Kabanata 70

Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap ng asawa ko. Talagang diniin niya ang mukha ko sa dibdib

niya.

Takot na takot na may makita akong hindi kaaya-aya. Na curious tuloy ako.

Sinubukan kung makawala mula sa yakap niya. Para sumilip man lang sana kung ano ba ang nakita niya.

Pero lalo niyang diniin ang mukha ko sa dibdib niya.

"Di... bakit ba?" Iling ang tugon niya. Tanda na ayaw nga niya akong sumilip man lang.

Nagpakawala siya ng marahas na buntong-hininga. Pero wala pa talaga siyang plano na bitiwan ako.

"Walang hiya ka, P're! Alalang-ala ako sa'yo! Kahit masakit ang katawan, kahit nanginginig ako.

Nagpumilit pa rin ako na alamin kung ano na ang kalagayan mo. Akala ko, kung na pa'no ka na.

Nagpapasarap ka lang pala!" singhal niya kay Nelson.

Gigil na gigil siya, 'yong nginig ng kamay niya na nakikita ko kanina dahil sa pag-aalala sa kaibigan namin

ay napalitan ng nginig ng inis. Ramdam na ramdam ko ang marahas niyang paghinga.

Pamaktol niya pa na pinahid ang mga luha.

"Nagpapasarap?" na tanong ko kalaunan.

Naangat ko rin ang ulo at litong tumitig sa kan'ya.

"Pinagsasabi mo d'yan, P're?! Sa tingin mo, pagpapasarap 'tong ginagawa ko? Muntik nang mawala ang

kaligayahan ko. Muntik na si junjun ko. Ang sakit-sakit, P're!" ngawa ni Nelson na bahagya kong

ikinatawa.

Gigil na gigil din ang boses na parang gustong batohin itong asawa ko na hindi ko alam kung ano ang

nakita at naisip niya na nagpapasarap ang kaibigan namin.

Rinig ko rin ang mahinang tawa ni Jane, matapos ang ginawang pagngawa ni Nelson.

Lumuwag naman ang yakap sa akin ng asawa ko. Saka lumingon sa kaibigan.

"Ano ba kasi ang nasa isip mo, Di?!" natatawa kong tanong.

Sabay kaming lumapit sa kinaroroonan nina Nelson at Nurse Jane na kasalukuyang natigil sa ginagawa.

"Akala ko kasi may kinakain si Jane," bulong niya, kasabay ang pagkamot sa ulo.

"Loko-loko!" naiiling kong sabi. Hindi ko naman mapigil ang tawa.

"Aray, Vi... sakit!" da¡ng niya nang kinurot ko ang tagiliran niya.

"Dumi kasi ng utak mo!" Napailing na lamang ako.

Mukha nga naman kasing kumakain si Jane, nakaupo kasi at nakayuko sa tapat ng junjun ni Nelson.

Napangiwi pa ito nang magsimula na namang gamutin ni Jane ang sugat niya.

Sa dami kasi ng pwedeng tamaan ng bala, malapit pa talaga singit ni Nelson. Buti na lang at hindi

natamaan ang delekadong ugat o boto.

"Malay ko ba," tugon niya. Mabagal pa rin ang paghakbang namin papunta sa kinaroroonan nila.

"Ayaw mo kasing makinig muna kanina, ayan tuloy kung ano ang pumapasok sa utak mo!" paninisi ko.

Ngiti na lamang ang tugon nito saka bumaling ang tingin sa kaibigan naming namimilipit pa rin sa sakit.

"Kumusta ang pakiramdam mo, P're," tanong niya sa kaibigan nang makalapit kami.

Sumulyap pa sa amin si Jane at ngumiti. Ngiti lang din ang naging bati namin sa kan'ya. Abala nga kasi

siya sa paglilinis ng sugat nitong si Nelson na alam kong sobrang sama ng loob.

Nakabusangot pa nga ang mukha.

Paano kasi, naantala ang plano nila. Mag-out of town daw kasi sana sila. Hindi na matuloy.

Bukod kasi sa hindi pa makalakad si Nelson. Hindi rin niya magawa ang totoong pakay niya kung bakit

may pa out of town pa siyang nalalaman.

Naka-catheter nga siya ngayon. Kapag nagpipilit siyang humakbang. Bumubuka ang sugat.

Umupo ako sa gilid ng kama, kasabay ang tipid na pagngiti. Nagi-guilty pa rin kasi ako. Buwis-buhay ang

ginawa niya na pagsangga sa bala na dapat sa akin tumama. Akala mo naman siya si superman na hindi

tinatablan ng bala.

"Sorry, Nelson... nang dahil sa akin, kaya ka nandiyan, naghihirap at..." sumulyap ako kay Jane, na

kasalukuyan nang nagliligpit ng mga gamit.

Mata kasi ni Nelson, hindi maalis kay Jane.

"Balik na lamang ako mamaya, Nelson," nakangiting paalam nito. "Vianna May, Sir Diego... una na po

ako..." paalam nito.

"See you, Jane, at salamat," may lambing sa tinig niya at pinapungay pa ang mga mata.

Imbes na maawa ako. Gusto ko tuloy pigain ang sugat niya. Lumandi na pala 'to sa iba... may pamukmok￾mukmok pang nalalaman noong umalis si Dorry."

Kumaway na lamang kami ng asawa ko sa nurse.

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Paano kasi, nakakawala sa focus ang tinginan nila. Tingin na

masyadong malagkit at kapit na kapit.

Sinundan pa namin si Jane ng tingin hanggang sa makalabas ito. Sabay namang bumaling ang tingin

namin kay Nelson.

"Ano?!" pasinghal niyang tanong.

"Lambing mo ah. Kayo na, P're?!" curious na tanong nito sa kaibigan. Pero may halong pang-aasar.

"Hmmm... 'parang..." sagot niya.

"Parang?!" pasinghal kong tanong. " Ano 'yon? Parang kayo, parang hindi? May pa plano-plano pa kayo

na mag-out of town, tapos parang lang ang sagot mo!"

"Ano naman kung mag-out of town kami. Nasa stage kaya kami ng... getting to know!" ngiti niyang

tugon.

"Getting to know! Mukha mo, P're! Ang sabihin mo, nasa stage ng getting what you want!"

Sabay kaming natawa. Pero matapos ng maikling tawanan na 'yon ay bumalot naman sa buong silid ang

katahimikan.

Walang gustong magsalita. Puro pakiramdaman na lang. Ni ang sumulyap nga sa isa't-isa hindi na namin

magawa.

Sabay na buntong-hininga ang bumasag sa katahimikang 'yon.

Bakas ang lungkot sa bawat isa, nagbabadya na rin ang pagbuhos ng mga luha ko.

"Salamat, P're..." garalgal ang boses ng asawa ko. Hindi ko na rin napigil ang mga luha ko.

"kung hindi dahil sa'yo. Siguradong ang asawa ko ang napahamak." Yuko lamang ang ulo nito, habang

nasa hita ni Nelson ang tingin. Kita ko pa ang pag-angat ng kamay niya, na para bang gustong hawakan

iyon.

Pinahid ko mga luha ko at ginagap ang kamay ni Nelson. Umiwas siya ng tingin nang magtama ang mga

mata namin. Pasimple niyang pinahid ang namumuong luha sa kan'yang mga mata.

Kinulong ko ang kamay niya sa mga palad ko. Ang higpit ng paghawak ko. Gusto kong maramdaman niya

ang pasalamat ko. Hindi lamang sa salita.

"Salamat, Nelson... ha! Binuwis mo ang buhay mo, para sa akin. Kung tutuusin, hindi mo naman ako ka

ano-ano. Pero sinalo mo ang bala na para sana akin. Sobra-sobrang tulong na ginagawa mo para sa

amin."

Dalawang tao na ang pinagkakautangan ko ng aking buhay. Ang asawa ko at itong kaibigan naming si

Nelson. Hindi man ako maswerte sa ama ko. May dalawang lalaki naman na handang gawin lahat,

mailayo lang ako sa tiyak na kapahamakan.

"Mia... hindi ko man kayo kadugo, pero higit pa sa pamilya ang turing ko sa inyo. Hindi lang naman kasi

buhay ninyo ang sinalba ko. Sinalba n'yo rin ang buhay ko," mapait siyang ngumiti at pasimple namang

pinahid ang mga luha.

"Katulad n'yo, may pinagdadaanan din ako nang dumating ako sa isla. Malungkot din ako ng mga

panahong 'yon. Gaya mo, tahimik lang ako noon. Walang buhay nang dumating sa isla. Pero pinipilit ang

sarili na magpatuloy."

"Nelson..." Humigpit lalo ang paghawak ko sa kamay niya. Ramdam ko ang lungkot. Hindi ko akalain,

nagawa niya kaming damayan, patawanin. Siya rin pala may pinapasan sa balikat. May dumudurog sa

puso.

"Iyong mga panahong napapasaya ko kayo, napapatawa. Nagiging masaya na rin ako. Ang itim ng

mundo ko... pero dahil sa inyo nagkakulay muli ang mundo ko. Nagkaroon ulit ng direksyon ang buhay

ko. Muling nagbukas ang puso, muling nabigo. Pero naging mas matatag ako. Mas naging malakas."

Kamay ko naman ang kinulong niya sa palad niya.

"Hindi ako masaya na nabaril ako. Ang sakit... sobra!" Iiling-iling niyang sabi. "Hindi ko rin akalain na

makaya kong saluhin ang bala na para sa'yo. Noon kasi tae mo lang ang handa kong saluhin." nakangisi

niyang sabi.

Natampal ko ang noo niya. Pero natawa din kalaunan. "Wala ka talaga sa ayos, Nelson."

Napailing din ang asawa ko. Kahit kilan talaga itong si Nelson, kahit nalagay na sa alanganin ang buhay,

nagawa pa rin ang magpatawa.

"Masyado kasi kayong seryoso. Ang sakit na nga ng sugat ko. Dumagdag pa 'yang mga mukha ninyong

nakalukot. Nahahawa ako. Nalulungkot din ako." Hawak niya pa rin ang kamay ko na hinayaan ko lang.

"Gusto mo, tumawa kami sa muntikang pagkawala ng junjun mo?" Umiling ako.

" 'Wag mo nang banggitin. Mas sumasakit kasi!" busangot niyang sabi. "Mia... humigpit pa lalo ang

paghawak niya sa kamay ko.

"Ano?" tanong ko. Pero ngiti lamang ang tugon at akmang dadalhin ang kamay ko sa labi niya.

"P're!" bakas ang gigil sa boses ng asawa ko.

Kinuha niya ang kamay ni Nelson at kinulong iyon sa mga palad niya na may kasamang pang-gigigil.

"The best ka talaga na kaibigan!" madiin niyang sabi. " Kaya nga mahal na mahal kita!"

"Naman! Talagang the best ako, P're!" tugon niya.

"Kaya nga, e! Halos hindi ako makahinga no'ng makitang dahan-dahan kang bumagsak sa harap ko.

Sobrang pinakaba mo ako..." madamdaming saad ng asawa ko pero nandoon pa rin ang gigil.

Tahimik na lamang akong nakikinig sa kan'ya. Tumagos din kasi sa puso ko ang mga sinabi niya. Alam

kong mas naging mas malapit pa sila sa isa't-isa noong mga panahong hindi nila alam kung makikita pa

ba nila akong muli

" 'Wag ka nang mamatay muli sa harap ko, P're ha?! Paki-usap!" Tango lamang ang tugon ni Nelson na

may pasimpleng punas na naman sa mga luha.

Gusto kong sabihin sa kan'ya na okay lang na umiyak. Hindi kabawasan sa pagiging lalaki ang magpakita

ng luha. Hindi iyon nagpapakita ng kahinaan. Patunay lamang iyon na tao ka. Normal na makaramdam

ng lungkot.

"Hindi ako basta-basta mamamatay, P're! 'Wag kang mag-alala. 'Tsaka, may misyon pa ako na dapat

gawin!" nakangiting wika niya na sumulyap pa sa kamay niya na hanggang ngayon hawak pa rin ng

asawa ko na hinayaan niya lang.

"Misyon?" sabay naming tanong.

Sumilay ang pilyong ngiti nito sa labi kasabay ang pagtango. "Ang magparami ng lahi!"

"Sira-ulo ka talaga, Nelson!" nasabi ko.

"Ah... kaya pala..." Pabitin na salita ng asawa ko, na kung pakapiga nga sa kamay ni Nelson ay parang

gusto na niya iyong durugin. Hindi ko tuloy mapigil ang umiling.

"Kaya pala, ano?" litong tanong ni Nelson na pinipilit nang tanggalin ang kamay ng asawa kong pumipiga

sa kamay niya.

"Pasimple kang ungas ka ha! Dinaan mo pa kami sa drama... gusto mo lang pala maka-isa ng halik sa

kamay ng asawa ko," gigil nitong sabi.

Natawa na lamang ako. Kaya siya gigil na gigil.

"Bitiwan mo na nga 'yang kamay ni Nelson!" saway ko, mas namula pa ang mukha niya. Pero habang

minamasdan siya. Kahit masaya. Kahit ngumingiti, hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mga mata.

Alam ko naman, hindi namin basta makakalimutan ang nangayari. Matindi ang sugat na gawa ng mga

nangyaring iyon sa puso namin. Sobrang lalim at hindi namin alam kung kilan maghilum.

Hindi tulad nitong sugat, pasa at sakit sa aming katawan na ilang araw lang maglalaho na.

"Tumigil na nga kayo. Baka bumuka na naman iyang sugat mo, Nelson," saway ko sa dalawa na hindi na

matigil ang harutan.

"Titigil na, po!" sagot ng dalawa, kasabay ang pag-upo ng asawa ko sa upuan na gamit ni Jane kanina.

Nilingon ko si Nelson at tipid na ngumiti. Walang salita na lumabas sa aming mga bibig. Ang mga tingin

lamang namin ang tahimik na nag-uusap.

Masaya kaming pareho na kahit nandito pa rin ang sakit sa mga puso namin. Magkakasama na kaming

lahat. Muling magsisimula na magkasama at magkaramay. Sabay pa na bumaling ang tingin namin sa

asawa kong dahan-dahang inangat ang laylayan ng gown ni Nelson.

Hindi na nakahuma si Nelson na alam kong ayaw niya sanang makita nito ang sugat niya. Kasabay kasi ng

pagbukas ng damit niya, ang pagpatak ng mga luha ng asawa ko.

Ramdam ko ang guilt niya. Ramdam ko ang awa niya kay Nelson na napahamak dahil sa akin. Alam ko

kung ano ang nasa isip niya, 'yon ay kung agad lamang siyang lumapit sa amin. Siya dapat ang nasa

sitwasyon ni Nelson ngayon.

Siguro... kung iyon nga ang nangyari. Hindi ko rin talaga alam kung kakayanin ko pa. Ang makita nga lang

siyang nakikipaglaban kay Romeo. Ang sakit na. Paano kung makita ko pa siyang mabaril at mawalan ng

malay sa harap ko.

"P're!" tawag ni Nelson. " Ano ba ang iniiyakan mo, 'yong sugat ko o 'yong itlog kong muntik nang

mabasag," lokong tanong ni Nelson na nagpatawa sa aming tatlo.

Kasabay no'n ang pagpunas ng mga luha. Malungkot na tingin ang pinukol ng asawa ko sa kaibigan

namin. Kung ano-ano na lamang kasi ang sasabihin, maibsan lang ang lungkot na aming nararamdaman.

"Mga Anak..." biglang sulpot ni Mama sa silid.

"May gustong kumausap sa inyo," malungkot niyang sabi.

Kasabay ng sinabi niya ang nangungusap na mga mata na kaagad nagpakabog ng dibdib ko.

"P're... balik na lamang kami mamaya," rinig kong paalam ng asawa ko kay Nelson.

Lumingon pa ako kay Nelson. Pero hindi ko na magawang magpaalam. Nabalot kasi ng kaba at takot ang

buong sistema ko.

Marami agad pumapasok sa isip ko. Paano kung ang mga pulis ang gustong kumausap sa amin at

sabihing nakawala si Romeo?

Paano kung guluhin na naman niya kami at gagawin na naman niya ang lahat mabawi lang ako.

Humigpit ang kapit ko sa IV-stand. Tulala at mabagal ang paghakbang papunta sa aming silid.

Naramdaman ko na lamang ang paghawak ng asawa ko sa kamay kong nakahawak sa IV-stand.

Kasabay ang mga tingin na nagsasabing 'wag akong mag-alala. Maayos na ang lahat at wala na dapat

akong ikabahala.

Sana... tama nga siya. Sana wala na nga'ng magiging problema.

Sumulyap ako kay Mama, bago pinihit ang doorknob.

Kaagad bumuhos ang mga luha ko, nang makita ang mga tao na gustong kausapin kami.