Chapter 4
Wala nang party na naganap dahil na lasing ang dalawa. Habang ako tulala na nakahiga sa kama iniisip kung paano akitin ang isang Emmanuel Montefalco. Madaling araw na pero dilat parin ang mata ko, wala paring idea na pumasok sa isip ko kung ano ang gagawin. Una, hindi ko alam kung saan siya hagilapin. Kung naroon siya sa opisina ng kanyang mall panigurado buong hapon yon nandoon. Sa DZM Corporation kaya? Tapos kunyari mag apply ako nang trabaho. Pwede 'yon.
"Hayyyst! Bakit kasi ang hirap ng dare ni Ash e," himutok ko.
Dahil hindi ako makatulog, bumangon ako at lumabas ng silid. Lumabas ako ng veranda at umupo sa ratan chair. Napayakap ako sa aking sarili nang tumama ang lamig ng simoy ng hangin sa balat ko. Nakalimutan ko magdala ng kumot. Bumalik ako sa loob at kumuha ng extra na kumot at binalot ang aking katawan.
Tumingala ako sa payapang kalangitan. Ang daming bituin na kumikinang kay sarap pagmasdan. Nilabas ko ang aking cellphone at nagtipa doon. . kung ano ang nangyari sa akin ngayong araw. Sa aliw ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako nang maramdaman ang init ng sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.
Pumupungas na tumayo ako at bumalik sa loob. Tulog parin ang dalawa. Mabilis akong naligo at nagluto ng makakain namin. Dahil lasing ang dalawa sinigang na bangus ang niluto ko na may kaunting anghang. Hindi ko alam kung makatanggal ba ito nang hang over nila ang importante makahigop sila ng mainit na sabaw. Nang matapos maluto ginising ko na ang dalawang lasing.
"Gising na!"
Ngunit umingos lang ang dalawa at nagtalukbong pa ng kumot.
"Gising na. Kakain na tayo. 10 am na."
Hilik lang ang sinagot nilang dalawa sa akin. Napamaywang ako. Ang hirap gisingin ng dalawa kapag lasing.
"Ash" niyugyog ko ang balikat niya, umungol siya . " Nasa labas si Justin, galit na galit. At mukhang lasing. Nag away ba kayo?"
Napanganga ako sa gulat nang mabilis itong bumangon, muntik pang mahulog sa kama pagkababa nito, siguro nahihilo pa. Pasuray-suray siyang naglakad palabas sa kwarto, nakapikit pa ang isang mata, sabog ang buhok, at wala sa ayos ang damit. Napahagikhik nalang ako at lumapit kay Cathalea sa kabilang banda ng kama.
"Cath," walang response. " Cath," ganon parin, tulog na tulog ang gaga. "Cath, may tumawag sa phone mo," saad ko, niyugyog ang balikat niya. Natawa nalang ako ng umungol ito, nakakunot ang noo at parang naiinis dahil na distorbo ang tulog niya. "May tumawag sa phone mo. Kanina pa. 'Yong presentation mo raw, kanina ka pa nila hinihintay . . late ka na."
Nakakunot parin ang kanyang noo, nang ma proseso ang sinabi ko ay agad itong bumangon.
"Oh my god!" Tili ko nang lumagapak siya sa sahig. " Hey! Okay ka lang?" Natatawa na tanong ko sa kanya at tinulungan siyang umupo sa sahig.
"Cath!" Tili ko nang hawakan niya ang dalawang tuhod ko. Malakas ang kiliti ko diyan.
"Oh my god!"
Halos hindi na ako makahinga sa pagtawa sa subrang kiliti nang marahan niyang pinisil iyon. Yumakap si Ashnaie sa likuran ko at halos mangisay ako sa kiliti nang hipan niya ang batok ko.
"What a scam!" Saad niya, hindi parin ako binitawan.
"Tama na," tumatawa na saad ko sa kiliti na ginawa nilang dalawa. " Awat na. Hindi ko na kaya."
Hinihingal na lumayo ako sa kanila. " Ang hirap niyo kasi gisingin. Nakahanda na ang pagkain."
"Nawala ang lasing ko Debbie," asik ni Ashnaie. " Akala ko nandiyan si Justin. Gaga ka."
Nag peace sign ako sa kanya.
"Sumakit bigla ang sintido ko," si Cathalea. "Tara na kain na tayo. Gutom na ako."
Masaya naming pinagsaluhan ang niluto ko. Si Cathalea na ang nag presenta na maghugas ng plato. Si Ashnaie ay naligo at ako nasa sala nanunood ng Netflix. Buong hapon ay doon lang kami. Kwentuhan, nood ng tv. Gusto sana ni Ashnaie na gumala ngunit tumangi ako. . gastos na naman. Kaya buong gabi ay nandoon kami.
"Kailangan ko na umuwi may trabaho na bukas," si Ashnaie pagkatapos naming maghapunan.
"Ako rin," ani ko. " Thank you sa treat Ash, Cath. Thank you rin sa regalo. I love you."
Niyakap ko silang dalawa. Walang sawa na nagpasalamat. Sumabay na ako kay Ashnaie pauwi at nakarinig muna ako nang sandamakmak na paalala kay Cathalea.
" Thank you Ash. "
" You're always welcome. Lagi lang ako nandito para i-spoiled ka. "
Yumakap ako sa kanya at muling nagpasalamat bago bumaba ng sasakyan. Dumiritso na ako nang higa sa kama pagkapasok ko sa apartment ko, pakiramdam ko pagod na pagod ako.
_______
Pakiramdam ko may sumusunod sa akin habang naglalakad ako papunta sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Sa tuwing lilingon ako wala namang tao. Pa linga-linga rin ako sa paligid baka nagtatago siya ngunit wala naman. Binaliwala ko ang pakiramdam na iyon at nagmadali sa paglakad. Paliko na ako sa kanto nang may tumawag sa akin na nagpadaga sa puso ko.
"Miss Debbie."
Binilisan ko ang aking paglakad ganoon din ang taong sumusunod sa akin.
"Miss Debbie, gusto ho kayong makita ng daddy ninyo."
Hindi ko siya pinansin. Patuloy parin ako sa paglakad. Gusto ko rin siya makita ngunit ayaw ko sa paraan na gusto niya. Ayoko magkita kami sa tagong lugar na parang isang kreminal. Dawit na ako sa paratang sa kanya at ayaw ko nang dagdagan pa iyon. Kung gusto niya akong makita. Kung gusto niya akong makasama, linisin niya ang pangalan niya sa publiko at sasama ako sa kanya ng walang pag-alinlangan.
Nang malapit na ako sa coffee shop ay tumakbo ako at mabilis na pumasok sa loob.
"Ouch."
"Aray."
Mabilis akong tumayo at tinulungan ang babaeng na bangga ko na tumayo.
"Sorry ma'am. Pasensya ho hindi ko kayo nakita," paghingi ko dito nang pasensya.
"It's okay. You seems in hurry," saad nito sa malambing na tono.
Ang ganda niya at ang bait pa. Pinulupot niya pa ang bag ko na nasa sahig at sinukbit iyon sa balikat ko.
She give me a small smile. "Wala bang masakit sayo.?"
Umiling ako. "Wala ho. Ikaw ma'am baka may masakit sayo, baka may galos ka. Pasensya ho talaga ma'am nagmamadali kasi ako hindi ko kayo nakita, " senserong paliwanag ko.
" You okay? "
Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran ko. Ang kanyang pabango na nagpaliyo sa huwesyo ko. Hindi ako sigurado kung sino sa aming dalawa ng babae ang tinanong niya dahil maski ito ay hindi sumagot sa lalaki.
Nanuyo ang lalamunan ko at pakiramdam ko namutla ako nang huminto siya sa harapan namin at sinuyod nang tingin ang babaeng nasa harapan ko. Umangkla ang babae sa kanyang braso at matamis na ngumiti.
"I'm okay. Hindi naman niya sinadya."
Tumango siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang saglit siyang lumingon sa akin.
"C'mon babe. I'm hungry na."
Nanigas ako sa aking kinatayuan. At biglang sumilay ang kakaibang kirot sa puso ko nang marinig ang sinabi ng babae. May girlfriend na siya. May ibang mahal ang lalaking gusto ko.