chapter 3 binangonan
Nakarating na ng binangonan si Daniel kasama ang nanay ni donna agad naman silang pumasok ng palengke para puntahan ang magiging trabaho nya.
Bagong pakikisama nanaman sana maging ayos ang mga kasama ko, pero kung hindi okay lang din hindi naman big deal sakin yun basta ba walang gagawin na katarantaduhan samin eh OKs na kami.
"Nay juving ito pala yung boy na ipapasok ko si Daniel taga samin din po yan" pakilala sa kanya ni donna okay naman si donna kaso may pagka mayabang nga lang.
Tumingin ang matanda kay Daniel bago ngumite "ilang taon kana iho nasabi naman na siguro sayo ni donna ang mga ayaw at gusto ko sana ay ayos lang sayo?" Saad sa kanya ng matanda, hindi naman katandaan si nanay juving mukang malakas pa nga ito katulad ng lola ko.
Ngumiti muna ako sa kanya bago magalang na sumagot "Oho nasabi na po sakin yun wala pong problema sakin basta trabaho maayos naman po ako, 21 na po pala ako"
"Ganun ma maigi naman ay kumain na ba kayo ng tanghalian donna pakainin mo muna ang nanay mo pati si Daniel" saad samin ni nanay juving sabay abot ng pera kay donna na agad namang tinanggap nito.
Ayos kakain nanaman, mukang ayos naman pala dito mukang maganda din ang magiging trabaho ko pag natutunan ko mag katay ng manok extra income din yun siguro tuwing ikalawang linggo pwede ako mag padala sa bahay ng may pangbaon si edward at edmark, si edward kasi nas grade 5 pa lamang habang di edmark naman nasa 3rd year high-school na, isama pa ang hulugin ni nanay sa loan nya matanda na din naman kasi si nanay at tanging pang hahalaman lamang sya nakuha ng gastusin si papa naman nag gagawa ng kalsada sa sta. maria tama lang yung sahod pero kulamg padin samin habang si mama naman katulong sa siniloan tsk bihira pa mag bigay kung baga may bulsa sa balat ewan ko ba dun hindi naman nya ikakayaman ang pag tatago ng pera.
Sa mahabang pag iisip ni Daniel napansin na lang nya na huminto sila sa isang karinderya na mukang kakilala na ni donna, Kaya naman sumunod na lang sya at umupo din sa upuan.
"Te cora pa order nga po ng dalawang kanin saka isang menudo at isang tinola" napansin nya na napatigil si donna sa pag sasalita at napatingin sa kanya kaya naman sinabi na lang nya ung gusto nyang ulam "adobo na lang sakin donna" saad ko habang naka ngite sa kanya, ngumite din sya sakin bilang ganti.
"Kamusta naman satin Daniel ganun padin ba?" Tanong sa kanya ni donna na agad naman nyang kinatawa.
"Para namang babago bago ka ganun at ganun padin wala na yatang mag babago sa lugar natin bukod sa nadagdag ang mga chismosa at mga tambay wala na yata" sagot nito na kinatawa naman ng dalaga.
Totoo naman yun kada umaga makikita nya agad ang mga nag kukumpulan na mga kapit bahay na nag chichismis imbis na asikasuhin ang mga buhay buhay eh wala sa brgy nila pati kapitan yata ganun din.
"Kaya nakakatamad sa laguio eh ganun ang mga tao dun, imbis pati na lalaki ang mag trabaho ng yayare babae ang todo kayo ng may maipakain lang sa pamilya"
Habang nakain sila nag uusap naman ang mag ina hindi na lang sya nakibo at hindi naman sya kinakausap isa yun sa ugali nya kaya minsan akala ng iba masungit o suplado sya pero ang totoo hindi nya lang hilig na makiusisa sa mga ibang tao lalo na pag hindi sya interesado, pero base na rin sa narinig nya kanina mukang binanggit ng nanay ni Donna yung manugang nya na may ipapasok daw na tindera.
Matapos nila kumain agad silang bumalik sa palengke tuturuan daw sya kung magkano ang mga presyo ng mga paninda duon ng sa ganun hindi sya mangapa mabilis naman syang makabisado ng bagay bagay kaya naman walang problema sa kanya yun.
"Ito Daniel dito ka muna sa labas mag tao para pag may nabili malaman mo din agad ang presyo pero pag halimbawa na longganisa 80 ang kilo pag balony naman 100 ang kilo pag kukuha ka ng longganisa mag gloves ka kasi may mamimili na maarte lalo na pag lalaki alam mo naman diba kung bakit?" Mahabang paliwanag sa kanya ni nanay juving.
Ngumite muna sya sa matanda tumango bago sumagot "naiintindihan ko po nay juving"
Sa unang araw nya masasabi nyang okay na din naman pagod pero mukang ayos naman natuwa pa sya nung bigyan sya agad ng 300 kahit half-day lamang sya.
May service sila nung pauwi na sila lima silang magkakasama sa bahay ung dalawa naman na nakilala nyang si bagsik at si Bryan uwian naman pala yun, habang ung isa naman nilanng kasama sa baboy pala naka pwesto hindi lang pala frozen foods at manok ang pwesto nila meron din sa karne.
Kinabukasan maaga silang guessing dahil dpat 2am pa lamang ng madaling araw ay nasa palengke na sila dahil dagsa ang mamimili lalo na at pasukan pa lamang kaya naman kahit papaano nakukuha na nya agad ng ayos ang tamang presyo ng bawat paninda.
Nagulat sta ng may nag abot sa kanya ng paktura kaya naman agad nyang tinanong sa kasama nya dahil hindi pa naman nya alam yun.
"Inad pano itong paktura na binigay sakin wala kasing pera na nakalagay" tanong nya sa isa nilang kasama na katabi lamang nya.
Kinuha naman ng binata ang paktura na inabot sa kanya bago binasa at saka sya sinagot "Ah ilagay mo lang sa malaking plastik ung mga nakalagay dyan babalikan nya yan tas kwentahin mo na lang din kung magkano ganyan dito mga suki na yan sila"
aya naman agad nya itong sinunod lahat ng items na nasa papel nilagyan nya ng presyo bawat isa kaya naman ng matapos sya tapos na din sya sa pag kwenta dahil habang nilalagyan nya ng presyo yung mga pinamili sinasabay nya na din ang pagkwenta kaya naman agad syang natapos.