Kabanata 69
"Sir Nelson," Pasigaw na tawag ng mga tauhan ni Nelson. Habang alerto nang nakaharang sa likod nila.
Rinig ko pa ang pagwawala at pagsisigaw ni Romeo. Pero wala na kan'ya ang atensyon ko.
Nasa asawa ko na at sa kaibigan kong mahigpit na yumakap sa asawa ko.
Nakatayo lamang sila na animo na pako sa kinatatayuan nila. Gaya ko na hinto rin sa paghakbang. Kita
ko pa ang pagbaba ng kamay ni Nelson mula sa ulo papunta sa balikat ng asawa ko.
Kumawala ang hagulgol ko kasabay din ang paghagulgol ng asawa ko. Ang kaninang ngiti sa aming mga
labi napalitan na naman ng nginig at takot.
Mabilis kong tinawid ang aming agwat at kaagad niyakap ang asawa ko.
Habang yakap pa rin ito ni Nelson mula sa likod.
Kumapit ang isa kong kamay sa balikat ng kaibigan ko na hindi pa rin gumagalaw hanggang ngayon.
"P're," mahinang tawag ko sa kan'ya. Nangungusap ang mga matang tumitig sa kan'ya.
Tipid na ngiti at matiim na titig lamang ang naging tugon niya kasabay ang pagdaosdos hanggang sa
tuluyan na siyang bumagsak sa lupa.
"P-p're..." sigaw ko. Kita ko pa ang paglapit ng mga tauhan niya. Tarantang tinatawag ang pangalan niya.
Habang ako tulalang nakatingin lamang sa kanila. Wala na akong naririnig, mga galaw na lamang nila ang
nakikita ko.
Gusto kong hawakan ang kaibigan ko. Gusto kong alamin kung okay lang ba siya. Pero hindi ko rin
magawang bitiwan ang asawa ko. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kan'ya habang ang mga mata
nakapako sa kaibigan ko.
Ramdam ko na rin ang panginginig ng buong katawan ko. Ang pagod, panghihina, ang sakit ng kalamnan
dahil sa mga palo na natamo ko.
"Di..." rinig kong wika ng asawa ko kasabay ng paglapat ng palad niya sa pisngi ko. Bumaling ang tingin
ko sa kanya. Pero hindi ko na halos maaninag ang mukha niya. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko.
VIANNA MAY POV
Hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko namamalik-mata lang ako no'ng biglang sumulpot ang asawa ko
sa gubat.
Akala ko, sinusundo na niya ako. Syempre, handa na akong sumama sa kan'ya. Pero no'ng magsalita siya.
Para akong binuhasan ng malamig na tubig.
Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Kahit man lang bigkasin ang
pangalan niya ay hindi ko magawa.
No'ng sandaling nagpalitan na sila ng suntok ni Romeo, doon ko napagtanto na hindi ako na mamalikmata.
Ang asawa ko nga ang dumating, handang makipagpatayan mabawi lang ako. Mailayo lang ako sa hayop
na si Romeo.
Gustong-gusto ko siyang yakapin ng mga sandaling 'yon. Pero hindi ko magawa dahil kay Romeo.
Pumikit ako kasabay ang pagpakawala ng buntong-hininga. Hindi ko mapigil ang sarili na makaramdam
pa rin ng galit at ng puot sa tuwing maalala si Romeo.
Bumabalik kasi lahat ng sakit na ginawa niya. Lahat ng pananakit. Lahat ng kahayopang muntikan na
niyang gawin sa akin. Kahit pa sabihin na nilason lamang ni Roselyn ang utak niya. Kung talagang mabuti
siyang tao. Dinaan niya sana sa matinong usapan ang lahat.
Kagustusan niya na maging masama. Pinili niya ang gumawa ng mali, imbes na ang umintindi at
magparaya.
Pero sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin maiwasan ang mag-aalala para sa mga magulang niya. Wala
naman kasi silang kasalanan. Alam kong masakit din sa kanila ang nangyayaring ito. Naging malapit rin
kasi sila sa akin. Naging mabuting mga magulang at hindi nila kasalanan na pinili ng anak nila na maging
masamang tao.
Hanggang sa huli, hindi niya magawa ang magparaya. Ayaw niya talagang pakawalan ako. Nakuha niya
pa na mang-agaw ng baril kahit nakaposas na.
Mas gugustuhin niya pa na mamatay ako kay sa mabawi ako ng asawa ko.
Pinatunayan lamang niya na masamang tao nga siya. Hindi niya deserve na patawarin.
Lutang pa rin ako sa lahat na nangyari sa buhay ko. Sa lahat ng paghihirap at napagdaanan ko sa kamay
ni Romeo. Hindi ko akalain na makakawala pa ako mula sa kan'ya.
Pinuno niya ng galit, ng sama ng loob ang puso ko. Paulit-ulit niya akong dinurog, pinagbayad sa
kasalanang hindi ko naman ginawa.
Kasalanang gawa-gawa lamang ni Roselyn lahat.
Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Roselyn. Hindi pa rin kasi bumalik ang mga pulis na gusto sana
kami kuhanan ng statement.
Pero kahit may galit ako sa babaeng 'yon. Kahit siya ang dahilan kung bakit kami humantong sa ganito.
Hindi ko naman maiwasan ang maawa. Oo, naging makasarili siya. Dahil sa kagustuhang makuha ang
akala niya na unang naging sa kan'ya. Nagawa niyang gumawa ng kwento.
Nagawa niya ang manira ng buhay ng may buhay.
Wala na talagang magandang maidudulot ang makasaliriling intensyon. Makasariling pagmamahal.
Hindi ko alam kung pagmamahal, pag-ibig pa rin ba ang tawag do'n.
Ang alam ko kasi, ang pagmamahal hindi dapat makasarili. Hindi dapat pinipilit.
Nagawa man niya na humingi ng tawad. Pero hindi kasi simple ang nagawang pinsala niya sa buhay
namin. Sa buhay naming lahat.
Hindi ko masasabi na napatawad ko na siya. Tanging panahon lamang ang makapagsabi no'n.
Nakakalutang! Nakakalasing at nakakabaliw ang pag-ibig. Lalo't ang hinangad mo ay pag-ibig na hindi
naman laan para sa'yo.
"Anak... ayaw mo ba munang magpahinga?" tanong ni Mama na kanina pa yata ako pinagmamasdan.
"Mamaya na po, 'Ma," tugon ko at bahagyang ngumiti. Gano'n din ang Mama.
Mugto pa rin ang mga mata. Pero bakas naman ang tuwa sa mukha.
Pakiramdam ko ngayon, kabababa ko lang sa sinakyang tsubibo. Hilo, lasing at lutang.
Pero mas lutang ako dahil sa nakikita kong guwapong mukha.
Mukha na kinasasabikan kong makita at mahawakan. Mukha na akala ko sa panaginip ko na lamang
makikita.
Haplos ko ang pisngi niya habang ang mga luha ay walang humpay na umaagos mula sa mga mata. Pero
may ngiti naman sa mga labi.
Sa lahat ng pait na dinanas ko. Ito na ang kapalit. Matamis na ngiti habang minamasdan ang asawa ko.
Kung umiiyak man ako ngayon dahil masaya ako. Umaapaw ang saya dahil kasama ko na sa wakas ang
asawa ko.
"Mahal na mahal kita, Di..." malambing kong sabi, kasabay ang paglapat ng labi ko sa kan'ya.
"Miss na miss, kita," bulong ko sa natutulog niyang diwa.
"Anak... bumalik ka na sa higaan mo Magpahinga ka naman. Baka malusaw na iyang asawa mo sa
kakatitig mo sa kan'ya," saway ni Mama habang haplos ang likod ko.
Hindi ko napansin ang paglapit niya. Masyado akong nawili sa kakatitig at kakahaplos sa pisngi ng asawa
ko. Gusto ko siyang halikan ng halikan hanggang sa magising siya.
Napapangiti na lamang ako. Talagang hindi pa rin siya nagbago. Kapag pagod, tulog lang ng tulog.
Naalala ko tuloy 'yong unang gabi sana namin na tinulugan niya ako.
"Sige na anak... bumalik ka na sa higaan mo."
Umupo ako at hinarap siya. 'Tsaka ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"I love you, Ma." Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Mahal din kita, Anak!" tugon niya at lalong hinigpitan pa ang yakap sa akin.
Talagang hindi ko na inaasahan na darating pa ang araw 'to. Sumuko na kasi ako. Handa ko nang sundan
ang asawa ko na akala ko nasa langit na at hinihintay ako.
"Ma, sorry ha. Sorry sa mga araw na hindi mo ako kasama. Sorry sa mga panahong malungkot ka dahil sa
bigla kong pagkawala."
"Anak... hindi ka dapat mag-sorry. Wala ka namang kasalanan. 'Tsaka, alam kong may dahilan kung bakit
ka nawala. Kung bakit ka umalis ng walang matinong paalam, may tiwala ako sa'yo, dahil kilala kita. Alam
kong hindi totoo ang mga bintang at sinasabi ni Romeo!" Tipid siyang ngumiti.
"Buti na lamang at 'yong dalawang araw na sinabi mong mawawala ka, hindi umabot ng dalawang taon,"
sabi niya pa, kasabay ang pagsulyap sa asawa ko.
"Ang swerte ko pa rin, Ma... sa kabila ng mga napagdaanan ko, sa kabila ng paghihirap... hindi bastabastang paghihirap! May taong handang gawin ang lahat, matapos lamang ang pahihirap ko," mangiyakngiyak kong sabi, kasabay ang muling pagdantay ng palad ko sa pisngi niya.
"Anak... sige na bumalik ka na sa higaan mo. Hayaan mo muna ang asawa mo. Sigurado ako na
hahanapin niyan si Nelson, paggising niya," malungkot na wika ni Mama.
Muli kong hinalikan sa labi ang asawa ko, bago lumipat sa higaan ko. Pero hindi pa rin maalis ang tingin
ko sa kan'ya.
Hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Gusto ko, lagi ko siyang nakikita. Lihim din akong
nagpapasalamat kay Nelson, na siyang dumamay sa asawa ko noong mga panahong wala ako. Noong
mga panahong nasa kamay ako ni Romeo at naghihirap.
Na-kwento kasi sa akin ni Mama lahat na ginawa ni Nelson sa kan'ya at sa asawa ko.
"Magandang umaga," nakangiting bungad ni Doktora Jessa, Nurse Gema at Jane.
"Magandang Umaga sa inyo, Dok." bati ko.
Nanliit lamang ang mga mata ko dahil sa titig ni Gema sa asawa ko. Hindi kasi maitago ang kilig nito
habang tinitingnan ang asawa ko na mahimbing pa rin na natutulog. Sa totoo lang gustong ko siyang
sigawan, animo maiihi na kasi.
Si Jane naman, tahimik na ginawa ang trabaho niya. Bakas ang lungkot sa mukha.
"Gema... " Tawag ni Doktora sa kasamahan. Nakamot pa nito ang ulo. Pero kaagad namang lumapit kay
Doktora.
Hindi naman maalis ang tingin ko kay Doktora Jessa. Hindi ko kasi akalain na siya rin pala ang magiging
daan na mahanap ako ng asawa ko.
Walang tigil nga ang pasasalamat ko, no'ng malaman na siya ang nagturo sa mga pulis sa kinaroroonan
namin.
Ilang sandali nang naka-alis sila Doktora, matapos maisagawa ang mga dapat nilang gawin at sabihin ang
ibang paalala. Pero ang mga mata ko, nakapako pa rin sa asawa ko.
Sandali pa akong sumulyap kay Mama na, mahimbing na natutulog sa sofa. Dahan-dahan akong
bumangon. Inabot ang dextrose bag at kinabit iyon sa IV stand na nasa tapat ng higaan ng asawa ko.
Bakit ba, asawa ko naman siya. Walang masama kung gusto ko man siyang makatabi..
"Vianna May..." saway ni Mama."
Ngiting aso na lamang ang naging tugon ko kay Mama, na umiling pa bago muling pumikit.
Pinagkasya ko ang sarili sa maliit na ispasyo sa gilid ng asawa ko saka maingat na humiga sa braso niya.
Alam kong masakit pa ang katawan niya dahil sa mga nangyari. Pero hindi ko na kasi matiis na hindi siya
mayakap. Miss na miss ko na siya, sobra.
Umangat ang ulo ko, nang maramdaman ang paggalaw niya.
"Di..." malumanay kong wika, kasabay ang paglapat ng palad ko sa pisngi niya, na agad niyang
hinawakan.
Nangingilid ang mga luha niya at walang imik na pinisil ang kamay kong nakalapat pa rin sa pisngi niya.
"Vi..." Halik sa labi ang naging tugon ko na buong puso niyang tinugon.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" sabay naming tanong, matapos ang masarap na halikan na iyon.
Pareho naman kaming natawa, kasabay ang pagpunas ng mga luha.
Muli akong humiga sa braso niya, nakatingala at hindi maalis ang tingin sa kan'ya.
"I miss you," mahina niyang sabi, kasabay ang paglapat ng labi niya sa noo ko. "Mahal na mahal kita!"
"I love u too!" Nakalapat na naman ang palad ko sa pisngi niya at hilam na naman ng mga luha ang mga
mata.
"Salamat at hindi ka sumuko. Salamat dahil nandito ka ngayon sa harapan ko, kasama ko, kayakap ko at
nahahalikan ko. Miss na miss kita, Di!"
Ngiti at mahigpit na yakap ang tugon niya.
"Maraming salamat kay Nel.... " Hindi niya natuloy ang sasabihin.
"Di... 'wag ka munang gumalaw..." pigil ko sa kan'ya nang magpilit siyang bumangon, kasabay ang
pamimilipit.
"Vi... Si Nelson... nasaan siya?! tanong niya, nanunubig ang mga mata at bakas ang pag-aalala.
"Di.. huminahon ka.."
"Nasaan siya?!" putol niya sa sasabihin ko.
Bumuntong-hininga na lamang ako.
"Kumalma ka nga muna," bumangon ako at umupo ako sa gilid ng kama.
"Anong nangyari sa kan'ya, Vi?!" mangiyak-ngiyak nitong tanong.
Sumulyap ako kay Mama.
"Sige na anak, puntahan n'yo na."
Dahil sa pareho kaming may iniindang sakit sa katawan. Wala kaming magawa kun'di ang maglakad.
Ayoko naman na si Mama pa ang matulak ng wheelchair.
Tahimik at mabagal kaming naglakad habang hawak ang IV-stand kung saan nakasabit ang mga dextrose
namin.
Huminto ako sa tapat ng ikapitong pinto mula sa silid namin ng asawa ko.
Sumulyap sa akin ang asawa ko na nanunubig na naman ang mga mata. Nanginginig ang mga kamay niya
habang hawak sa doorknob.
"Sht!" mura ng asawa ko kasabay ang pagyakap sa akin.