Chapter 29: Meet-up
TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.
°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
JAMMY
Ginising ako ng malalakas at sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Guess who's this one knocking my door violently.
“Whaaaat?” padabog kong turan bago tumayo at lumapit sa pinto. Pinagbuksan ko ang kumakatok mula sa likod nito.
“Good morning, Jammy,” bati nito sa'kin saka ako hinila palabas. Hindi na 'ko nakagalaw dahil sa gulat. Nagpahatak na lamang ako sa kung saan man niya 'ko nais dalhin.
“Jammy, tignan mo. I baked a cake for all of us,” wika nito na tila tuwang-tuwa sa kanyang nagawang accomplishment.
Nabaling ang aking atensiyon sa cake na iginiya sa'kin ni Eloise. Hindi ko maintinidhan ang itsura ng cake. Hindi rin pantay ang pagkakahulma nito. Pilit ginaya ang korteng puso. Ang pula at itim na kulay ay naghalo na dahil sa kung anong dahilan. Nagmukha na tuloy itong madungis dahil sa 'di maintindihang disenyo't pagkakahalo-halo ng mga kulay.
“What do you think? Magugustuhan kaya 'to ni Denver?” she wore a wide smile facing on me.
I'm not into baking pero, this one, this is worst! I'm sorry, Eloise, pero sa tingin ko, hindi ito ganun kaaya-ayang tignan.
“I think?” Hindi ako sigurado sa sagot. Hindi ko rin naman alam kung paano sasabihin kay Eloise ang komento ko sa gawa niya nang hindi ito nao-offend.
“I know it's not that much appealing, pero—” ani nito na ngayo'y nakabusangot na ang itsura.
“You can make it better, Eloise. Just practice more. Try and try till you perfect it,” ani ko saka hinaplos ang likuran nito. We're standing next to a kitchen sink. Malapit kasi roon ang oven.
Napalingon kami nang makita si Sheila na kalalabas lang sa kwarto nito. Dumiretso ito sa banyo. Ilang saglit din siyang nagtagal doon bago lumabas.
“Good morning, Sheila,” bati rito ni Eloise. Tumigil si Sheila nang marinig iyon. Nanatili itong nakatayo at nakapako ang tingin sa'min.
Maya-maya pa'y naglakad itong muli pabalik sa room nito. May problema ba? Dahil ba 'to kina Austin at Eloise? It's better if they talk about it.
“Anong problema nun? Tatlong araw na siyang ganyan, ah,” wika ni Eloise habang sinusundan ng tingin si Sheila.
“Baka may personal problem lang,” maikli ko namang sagot.
Since walang pasok ngayon, nanatili kami nila Sheila at Eloise sa dorm. On the other hand, Denver and Austin left the unit nang maaga. Marahil ay kikitain nila si Sam sa labas ng campus since pwede namang lumabas tuwing walang pasok. You just need a gate pass na binibigay naman ni manong guard if you request for it.
“Anong gusto mong gawin ngayon, Jammy?” tanong sa'kin ni Eloise na relax na relax ang pagkakaupo sa sofa kaharap ang TV.
“Wala naman. Siguro'y magpapalipas lang ng araw dito,” sagot ko. “Bakit? Lalabas ka ba ng campus?”
“Yes, only if sasama ka,” masaya nitong turan. “Alam mo bang may bagong bukas na amusement park malapit sa campus? Tara, punta tayo run.”
Bago pa ako makasagot sa paanyaya ni Eloise ay nabaling ang atensiyon naming dalawa sa lumabas ng kuwarto. Si Sheila iyon. Hindi ito lumingon sa'min upang magbaling ng atensiyon, bagkus ay dire-diretso itong lumabas na tila walang ibang taong nakita.
Nagkatinginan pa kami ni Eloise dahil sa heavy atmosphere na idinulot niyon. Nakakabahala na ang hindi pamamansin sa'min ni Sheila. Ano bang nangyari? Tinatrato niya kaming parang multo these past days.
“Maybe she's jealous,” saad ni Eloise habang nakatingin sa may pinto.
Binigyan ko lang ng mapagtanong na tingin si Eloise.
“Nakita niya 'ko last time when I kissed Austin” patuloy nito.
What?! It's because of Eloise and Austin nga tulad ng sinabi sa'kin ni Hermione nung nakaraan.
“Probably,” I uttered. She must be so jealous. I choose not to ask Eloise why she kissed Austin. Ang akala ko pa naman, it's Denver whom she likes the most.
“Akala ko ba para kay Denver yang cake na ginawa mo?” naguguluhan kong tanong.
“I'm sorry, I lied,” saad nito saka tumingin sa baba. Nakabusangot na ito.
Napairap na lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin sa babaeng 'to.
Umupo na 'ko sa tabi ni Eloise matapos niyon. We started to watch a movie. It's a mystery/thriller movie na pinamagatang ‘The Accidental Detective.’
Ilang beses akong pinilit ni Eloise na sumama sa kanya sa binanggit niyang amusement park kanina. Masyado siyang makulit kaya't naisama niya 'ko rito.
Nagsuot siya ng hoody jacket at shades. Mukha siyang tanga sa suot niya. Tirik na tirik ang araw pero nagsuot siya ng hoody jacket.
“So what?” I asked nang makapasok kami.
“Just wait here,” saad nito saka nagpunta kung saan.
Really? Mukhang hindi rides ang pinunta namin dito. I can sense of it.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Kung may nagmamatyag sa'kin hanggang dito, posibleng mapapansin ko iyon. Hindi talaga maganda ang nararamdaman ko rito. Kung totoong may banta sa buhay ko outside the campus, this is the prefect time and perfect location that they will make a move. Sana lang talaga, hindi.
Maya-maya pa'y biglang may humatak sa'kin. Before it I knew, it was Eloise. Tila kung sinong may tinataguan dahil payuko-yuko pa ito habang hinihila ako.
Kumunot ang noo ko sa babaeng humahatak sa'kin. “Where are we going?”
“Basta,” saad niya at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Nagpunta kami sa isang kainan malapit sa lugar kung saan kami unang nagpunta. Matao ngayon dito. We have found a vacant table near the glass wall.
Eloise didn't order. Pirme lang itong patingin-tingin sa iisang direksiyon kaya't nabaling ang atensiyon ko roon. I saw Austin sitting with a girl and another boy infront of him.
Teka!
Sina Sam at Denver ang kasama niya!
Ibinalik ko ang tingin kay Eloise. “Are you stalking Denver?” saad ko rito.
“No, I'm not stalking!” pagtatanggi nito. “That's creepy,” dagdag niya. “Another thing, it's Austin, not Denver. I just told them na si Denver ang gusto ko, pero sinabi 'ko lang 'yon upang 'di malaman ni Austin that he's the one whom I really like.”
Napaawang ang bibig ko sa sinabi nito. Hindi ito tumitingin sa'kin bagkus ay nanatiling nakasubaybay ang mga mata nito sa tatlo sa kabilang dulo ng kainan.
Pero bakit parang 'di naman siya naaapektuhan everytime na dumidikit si Sheila kay Austin. And all of us knows that Sheila likes Austin a lot.
Tama si Austin. This will only complicate their friendship. Freakin' fact about feelings!
Ginamit ni Eloise ang menu ng restaurant upang ipantakip sa mukha niya kung sakaling mapapalingon ang tatlo sa direksiyon namin.
“Hanggang kailan ka magtatago at magsusubaybay nang ganyan?” tanong ko rito na may mga pag-iling pa dahil sa kalokohan nitong nalalaman.
Bigla akong natigilan nang may napagtanto.
Naku! Lagot na kapag nalaman ni Zero na narito rin ako ngayon, same location where Denver is. Kausap rin niya ngayon si Sam.
This will be devastating. The attacks might come any time around!
“We should leave now, Eloise,” bulong ko sa kaharap.
“Wait lang! Kailangan ko pang ibigay 'tong cake kay Austin,” wika nito saka inilabas ang cake na mukhang kanina pa niya tago-tago sa bag.
Parang timang talaga 'tong si Eloise. Bakit pa siya magtatago kung may iaabot din naman pala siya kay Austin?
Napalingon si Denver sa gawi namin at nanlaki ang mga mata niya. Mukhang nakilala niya ako.
Agad kong kinuha ang isa pang menu at pinangtaklob rin sa mukha.
Lagot na!
“Eloise! Eloise!” pagtatawag ko. “Alis na tayo,” muli kong sabi saka tumayo na upang sana'y umalis na.
But there were warm palm held my hand.
Oh, great! It's Denver. Nahuli ako ni Denver!
°°°°°°°
“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Denver sa'min.
Ngayon ay magkakasama na kami sa iisang table kung saan sila unang nakapwesto. Malapit ito sa sementadong dingding papuntang restroom ng restaurant.
“I'm sorry, Denver. Niyaya ko lang naman si Jammy na magliwaliw sa malapit na amusement park nang maisipan naming kumain dito,” wika ni Eloise.
“You're lying,” maikling tugon ni Denver. “You've been sitting there for about ten minutes passed pero 'di man lang kayo um-order kahit juice man lang,” dagdag nito.
“But we're just happened to go here when we saw you,” ako naman ang nagsalita. Oh, great, Jammy! Naisipan mo pa talagang suportahan ang pagsisinungaling ni Eloise kahit super obvious naman that it's a lie?
“So you both started to use the menu to cover your faces?” muling tanong nito sa'min.
“Jammy, Denver, hindi na kayo pwedeng bumalik pa sa Mystique club. They will hunt you!” ani ni Sam.
“At bakit 'di mo sabihan yang magaling mong kapatid to stop the hunting?” mariing sabi ni Denver kay Sam.
“I'm just giving you a warning for the two of you, Denver, Jammy. Ikaw din, Austin. It will only take you to harm." Tulad ng ekspresyon ng mukha noon ni Sam nang una ko itong makausap, ganun rin ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. She was terribly concerned.
“Ito rin ba ang reason mo, Jammy, kaya iniiwasan mo 'ko?” tanong naman sa'kin ni Denver. Naging matalim ang mga titig nito sa'kin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natakot sa pagtitig niyang 'yon. Pero nakakatakot talaga ang itsura niya sa pagkakataong ito.
I nodded to him in response. Mas nababahala ako kapag nalaman ni Zero na magkakasama pa rin kami ngayon. Mas mabuting patuloy ko siyang iwasan.
“You don't need to,” wika nito saka may ipinakita itong picture mula sa phone niya.
It's him and his twin kasama ang marami pang mga lalaki. They all wearing black polo
“Sino naman ang mga 'yan?” tanong ko rito.
“These are our allies,” sagot naman ni Denver. “We're belong to the group of hunters exclusively trained in Japan. Assassin, spy, and many more agents came from our group,” wika nito.
Napatitig akong mabuti sa picture. Napansin ko ang pamilyar na lalaki na isa sa mga kasama nina Denver at Alex sa picture.
“It's Zero!” ito na lamang ang nasambit ko sa litratong nakita.
“Teka! Kilala mo si Zero?” takhang tanong ni Denver sa'kin. I nodded in response.
“Anong ginagawa ni Zero diyan?” tanong ko sa kanya.
“Dating nag-training si Kiel kasama sina Denver at Alex sa Japan three years ago. Pero bago matapos ang training, nawala si kuya,” sagot naman sa'kin ni Sam.
“Kiel?” pag-uulit ko.
Bago pa makasagot si Sam sa tanong ko ay umentra agad ng tanong si Denver. “Kailan mo pa alam na kuya mo si Zero?”
“It was when I saw him sa building Zeus. Nakilala ko ang itsura niya nung araw na 'yon, pero 'di ko agad sinabi sa'yo dahil 'di pa 'ko noon ganun kasigurado. I was about to tell you all the truth nang makumpirma ko na, but kuya restrained me. Ipinaliwanag at ipinakita niya sa'kin ang lahat, and I know we can do nothing about it. He advise me to leave, away from you Denver. Pero 'di ko kayang hayaan na ipagpatuloy mong idarang ang sarili mo sa kapahamakan. I suggest you to stop too,” pakikiusap nito kay Denver.
Umiling lang naman si Denver habang nakatitig ito nang matalim kay Sam.
“Denver, I already know where's Thyke's corpse,” wika ni Austin saka iniharap sa'min ang laptop ni Denver na kanina pa niya kinakalikot. “Itinapon ang katawan niya sa isang bay.”
Halos 'di na makilala si Thyke dahil sa itsura nito sa photo. Narecover ng mga pulis ang katawan nito sa bay malapit sa city. Naaagnas na ito at burado na ang outermost layer ng skin.
Tumayo na si Austin. Sumunod naman si Sam at Denver. Paalis na sana kami nang-
Sa isang iglap ay nawala sa harap namin sina Sam at Austin. Nabasag ang glass wall sa gilid namin. Sa kanang direksiyon, naroon sina Sam at Austin na parehong sugatan. Tumilapon silang pareho sa sementadong dingding ng restaurant.
“Sam!” sigaw ni Denver. Patakbo itong lumapit kay Sam.
“Austin!” si Eloise naman ang sumigaw at ganun din lumapit sa parehong lugar.
<<<~*•*~>>>