Chapter 5
Buong hapon akong matamlay sa trabaho hanggang sa pag uwi ay parang lantang gulay ako. Pabagsak akong humiga sa kama at malakas na bumuntong hininga.
"Argh! Ano ba ang nangyari sa akin? Hindi naman ako ganito ah!" Frustrated na sambit ko. "Ang bigat ng loob ko. Naninikip ang dibdib ko. Ano ba 'tong nangyari sa'kin?!"
Napasabunot ako sa buhok ko sa inis sa sarili kung bakit ako nagkaganito. Naramdaman ko lang ito kanina nang malaman ko na may girlfriend na si Emmanuel. Pikit ang mata na dinampot ko ang magazine kung nasaan nakapaskil ang mukha niya at tinapon iyon s ilalim ng kama. Hanggat maaga pa kailangan ko siyang kalimutan. Hanggat crush ko palang siya kailangan ko ng burahin iyon sa aking isipan. Hindi ako pwede magkagusto sa kanya. May girlfriend na siya. Ayoko mahulog sa isang tao na may mahal ng iba. Crush ko lang naman siya. Madali lang mawala iyon.
Lalong nanikip ang dibdib ko sa naisip ko. Parang hindi ko kaya. Tatlong taon ko siyang hinahangan hindi ganon kadali na kalimutan siya ng ganoon lang kabilis. Kinuha ko ang cellphone ko at nag tipa doon, wala akong masabihan nitong nararamdaman ko kaya dito ko nalang ilabas sa pagtipa sa cellphone ko.
From: Ashnaie
:Saturday night. At, The Stairwell. My treat.
Mag protesta pa sana ako dahil pang mayaman ang resto bar na iyon at hindi ko afford nang mag text siya ulit.
:Na promote ako sa kompanya namin. Isa na akong CEO. Mag celebrate tayo.
Kaya naman pala. Deserve niya rin ang promotion niya. Pinatunayan niya iyon ng tatlong taon sa daddy niya.
To: Ashnaie
: Congratulations!!! I'm so proud of you. Deserve mo ang promotion at deserve mo ang party.
After our short conversation I decided to sleep dahil hindi parin bumabalik ang lakas ko mula kaninang umaga. Saka ko naalala ang tauhan ni papa kanina na nakasunod sa akin. Bigla ako nakaramdam ng takot. Paano kung ipahuli ako ni papa sa kanila? Alam ko hindi ako sasaktan ni papa pero kung may kailangan siya sa akin hindi malabo na hindi niya iyon daanin sa dahas kapag nagmatigas ako. Bago ko pa pagsisihan ang lahat ibinaba ko ang pride ko at nag tipa ng mensahe para sa kanya.
To: Papa
:I'm okay, Pa. Huwag ho kayong mag-alala. Pasensya na kung hindi ako sumama sa tauhan ninyo may trabaho kasi ako at hindi ako pwedeng umabsent. Salamat rin pala sa pera na binigay mo. Hindi ko pa ginalaw kasi sinagot ni Ashnaie ang pag treat sa birthday ko. Maayos ho ako. Sana ikaw rin. Take care yourself. Don't worry isa ako sa mga taong naniwala na wala kang kinalaman sa pagkamatay ni mommy. Take care, Pa. I love you.
Galit ako sa kanya ngunit hindi maalis sa akin ang mag-alala. Papa ko parin siya. At hindi pa naman napatunayan na may kinalaman siya sa pagkamatay ni mama. Kung sakali man na siya ang master mind ako mismo ang magpakulong sa kanya at kalimutan kong ama ko siya para lang mabigyan ng hustisya ang brutal na pagkamatay ni mama.
Natanggap siguro ni papa ang mensahe ko dahil wala ng tauhan niya ang sumusunod sa akin kinabukasan. Naging normal ulit ang takbo nang oras ko hanggang sumapit ang sabado. Effective ang pagtapon ko nang magazine ni Emmanuel sa ilalim ng kama ko.
Mahilig ako sa mga reveling na damit kaya red backless dress na lagpas tuhod ang suot ko. Hindi bale na makita ang likod ko huwag lang masilipan at mahipuan dahil sa ikli ng damit. Mercedes Benz ang sasakyan na dala ni Ashnaie. Isang sasakyan lang gamit namin total may driver naman si Ash.
"Wow! Sexy!" Puna ni Cathalea nang makasakay ako.
"Dinaig mo ang ka sexy-han ko! Bruha ka," natatawa na sambit ni Ashnaie. " Ang kj ng boyfriend ko. Ayaw akong payagan mag bar kapag sexy ang suot ko. Gusto niya naka pants at long sleeve ako."
"Nagpa-under ka naman," taas kilay na sabat ni Cath.
"Syempre mahal ko e. Pero hindi naman ako mukhang manang tingnan diba?"
"Pang CEO nga talaga ang dating mo sa suot mo," puna ko na kinasimangot niya.
She's wearing a high-waisted trousers. Long sleeve crop top and 2 inches high heels. Napangiwi ako. Bagay naman sa kanya ang suot niya , mapagkamalan mo lang na buntis dahil balut-balot ang suot niya.
Dahil resto bar ito nag order na si Ashnaie ng pagkain at wine. Muntik ko na siyang murahin sa dami ng order niya pang isang barangay. May balak yata ito na hanggang umaga mag celebrate sa dami ng pagkain na inorder niya.
"Congratulations Ashnaie!"
Sabay na sambit namin ni Cathalea at pinahipan sa kanya ang kandila sa cake nito.
"Ayoko uminom. Baka malasing ako," agad na sabi ni Cathalea nang magbukas ng wine si Ashnaie.
"Oh my god!"
Muntik ko ng madura ang kinain ko sa gulat ng humiyaw si Ashnaie.
"Oh my god! Masayang selebrasyon 'to," gigil na sambit niya. " Nandito si Emmanuel."
"Ano?!" Gulat na sambit ko.
"Talaga? Saan?" Si Cathalea.
"Sa kabilang table."
Sabay kaming lumingon ni Cathalea at halos malaglag ang puso ko nang lumingon ito sa gawi namin. Tumili ang dalawang kasama ko. Nahihiya na humarap ako sa table namin. Hindi maikaila na subrang gwapo niya sa gupit niyang semi calbo. Napakalinis niya tingnan sa suot niyang sky blue long sleeve na nakatupi hanggang siko at black baston jeans. Mag-isa lang siya sa kanyang table at may bote ng rhum sa kanyang harapan.
"Ngayon mo na gawin ang dare, Debbie. Malaking chance na'to at mag-isa siya," sabi ni Cathalea na kay Emmanuel parin ang tingin.
"Go! Deb!" Malaki ang ngiti sa sambit ni Ashnaie.
"Ito," binigyan niya ako ng alak. " Pampalakas ng loob."
". Makaramdam ba agad ako nang hilo diyan? Iba nalang iyong matapang, " kinuha ko ang menu ng alak. "Mag hikahos ako sa hirap sa presyo ng alak dito. Wala ba silang beer? Ay! Pota!" Sambit ko ng makita ang presyo ng kanilang beer. "Tag 50 lang to sa tindahan e. Bakit naging times five ang presyo dito?"
Hindi pa ako naka inom pero parang sumakit ang ulo ko sa presyo ng kanilang alak. Kaya tinungga ko ang wine na bigay ni Ashnaie. Naka limang tungga na ako nang makaramdam ako ng init sa aking pisngi, tumatama na ang alak sa katawan ko.
"Para sa Paris," saad ko. Tinaas ko pa ang baso na may laman na wine. Nilagok ko iyon saka tumayo.
"Watch me," saad ko sa dalawa.
"Good luck, Debbie." Si Ashnaie.
"Sunggaban mo kaagad para walang kawala," si Cathalea.
Umayos ako ng tayo nang makaramdam ng hilo. Nang mahimasmasan ay lumakad na ako papunta sa kabilang table kung saan naroon si Emmanuel. Ang buong tapang ko ay nawala ng nasa tapat na niya ako. Para akong napepe. Walang salita na lumabas sa bibig ko. At doon ko naalala may girlfriend na pala siya. Tatalikod na sana ako nang magsalita siya.
"What do you want woman?"
Ang kanyang seryoso at ma awtoridad na boses ay nagpahina ng tuhod ko. Napakapit ako sa mesa nang umangat ang tingin niya sa akin. Parang nawala ang lakas ko. Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanya, hindi inalis ang ang tingin sa kanyang mapanuri na mata. Naliliyo ako sa titig niya. Lalo akong nalasing sa mabango na amoy niya. I was about to speak nang matapilok ako at natumba ako sa harapan niya. . sa pagitan ng dalawang hita niya.
Nanlaki ang mata ko at dali-daling tumayo ngunit bumagsak ulit ako dahil sa hilo ngunit sa puntong ito sa kanyang makisig na katawan ang bagsak ko.
"Sleep with me," mahinang usal ko bago mawalan ng ulirat.