chapter 4 the mafia
Sumapit ang tanghali at kaunti na lang ang namimili kaya naman isa isa na silang binibigyan ng pera ng matanda para kumain ng tanghalian, sya ang naunang binigyan ng pera pang kain kasama nya si bagsik managhalian kaya naman ayos na din dahil may makakasama sya. Habang nakain sila madami na din silang napag kwentuhan nalaman nyang inaanak pala ito ni nanay juving.
"Bali matagal na pala dito si donna" tanong nya halata kasi na si donna ang pinagkakatiwalaan ni nanay juving sa palengke ultimo sa mga nag dedeliver ng mga frozen sa kanila si donna ang nakuha ng pera pang bayad dito.
"Oo pre may pagka bossy lang akala mo anak ng may ari kaya kung umasta eh ganun na lang kaya nga asar si inad at Jaycel dun masyadong sip-sip" sagot sa kanya nito na ikinatango na lamang nya, ayaw nyang mag bitaw ng salita kahit totoo naman hindi pa nya lubos na kilala yung mga kasama nya kaya naman ingat sya sa mga binibitawan nyang salita.
Hindi man nya aminin pero totoo lahat ng sinasabi ni bagsik lalo na kanina kung makapag utos sa kanya mayat maya kahit alam naman ni donna na madami syang ginagawa pero hindi na lamang nya ito pinansin.
Sa kampo naman ni nathalia halos hindi na sila magkanda ugaga dahil bago sila mag ayos ng mga gamit na dadalhin ng boss nila nakipag barilan muna sila sa mga kalaban nila, Bala yata ang salubong na almusal para sa kanila hindi na bago sa kanila ang sistemang yun minsan nga habang nasa kahimbingan na sila ng tulog bigla na lang sasabog sa bakuran nila. safe naman sa bahay ng boss nila masyadong hightech ang bahay ng boss nila kaya naman minsan hindi sila nababahala, pero ayaw nilang magalit lalo ang boss nila pag naistorbo ito sa pag tulog dahil lahat sila damay kaya naman ang itsura ng boss nila lalo ngayon na sobrang tahimik isama mo pa ang blangko nitong muka at malamig na mata hindi na nila maisip kung pano mang hihikayat ng mga mamimili ang boss nila dahil sa muka nito, na talaga namang nakakatakot para sa kanila swerte mo na lang pag nag salita sya ng 20 words pero para sa kanila ang 20 words na salita ay alam nilang galot ito at puro mura na lamang ang lalabas sa bibig na sa huli fuck lang ang maiintindihan nila lalo na at mabilis mag salita ang boss nila.
"Queen naka handa na ang gamit nyo nailagay na ng mga tauhan mo sa sasakyan sure kana ba queen na payag kang maging tindera sa palengke" tanong ng dalagang si shiela sa kanya na makikitaan mo ng pangamba sa mata, dahil alam nilang maiksi lamang ang pasensya ni nathalia at lalong ayaw sa maingay kaya naman nag tataka sila kung bakit ganun na lamang kabilis pumayag ang dalaga sa alok ni Vanessa na maging tindera sa palengke.
"Tsk call Vanessa tell her will go" sagot ng dalaga sa malamig na paraan agad namang napa lunok ang kausap nito at nag bow muna sa kanya bilang respeto bago tumalikod para pumasok ulit sa loob ng bahay.
Habang si shiela naman ay nag tungo sa kusina dahil dun nya naririnig ang tawanan ng dalawa nyang kasama kaya naman ng makarating sya dun ay nag taka sya kung bakit tawa ng tawa yung dalawa samantalang sya kinakabahan na sya kaya naman sa naisip nya na dapat damay damay na sa magiging galit ng boss nila, kaya naman agad nyang sinabi ang pakay nito.
"Queen is really mad ang tagal tagal nyo daw pag wala pa daw kayo ng limang segundo sya daw mismo ang magpapalapa sa inyo sa alaga nyang leon" saad nya kila Vanessa at raizel na may halong pananakot, at nakita naman nya agad ang takot na bumalatay sa muka ng dalawa halos takasan na ng dugo at kanya-kanya na agad ng kuha ng mga gamit at sabay tumakbo palabas na halos magkakanda dapa pa.
Kaya naman sumunod na din sya habang napapangisi at napapa iling na lamang sya sa inasta nila raizel at Vanessa, pero sa sinabi nyang Leon yun ang totoo may alaga ang boss nila na Leon sa katunayan naging tatlo na ito dahil naka panganak na ang Leon na alaga ng amo nila, hindi nga nya mawari kung bakit sa dami ng pwedeng alagaan ay yung Leon pa pwede namang aso o pusa na lamang.
Nakarating sila sa sasakyan nakita na agad nila si nathalie na may hawak na baril at nakatitig ng masama sa dalawa, kaya naman halos lalong mawalang na ng dugo sa putla ng dalawa.
Yan tawanan pa lakas pa ng boses nyo huh sabi na lamang sa isip ni shiela halos gusto nyang tumawa sa nakikita nyang reaksyon sa muka nila raizel at Vanessa.
"WHY YOU FUCKING SO LONG HUH Escamosa wolfert" saad ni nathalia sa dalawa halos umatras ang dila nila sa sobrang takot.
"Queen chill I just eat first my breakfast sorry queen hindi na mauulit" si raizel lamang ang makapal na muka ang sumagot sa kanilang boss.
Kaya naman binalingan sya nito ng mas masama at mas malamig na tingin bago sya sagutin "DID YOU FUCKING SEE IF I ALREADY EAT MY FUCKING BREAKFAST HUH WOLFERT"
ayan nanaman ang machine gun na mura ng boss nila agad naman napa yuko si raizel sa sinagot sa kanya ng boss nila, kaya naman bago pa humaba ang galit ng boss nila agad na silang niyakag ni Vanessa.
Huminga muna sya ng malalim bago sya nag salita "queen it's time sorry for being late not gonna happen again" saad nito sa kanya kasabay ng pag bow sa ulo bilang respeto at pag hingi nito ng tawad.
Umirap lamang si nathalia sa kanila bago pumasok sa back seat ng sasakyan nila, na kina hinga naman ng maluwag nila raizel, shiela at Vanessa at nag kanya kanya na silang pasok ng sasakyan, si Vanessa ang naatasang mag mamaneho sapagkat sya ang nakaka alam ng lugar.