Chapter 10: Chapter VIII STILL NOT OKAY

LEIGHNA

Pumasok ako ng trabaho ng walang kagana gana, tinatamad makipag-usap, tinatamad sumama kina Alie. Wala sana akong balak pumasok tutal hindi naman ganoon kastrikto si Sir Hollis lalo na kung hindi naman ganoon karami ang trabaho. Pero ano naman ang gagawin ko sa bahay, kung ako lang din naman mag-isa at walang pinagkakaabalahan.

Wala akong pakealam kung pinag-uusapan na ako ng iba namin katrabaho dahil sa hitsura ko ngayon. Wala akong pakealam kung gaano pa kamugto ang mata ko.

Nilapitan ako ni Alie, dahil siguro sa nag-aalala ito sa kalagayan ko gayong pamumugto lamang ng mata ko ang natamo ko sa pag-away na naganap sa pagitan namin ni Kelmer.

"Leighna, ayos ka lang ba, nag-away pa kayo ni Kelmer, sinaktan ka ba niya, bakit mugtong-mugto yang mga mata mo?" Sunod sunod niyang tanong marahil sa lubos na pag-aalala nito.

Sinagot ko naman ito ng hindi nagbabago ang ekspresyon sa aking mukha.

"Ayos lang ako Alie, hindi niya naman ako sinaktan, kaya huwag kanang mag-abala pang alalahanin ako, mugtong-mugto ang mga mata ko, bakit hindi ka ba umiiyak?" Saad kong may bahid ng pamimilosopo.

" Sigurado ka ba dyan Leighna, baka sinasaktan kana ng asawa mo pinagtatakpan mo lang. Nagtatanong ako kung bakit mugtong-mugto yang mga mata mo dahilan kasi ang tinatanong Leighna, oo alam kung umiyak ka pero bakit?" Inis niyang sambit, halata ang pagkainis nito sa tono ng boses niya.

"Wala ka namang dapat ipag-alala, babalik din naman sa dati ang mga mata ko, at hindi nga niya ako sinasaktan tama na ang pag-aalala at bumalik kana sa trabaho mo." Malamig kong tugon, magsasalita pa sana siya ng tawagin si ni Atticus kaya naman agad siyang umalis sa harap ko at agad nagtungo sa gawi ni Atticus.

***

Ayoko sanang umuwi at bukas na lamang bumalik sa trabaho pero si Sir Hollis na ang nagsabing umuwi na lamang ako dahil halatang hindi ko kayang magtrabaho, dahil ba sa namumugto kong mga mata? Ang babaw naman yata ng dahilan, ngunit wala na akong nagawa kundi ang umuwi na nga lang.

Wala akong ganang kumain kaya dumiretso agad ako sa kuwarto namin, hindi rin ako nakadama ng takot gayong ako lang ang mag-isa sa loob ng bahay. Matamlay kong inihiga ang sarili ko sa malambot na kutson, kasabay ang paghinga ng malalim. Hindi ko nanaman napigilan ang sarili kong huwag maiyak, matapos ang huminga ng malalim.

Wala na akong nagawa pa para pigilan sila sa walang humpay na pag-agos dahil gustong-gusto na nilang makawala, kaya hinayaan ko na lamang ang sarili kong umiyak hanggang sa kusa itong tumigil.

***

Nagising akong basang-basa ang unan sa tabi ko, dahil sa walang humpay na pag-agos ng luha ko mula sa aking mga mata.

Ilang minuto rin akong nakatingin lang sa kisame namin, nag-iisip kung bakit kailangan kong umiyak ng ganito. Simpleng away lang naman iyon ngunit bakit ganito kasakit?

Naisipan kong bumangon at manood ng tv kahit wala akong ganang kumilos ngayon.

Nakarating ako sa 1st floor at agad bumungad sa akin si Kelmer, hapon na pala. Walang pake ako nitong tinignan at nagsalita at mababakas sa tono niyang ihinto ko ang kaartehan ko kahit hindi naman ako umaarteng nasasaktan.

"Umiyak ka, para saan? 'Yon lang nasaktan ka ang babaw mo naman yata Leighna, hindi ka ba sanay sa away mag-asawa, edi dapat mo nang sanayin ang sarili mo. At saka tigilan mo nga ako sa mga paganyan-ganyan mo ang atupagin mo ang magkaroon ka ng oras sa pamilya mo lalo na sa mga anak mong napapabayaan mo na." Aniya kasabay ang paglabas ng bahay.

Wala na akong ibang nasabi pa dahil biglang umurong ang bibig ko sa pagsalita.

Ako ba talaga ang may kasalanan? Mali na ba ang sumama sa mga katrabaho ko gayong ayoko lang namang magalit sila? Hindi ko naman pinapabayaan ang mga anak ko ah. Bakit ang sakit magsalita ni Kelmer?

Napagtanto kong Sabado ngayon at Linggo na bukas, kung saan nakasanayan na naming magkaroon ng bonding, magsisimba, walang trabahong iisipin tanging pamilya lamang. Napangiti ako ng mapait ng marealize na malabong mangyari iyon bukas gayong ganito ang sitwasyon namin ni Kelmer.

Walang buhay kong isinalampak ang sarili sa sofa at binuksan ang tv, magkaroon lamang ng ingay ang tahimik naming bahay.

Wala naman akong balak manood ng tv, binuksan ko lamang ito para hindi maramdamang nag-iisa lang ako. Wala namang bago sa balita, balita pa rin medyo tumatahimik na ang isyu tungkol sa serial killer na ang tanging gusto lamang ay kasikatan sa tv, pumatay ng hindi naman niya dapat gawin. Pero kailangan pa rin nilang hulihin kung sino man itong siraulong kriminal.

Napakalakas ng volume ng tv kaya hindi ko napansing bumalik pala si Kelmer, inis nitong inihagis ang ilang gamit niya sa center table na nasa harapan ko. Nainis ako ng sobra ng aksidenteng tumilapon ang ilang gamit niya sa mukha ko kaya tuluyan na akong napabangon at walang prenong napagsalitaan siya.

"Ano ba! Nananadya ka ba ha, ano bang problema mong gago ka. Alam mong nadirito ako tapos basta-basta mo nalang itatapon yang gamit mo na yan?" Saad ko kasabay ang pagtapon ng ibang gamit malapit sa akin patungo sa direksyon niya.

Masiyado niya na akong sinasagad wala akong ginagawa nananahimik ako at basta basta nalang itatapon ang mga gamit niya sa harap ko, ganito ba siya kagalit sa akin?

"Bingi ka ba Leighna, napakalakas ng volume ng tv, at saka puwede ba huwag ka masiyadong sensitive kung ang mga sinabi ko sa'yo kahapon ang bumabagabag sa isipan mo at dahilan ng pag-iyak mo puwes tigilan mo na yang kahibangan mo at huwag mo akong sagarin!" Sagot nito pabalik, at hindi ako basta basta nagpatinag at nilapitan ito.

"Kahibangan talaga ba Kelmer, palibhasa hindi mo alam kung gaano kasakit ang mga salitang binitawan mo, at bakit Kelmer sasaktan mo ako, papatayin mo ako? Sige gawin mo tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo at huwag mo rin akong sagarin hindi mo alam ang nararamdaman ko." Inis kong sambit kasabay ng pangangalaiti ng aking damdamin.

"Huwag mo'kong subukan Leighna, baka hindi mo alam ang sinasabi mo, ang tapang-tapang mo, hindi mo pa alam ang kaya kong gawin." Saad nito at tinalikuran ako, ngunit hindi ako nakuntento at tinapon sa likuran nito ang ilang gamit malapit sa kinatatayuan ko.

Agad ako nitong hinarap at nakita ko kung paano nandilim ang mga mata ni Kelmer ng humarap ito sa akin, hindi ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko ng simulan niya ng maglakad patungo sa kinatatayuan ko. Hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko na tila nakadikit na ito sa sahig at ayaw ng gumalaw.

"Ano ba nakakaintindi ka ba ang sabi ko huwag mo akong subukan, baka gusto mong mamatay ngayon din, hindi mo pa nga talaga ako kilala Leighna, huwag mo akong SUSUBUKAN. Kaya kong pumatay kahit asawa pa kita!" Saad nito na tila ibang Kelmer ang nasa harapan ko at handa ngang pumatay ano mang oras niya gustuhin.

Bumalik ang lakas ng loob ko at buong lakas siyang itinulak papalayo sa akin. Dahilan upang mas lalong mandilim ang mga mata nito na parang ibang tao na.

"Kung kaya mong pumatay kaya ko rin kaya huwag mo rin akong susubukan Kelmer." Saad ko na mas ikinatuwa ng ekspresyon niya, tila ibang Kelmer ang kaharap ko ngayon dahil nakukuha niya pang tumawa na akala mo nagbibiro lamang ako.

Nakangiti itong lumapit sa akin kasabay ang paghawak niya buhok ko at hindi pa nakuntento sa ginawa niya, hinawakan ni Kelmer ang leeg ko at tuluyan na nga niya akong sinakal. Ibang Kelmer na ang nakikita ko, ang mga mata nitong malayo na sa mga mata ni Kelmer na napakaamo, napakadilim, nakakatakot hindi mo gugustuhing makita.

"Sinabi ko naman sa'yo Leighna, huwag na huwag mo akong susubukan, ganito ang mga napapala ng hindi marunong makaintindi, nauunawaan mo kaya dapat kanang magtanda. " Saad nitong gigil na gigil dahil sa mga ngipin nitong nagngingitngitan habang patuloy pa rin akong sinasakal kasabay ang pagkurba ng nakakatakot na ngiti sa labi nito. Hindi na ako nakakahinga at hindi na rin makalaban kahit anong pilit ko.

"K-Kelmer, h-hindi a-ako makahinga, p-please t-tama na h-indi a-ako makahi-hinga." Kinakapos kong sambit habang patuloy pa rin akong sinasakal ni Kelmer, na tila wala itong balak na itigil ang ginagawa niya.

Wala akong kahit anong lakas para lumaban dahil sa kinakapos na ako ng hininga habang si Kelmer ay tuwang tuwa pa sa ginagawa niya. Nakakatakot.

"K-kelmer, p-lease". Pagtawag ko sa pangalan ni Kelmer at umaasang bibitiwan niya ako.

Nang marealize ni Kelmer ang ginagawa niya agad niya akong binitawan at lumayo sa akin, nakita ko kung paano niya saktan ang sarili niya kasabay ang nakakatakot nitong pag-ngiti. Tila baliw na Kelmer na ang kaharap ko ngayon, hindi ko na napigilan pa ang umiyak dala ng takot at hirap huminga.

Takot na baka patayin ako ni Kelmer, masiyado siyang agresibo ngayon malayong malayo sa Kelmer na nakilala ko. Agad ako nitong nilapitan ng bumalik na siya sa tamang katinuan habang ako naman ay piliit iniaatras ang sarili palayo sa kanya.

"L-Leighna anong nangyari sa'yo bakit umiiyak ka, may nagawa ba ako?" Tanong nito na tila hindi alam ang kanyang ginawa kanina lamang. Hindi ako umimik at patuloy lang sa pag-atras hanggang sa wala na akong ma-aatrasan.

"Huwag kang lalapit sa akin, baliw ka!" Sigaw ko kasabay ang pagtulo ng luha at panginginig ng aking katawan dala ng takot sa mga bagay na maaari niyang magawa sa akin.

"A-ano bang pinagsasasabi mo Leighna, wala naman akong ginawa sa'yo ah." Saad nito habang patuloy na lumalapit sa gawi ko.

"Huwag kang lalapit sa akin!" Paulit ulit kong sigaw. Hanggang sa tuluyan na nga siyang nakalapit sa akin. Hanggang sa tuluyan ng nandilim ang aking paningin at hindi na alam ang sumunod na nangyari.

***

Napabalikwas ako ng maramdamang mahuhulog ako sa mataas na building, at naguguluhan dahil nasa kuwarto na ako, wala akong maalalang kahit anong nangyari bukod sa natulog nga ako. Pilit kong inaalala kung anong nangyari dahil sa pagkakatanda ko nanunuod akong tv at inihagis ni Kelmer ang gamit niya sa center table malapit s inuupuan kong sofa, matapos niyon ay wala na akong ibang matandaan.

Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa salas, bumungad sa akin ang walang taong salas at napakatahimik na paligid, walang Kelmer ang naririto gayong sa pagkakatanda ko ay narito siya kanina. Lumabas din ako ng bahay upang tignan kung naroon ang sasakyan ni Kelmer pero wala akong nakita.

Naguguluhan man ay bumalik na ako agad sa loob, inaalala pa rin ang nangyari kanina o kung nananaginip lang ba ako. Napatingin ako sa orasan at malapit nang mag-uwian ang mga anak ko na alam kong sa mga oras na ito ay naroroon si Yaya Loureiss upang siyang magsundo sa mga bata.

Pilit ko pa ring inaalala ang mga nangyari pero wala akong ibang maalala bukod sa nanonood ako kanina lang. Naguguluhan man ay isinawalang bahala ko na lamang ito dahil baka imahinasyon ko lamang ang mga iyon at walang Kelmer ang umuwi kanina. Bakit nga ba siya uuwi kung galit siya sa akin?

Naging palaisipan tuloy sa akin ang alam kong nangyari kanina pero naguguluhan pa rin ako kung nangyari nga ba iyon o parte lamang iyon ng aking panaginip dahil nagising akong nasa kuwaro namin ni Kelmer gayoong doon ako dumiretso kanina pagka-uwi ko.

Hinayaan ko nalang, dahil maaaring imahinasyon ko nga lang iyon o nanaginip akong ganoon ang set-up.

Maaring ganoon ko nalang damdamin ang mga salitang nasabi sa akin ni Kelmer dahil sa panaginip ay nakita ko siya.

Pero hanggang kailan nga mga magiging ganito ang pakikitungo ni Kelmer sa akin, ganoon na ba talaga kalaki ang pagkukulang ko sa kanila, masyado na ba talaga akong nawawalan ng oras sa kanila, kailangan ko na bang mas tutukan sila kaysa sa kagustuhan kong magtrabaho at tulungan si Kelmer sa pang-araw-araw naming kailangan?

Magiging okay pa ba kaya kami, magkakaayos pa ba ang hidwaan sa pagitan namin ni Kelmer? Iilan lamang sa mga tanong na hindi ko alam kung ano ang kasagutan.

Huminga ako ng malalim upang makaramdam naman ng kaluwanagan sa aking dibdib at iniisip na magiging maayos din kami ni Kelmer at huwag ng tumagal pa sa ganitong sitwasyon.