Chapter 11
Nahihiya na ngumiti ako kay Bethany na hanggang ngayon ay tulala parin. Nasa harap ng counter lang ako nakatingin, umiiwas sa mapanusok na tingin ng mga empleyado. Sa ilalim ng nakayuko kong ulo sinamaan ko ng tingin si Emmanuel. Natutuwa ako na sinabi niya sa publiko na asawa niya ako pero hindi niya ba naisip na baka pag piyestahan ako ng mga tao lalo na ang media kapag nalaman nila ito?
Oh my god! Hindi ko maisip kung sakaling mangyari man ito. Ginulo ko ang buhay ni Emmanuel ayoko nang dagdagan pa iyon lalo na at hindi maganda ang background status ko. Ayoko ma ungkat ang tungkol sa pamilya namin lalo na ang pagkamatay ni mama. Masakit parin sa akin ang nangyari at hanggang ngayon hindi parin iyon nabigyan ng hustisya. Hindi bale na ako ang mapahiya huwag lang madamay si Emmanuel.
"Escort her to my office."
Ani nito kay Bethany at sinagot ang tawag. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin bago ako tinalikuran. Biglang sumama ang loob ko sa kanya. Binalik ko ang tingin kay Bethany na ngayon ay hindi alam kung paano aakto sa harapan ko.
"Huwag mo siyang pansinin," ani ko at kinalabit siya." Marami ba nakarinig? "
"Hindi naman yata ma'am."
"Wala namang kumuha ng picture sa akin diba?"
"Wala naman ho. Mga empleyado lang yong lumingon kanina at bawal mag dala ng cellphone kaya sa tingin ko wala namang kumuha ng picture sayo."
Nakahinga ako ng maluwag. Ayoko pag piyestahan sa publiko ngunit hindi parin ako pwede makampante kaya nang matapos kong bayaran ang pinamili ko hindi na ako pumasok sa opisina ni Emmanuel. Nagpatulong ako sa sales man na bitbitin ang pinamili ko , iwan ko muna sa baggage area dahil kikitain ko pa mga kaibigan ko.
"Thank you, Bethany." Nakangiti na saad ko. I treat ko sana siya kaso bawal pala iyon sa kanila.
Napamura ako sa aking isipan nang pagbukas ko ng cellphone ko sandamakmak na mensahe galing kay Cathalea at Ashnaie ang natanggap ko, na hang pa ang cellphone ko.
To: Pretty Ladies
:Sa restaurant tayo ng boyfriend mo Ashnaie. Asap.
Chat ko sa gc namin dahil tamad na akong magpaliwanag sa kanila sa chat. Hindi na ako nag beses ng damit. Ipamukha ko sa kanila ang resulta ng kanilang dare. Sampong minuto, nakarating ako sa restaurant. Sa second floor na ako dumiritso sa VIP kung saan namin sinelebrate ang birthday ko dati.
"Debbie!"
Mangiyak-ngiyak na tawag ni Cathalea nang makita ako. Tumakbo ito at sinalubong ako ng yakap.
"Bruha ka! Pinag-alala mo ako."
Pinalo ni Ashnaie ang puwet ko. "Saan ka galing! Muntik na kitang i-report na pulis na missing."
"Pwede bang maupo muna bago ako mag explain?" I said with a puppy eyes.
Agad na umorder ng pagkain si Ashnaie pagka-upo namin. Nakaharap silang dalawa sa akin. Bakas ang pag-alala sa mukha.
Hinampas ko ang lamesa at inis na tumayo na ikinagulat nila. "Alam niyo ba kung ano ang resulta ng dare niyo sa akin?" Huminga ako ng malalim at tumalikod sa kanila. "Ikinasal ako."
Pagharap ko, namilog ang kanilang mata at naka-awang ang labi sa sinabi ko. Nagtatanong ang kanilang mata at bakas doon ang pagsisi at konsensya.
"Prank ba to?" Tigagal na ani Cathalea.
"Debbie. What are you saying? Kasal ? With who?"
Bumuntong hininga ako at muling umupo. " Kay Emmanuel."
Muntik nang mahulog sa upuan si Cathalea. Laglag ang kanyang panga at hindi makapaniwala na tumingin sa akin. Si Ashnaie, hindi alam kung ano ang i-re-react. Bumubuka ang kanyang bibig ngunit hindi maisatinig ang nais sabihin.
" P-panong nangyari?"
Sinamaan ko silang dalwa ng tingin." Kurotin ko kayo sa singit. Gaga kayo! Hindi niyo ba ako binantayan noong nagpunta ako sa table ni Emmanuel?"
Umiling si Cathalea." Na passed out ako."
" Me too," si Ashnaie." Pagkagising ko nasa bahay na ako, si Cathalea lang kasama ko."
" Ang sarap niyo talaga kurotin sa singit," gigil sa ani ko sa kanila." Subrang kahihiyan ang ginawa ko sa harap ni Emmanuel hanggang sa humantong kami sa pagpapakasal."
" Totoo ba talaga na ikinasal kayo?" Paniniguro ni Cathalea.
" Ano ba ang nangyari noong lumapit ka sa kanya?" Tanong naman ni Ashnaie.
" Napahiya ako, " nakanguso na sumbong ko." Paano ba naman kasi, paglapit ko sa kanya natapilok ako tapos na subsob ako sa harapan niya. . as in sa pagitan ng dalawang hita niya," parang bata na sumbong ko.
" At alam niyo ba kung ano ang sinabi ko sa kanya bago ako nawalan ng malay? " Dagdag ko pa.
" Ano? " Curious na tanong nilang dalawa.
Huminga ako ng malalim." Sabi ko sa kanya. . sleep with me. At pagkagising ko, magkayakap na kaming dalawa, pareho walang saplot."
"OH. MY. GOD!"
Napangiwi ako nang sabay silang humiyaw, hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"You're so malandi!"
"Sa kama agad ang bagsak?!"
Hilaw na ngiti ang ginawad ko sa kanila sa kanilang reaksyon. Si Cathalea, nakahawak sa kanyang dibdib na para bang bigla itong nanikip. Si Ashnaie, hindi mapakali, lakad parito paroon ang ginawa niya na malalim ang bawat paghinga.
"Did you have sex?"
Sabay na tanong nilang dalawa. Nabulunan ako ng sarili kong laway at biglang uminit ang mukha ko. Agad akong umiling at sinamaan sila ng tingin.
"Walang ganun na nangyari!" kanda samid na sambit ko.
"Wew! Gentleman," ani Cathalea.
"So, anong nangyari bakit nagpakasal kayo? Nag propose ba siya kaagad pagkagising mo? Umamin na may lihim siyang pagtingin sayo at hinintay niya lang iyong pagkakataon na ikaw ang unang lumapit sa kanya bago siya gumawa ng moves how to say he loves you and he want to marry you. Alin d'yan?!"
Binato ko siya ng tissue na sinalo naman niya. Sana nga ganon. Sana nga may lihim siyang pagmamahal sa akin at set up lang ang lahat para hindi ko mahalata na plano niya ito. Sana nga totoo kasi kung ganoon subrang saya ko. Kaso hindi e. Hindi niya ako mahal. Hindi niya ako gusto. At mas lalong hindi niya ako kilala. Pinakasalan niya lang ako dahil utos iyon ng kanyang ama na hindi niya pwedeng suwayin.
"Sira! Hindi."
Sumandal ako sa upuan ng buntong-hininga na sinubo ang fries na hawak ko.
"Na abotan kami ng ama niya na magkatabi sa kama. Hindi ako hinayaan ni Senyor David na magpaliwanag sa nangyari at kung gusto ko bang magpakasal ako sa anak niya. Kaya ayon. . wala akong ligo. . walang kain. . walang toothbrush na nagpunta sa munisipyo para magpakasal sa isang Emmanuel Montefalco. "
" What the! "
" Seryoso?! "
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Sana nga isang panaginip lang ito. Isang magandang panaginip na nangyari sa buong gabi na pagtulog ko.
"Makapalag ba ako sa isang David Montefalco? Kahit nga si Emmanuel hindi makasuway sa utos ng ama, ako pa kaya. Yes, I want to marry Emmanuel but. . hindi sa ganitong sitwasyon. . hindi sa ganitong paraan. Alam ko gusto niyang tumutol sa ama niya pero hindi niya iyon kayang gawin.. hindi niya kayang suwayin.. kaya kahit labag sa kanya sinunod niya lang ang kagustuhan ng ama."
Pag amin ko sa kanila. Malungkot ang kanilang mga mukha. Naroon ang awa at pag-alala sa kanilang mga mata. I gave them a small smile. Ayoko isipin nila na kasalanan nila ang nangyari kung bakit narito ako sa sitwasyon na'to kasi pwede naman ako umayaw kung ayaw ko dahil ako naman ang mag desisyon para sa sarili ko.
"I'm sorry, Deb. Napunta ka sa sitwasyon na'to dahil sa'kin."
Umiling ako. "Huwag kang mag sorry. Wala kang kasalanan. Kung may dapat mang sisihin dito ako yon. Kasi pwede naman ako umayaw kung ayaw ko diba?"
" Masaya ka ba, Debbie? Masaya ka ba sa sitwasyon mo? Kasi pwede kaming gumawa ng paraan para makaalis ka sa sitwasyon mo ngayon," may pag-alala sa boses na sambit ni Cathalea.
Umiling ako at tipid na ngumiti. " Asawa ko siya sa papel. Sa papel lang din kami kasal pero 'yong sinumpaan namin hindi iyon sa papel lang Ashnaie, Cath. Kasi kahit ano pa ang sabihin ng iba tungkol sa kasal namin, 'yong sinumpaan naming dalawa narinig at nakita iyon ng diyos. At kahit mahirap, gampanan ko iyon kasi iyon ang isinumpa ko. Nangako ako. "
Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mata ko. Hindi ko napansin naluha na pala ako. I want to tell them the truth na ayaw ko sa sitwasyon ko ngayon dahil hindi ako ang gusto ni Emmanuel at nasasaktan ako pero ayoko makita ang pagsisi sa mga mukha nila kapag nalaman niya iyon. Kaya kailangan ko magsinungaling na ayos lang at saka hindi ko maari na suwayin si Senyor David dahil baka sa morgue ang kahantungan ko.
Inabot ni Cathalea ang kamay ko. " Basta kapag may kailangan ka. Kung gusto mo ng kausap tandaan mo nandito lang ako, kami ni Ashnaie."
" Thank you, Cath. Thank you sa inyong dalawa. "
" So, saan kayo nag honeymoon? "
Muntik ko ng mamura si Ashnaie sa tanong niya. Sa dami ng kwento ko iyong tanong pa talaga na wala doon sa pinag-usapan namin ang itanong niya. Nag iba lang ng usapan iyon pa talaga ang pinili niya.
"Diba, after marriage may honeymoon," dugtong pa niya. " Saan? Anong ganap. Share mo naman."
Namumula ang pisngi ko na umiwas ng tingin sa kanila. Kailangan ba talaga sabihin 'yon? Hindi ba pwedeng secret?
"Ano? Naisuko na ba ang bandera ng pilipinas?" ani Cathalea.
"Bumuka na ba ang perlas ng silangan?" si Ashnaie.
" Nag bloody war na ba ang dalawang kampo?" si Cathalea.
"Sino ang natalo? Sino ang nagwagi?" si Ashnaie.
Pakiramdam ko nag mukhang kamatis na ang mukha ko sa hiya ng mga pinagsasabi nila. Na alala ko tuloy ang nangyari kagabi.
"Ano ba!" nahihiya na awat ko sa kanila. "Grabe naman 'yang mga tanong niyo."
"Confirm," bulalas ni Ashnaie. "Gaga. Kailan 'yon. Kwento mo naman," gigil na saad niya.
"Ka gabi lang," nahihiya na pag amin ko sa kanila." Aray ko, " daing ko nang hampasin ako sa braso ni Cathalea.
Sinamaan ko ng tingin si Ashnaie nang mag tanong siya ng detalye kung ano ang nangyari kagabi. Kahit nahihiya ay kinuwento ko sa kanila, wala akong maitago sa dalawa na'to. Hindi ko namalayan ang oras, gabi na pala. Napasarap sa kwentuhan, kailangan ko ng umuwi baka nasa bahay na si Emmanuel.
Nagpaalam na ako sa dalawa. Gusto ko pa sana silang maka-usap at makasama ngunit kailangan ko ng umuwi dahil hindi na ito katulad ng dati. May asawa na ako.
Pagdating ko sa bahay wala pa si Emmanuel. 9 pm ang closing time ng mall niya baka hinintay niya pa ito mag close bago umuwi.
Ganito lagi ang routine namin. Kakagising ko lang sa umaga tapos siya papasok na sa trabaho. Sa gabi naman, tulog na ako at siya kakauwi palang. Sa loob ng isang buwan na pagsasama namin sa iisang bahay ganito ang routine namin. Kahit anino ng isa't isa hindi namin makita dahil hindi kami magka-abot dalawa. Kahit 'Hi' at 'Hello' wala. Hindi ko nga narinig ang boses niya ng isang buwan. Ngunit hindi sa araw na'to. Wala pang limang minuto nang makauwi ako ay dumating siya at walang pasabi na isa-isang hinubad ang suot na damit sa harapan ko.
"Hubad."
Ma awtoridad na sambit niya na nagpatigagal sa akin.