reklamo ko. Busog pa naman ako. Nakakahiya
kung dito pa ako sa hapag masusuka.
"Ikaw pa talaga ang naduwal! Ikaw nga ang amoy bagoong, dumikit sa labi ko ang amoy!" pang-aasar
niya.
Muling napuno ng tawanan ang dining. Pero pasimple ko pa rin na sinulyapan si Danica at Anthony.
Alam ko... takot lamang si Anthony na hindi niya magampanan ang responsibilidad ng isang mabuting
ama. Magkakaunawan din silang mag-asawa.
Maya maya nagpaalam na rin kami. Padilim na kasi. Dadaanan pa namin si Mama. Sigurado akong
kanina pa iyon naghihintay.
"Mag-iingat kayo Diego. Dahan-dahan sa pagmamaneho," paalala ng mga biyenan ko. "Via... alagaan ang
sarili ha," pahabol pa nilang paalala.
Lahat sila kumakaway at may ngiti sa mga labi. Ganoon din kami ng asawa ko. Hindi mawala-wala ang
ngiti sa aming mga labi. Nag-uumapaw ang sayang nararamdaman.
Hindi maalis ang tingin ko sa kanila. Nakadungaw pa rin ako sa bintana, kahit tumatakbo na ang kotse.
Sa tuwing makita ko kasi ang masasayang ngiti ng mga taong nakapaligid sa akin. Sa amin ng asawa ko.
Parang hinahaplos ang puso. Iyong pait, sakit at galit na nararamdaman ko, napapawi.
Alam ko, na sila ang magiging gamot upang tuluyan kong malimot ang sakit na dinanas ko noon.
At itong asawa ko, at ang baby namin... hindi lang sila magiging gamot sa mga sugat ko. Kung hindi
magiging vitamins pa upang mas maging malakas at mas maging matatag pa ako sa buhay.