Chapter 5: World of Chances
Steffi’s POV
Akala ko pag nakita ko siya wala na yung sakit at kirot na naranasan ko limang taon na ang nakakalipas.
Pero ngayon bumabalik, bumabalik lahat ng alaala na binuo namin.
I can still remember all his words and promises.
Pero hindi ako magpapatalo sa damdamin na to, andito ako para gumanti at hindi para lumandi o patunayan na may happily ever after.
Ayoko ng masaktan ulit, ayoko ng umasa. Natutunan ko sa Japan kung pano lumaban at wag magpaloko sa iba. Para saan pa ang lahat kung iiyak at magpapakatanga na naman ako.
Sawa na akong maging mahina.
Pero sa tuwing pipikit ako, paulit ulit kong nakikita lahat ng mga masasayang pangyayari nung kami pa. parang sirang plaka na paulit ulit.
Kung sana, sana hindi nea ako linoko, ginamit at pinaasa.
Sana kami pa at bumubuo na nang sariling pamilya. Kung sana hindi siya naging makasarili sana buhay pa ang Papa. Kung sana hindi nea sinunod ang matandang yun. Sana. Sana.
Ang sakit isipin na mas pinili nea ang pera at kapangyarihan.
Napahagulgol na lamang ako dahil sa sakit. Sakit na dala dala ko ng limang taon.
“My princess, why are you crying?” nag aalalang tanong ni mama. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala siya sa kwart ko.
“Ma, I badly miss papa” iyak kong saad sa aking ina.
“My princess alam kong anjan lang ang Papa mu binabantayan tayo. Alam kong may dahilan ang lahat. You must move on, forget and forgive all the people that hurt you. That hurts us. Especially Joshen, he’s young and innocent five years ago. I know he’s not aware.”
“Ma hinitay ko siyang sundan ako sa Japan para ipaliwanag niya ang lahat. Naghintay ako ng limang taon, hindi pa ba sapat ang limang taon Ma? Hinding hindi ko sila mapapatawad hanggat hindi ako nakakabawi sa laht ng pasakit na binigay nila sa atin. Sa pangloloko nila, sa pang aagaw nila sa kumpanya na pinaghirapan ni Papa. Ma hindi ko pa kaya. ”
“If it still hurts you it only means that still you have these special feelings for him.”
“Ma mali ka, galit ang nararamdaman ko para sakanya. Galit at hindi pagmamahal. Hinding hindi ko na siya mamahalin.”
"Darating ang araw masasabi mong tama ako Princess, time heals.”