Chapter VII ARGUE
LIEGHNA
Kakarating ko lang sa bahay dala ng pag-aya sa amin ni Camie na maghapunan.
Hindi ko naman magawang tumanggu s akanya sa kadahilanang ayokong magtampo ito sa akin.
Gabi na ng nakauwi ako at sa pag-aakalang kanina pa nakauwi si Kelmer ngunit ni anino niya ay wala akong nadatnan sa bahay. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag at hinanap agad sa contacts ang pangalan ni Kelmer, pipindutin ko na sana ang salitang call sa screen ng aking cellphone ng bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kelmer.
Nagkagulatan pa kaming dalawa sa biglaan niyang pagdating.
"Oh nandito kana pala, kakarating mo lang din? Ginabi ka nanaman yata?" Aniyang may halong pagdududa.
" A-ah ano kasi si Camie, nag-aya kanina hindi ko naman alam na aabutin na pala kami ng gabi eh ikaw bakit mas nauna pa ako sa'yo eh dati-rati sa tuwing uuwi ko nandirito kana sa loob ng bahay." Balik kong tanong kay Kelmer na siya namang ikinataas ng kilay niya.
Hindi ko naman intensyong magtanong ng ganoon, sadyang nanibago lang ako dahil naunahan ko pa siyang makauwi.
"Bakit ka pa nagtatanong eh alam mo naman na ang sagot sa tanong mo na yan." Walang buhay niyang sagot sa akin, na tila ba may mali sa tanong ko.
Magsasalita pa sana ako ng talikuran na ako nito at nagtungi na sa salas kasabay ang paglapag niya ng kanyang mga gamit.
Hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin kundi dumiretso na agad sa hagdan at umakyat ng hindi lumilingon sa gawi ko.
Ito 'yong unang beses na ganoon sumagot sa akin si Kelmer, dahil hindi naman siya ganito umasta.
Hindi ko maiwasang mag-isip ng mga bagay na dahilan upang ganoon na lamang siya kung umasta sa akin na tila hindi niya ako pinagkakatiwalaan s amga bagay na ginagawa ko at kinasasaya ko.
Naisipan kong magtungo na rin sa kuwarto namun upang magpalit na ng damit pangtulog. Nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan na siya namang pagbaba niya ni hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin at diretso lamang ang tingin. Animo wala siyang nakitang tao.
Hinayaan ko nalang siya sa nais niya marahil isa na sa dahilan niya ay pagod lamang siya at maraming iniisip at dumagdag pa ako.
Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa loob ng kuwarto namin bago ko napagpasiyahang maghanda ng makakain namin pero wala akong katiyakang gusto rin niyang sumabay sa akin na maghapunan.
Nakarating nga ako sa salas namin ngunit tila hindi naramdaman ni Kelmer ang presensya ko, nakatuon lamang ito sa laptop niya. Nais ko sanang tanungin si Kelmer kung sasabay pa ito pero pinangunahan na niya na ako.
"Kung balak mong tanungin ako kung kakain ako hindi ako kakain dahil busog pa ako, at huwag kanang mag-abala pa ng kahit anong makakain ko o kahit ano." Malamig nitong tugon habang nakatutok pa rin sa laptop niya.
Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang ipaghanda ng makakain ang sarili ko, aksidente kong nailapag ng malakas ang pinggan ko at nakita kong napahinto si Kelmer sa ginagawa niya.
Bawat galaw ko sinisigurado kong hindi ako makagagawa ng kahit anong ingay dahil nahahalata kong naiirita si Kelmer.
Habang kumakain hindi ko maiwasang makagawa ng tunog mula sa pinggan at kutsara hanggang sa pagsubo ko nito doon na tuluyang sumabog si Kelmer sa galit.
"Leighna ano ba?! Kumakain ka ba o nananadya ka ha?! Hindi mo ba nakikitang may ginagawa akong trabaho na kailangan kong matapos agad. Alam mo ba ang salitang focus at walang distraction?!" Galit nitong sambit habang nakatingin na ngayon sa akin.
Hindi ko naman sinasadyang mapalakas ako sa pagkain, alam kong kailangan niyang magfocus pero yun lang naman ang problema bakit kailangan pang sumigaw?
"Pasensya na Kelmer, hindi ko naman sinasadya tapos na rin naman ako kaya makakapagfocus kana, hindi mo naman kailangang sumig—" Agad nitong pinutol ang pagpapaliwag ko at sumigaw nanamang muli.
"Pasensya? Oh eh alam mo naman pala ang salitang yan bakit hindi mo ibigay sa akin ha, paanong hindi sisigaw kung simpleng bagay lamang ay hindi ka makaintindi?!" Saad nito kasabay ang pagtayo niya at pumunta sa gawi ng pinto habang hindi lumilingon sa akin at aksidente niya itong naisara ng pagkalakas.
Sinubukan kong habulin at tawagin si Kelmer at tanungin kung saan ito patutungo gayong gabi. Agad naman ako nitong nilingon.
"Wala kanang pakealam doon Leighna at saka pwede ba huwag ka nang dadagdag pa sa mga pinoproblema ko." Sambit nito hindi ako nakontento sa sagot nito at tuluyan na ring akong sumabog.
"Ano bang problema mo ha, kung ang ikinagagalit mo ay ang pag-uwi ko ng ganoong oras bakit hindi na ba ako pupuwedeng umuwi ng ganoong oras bakit ikaw lang ba ang may mas karapatan sa ating dalawa, umuuwi pa rin naman ako ah!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapasigaw sa kadahilanang napakababaw naman ng dahilan na 'yon para magalit siya.
"Babae ka Leighna, pamilyadong tao hindi kana dalaga na walang anak na kailangang mas pagtuunan ng pansin huwag mong idahilan na 'yon lang ang problema, matalino ka pa namang tao pero ni ang makaintindi ay hindi mo magawa." Sambit nito at tuluyan ng umalis sa harapan ko ng walang lingon lingon.
Naiwan akong tulala habang nakatitig sa gate namin, dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Kelmer. Nang bumalik na ako sa aking wisyo tumungo na ako sa kuwarto ng mga bata, doon na ako dumiretso dahil ayoko munang matulog sa kuwarto namin gayoong hindi kami maayos ngayon.
Hindi ko maintindihan si Kelmer sa dahilang ibinigay niya sa akin, oo naiintindihan ko iyon pero ang babaw nan yata ng dahilang iyon para ikagalit niya.
Hindi naman siya ganito dati sa tuwing gagabihin ako dahil alam naman niya kung sino sino ang mga kasama ko. Hindi ko na talaga maintindihan si Kelmer o si Kelmer pa nga ba siya? Dahil ang sigawan ako ay hindi magawa ni Kelmer ngunit ang Kelmer na nakaharap ko ay ibang-iba sa Kelmer na kilala ko.
***
Nagising ako ng maaga dahil nagising ang anak kong si Azi at nagtataka ito bakit ko siya katabi gayong may sarili naman daw kaming kuwarto ng daddy niya.
"Mommy bakit po kaya nasa kuwarto namin ni kuya at bakit po kayo natutulog sa tabi ko?" Tanong nito sa akin habang naguguluhan kung bakit ako narito sa tabi niya.
"Wala lang baby, gusto ka lang makatabi ni mommy hindi ba puwede iyon?" Tanong kong hindi agad nakasagot ang anak ko.
Hindi na nga siya nagtanong pa at hinayaan na lamang ako sa tabi niya.
Hindi na ako nakatulog pang muli kaya napagpasyahan kong bumangon na lamang. Nang makarating na ako sa first floor nakita kong naroon si Kelmer at naharap sa kanyang laptop marahil hindi nito naramdaman ang presensya ko.
Hindi na rin ako gumawa ng kahit ano pa mang ingay at dumiretso na patungong kusina, nagulat ako ng bigla itong magsalita.
"Ang aga mo naman yata." Maikling tanong nito.
Sumagot ako sa tanong niya ng hindi lumilingon.
"Kung ikaw nga gising sa ganitong tapos ako hindi na puwede?" Pilosopo kong sagot kahit anong kong ikaiirita ito ni Kelmer.
"Ah so yan ang ipunupunto mo." Sambit nito at narinig ko naman ang pagsinghal nito dala ng hindi makapaniwala sa sagot ko. "Nakakapanibago lang kasi Leighna, ikaw gigising ng ganito ka-aga para ano para ipaghanda ng makakain ang mga anak mo gayong may kinuha kang katulong." Dagdag pa nito na siyang ikinainit ng tainga ko tila.
Tuluyan na akong humarap sa kanya, at sa pagharap ko hindi ko inaasahang nakaharap na rin pala siya.
"At ano sa tingin mo hindi ko kayo kayang asikasuhin o ang mga anak ko porket kumuha tayo ng katulong?" Inis kong saad na siyang mas ikinatuwa ni Kelmer na siya namang ikinakulo ng dugo ko.
"Ikaw lang Leighna, at ikaw ang may gusto niyan huwag mong sabing tayo dahil nalaman kong may katulong na tayo kinaumagahan. Diba hindi mo kayang paglaanan ng oras yang mga anak mo na yan kasi ano imbes na pagkatapos ng trabaho diretso ka kaagad sa bahay para maasikaso mo pa sila pero anong inuuna mo, yang kakasama mo sa mga katrabaho mo. Akala mo walang anak na nag-aabang sa'yo pag-uwi mo." Tugon nito, tuluyan nang nangalaiti ang tainga ko matapos marinig ang mga walang kwentang rason ni Kelmer.
"Bakit ha Kelmer hindi na ba ako pwedeng sumama sa kanila, eh ikaw nga itong halos hindi na matulog tapos ano maagang aalis tuwing umaga, may anak ka rin Kelmer at hindi lang ako ang nag-kukulang sa oras pati rin ikaw huwag mong isusumbat sa akin ang mga pagkukulang mo bilang ama nila!" Sambit ko, hindi ko na napigilan pang hini sumigaw dahil sa sumabog na ako at hindi na nakapagtimpi pa sa mg pinagsasasabi ni Kelmer.
"Hindi mo ba naiintindihan o sadyang ganyan kana kabobo, natural lang na ituon ko ang oras ko sa trabaho alalahanin mo Leighna hindi kita pinayagang magtrabaho pero ikaw ang nagpumilit at mas alalahanin mong mas malaki ang sweldo ko kaysa sa'yo mas malaki pa rin ang ambag ko sa pamilyang ito!"
"Ah so sinisisi mo nga lahat sa akin bakit parang ako yata ang may kasalanan ng lahat, ganyan kana ba talaga ha Kelmer kilala pa ba kita, alam mo pa ba yang mga binibitawan mong mga salita?" Saad ko habang pinipigilan ang sarili na maluha sa harapan niy dahil mas lalo niya lamang akong susumbatan at sasabihing kasalana kong lahat ng 'to.
Hindi na rin ako nagsalita pang muli at bumalik na lamang sa kuwarto namin. Doon na tuluyang nagsipag-unahan ang mga luha ko, hindi ko na napigilan ang sariling maluha hindi sa tama si Kelmer kundi dahil sa mga panunumbat niya sa akin. Mga salitang hindi ko lubos maisip na kaya niya palang sabihin. Nagmuka akong walang kwentang tao sa harapan ni Kelmer, bumaba ang tingin ko sa sarili dahil mga pinagsasasabi ni Kelmer.
Oo alam kong mas malaki nga ang ambag niya sa pamilya namin ngunit kailangan bang ganito niya ipagmalaki lahat sa akin ang ambag niya?
Hinayaan ko ang sarili kong yakapin ang unan sa tabi ko at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko, hinayaan ko ang sarili kong makatulog kahit sariwa pa rin sa isip ko ang mga salitang nasambit niya.
***
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha, nagmulat ako ng aking mga mata at nahagil nito ang orasan, maaga pa ala-sais pa lamang ng umaga.
Wala sana akong balak bumangon at magkulong lamang sa kuwarto namin dahil sa sama ng loob na dinadala ko.
Nadatnan ko ngang nasa kusina na sila at nag-aalmusal, nagtungo ako roon na tila walang nangyari kanina lamang.
Nilingon ako ni Kelmer ng mapansin nito ang presensya ko, umupo ako sa katabing upuan ni Leimer at pinagmasdan itong kumain kahit na kakaunti na lamang ang pagkain nito at patapos na.
Umalis na agad si Azi ng matapos na siyang kumain at inihanda na ang sarili sa pagpasok, nakahanda na rin ang baon nila mamayang recess dahil inihanda na ito ni Yaya Loureiss. Sumunod namang umalis si Leimer matapos itong kumain. Ilang minuto lang ay nagpaalam na silang tatlo na aalis na at ihahatid na ni Yaya Loureiss sa kanilang paaralan.
Rinig ko ang sarkastikong pagsingkal ni Kelmer kaya napalingon ako sa gawi nito at gumuhit ang mapait na ngiti sa labi nito na hindi ko nagustuhan.
"Yan ang gusto mo diba, ikaw ang ina nila tapos ano mas marami pa ang oras nila na kasama ang Yaya nila kaysa sa tunay nilang ina, na trabaho ang inaatupag at mga katrabaho kaysa ang tutukan sila sa paglaki nila?" Sambit ni Kelmer na tila nagsisimula nanamang makipagtalo, ayoko sanang patulan ang mga pinagsasasabi ni Kelmer pero sumosobra na siya sa inaasta niya.
"Ikaw ba talaga yan ha Kelmer, naririnig mo ba ang sinasabi mo, bakit ba isunusumbat mo nanaman sa akin ang pagkukulang ko sa kanila, ako lang ba talaga ang may pagkukulang sa kanila ha?!" Saad ko at hindi na napigilang mapataas ako ng boses.
"Ang mahirap sa'yo, mahirap kang makaintinde, yan ang napakamalaki mong problema Leighna, hindi mo maiintindihan kailanman dahil sarado yang utak mo na yan!" Malakas na sigaw ni Kelmer kasabay ang pagtayo niya. Tumungo na ito sa pintuan at malakas itong isinara na alam kong sadya niya.
Hindi na ako aasang magkakaayos kami ng ganon ganon lang dahil sa hindi niya rin maintindihan ang ipinupunto ko.